Chapter 48: She’s Back

Val's POV

Nung araw na iniwan ako ni Thalia, sobrang gulong-gulo ako at halos hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Sinubukan ko itong habulin at hanapin ngunit hindi ko na ito nahagilap. Kaya lahat nang mga kakilala nito pinuntahan ko at pinagtanong kung alam ba nila kung nasaan ang asawa ko. But none of them wasn't able to answer my question. Alam kong may alam sila pero ayaw lang nila sabihin sa 'kin dahil matindi rin marahil ang galit nila sa 'kin dahil sa ginawa ko sa matalik nilang kaibigan. Wala akong ibang naisip na lapitan kundi si Clark at Kent nalang.

Kinausap naman nila ako at alam kong sinusubukan nila akong pakalmahin at ayusin ang sarili ko. Ngunit ilang araw at buwan akong nalulong sa alak at bawal na gamot. Talagang halos inaaraw-araw ko na para lang manataling gising at alerto palagi. Dahil gusto ko gising at buhay na buhay ako if ever na maisipang bumalik nang asawa ko sa 'kin. Ngunit, I expected too much. Hangang sa dumating na sa puntong palagi na akong dinadalaw ni Kent at Clark sa bahay dahil sa sobrang lulong na 'ko. at 'don na naisipan ni Clark na buwagin ang gang dahil sa 'kin, sobrang lulong na ako sa bisyo at halos hindi na nila ako makausap nang matino.

Kaya si Kent na mismo ang tumawag sa mga magulang ko at pinabalik ako sa Spain. Habang si Kelly pala no'ng mga panahon na 'yon ay nagdadalang-tao na sa anak namin, kaya panay dikit pa rin nito sa 'kin kahit nasa Spain na ako. At kahit pinapayuhan na siya ni Kent at Clark na hayaan muna akong mapag-isa at lumayo muna sa 'kin. Hindi pa rin ito nakinig at nagpatuloy sa katigasan nang kanyang ulo. Hangang sa naisipan nang mga magulang ko na ipagsama kami muli sa iisang bahay.

Pero araw-araw puro pagtatalo ang nangyayari sa amin at nagiging bayolente na ako sa kanya. Dumarating na sa point na nasasampal at nasasaktan ko na talaga siya sa sobrang galit, dahil hindi ko nga matanggap na iniwan ako ng taong mahal ko dahil sa kanya. Dahil sa pagkakamali ko na kasama siya. Kaya ilang buwan pa ang nagdaan, magulang ko na ang nag-desisyon na ilayo si Kelly sa 'kin. Habang ako mas nagiging bayolente at f*ck up. Lahat nang taong makita ko na banta sa 'kin talagang sinasaktan ko physically.

Hanggang sa si Kent na ang nagpasya na dalhin ako sa isang psychiatrist at iparehab. Nung una ayaw ko pa at talagang kahit siya inaaway ko na, ngunit pinipilit pa rin niya ako at talagang hindi niya ako pinabayaan. Siya ang dahilan kung bakit nagpagamot ako, dahil kapag magulang ko ang kukumbinsi sa 'kin talagang mahihirapan sila dahil hinding-hindi ko sila pakikinggan.

Halos isang taon rin akong nasa rehabilitation facility, at 'don ko narealized ang lahat-lahat nang pagkakamaling nagawa ko. Kaya sobrang laki nang pagsisisi ko dahil kung hindi ako nagpadala sa emosyon ko at sa nakaraan ko, marahil kasama ko pa rin sana ngayon si Thalia. Sana hindi ko siya namimiss nang ganito ngayon, sana nakabuo na ako ng matatawag kong pamilyang tunay. Siguro ngayon magkakaanak na kami at sobrang ligaya ko na ngayon kapiling sila.

Pagkalabas ko ng rehab, pinag-aralan ko ang pamamahala ng kompanya kaya no'ng natuto ako. Pinasa sa 'kin ni papa ang posisyon nito at ngayon ako ang namamahala sa tech company namin, wala na rin'g magagawa ang mga kapatid at mama ko dahil mas malaki ang share ko sa kompanya dahil sa 'kin binigay ni papa ang shares nito. Wala naman talagang ibang gusto si papa kundi ang mapabuti ako at mapangalagaan ang kompanya nito. Kabaliktaran naman sila ni mama dahil si mama ang masyadong nakikialam sa personal kong buhay.

---

3 years past....

Naging isa ako sa mga richest man in town pagbalik ko ng pilipinas, at mas nakilala ang tech company dahil sa nagsanib pwersa ang kompanya ko at ang kompanya ni Kent. Kaya mas lumago at mas yumaman ang kompanya.

Binenta ko ang dating bahay na tinitirhan ko dahil sa mga masamang alala na naroon, kahit naging love nest namin 'yon ni Thalia, marami pa rin akong masasamang alala roon na pinipilit ko nang ibaon sa limot. Kaya bumili ako ng bagong bahay, at hindi lang basta bahay dahil buong isla na ang binili ko. Katabi lang din nang nabiling isla ni Kent at Seren.

Kaka-kasal lang nila and im really happy for them. Minsan naisip ko rin na kung hindi lang ako naging disperado na pakasalan si Thalia sana ngayon ganito rin ang magiging kasal namin. 'oo kinasal nga kami pero alam kong napilitan lang siya dahil wala naman siyang kaalam-alam sa marriage contract na pinirmahan niya. 'how i wish i could see her again, i do really missed her so much! Sinusubukan kong tanungin si Kent na ipagtanong niya kay Seren ang tungkol kay Thalia ngunit ang palaging sagot nito, hindi raw alam ni Seren. Pero alam kong ayaw lang talaga nila ipaalam sa 'kin, and i know its for the better, Kaya hindi ko na rin pinipilit.

Habang ang anak ko kay Kelly na si Zion ay salitan naming inaalagaan, alam kong may pagtingin pa rin si Kelly sa 'kin at sinusubukan nitong mag-reach out sa 'kin. Pero talagang wala na akong nararamdaman sa kanya at wala akong ibang gustong makasama, kundi ang asawa ko na si Thalia. Dahil sa totoo lang asawa ko pa rin naman siya at alam kong magkikita at magkikita pa rin kami balang araw. Kasal pa rin kami sa mata ng mga husgado, dahil wala kahit ni isa sa 'min ang nag-file ng annulment, dahil wala naman rin'g divorce rito sa pilipinas. Hindi ko alam kung bakit hindi ito ginawa ni Thalia, pero masayang-masaya ako dahil hindi niya naisipang gawin 'yon.

"Your laughing like a fool dude."

Napakunot naman agad ang noo ko sa taong nagsalita mula sa likod ko kaya nilingon ko ito and saw Kent standing infront of my desk.

"What the!--" May binitawan itong folder sa mesa ko at nginusuan lang ito, kaya dinampot ko ito at binuksan.

"Fvck!" Mura ko.

"Is that so!" Maikling saad nito habang napaupo sa visitors chair.

"Did you see her?" Halos 'di ko makapaniwalang tanong rito.'damn! My wife Thali!" Napapangiti kong sambit sa utak ko.

"I didn't see her, asawa ko ang kumuha ng picture niyang 'yan tapos binigay sa 'kin, nasa Manila lang naman ang asawa mo."

He casually say. Parang gusto ko tuloy magwala sa sobrang tuwa pero pigil ko ang sarili ko. Dahil kaharap ko ang baliw na si Kent.

"May iba pa bang sinabi o sinend sa'yo ang asawa mo?" Tanong ko rito habang pinagmamasdan ito na abala sa kanyang phone.

"Magkasosyo sila ng asawa ko, at saka may negosyo na ang asawa mo at alam mo ba na asawa ko ang gumastos sa extension nang bussiness niya rito sa Manila? kaya dapat bayaran mo ako." Ani 'to. Nagsalubong naman agad ang kilay ko rito.

"F*ck! Bakit ikaw ang babayaran ko? Eh' pera 'yon nang asawa mo!" Pabirong sagot ko pero nasa seryosong tono at hitsura ko.

"Tss! Pera ko pera niya, pera niya pera niya pa rin. And since wala siyang alam sa usapan na'to, dapat sa 'kin ka magbayad remember? May kasama pang impormayon ng asawa mo ang dala ko sa'yo."

Walang bahid nang biro nitong turan, kaya kinuha ko ang cheque ko at akmang magsusulat na sana ako ng pinigil niya kamay ko.

"Hindi ko sinabing pera ang ibayad mo Val, aanhin ko yan? Eh' mapera naman ako."

Pagma-mayabang pa nito. Kahit kailan talaga napaka antipatiko ng taong 'to.

"Akala ko ba pera pinag-uusapan natin rito? Tss! Ano pala gusto mo?" Seryosong tanong ko.

"Kunin mo ulit ang asawa mo Val. Let her stay with you forever. 'yan ang gusto kong kapalit."

He looked at me with his serious expression. Kaya napalunok nalang ako at napailing, and sarcastically smiled on him.

"Okay deal," Sagot ko.

"Fine,"

Ani 'to sabay tayo at hakbang papalabas nang office ko. Alam kong antipatiko at masungit si Kent. Ngunit may katangian siya na malayong-malayo sa kanyang pinapakita sa karamihan. No one knows how kind of friend Kent is. Ako at si Clark lang ang nakakaalam no'n. Nang muling sumagi sa 'king isipan ang asawa ko.

Finally! Nagbalik na rin si Thalia. I'll chase her again and force her to be back in my arms again.