Chapter 56: Reasons
Val's POV
Habang nagpapaliwanag ako kay Thalia sa mga totoong nangyari noon, tahimik lang din itong nakikinig at kahit bakas sa hitsura nito ang pagkadismaya at lungkot pinipilit pa rin nito maging kalmado.
"Im so sorry my wife, aaminin ko naman sa'yo na nagkasala talaga ako pero hindi ko lang talaga akalain ng mga panahon na 'yon na mahuhuli mo kami sa gano'ng sitwasyon, im really sorry." I sincerely apologized on her habang nanginginig ang kamay ko.
"Pero bakit ginawa mo pa rin Val?"
I can see sadness and pain on her tentalizing eyes,'f*ck! Im f*cking hurt seeing her like this. Gusto ko siyang yakapin but i restrain myself while clenching my fist.
"Babe im so sorry, hindi ko alam bakit umabot kami sa gano'n ni Kelly. Bu f*ck! Sobrang nagsisisi ako nang sobra no'n,"
Napamura kong sabi rito, napaikot naman agad ang mata nito sa pagmumura ko.
"Val, kahit pa sabihin mo na sobra kang nagsisisi hindi na natin maibabalik ang nangyari. Ang akin lang kung ano ang dahilan mo bakit nagalit ka nang husto na nagfamily planning ako no'ng mga panahon na 'yon at bakit tinuloy mo pa rin ang pakikipag-affair kay Kelly?"
She asked. 'halos wala naman akong maisagot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang tamang dahilan.'f*ck!
"Frustrated lang marahil ako babe,"
Tanging nasagot ko! F*ck! Bigla naman itong sumimangot.
"Frustrated? Ewan ko sayo Val!" Akmang tatalikuran sana ako nito ng muli akong nagsalita.
"Im tempted babe! Marahil nadala ako sa tentasyon ni Kelly, dahil siya yung 1st love ko at kaya galit ako sa ginawa mo dati dahil nabuntis ko na si Kelly noon no'ng nag-aaral pa kami pero pinalaglag nila ng mama ko at mama niya. Kung ano-anong pills ang pinainom sa kanya para makunan lang siya! And successfully they won, kaya 'yon din ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kami ni Kelly noon."
I bluntly say. 'F*ck! Nasabi ko na rin. Hindi naman ito humarap sa 'kin at nanatiling nakatalikod. Kinakabahan naman ako ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag sa kanya.
"Nakita ko ulit si Kelly no'ng mga panahon na nag-aaway tayo at aaminin ko sa'yo na naakit ako sa kanya, lalo na sa kanyang natatanging pag-aalaga sa 'kin at sa dahil na ninais rin niya na bigyan ako ng anak, kaya marahil pumayag ako na magkaroon kami nang affair. Pero no'ng araw na nakikipag-hiwalay na ako sa kanya saka mo kami no'n naabutan _ pero hindi ko na siya mahal no'n babe _ naging marupok lang talaga ako! Swear, naakit lang ako sa kanya." Puno ng pagsusumamo kong turan. Hindi pa rin ito umimik ngunit i can hear her sobbing softly.
"Babe, im so sorry! Please --"
"Inakit ka man niya o hindi Val, sana hindi ka natukso sa kanya! Sana inisip mo rin kung ano ang mararamdaman ko no'ng mga panahon na 'yon Val, hindi 'yong pagkalalaki mo ang pinairal mo! Selfish ka masyado! Dahil sariling kaligayahan mo lang iniisip mo. Hindi mo man lang naisip kung bakit ayaw ko pa no'n magkaanak, hindi mo din inisip na kung gaano ako kasaya na ikaw ang asawa ko at kung gaano kita kamahal. Kahit sa totoo lang nasasaktan ako na makita kang naging isang domestic husband, na dapat sana nga ako ang mag-aalaga sa'yo pero baligtad ang nangyari. Tapos ngayon sasabihin mo sa 'kin na nagustuhan mo ang atensyon na binibigay sa'yo ni Kelly at pag-aalaga? Sa tingin mo ba matatanggap ko ang dahilan mong 'yon?"
Naiiyak nitong sabi sa 'kin habang nakatalikod. Napalunok na lamang ako at para akong natunaw sa sobrang kahihiyan.'f*ck!
"Alam mo ba kung bakit ayaw ko magkaanak sa'yo no'n?"
Pagkasabi nito ay hinarap niya ako at sabay punas sa mga luha na nasa pisngi niya.
"Dahil ayokong nakikita kang nahihirapan bilang house husband dahil kahit saang anggulo ko pa tingnan, responsibility ko pa rin ang alagaan ka at mahalin ka bilang asawa, at akala ko no'ng mga panahon na 'yon wala kang trabaho pero 'yon pala mayron! Nilihim mo pa sa 'kin."
Ani 'to habang napapaluha sa harap ko at halos wala akong magawa 'cause i don't want to provoke her.
"Alam mo ba no'ng araw na nag-away tayo schedule ko sana 'yon para bumalik sa Oby for depo. Pero hindi na ako natuloy dahil sa sobrang galit mo! Natakot na ako at nagmarka-bahala nalang sa maaring mangyari! Tapos ilang linggo lang nagdaan saka ko na nalaman ang panloloko mo! Kaya nagdesisyon na talaga akong iwan ka, at nang mga panahon na 'yon sobrang lungkot ko at palagi lang akong umiiyak ni hindi nga ako makausap ng magulang ko sa sobrang depressed ko! Then suddenly i felt weak and sick. I have those morning sickness at halos ayaw kong kumain no'n, mabuti nalang naroon si mama para samahan akong magpa-check sa doctor, at do'n na namin nalaman na isang buwan na pala akong buntis sa baby natin."
Mahinang ani 'to ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang labi while telling me her journey with our baby Bella.'f*ck! Bakit wala ako ng mga panahon na 'yon! Sana ako kasama niya ng malaman niyang buntis siya kay baby Bella.'damn! Im f*ckin f*ck-up.
"Babe, im so sorry i don't want to see you like this! F*ck!"
Halos napapamwestra na ako at napatayo na mula sa pagkakaupo. Akmang lalapitan ko sana siya ng bigla itong umatras pahiwatig na ayaw nitong magpalapit sa 'kin, kaya napahilamos nalang ako sa palad ko.
"Huwag ka munang lalapit sa 'kin Val please! H_hindi ko kaya!" Halos hindi tumitigil ang pagpatak ng luha niya, para naman akong sinasaksak ng patalim sa dibdib sa sobrang sakit.
"Babe, im so sorry! Im really sorry please! Hindi mo man ako mapapatawad sa ngayon but please give it a try! Kahit para kay Bella lang babe please."
Pakiusap ko sa kanya. Ayokong mawalan nang pag-asa pero sa tingin ko parang wala na nga ata itong pagtingin sa 'kin. Dahil kahit anong gawin ko hindi niya ako napapatawad and she keep on avoiding me everytime i try to be nice to her.
"Sana gano'n lang talaga kadali Val, akala ko after 3 years makaka-move on na ako at hindi na masasaktan pero i was wrong! Nandirito pa rin pala ang mga sakit na dinulot mo sa 'kin, at mas sobrang sakit pala kapag nalaman mo ang katotohanan! Oh gad! Sh*t ang sakit!"
Biglang bulyaw niya habang humakbang papalabas ng kusina at pumasok sa kwarto nito. Naiwan naman ako sa sala na tulala at nasasaktan.'f*ck! Why i need to feel this kind of f*ckin pain! F*ck, ang sakit-sakit pala kapag nakikita mong nasasaktan ang taong mahal mo! F*ck!
Napapamura ako sa sarili. At ilang sandali pa ay umalis na rin ako sa apartment nang walang paalam. I need to let out my frustrations.'f*ck!