Chapter 44: Caught
Val's POV
Sobrang nagi-guilty na ako sa ginagawa ko sa asawa ko, pero natatakot rin akong umamin na may nagawa akong kasalanan sa kanya. Alam kong malalaman niya rin itong panloloko ko, pero may panahon pa ako para itigil ang mga 'to, kaya habang hindi pa mas lumalim ang kasalanan ko ititigil ko na ang pagkakaroon nang affair kay Kelly bago pa malaman ni Thalia ang lahat sa 'min.
Kaya pinuntahan ko si Kelly sa kanyang tinutuluyan ngayon na apartment at kinausap.
"Let's stop this affair! Kelly,"
Ani 'ko habang nakatitig rito. Bigla namang tumamlay ang hitsura nito at tinitigan ako.
"Bakit? Hindi mo na ba ako mahal hon?"
Tanong nito na bakas ang gulat dahil sa sinabi ko.
"There's no more love between us Kelly, alam mo 'yan at alam kong ramdam mo rin 'yan."
Sagot ko sa kanya ng totoo, wala naman talagang pagmamahal na namamagitan sa'min 'cause what we all have now is just a lust! At kahit anong gawin ni Kelly talagang hindi na nito maibabalik ang pagmamahal ko na nawala na.
"Pero we make love diba? At saka palagi mo na nga akong dinadalaw rito, tapos binibigay ko naman ang lahat sa'yo diba? Ano pa ang hinahanap mo!" Sigaw nitong sabi sa 'kin at napatayo na rin ito sa harap ko habang napapaiyak.
"F*ck! Alam mo na may asawa na ako diba? Hindi naman 'yon lingid sa kaalaman mo! Mahal na mahal ko siya at kitang-kita mo naman itong sing-sing sa daliri ko diba?" Sabay angat nang kamay ko at pakita sa daliri ko, kung nasaan ang sing-sing ko.
"Ito ang pruweba na may nagmamay-ari na sa akin, and the woman that i marry is the woman that I've ever wanted for so long, mahal na mahal ko siya at walang kahit na sino ang makakapagbago no'n,"
Seryoso kong ani rito, wala na akong pakialam kung ano ang mararamdaman niya, basta ang gusto ko itigil na ang lahat nang 'to.
"Hon _ No _No!" Sigaw nito.
"F*ck! Tanggapin mo man ang desisyon ko o hindi, ititigil ko na ang kalokohan na'to! So stop acting like a kid."
Naiinis ko nang ani rito, at imbes na umayos ito mas umiyak pa ito at nagwala. Saka pinagbabato ang mga gamit nito sa loob nang apartment.
"F*ck! What's wrong with you!? Stop it! Your just hurting yourself, f*ck!"
Pinipigilan ko itong magwala at buong lakas na niyakap para hindi na ito magkalat pa sa loob nang apartment.
"Stop it! Please."
Papakalma ko rito. Ilang segundo pa at kumalma na ito saka marahan na umiyak sa dibdib ko, habang ako nakayakap lang sa kanya at pinagmamasdan ang mga nagkalat sa sahig. Nang biglang sumagi sa isip ko ang mga ganito rin'g sinaryo na ginawa ko kay Thalia. Pero sa pagkakataong 'yon, wala ako 'ron para tulungan ito na ayusin ang pagwawala ko pati ang mga gulo na ginawa ko sa trabaho nito, mag-isa niyang hinarap at inayos ang lahat.
Wala ako no'ng mga araw na dapat nasa tabi niya ako, dahil lang sa galit ko na naglihim siya sa 'kin. f*ck! Tapos heto na naman ako, nagdagdag na naman nang problema sa kanya at mas malala pa sa ginawa niya.
Nung araw na nagwala ako sa bahay nilapitan pa ako nito para pakalmahin pero tinulak ko pa siya at hinayaan siya sa sahig. Ngayon andito ako, kapiling si Kelly at pinapakalma ito dahil sa pagwawala. Samantalang ang asawa ko hinayaan kong nakaupo sa sahig at umiiyak.
'Sh*t! Im really f*ck up!
---
Thalia's POV
Ayoko siyang sundan pero ito lang ang tanging paraan para makasiguro ako na tama ang instinct ko, tulad nang sabi ni Stella sa 'kin. Kaya kinunchaba ko si Kath at Sam na samahan ako para sundan si Valkyrie, sinamahan naman nila ako at gamit ni Kath ang kotse nito para hindi kami nito makilala. At nagulat kami ng huminto si Val sa isang apartment at pumasok ito roon.
"Hindi ba natin papasukin?"
Ani ni Samara habang nakatanaw pa rin sa 'di kalakihang apartment.
"Huwag na lang kaya tayo tumuloy, kinakabahan ako eh!" Kabado kong sabi, nang nagbukas nang pinto si Kath at bumaba mula sa drive seat.
"Halika na, para malaman mo na kung totoo ba 'yang instinct na sinasabi ni Stella sa'yo!"
Kaya napilitan akong lumabas at sumunod kay Stella, na nangunguna sa may gate ng apartment. Ngunit ang malas talaga namin dahil naka-lock ito mula sa loob.
"Sh*t! Naka-lock siya sissy."
Reklamo ni Kath habang dahan-dahan na tinutulak ang gate.
"Duhh!" Tanging Ekspresyon ni Sam habang naglabas nang maraming susi saka inabot kay Kath. Nagtataka naman namin siyang tiningnan.
"Dati kabang akyat-bahay?"
Tanong ni Kath sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Hindi," Maikling sagot nito.
"Eh! Ba't ang dami mong susi?" Tanong ko naman.
"Remember, marami akong trabaho." Kampanteng sagot nito.
Napailing na lamang kami ni Kath sa sinabi nito at nag-umpisa na si Kath sa pagpasok-labas nang mga susi sa lock. Then luckily it opens for 5 times try.
"Yes!" Ani ni Kath.
"See! Maasahan niyo talaga susi ko." Sabay taas nang isang kilay ni Sam.
"And we our lucky dahil hindi man lang tayo narinig mula sa loob." Ani 'ko.
Nagkibit-balikat nalang sila, at nag-umpisa na kaming pumasok sa loob nang apartment at talagang walang nakapansin sa amin mula sa loob.
'Ano naman kaya ang ginagawa rito ni Val? Impossible naman kung bagong kuta ito nang gang nila, dahil kung kuta 'to nila sa gate palang mapapansin na nila kami, pero hindi eh! Walang tao. Kaya mas napuno kami ng pagtataka. Nang mahagilap nang mga mata namin ang bukas na bintana kaya dahan-dahan kaming lumapit ro'n saka sabay naming narinig ang boses ni Val at nang isang BABAE!? 'Sino yung babae?' Mas kinakabahan na tuloy ako at talagang takot na malaman ang sagot sa katanungan ko.
Sa ilang sigawan na narinig naming tatlo do'n na namin nakompirma na totoo nga ang 1st instinct ko. ‘Val had a mistress!' Kaya napaawang nalang ang labi ko at hindi mapigilan ang mahinang mapaiyak. Habang si Kath at Sam ay pilit akong pinapakalma at hinahagod ang likod.
"Peste talaga 'yang asawa mo!" Biglang mura ni Sam.
"Oo nga Thali, naku! Makikita talaga ng lalaking 'yan," Ani naman ni Kath habang hinahagod ang likod ko, at hangang ngayon wala pa rin tigil sa pagpatak ang luha ko.
"Naku! Sissy tama na, baka marinig tayo, halina kayo uwi na muna tayo." Tila nag-aalalang turan ni Kath sa'min ni Sam.
"Ano naman kung marinig nila tayo? Mas mabuti ngayon para magkalinawan na sila ni Thalia!"
Sabat agad ni Sam, na halatang kanina pa gigil na gigil, pero pinapanatili pa rin nitong hinaan ang boses.
"B_ bakit ni _ya ito ginawa sa 'kin sissy!? Anong ginawa ko!?" Tanong ko sa mga kaibigan ko habang umiiyak, at talagang gusto ko sumigaw at magwala.
Nang biglang nagbukas ang pinto ng apartment at halos manlaki ang mata ni Valkyrie ng makita kaming tatlo sa gilid nang bintana.
---------------
Kayo ano kaya magiging reaksyon at sasabihin niyo pag nalaman niyo na may kalantari ang jowa o asawa niyo? Abangan ko sagot niyo. .'-)