Chapter 55: About Us

Thalia's POV

Madali naman kami nakahanap ng baby sitter para kay Bella dahil ang mga kinuha nito ay talagang hindi ordinaryong babysitter lang kundi 'yong dating sundalo at nurse ng isang infantry battalion ngunit babae.

Ewan ko ba kung bakit gano'n ang gusto niyang taga-bantay ng anak namin. Ilang linggo na rin ang lumipas at mas nagiging often na ang pagdalaw ni Val sa apartment ko para makapiling si Bella. At sa bawat pagdalaw naman nito ay palagi itong may mga dalang pasalubong. Unti-unti na rin nasasanay si Bella sa kanyang ama at minsan nga iniiyakan na niya si Val kapag ito'y aalis na kaya minsan naabutan na ng madaling araw bago makauwi si Val sa bahay nito. Palagi naman niya ako kinukumbinsi na umuwi sa bahay nito pero hindi ako pumapayag at panay iwas ako kapag tungkol na sa'min ang topic.

Hindi naman sa wala na akong feelings sa kanya pero mas pinipili kong umiwas na rin para hindi ako tuluyang makumbinsi nito na bumalik sa bahay niya. Dahil sa totoo lang mahal na mahal ko pa siya at hindi malabong mangyari 'yon, kapag nagpatuloy siya sa pagiging good father kay Bella. Alam na alam ko kung anong klaseng asawa si Val kaya mas umigting pa ang pagmamahal ko para sa kanya lalo pa't nakikita ko kung anong klaseng daddy siya kay Bella and seeing our daughter so happy and excited with her dad, makes my heart melt.

"So what's your plan now?"

Ani Seren habang nasa apartment ko at nilalaro si Bella.

"Hindi ko pa alam Seren," Tanging sagot ko rito, habang napapasandal sa sofa.

Nandirito ang mga kaibigan ko para makita si Bella at makalaro, kaya ng makita nila ito ay halos hindi na nila ito binibitawan at talagang pinang-gigigilan na nila ang anak ko.

"Huwag mo na kasing pigilan 'yang feelings mo for Val Thali." Wika naman ni Stella habang gigil na gigil sa mga hita ni Bella. Nagngingingiti lang din si Bella sa tuwa.

"Oo nga naman sissy, alam naman natin na ikaw ang mahal ni Valkyrie diba? so why endure yourself to love him back."

Ani naman ni Kath habang nakapalibot rin kay Bella.

"Ayoko nga kasing sirain ang relasyon na meron si Kelly at Val, okay? saka ito ang una niyang pamilya!" Giit ko sa kanila.

"Baka nakakalimutan mo Thali, ikaw ang legal na asawa at kung hindi ka lumayo marahil kayo ni Bella ang pamilya ngayon ni Val at kasama niya." Tracy has her point. Kung hindi ako marahil lumayo at pinaglaban ko lang si Val, sana ngayon kami ang kapiling niya ngayon. 'So mali ba talaga ang naging desisyon ko dati?,'

"So sinasabi niyo ba na mali ang naging desisyon ko dati guys?" Dismayado kong ani sa kanila, tiningnan naman nila ako na tila nahahabag.

"Hindi naman Thali, pero kung nagkataon na hindi ka lumayo marahil gano'n nga ang nangyari, but you can't blame yourself too for making that desperate decision 'cause those times you're really hurt and cheated. At kahit na sino gagawin rin ang naging desisyon mo."

Malawak na pagpapaliwanag sa 'kin ni Seren. Sinang-ayunan naman agad siya nilang apat kaya napangiti nalang rin ako sa kanila. ‘they really care about my feelings.

"Teka nga, nagkausap naba kayo ni Val tungkol sa status nila ni Kelly at sayo?"

Biglang tanong ni Sam.

"Hmm-hmm, hindi pa and unfortunately i keep avoiding on that topic kay Val, ayoko kasing nakakarinig nang tungkol sa babaeng 'yon, naalala ko lang kasi ang panlolokong ginawa sa 'kin ni Val and it's really painful, you know," I fake smile on them.

"Sissy, try to talk to him about it, para naman may ideya ka or rather may sagot kana talaga sa mga unanswered question mo na dati mo pang gusto malaman ang kasagutan." Saad naman ni Stella.

"Nakakainis naman kasi 'yang si Val! Ginagawang komplikado ang lahat dati."

Sabat naman ni Sam na halatang naiinis at nanggigigil. Siniko naman agad siya ni Kath.

"Bibig mo Samara!"

Saway sa kanya ni Kath, at napapairap naman sa kanya ang iba. Hindi ko rin naman masisisi si Sam kung mainis ito kay Val dahil may gano'n rin itong karanasan sa lalaki, kaya nga naging isa siyang single mom.

"Okay lang mga sissy,"

Nakangiti kong ani sa kanila. Ng ilang segundo lang ay umiyak nang bigla si Bella kaya halos magkandaugaga kami sa pagpapa-tahimik rito. Ngunit kahit anong gawin namin ay hindi pa rin ito natatahimik. Nang biglang may nagbukas ng pinto at si Val ang nagpakita.

"Anong nangyayari rito?"

Nakapameywang nitong tanong sa'min. Halos nagtuturuan naman silang lima kung sino ang salarin sa pagpapaiyak kay Bella. Agad naman akong pumagitna at kinuha si Bella mula kay Tracy saka pinasa kay Val.

"Bigla lang siyang umiyak Val, at halos hindi namin alam kung ano hinahanap niya." Binuhat naman agad nito si Bella saka dinuyan-duyan. Nang ilang saglit lang ay tumahimik agad ito at napasuso sa hinlalaking daliri niya.

"Ako na magpapatulog," Saad agad ni Val habang papasok nang kwarto ko habang buhat-buhat si Bella. Napaawang naman ang mga labi namin at halos speechless kami.

"Daddy's girl ata si Bella Thali."

Tanging nasambit ni Kath.

Napatango naman kaming lima bilang pag sang-ayon. Hindi nagtagal ay sabay-sabay na silang nagpaalam dahil gumagabi na rin at may kanya-kanya pa kaming gagawin. Kaya ako, si Val, at Bella nalang ang naiwan rito sa apartment dahil ang babysitter ni Bella ay pinag-day-off ko na muna dahil close naman ang shop.

Magluluto na sana ako ng narinig kong may lumabas mula sa kwarto.

"Ako na ang magluluto babe,"

Wika ni Val habang pumapalapit sa 'kin. Napatigagal naman ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Lalo pa at ilang dipa nalang ang pagitan namin.

"Hey! Are you okay?" Biglang tanong ni Val. Napalunok naman ako dahil sa kakaibang kuryente na nararamdaman ko ngayon.

"Ah _yeah!"

Nanginginig kong sagot rito. When he instantly pinned me on the fridge door. And I can feel intense heat on my body that makes me gasped softly.

"Your still sensitive on me my wife," Pagkasabi nito ay bigla ako nitong hinalikan sa labi na mas lalong kinahina ng katawan ko ngunit nagpasiklab ng desirement ko rito.

"No!" Biglang sambit ko sa loob ng bibig nito, napatigil naman ito sa kanyang ginawa at kumalas sa 'kin.

"Anong problema?" Kunot-noo niyang tanong sa 'kin. Inayos ko agad ang sarili ko at humalukipkip rito.

"Ikaw ang problema ko Val!"

Sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang napasuklay sa kanyang buhok, at bakas sa hitsura nito ang pagkairita.

"Bakit may ginawa ba akong mali? Is it wrong to kiss my wife?" Turan niya habang napapamwestra sa ere. Gusto kong kiligin pero pigil ko ang sarili.

"Val that's not about it!" Pabuntong-hininga kong sagot sa kanya.

"So ano?" Naguguluhan nitong tanong.

"We should talk about us! me, you and Kelly!" I bluntly say, nagsalubong naman agad ang kilay nito.

"About what babe?" Mahinang tanong nito ngunit may halong inis sa boses nito.

"I want to know everything about what has happen to you and Kelly at kung anong nangyari sa inyo no'ng iniwan kita." Naging tulala naman ito and no words at all.

"A_are you sure you want to hear me now? I mean gusto mo ba t_ talagang malaman ang mga naging rason o--"

"Yes! All of it, at magiging gano'n din ako sa'yo."

Mahina kong sambit sa kanya. He heavily breath and take a seat on the stool bar habang ako naman din ay nasa island counter infront of her.