Chapter 46: Over

Val's POV

Gusto kong magwala dahil sa sobrang kahihiyan at kagaguhan na nagawa ko sa asawa ko. Dahil sa 'kin nasaktan ko siya! Dahil sa 'kin napaiyak ko siya! Dahil sa 'kin nagka-kasakit ito! Nang dahil sakin nagkagulo ang buhay niya! Im like a walking disaster on her life. 'f*ck!'

Mabilis nitong inimpake ang kanyang mga damit sa maleta at nang matapos ito, hindi na ito nagbihis saka malalaking hakbang na lumabas sa aming kwarto. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw nito kanina hangang sa makalabas ito. Gusto ko siyang pigilan at magmakaawa sa kanya, pero hindi ko nagawa! Mas umiral ang takot at pag-aalala ko na baka mas tuluyan niya akong iwan kapag nagpumilit ako.

'But fvck! Who cares!?' Mabilis ko siyang sinundan sa sala at naabutan ko pa nga ito roon.

"Babe please! Please! Hear me please."

Halos napapaluhod na ako sa pagmamakaawa sa kanya.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan ha! Val?" Galit at umiiyak pa rin ito.

"No! I won't, unless you'll give me a chance to explain." Halos napapasigaw na ulit ako rito.

"Bakit naman kita pakikinggan? Rinig na rinig ko na ang lahat 'don sa love nest niyo nang babae mo!" Sigaw nito sa 'kin habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

"Babe, kung ano man 'yong narinig mo, aaminin ko! Pero pakinggan mo naman ako. Para mas maipaliwanag sa'yo ang lahat, please! Asawa mo ko, you should hear me." Napapamwestra na ako sa ere upang mapakinggan lang niya.

"Asawa? Alam mo naman pala na may asawa ka tapos bakit nagpadala ka pa rin sa tukso!? KULANG BA AKO HAH! VALKYRIE! Ginawa mo akong tanga Val, alam mo ba 'yon? Habang nag-aalala ako sa sitwasyon natin, ikaw pala iba ang inaalala! Tapos gusto mo pakinggan kita? Bakit? Nung sinusubukan kong magpaliwanag sa'yo tungkol sa family planning ko nakinig kaba? Even a single word!? Diba wala! At halos kamuhian mo ako dahil lang 'don! Pero 'yon pala, ikaw itong dapat na mas magpaliwanag dahil sa dami mong lihim na itinatago sa 'kin!"

Bulyaw nito sa 'kin na bakas na ang galit sa bawat pagkakabigkas nito ng salita at napapamwestra na rin ang kamay sa ere. Hindi na ako makaimik at talagang out of words na ako! Dahil lahat nang mga sinabi niya ay totoo.

"Babe! Listen." Ani 'ko habang napapamasahe sa batok ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ayokong mas tumindi pa ang galit nito sa 'kin kaya pilit kong huminahon.

"Ano!?" Galit ang tono nito.

"Maiintindihan ko kung hindi mo ako kakausapin, pero huwag mo naman akong iiwan my wife! please! dito kana muna sa bahay natin babe," Pakiusap ko rito, mabilis naman nagbago ang ekspresyon nang hitsura nito at hindi na umimik.

"Babe?" Tawag ko.

"Ano?" Galit nitong sagot.

"Please stay!" Pakiusap ko ulit rito.

"Gano'n naba talaga karupok ang tingin mo sa 'kin Val? Sa tingin mo ba sa konting lambing lang magiging okay na tayo? Tanga naba talaga ang pagtingin mo sa 'kin ha!?" Sabi nito habang nagbabadya na naman ang luha nito na tumulo. ‘hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pag-iisip niyang 'to, pero pinilit kong intindihin siya para makapag-usap kami nang maayos.

"Babe, kahit kailan hindi ko inisip na tanga ka, marahil naging tanga ka nga! Pero dahil sa 'kin _ naging tanga ka dahil sa pagmamahal sa isang gaya kong gago! Tanga ka dahil minahal mo ang isang tulad ko na mapanakit at puro gulo ang dala sa buhay mo. _ pero kahit kailan hindi ko inisip na tanga ka. Dahil alam ko kung gaano mo ako minahal at inintindi on behalf of my bad and f*ck up attitude!"

Sinserong paliwanag ko rito, at ilang sandali pa mas napahagulgol pa ito ng iyak. Akmang yayakapin ko sana ito pero humakbang ito paatras at iniwasan ako.

"Huwag!"

"Bakit? Bakit hindi mo ako hayaan na yakapin at pakalmahin ka my Thali?"

Gusto ko ng mainis at magalit sa kanya, ngunit alam ko wala akong magiging laban rito dahil mas malaki ang kasalanan ko sa kanya.

"Sobrang nasasaktan ako kaya 'wag kang umasa na makakaya kitang lapitan, hindi ko lubos akalain that you cheated on me! Kaya pala naging balisa ka dahil NAGLOKO KA! NILOKO MO AKO!" Malakas nitong sigaw na halos umalingawngaw sa buong bahay. 'ngayon ko lang ito narinig na sumigaw nang ganito at magalit nang matindi. At habang nakatingin ako sa kanya talagang nasasaktan rin ako dahil ako ang dahilan nito.'f*ck!

"Babe, im so sorry! Please im beggin you! Hayaan mo _"

Lalapitan ko sana ulit ito ng bigla niya akong nilapitan saka malakas akong sinampal sa pisngi habang umiiyak.

"No! No! No! Tama na Val, ayoko na! Pagod na pagod na ako! Hindi ko na alam kung kaya paba kitang kausapin sa kabila ng mga ginawa mong panloloko! Hindi ko na kaya Val, gusto kong kumapit pero durog na durog ako ngayon! Ang s_sakit!"

Nahihingal nitong sabi habang pinagpapalo ang dibdib ko. Dama ko ang galit at pagkamuhi sa bawat suntok na pinapakawalan nito sa dibdib ko. Hindi na rin tumigil ang mga luhang pumatak sa pisngi nito. 'I really hate myself for making her cry like this.'

"Babe tama na please! Kausapin mo ako at pakinggan please." Pakiusap ko na puno ng pagsisisi.

"Hindi na Val, im leaving you! Pagod na ako! Pagod na pagod! Tama na ang mga gulong naidulot mo sa buhay ko! Ayoko na." Kaagad itong dumistansya sa 'kin at hinugot ang singsing mula sa daliri nito saka tinapon sa 'kin.

"We're over!"

Sabay lakad. Halos nanigas ang buong katawan ko sa sobrang gulat at pagsisisi. 'f*ck! Iniwan niya nga ako! Im really f*ck-up! Im a bigtime f*cking f*ck-up. Paulit-ulit kong mura sa sarili habang napaupo sa sahig at napaiyak.

Ito ang pinakaunang beses na umiyak ako dahil sa babae. And f*ck! It really hurts. Para akong sinaksak nang patalim sa dibdib na sa tingin ko mag-iiwan nang malaking pilat.

Halos nagwala ako sa loob nang bahay, at lahat nang makita ko pinaghahagis ko at halos napapasabunot ako sa sariling buhok ko sa sobrang galit.

Puno ng pagsisisi ang bumabalot sa pagkatao ko ngayon, i felt shuttered into pieces! And shouting out loud in pained.

Anong gagawin ko!? Ano!? I need Thalia in my life! I badly need her. Siya ang buhay ko! Siya ang lahat sa 'kin! Mundo ko si Thalia! She's all i have in this world.'f*ck!

---------------

Tss! Deserve ba ni Valkyrie ang second chance? If ever mapatawad siya ni Thalia. Grr!