Chapter 57: Still hurt

Thalia's POV

Totoo nga ang sinasabi nila mas masakit nga tanggapin ang katotohanan kesa sa kasinungalingan. Akala ko kaya kong tanggapin lahat nang sasabihin ni Val sa 'kin pero nagkamali ako at talagang nasasaktan ako sobra! Lalo na no'ng sinabi niya na first love niya si Kelly at nabuntis niya rin ito dati.'sh*t! Para akong kinatana sa puso sa sobrang lalim nang pagkakasaksak.

Bakit hindi niya nagawang ikwento sa 'kin ang lahat ng 'yon dati? Gano'n ba talaga kahirap ako paintindihin no'n! Kaya hindi niya ako kayang kausapin tungkol sa nakaraan niya? Kailangan ba talaga mag-hold back siya sa nakaraan niya para magawa akong lokohin? Ang laking tanga ko naman na nahulog agad ako sa kanya.

Halos buong gabi akong umiiyak nang tahimik sa sulok habang si Bella ay himbing na himbing naman sa pagtulog. Gusto kong umuwi at bumalik sa mga magulang ko pero hindi ko magawa dahil sa galit nila sa 'kin, gusto ko munang lumayo pero kanino naman ako pupunta? Sino pupuntahan ko sa ganitong pagkakataon.

----

Mahinang katok ang ginawa ko sa labas ng pinto ni Sam habang buhat-buhat si Bella, nagbukas naman agad nang pinto si Sam at madali akong sinalubong saka pinapasok, mabuti nalang talaga at sleepyhead si baby Bella kaya hindi ito nagigising kahit anong ingay sa paligid niya. Pagkapasok ko ay nilapag ko agad ito sa kuna na hinanda ni Sam at pagkatapos lumapit ako kay Sam sa sofa saka ito niyakap habang humagulgol nang iyak.

"Wala na akong ibang naisip na pwedeng mapuntahan Samy, kundi ikaw lang."

Hagul-gol ko sa balikat niya. Hinagod-hagod naman nito ang likod ko.

"Okay lang Thali, naiintindihan kita, iiyak mo lang sissy." Ani 'to, ilang sandali pa akong napapaiyak sa balikat nito hangang sa napagod na rin ako sa at nagkaroon na ng lakas ng loob na magsalita sa kanya.

"Ano ba ang nangyari Thali? Bakit ba palagi kana lang umiiyak kapag nagkakasama kayo ni Valkyrie? Sinasaktan kaba niya!?" She bluntly asked. Napayuko naman ako saka bumuntong hininga.

"Im hurt emotionally Samy, sobrang sakit lang tanggapin ang katotohanan na mas una niyang minahal si Kelly kesa sa 'kin!"

Aniko habang unti-unti na namang namumuo ang luha sa aking mga mata.

"Ano!? A-ano ba ibig mong sabihin Thalia?"

Naguguluhan nitong tanong.

"Kelly was her first love Samy and she got pregnant when they was in college but unfortunately they lost their baby,"

Panimula ko rito. Samara's lips parted and i guess she's shock!

"WHAT!? p_paano? And how did you know about it!?" Tanong nito na tila puno ng kyuryusidad.

"Kaya pala siya galit sa 'kin no'ng nalaman nitong magpa-family planning ako dahil sa ex niyang si Kelly, dahil sa mga kung ano-anong pills at pampalaglag ang pinag-iinom nito kaya nalaglag ang anak nila." Paliwanag ko.

"So he's still holding unto his past? Kaya siya nagalit nang gano'n, parang napaka-unfair naman no'n." Bakas ang inis sa boses nito. Napatango nalang rin ako bilang pagsang-ayon.

"Tapos tinanong ko siya kung bakit niya nagawa 'yon, ang sagot niya nadala lang siya sa tukso! May gano'n ba!? Nadala pa rin ba sa tukso ang pagkakaroon ng anak sa naging kabit niya!?" Panay pa rin sa pagtulo ang luha ko habang si Sam naman ay panay himas sa likod ko at matiyagang nakikinig.

"Tahan na Thali, baka magising si baby Bella." Pahinahon sa 'kin ni Sam.

"Anong gagawin ko Samy? Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin!" Naguguluhan na talaga ako at feeling ko tuloy mali lahat nang nagiging desisyon ko.

"Thali, may nanatili pa rin bang pag-asa riyan sa puso mo?"

She seriously asked and look at me without blinking. Napabuntong hininga na muna ako bago sumagot.

"Slight Samy,"

Pag-amin ko rito, talagang may kaunti pang pag-asa ang natitira sa'kin. Pag-asa na kami ang mas pipiliin ni Val kesa kay Kelly. Pag-asa na kami ang mas magiging priority niya kesa sa kanila, pag-asa na ako ang totoong mahal niya kesa kay Kelly. Im still hoping and holding unto it.

"So be it sissy 'yang pag-asa na yan ang magbibigay sa'yo ng dahilan para bigyan ng pagkakataon si Val na patunayan ang kanyang totoong hangarin at plano para sa inyo, dahil alam natin pareho kung gaano ka kamahal ni Valkyrie Thali, marahil nagbago nga ang sitwasyon niyo ngayon but that sparks still their right?"

Turan ni Sam sa 'kin.

"Hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko para kay Val Samy, alam niyo 'yan." Saka bumuga ng malalim na paghinga.

"Ayoko lang ipakita at iparamdam sa kanya dahil ayoko ngang umasa na gano'n rin siya sa 'kin, lalo pa't wala nga akong alam kung ano na ang nangyari no'ng mga panahon na iniwan ko siya ng walang paalam." Ani 'ko.

"It's his choice sissy, kung sasabihin niya ba ang nangyari sa kanya no'ng mga panahon na 'yon o hindi. Ang tanong kaya mo bang tanggapin ulit ang katotohanan sa sasabihin nito o mas lalong ikakadismaya mo."

Ani Sam habang napapayuko na tila naguguluhan rin ang isipan. Alam ko may problema rin siya, pero heto ako dumagdag din sa iisipin niya. Kaya napagpasyahan ko nalang ang manahimik at ayusin ang sarili saka marahang ngumiti.

"Magpahinga kana Samy, alam ko pagod ka. Pasensya rin pala sa istorbo, don't worry hangang bukas lang kami rito ni Bella." Ani 'ko ng nakangiti. Hinawakan naman agad nito ang aking mga kamay at pinisil.

"It's fine Thali, mas okay nga 'yon na may kasama ako rito at si Haiden." Ani 'to ng nakangiti. Si Haiden ang anak ni Samy sa kanyang dating nobyo.

"Salamat sissy." Pasalamat ko. Ng biglang tumunog ang cellphone ko at unknown number ang caller nang tingnan ko, kaya sinagot ko naman ito agad.

"Hello, sino 'to?" I asked.

"Si Kent ito Thalia, 'yong asawa mo narito sa presinto lasing na lasing at nagwala sa bar kanina kaya napunta kami rito, ipapasundo kita diyan sa driver ko, para mapuntahan mo siya rito."

Agad na sagot ni Kent sa'kin. Napaawang naman agad ang labi ko na nakatingin kay Sam, habang napatango lamang 'to sa 'kin hudyat na puntahan ko si Val roon.

"Wala ako sa apartment narito ako kay Samara," Sagot ko agad,

"I know," Maikling sagot nito, nagsalubong naman agad ang kilay ko sa sinabi nito, how did he know?

"Sige na, bye!"

Magtatanong pa sana ako pero bigla nitong binaba ang tawag. Totoo nga ang sabi ni Seren na masungit ang asawa niya sa kahit na kanino.

"Puntahan mo na si sissy, ako na bahala kay Bella." Ngiting turan ni Samara sa 'kin.

"Thank you sissy,"

Ngiting pasalamat ko. Narinig niya lahat kanina dahil ni loudspeaker ko ang phone. Hindi na rin ako nagbihis dahil narinig ko na ang busina ng kotse na nasa labas nang bahay ni Sam. Kaya madali akong lumabas at sumakay rito. Mabilis naman pinaharurot ng driver ni Kent ang kotse.

Bakit ba ang hilig ni Valkyrie sa gulo!? Issh! Jusko ewan ko talaga sa lalaking 'yon.