Chapter 47: 3 years passed
Thalia's POV
The moment i stepped out on Val’s house, talagang tuluyan nang bumigay ang aking mabibigat na pagluha at napahagulgol nalang sa daan habang hila-hila ang aking maleta.
Gusto kong balikan ito sa loob at yakapin, ngunit sa tuwing naalala ko ang panloloko nito, napapaatras ako. Kaya't nagpatuloy ako sa paglakad hangang sa makakita ako ng taxi at sumakay rito.
'I need to stay away from him forever! Dahil kahit anong pilit kong lawakan ang isipan ko na intindihin siya hindi ko magawa, dahil mas nakatatak sa 'kin ang panlolokong ginawa niya.
Alam kong hindi ako pwedeng manatili rito sa manila dahil mahahanap at mahahanap pa rin ako nito. Kaya ang naging option ko is umuwi nalang sa probinsya para makapiling ang mga magulang ko. Mahaba-habang eksplenasyon man ang magagawa ko sa kanila atleast Sa ngayon sila muna ang kailangan ko higit sa mga kaibigan ko. Nang pumasok sa utak ko ang mga bestfriends ko, isa-isa ko silang tinext at nagpaalam sa kanila.
Sa ngayon buo na ang pasya ko na layuan at iwan na si Val. Dahil alam ko na hindi ko kayang ipilit ang sarili ko na pakisamahan pa siya, at kapag nakapag-desisyon na ako talagang hindi ko na'to babaguhin o babawiin. No matter if it's wrong or right! Ang mahalaga, pinaninindigan ko ang aking naging pasya.
---
3 years passed.
Nasa probinsya pa rin ako at naging masaya at madali ang buhay ko rito. Ang laking pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil sa kabila ng pagkakamali ko sa buhay hindi nila ako pinabayaan at mas lalo nila akong minahal.
Tinanggap pa rin nila ako nang buong-buo, kaya simula no'n mas nagsumikap ako at sa ngayon hindi na ako isang empleyado kundi isang entrepreneur. May negosyo na rin ako at salamat rin sa suporta ng mga kaibigan ko dahil kahit malayo ako hindi nila ako kinakalimutan. At dinadalaw rin naman nila ako rito sa probinsya kahit isang beses lang sa isang taon.
"Thali!" I snapped into reality when somebody called my name, kaya nilingon ko ito at si Seren pala ito. Mabilis ako nitong nilapitan at niyakap.
"Hi sissy, i missed you." Bakas ang kasiyahan sa mukha nitong pagbati sa 'kin.
"I missed you too Seren," I pleasantly smiled.
Inaya ko itong umupo sa harap nang mesa ko. Nasa prints and decors kasi ako ngayon na opisina ko. Alam na rin kasi nito kung saan ang shop ko.
"Pasensya kana pala kung hindi ako nakapunta sa kasal niyo ni Kent ah' alam mo naman diba."
Paghingi ko ng paumanhin rito. Sa loob kasi ng tatlong taon may kanya-kanyang lovelife na ang mga kaibigan ko at kahit si Seren may mga pinagdaanan rin sa loob nang tatlong taon na 'yon, kaya bago lang din sila kinasal.
"Okay lang sissy, naiintindihan ka namin."
Nakangiting marahan nito sa 'kin.
Kahit ilang taon na ang lumipas, si Seren pa rin ang may pinakamagandang ngiti sa aming anim.
"Kumusta naman na kayo ni Kent? Okay naba talaga kayo? I mean--" Nag-aalangang tanong ko sa personal na buhay nito.
"Were fine now Thali, napatawad ko na rin siya sa mga naging kasalanan niya. Ayoko rin magtanim nang sama ng loob sa kanya dahil 'yon ang makakasira sa'min."
Ani 'to habang marahan na nakangiti. Alam kong may kaunting kirot pa rin sa puso nito pero mas pinanatili kong maging tahimik sa usaping 'lokohan!'
"By the way, ayoko sana itong itanong Seren pero _ is still Val working for Kent as his cyber security agent?"
Nag-aalangan pa akong itanong ito pero binabalot ako ng kyuryusidad ko eh' at para hindi halata na interesado ako, binaling ko ang atensyon ko sa laptop ko, to look uninterested with this conversation.
"Nope sissy," Pabitin nitong sagot. Nagulat man ako pero pinilit kong maging kaswal sa harap nito.
"Gano'n ba, hmm! Sabagay hindi na nakalagulat 'yon Seren. Basagulero 'yon eh! Tiyak akong nilulong niya ang sarili niya sa mga kasamahan niya sa gang."
Marka bahala ko kunung reaksyon.
"No sissy, matagal nang nabuwag ang gang saka si Val ang dahilan no'n, kaya napagpasyahan nalang ni Clark buwagin nalang 'yon at magbagong buhay."
Marahan nitong paliwanag sa 'kin, habang pinagmamasdan ang designer book ko na nasa harapan nito.
"Wow ah' it's shocks me sissy," Pasimple kong turan rito.
"Sa pagkakaalam ko, kinuha na nito ang posisyon nang ama niya sa pagiging Presidente ng kompanya at sa ngayon siya ang kasosyo ni Kent para sa bago nilang negosyo."
Further explanation pa rin ni Seren. And i was so speechless at this moment. The badboy that i married a year ago is now one of the richest in town? young president. 'woaw, good for him.
"I see, well good for him atleast masu-sustained na niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya, if he does have his own family."
May hinanakit sa tono ko. 'aaminin ko nasasaktan ako! Pero pinanindigan ko pa rin ang pag-iwan sa kanya. For me 'CHEATER IS ALWAYS A CHEATER!'
"Sissy, may anak siya pero wala siyang asawa." Nakakabiglang pag-amin ni Seren sa 'kin. Napakunot naman bigla ang noo ko at napatitig sa kausap ko.
"What? May anak pero walang asawa? How could that be!?" Im getting confused now.
"Thali, nagka-anak sila nang babae niya."
Tila nag-aalala pa nitong ani sa 'kin.
"Bakit hindi niyo ito nabanggit sa 'kin?"
Gulat kong reaksyon sa rebelasyon nito.
"Sissy, huminahon ka muna okay? Ayaw naming pangunahan ka kaya hindi kami nagkukwento sa 'yo, dahil nga sabi mo ayaw mo ng makarinig nang tungkol sa dati mong asawa." Ani Seren. Natahimik naman ako at napakagat-labi sa hiya.
"S--sorry, im just carried away!"
Nahihiya kong pag-amin, ngumiti naman ito at sinara ang designer book ko.
"Siyanga pala kaya ako nandito, kasi gusto kong maging kasosyo mo." Ani 'to. Naningkit ang mata ko at marahan akong napangisi rito.
"Talaga sissy?" Ani 'ko.
"Yap!" Nakangiting sagot nito. Halos mapatalon ako sa tuwa at mabilis na inakap ito kahit nakaupo pa ito.
"Thank you sissy," Maligayang pasasalamat ko.
"Your welcome," Ani 'to.
"Sige pag-usapan natin." Pagkasabi ko ay umupo akong muli at umayos rin ng upo si Seren.
"Pwede mo bang isama sa prints and decors ang mga pastries ko? You know what i mean." Ani 'to.
"Oo naman, habang ako sa mga decorations para sa mga events, ikaw naman na bahala sa mga sweets, isasama ko na siya now sa package bundle nai-ooffer ko sa mga magiging costumers natin. Para hindi na sila maghanap pa nang gagawa nang cakes o ano pa."
Nakangiting paliwanag ko rito. By the way ito ang naging negosyo ko, nagpri-prints ako ng mga tarps at any kind of cards, at ako rin ang nagdi-designed if may gustong magpa-decorate sa 'kin for any events. Ganito kasi ang trabaho ko dati sa Manila, pero malaking printing and designer bags, shoes and dress, ang mayroon sa kompanya na pinasukan ko noon.
"Salamat sissy, pero gusto ko sana umabot tayo hangang Manila." Mabilis na insiste ni Seren. Nagsalubong naman agad ang kilay ko rito.
"Ha? Gusto mo mag-extend tayo sa Manila sissy?"
"Yap, bakit ayaw mo? Thali." Tila dismayado nitong turan sa 'kin.
"Amm, hindi naman p_ pero baka,,--"
Nag-aalangan kong sabihin ito. Pero sa totoo natatakot talaga ako na baka muling magkita ang landas namin ni Val.
"Don't worry, Valkyrie is a different person now, and besides hindi kana man niya siguro guguluhin dahil matagal na kayong wala diba?" Nakangiting turan nito sa 'kin. Marahan naman akong napatango at napatitig rito.
"Akong bahala sa lahat,"
Sabay kindat ni Seren sa 'kin.'alam nito na wala pa akong sapat na pondo para mag-expand nang negosyo, lalo pa't Manila ang lokasyon. Kaya marahil aakuin na nito ang lahat.
"Thank you."
I mouthed her silently, nginitian lang din naman ako nito.