Chapter 45: Crying in pain

Val's POV

Nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ang luhaang imahe ni Thalia.

Kitang-kita ko sa buong pigura ni Thalia ang sobrang pagkamuhi at sakit dahil marahil sa nalaman na nito ang katotohanan. Alam ko may alam na siya sa namamagitan sa 'min ni Kelly. Sa bawat luhang pumapatak sa mga mata niya. Hindi ko na alam kung paano ko ito ipapaliwanag. Sh*t! Ito na nga ba sinasabi ko eh'

"Babe! Let me---"

"HUWAG! Don't you dare put a finger on me! I hate you!" Mariing sigaw nito sa 'kin. Nang bigla namang lumabas si Kelly at nasa likuran ko lang ito na halatang nagulat rin pagkakita kay Thalia.

"Manloloko!" Sigaw nito sa 'kin, akmang lalapitan ko sana siya ng umatras siya ng bahagya at talagang sinusubukan nitong iwasan ako.

"Babe just let me explain please!"

Pakiusap ko.

"No! TAMA NA, hindi mo ako gagaguhin nang ganito kung totoong mahal mo ako!"

Sigaw muli nito sa 'kin, at wala na nga itong pakialam kung pinapanuod kami ni Kelly at nang mga kaibigan niya.

"SH*T! BABE, Kelly is--"

"STOP! Wala akong pakialam kung sino o ano siya sa buhay mo! Ang klaro sa 'kin ngayon ay NILOKO mo ako Val,"

Sigaw nito na umiiyak. Habang ang mga kaibigan niya ay nakaalalay sa kanya dahil para na itong bibigay sa kanyang kinatatayuan.

'I want to hug and kiss her! Pero hindi ko magawa dahil ayaw nga nitong magpalapit sa 'kin and f*ck! Para akong sinasaksak nang paulit-ulit sa puso sa nakikita kong pagluha niya sa harap ko. At lahat nang pagluha na lumalabas sa mata niya ay dahil sa 'kin. She is now crying in pain because of me.

"Alis na kami," paalam ni Kath habang kunot-noo akong tiningnan.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag babe, please!" Hindi ko ito pinansin at kay Thalia ko binaling ang tingin ko.

"Uuwi na kami! Kung gusto mo siyang kausapin, umuwi ka sa bahay niyo and talk to her in your home! Hindi sa bahay nang kinakalantari mo."

Sabat naman ni Sam, na halatang galit na galit din sa 'kin dahil sa ginawa ko sa kaibigan nito. Kaya hindi ko sila masisisi kung pinag-tatanggol nila si Thalia mula sa isang gaya ko. Because i messed up.

"Halika na sissy, iuuwi kana namin."

Turan ni Kath kay Thalia habang inaakay ito papalabas nang gate, nakasunod naman sa kanila si Sam at matatalim na titig ang pinukol nito sa 'kin hangang sa makalabas na nga sila ng apartment at umalis rito. Naiwan naman kaming tigagal ni Kelly sa labas at unti-unti ko ng nararamdaman ang mainit na likido na dumadaloy sa pisngi ko.

'F*ck! Im crying.'

---

Thalia's POV

Pagkahatid sa 'kin ni Kath at Sam, hindi ko na sila pinapasok pa sa loob nang bahay dahil mas pinili kong mapag-isa at damhin ang lahat nang sakit at pighati na nadarama ko ngayon.

Iyak at sigaw nalang ang nagawa ko sa pagkakataong ito at kahit gusto kong magwala hindi ko magawa dahil wala na akong sapat na lakas pa para magkalat at magbasag to let out my frustrations. Kaya mas pinili kong maupo sa kama nang nakabaluktot at umiyak nang umiyak.

'Bakit niya nagawa sa 'kin 'to? Hindi ba ako sapat? Kulang ba ako para maghanap pa siya nang iba? Dahil lang ba sa ayaw ko pa siyang bigyan nang anak kaya ganito niya ako kung paghigantihan?

Nung siya ang nagwala dahil sa sobrang galit hindi niya man lang nagawa akong tulungan at hindi rin niya ako hinayaang magpaliwanag tapos kanina sa babaeng 'yon halos siya pa ang umaalo sa kanya. Ang sakit marinig at makita na alam nilang pareho na mali ang ginagawa nila but still, they have this affair! At talagang hindi isang beses lang may nangyari sa kanila kundi maraming beses pa!

Nang may narinig akong mga yabag nang paa mula sa sala at ilang saglit pa nagbukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito si Val. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman at naiisip nito ngayon, pero alam kong alam niya na galit na galit ako.

"My wife!" Mahinang tawag nito sa 'kin, hindi naman ako nagsalita at hindi rin ito tiningnan.

"Please! Makinig ka muna sa 'kin, i will explain to you everything, p _pero sana huwag mo akong husgahan agad." Mahinang turan nito at narinig ko na ang mga yabag nito na pumapalapit sa 'kin.

"No!" Saad ko.

"My babe naman," rinig ko ang pagbunga nito ng hangin. Alam kong naiirita ito sa 'king inaasal ngayon.

"Anong gusto mong ipaliwanag sa 'kin ha? Ang pagiging hacker at tracer? Pagtatrabaho kay Kent? O sa babaeng 'yon? Alin 'don?" Mabilis kong inayos ang sarili at puno ng galit siyang tinignan, habang nakatayo lang ito sa harapan ko na napapameywang.

"A_ ano? Anong pinagsasabi mo! Hey, ginalaw mo gamit ko? I mean, ahw, im sorry." Akmang sisinghal na naman sana ito ngunit nang makita nito ang galit kong hitsura bigla itong kumalma.

"Oo! Dahil curious ako sa mga ginagawa mo! Curious ako sa pagiging malihim mo! At naisip ko lang naman na ang dami ko pa palang dapat na malaman tungkol sayo! Pero mukhang hindi ko na 'yon gagawin, dahil tatapusin ko na ang kung anong meron tayo Val!"

Pasigaw kong sabi rito habang bumababa sa kama at humakbang patungong closet. Mabilis naman ako nitong niyakap sa likod dahilan para ako'y mapahinto at hinayaan itong yumakap sa 'kin, habang unti-unti na namang pumapatak ang aking luha.

"Babe, don't leave me please! Im beggin you please! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Pagmamakaawa nito sa 'kin habang nanatiling nakayakap sa likod ko.

"Hindi mo kayang mawala sa buhay ko? Talaga!? Pero _bakit mo ako sinaktan? Bakit nagawa mo akong lokohin? Bakit ang dami mong lihim na tinago sa 'kin? Bakit pinagpatuloy mong makipag-relasyon sa babaeng 'yon kung alam niyo pareho na mali 'yon!? Bakit Val!? Bakit!?"

Paulit-ulit kong tanong sa kanya at talagang hindi na tumigil sa pagpatak ang aking luha. 'sobrang sakit! Para akong dinurog nang milyong beses sa ginawa niya sa 'kin. At para na akong nauubusan nang hininga sa halo-halong emosyon na nadarama ko ngayon. I'm cheated by my husband! And I felt weak and fooled.

"Kaya nga babe let me explain, promise ikukwento ko ang lahat-lahat sa'yo, basta paki---"

"No Val, hindi ko kayang makinig sa paliwanag mo ngayon." Mahinahon kong sabi habang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Nanatili pa rin itong nakaakap sa 'kin na mas humihigpit pa.

"Babe, huwag mo akong iwan please!" Pakiusap muli nito sa 'kin.

"Val, bitaw!" Utos ko rito. At imbes na bitawan ako mas humigpit pa lalo ang yakap nito.

"Hindi!" Protesta nito.

"Sabing bitaw!" Sigaw ko na rito.

Saka ito bumitaw kaya agad ko siyang hinarap.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang nadarama ko no'ng makita kitang niyakap at pinakakalma ang babaeng 'yon ha! val? Sobra-sobrang sakit ang naramdaman ko no'n. Para akong tinutusok nang patalim nang paulit-ulit! Mas madali sa 'kin na tanggapin ang paliwanag mo kung tungkol sa sekreto mong trabaho, pero 'yong sa babae? Ang hirap! Wala akong maisip na rason para sa panloloko mo."

Saad ko rito habang umiiyak. Nanlalambot ang aking mga tuhod at ramdam ko na bibigay ako sa sobrang sakit at pagod.

---------------

Dapat ba sila mag-ayos O hindi ? Tss!