CHAPTER 9
"Lilyana's POV"
"Ate, Lily pakuha naman po nang gunting," malambing na suyo ni Mayeth. Maaga kasi kaming gumising ngayong araw dahil mag-aayos kami sa bahay. Kasalukuyan naming nilalagyan ng mga kurtina ang mga bintana upang kahit papaano ay magakaroon naman ng kulay ang bahay.
Habang si Lola Christina at ang kambal naman ay pumuntang palengke upang maghanap ng pwesto sa palengke kung saan pwede kaming makakuha ng pwesto. Napag-isipan kasi namin magbenta ng mga gulay at prutas dahil walang masiyadong nagbebenta non sa palengke.
Sa likod kasi ng bahay na sakop pa ng aming bakuran ay may mga tanim ng mga gulay at ilang prutas.
Ang sabi ni Lola Christina ay ipagpapaalam niya sa beta ng kanilang pack kung pwede ba naming ibenta dahil sakop pa naman ng lupang kinatitirikan ng bahay ang mga tanim. Mabuti nalang din ay pumayag ito dahil pwede pa raw kamo namin iyong pagakakitaan.
Hindi ko maiwasang mabilib sa mga tulad nila. Akala ko noon sa mga nababasa ko ay mga mababangis sila at mayroong nakakatakot na mukha pero mukhang nagkamali ako.
Sa ilang araw nakasama ko sila ay hindi ko man lang naramdaman na iba ako sa kanila. They treat me as their own family.
Pagkatapos namin sa mga bintana ay pumunta naman kami sa likod bahay upang magwalis. Nakakatuwa lang dahil sa murang edad ni Mayeth marami na siyang alam na gawaing bahay.
Nakikita ko ang sarili sa kaniya, lumaki akong walang magulang. Sa murang edad ay nagtrabaho na ako nang kung ano-ano para lang mabuhay. Hindi ko kilala ang mga magulang ko, sabi nang nakakita sa akin noon ay nakita lang nila ako sa labas nang bahay nila.
Ngunit dahil hikahos din sila sa buhay ay hindi nila ako kayang ampunin. Napunta ako sa mag-asawang matanda ngunit nang sumapit ang edad ko sa siyam na taong gulang ay napilitan akong umalis sa poder nila dahil ayaw sa akin nang mga anak ng dalawang matanda.
Sa edad na iyon ay namulat ako sa buhay na kailangan kong maghanap nang mapagkikitaan para lang makakain ako kahit man lang dalawang beses sa isang araw.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang mga totoong mga magulang ko. Ang tanging pinanghahawakan ko nalang sa kanila ay ang kwintas na suot-suot ko nang makita nila ako.
Kung dumating man ang araw na makita at makilala ko ang totoong mga magulang ko, isang katanungan lang ang gusto kong malaman mula sa kanila. Ang dahilan kung bakital nila ako iniwan, kung bakit nila nakayang iwan ako. Pero alam kong imposible, pero hindi ko maiwasang mangarap na sana, sana dumating ang araw na makilala ko sila.
Ilang sandali pa ay natapos na kaming maglinis sa likod ng bahay, nakapagpahinga na rin kami at naisipan ko nang maligo muna.
Habang naliligo ay bigla kong narinig na dumating na sina Lola Christina biglang nagkaroon nang ingay kaya nagmadali na akong maligo.
Paglabas ko ay natagpuan kong muli na naglilinis ng bahay si Mayeth at ang dalawang kambal naman ay inaayos ang mga pinamili nilang gulat at nilalagay ito sa ref. Nakakagulat mang isipin ngunit kumpleto sa kagamitan ang bahay kung saan kami nakatira ngayon.
Hindi ko maiwasang humanga sa kabutihan nang puso nang tumatayong Alpha ng pack nila.
"Anong mero'n?" taka kong tanong. Nakita ko namang napatingin sa akin si Mayeth.
"May monthly visit kasi ang Alpha sa tuwing katapusan ng buwan sa mga matatandang nasasakupan ng aming pack, ngayon ang unang pagkakataon na makakabisita siya kay Lola dahil na rin nasa loob na kami ng pack border," saglit na huminto si Mayeth at tinapos ang pagwawalis.
"Ang dahil kung bakit siya bumibisita ay gusto niyang malaman ang kalagayan ng mga matatanda dahil na rin malapit ang mga loob nito sa kanila," pagpapatuloy nito.
Mahina naman akong napatango. Monthly visit sa mga matatandang nasasakupan nila? Totoo ngang may mabuting puso ang leader nila or Alpha kung itawag nila.
"Ganoon ba? Ang bait pala ng Alpha niyo," sabi ko nang nakangiti.
"Nako, sinabi mo pa, Ate. Hindi lang ang Alpha, maging ang lahat nang pamilyang Dawson," tila proud pa nitong saad. Saglit naman akong napa-isip. Mukhang tama nga si Mayeth dahil minsan ko na ring nakaharap ang kapatid ng Alpha at masasabi ko ngang maganda ito makitungo sa amin.
"Anong oras ba sila darating?" Curious kong tanong. Hindi ko kasi maiwasang ma-curios sa tinatawag nilang Alpha.
"Hindi din namin alam, Ate. Habang nasa palengke kasi ang Lola ay nakita siya ni Kuya Sebastian at sinabing isa si Lola sa bibisitahin ng Alpha," sabi nito.
Okay. Anong p'wede kong gawin upang makatulong sa paghahanda niyo?"
"Marunong po ba kayong magluto nang caldereta?" Tanong nito.
"Caldereta? Marunong naman, bakit?"
"P'wede niyo po bang ipagluto ang Alpha? Ang alam namin ay isa iyon sa mga paborito niyang pagkain hehe," saad ni Mayeth na tila nahihiya.
Napangiti naman ako dahil doon, "Oo naman."
Lumipas ang ilang oras at hapon na, malapit na ring sumapit ang gabi ngunit hindi pa dumarating ang Alpha sa pagbisita nito.
Napapansin ko na ang lungkot sa mukha nang dalawang kambal sa isiping baka hindi matuloy ang pag-bisita. Nalaman ko kasing hindi pa nila nakikita nang mukhaan ang Alpha ng pack nila.
"Siguradong maraming binisita ang Alpha, maghintay lang tayo," narinig kong saad ni Lola Christina.
"Opo," sabay na tugon nang kambal.
Umalis na muna ako at tinignan ang niluluto ko sa labas. Nang malaman ni Lola na marunong akong magluto ay natuwa ito. Malaking bagay nang ipagluto ang Alpha sa kanila bilang pasasalamat sa pagdalaw at sa bahay na ito kung saan niya kami libreng pinatira. Pero sa tingin ko ay mukhang kami lang ata ang kakainin nito ngayon.
Habang hinahalo ko ang calderata ay natigilan ako nang makarinig ng mga pag-uusap sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na baka dumating na ang Alpha sa bahay.
Dali-dali akong sumilip mula sa siwang ng pinto at nakita ko ang lalaking tumulong sa amin noong nakaraan. Ang sabi ni Mayeth ay siya ang beta, ang pumangalawa sa ranggo ng Red Moon pack. Kanina ko lang nalaman na may pangalan pala ang pack nila.
Nakita ko ding pumasok ang isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong siya din iyong tumulong sa amin. Ang babaeng kapatid ng Alpha.
Pero sa huling taong pumasok sa loob nang bahay ay doon ako tuluyang natigilan. Halos mahulog ang panga ko sa kagwapuhang taglay nito.
Hindi ko din napansin na nabitawan ko na pala ang hawak kong sandok at lumikha ito nang ingay.
Napaatras tuloy ako mula sa pagkakasilip nang madako ang tingin ng lalaking tinawag na Alpha ni Lola Christina.
Sa hindi malamang dahilan ay napahawak ako sa dibdib ko. Dama ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kabang nararamdaman o dahil muntik na akong makita na sumisilip ako.
"AXEL'S POV"
"Who's there?" I bluntly ask when I notice something behind the door.
"Ho? Ah! Si Lilyana po siguro ang tinutukoy niyo, nagluluto po kasi siya sa labas," the old lady said.
Iniwas ko na ang tingin sa likod nang pintuan dahil sa sinabi nito. I don’t know, but ever since we came here I seem to be feeling something.
Bumalik lang ang tingin ko kay Lola Christina nang ipakilala nito ang mga apo nito. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa magiliw nilang pagsalubong sa amin.
Pagkatapos nitong ipakilala ang mga apo ay napansin kong saglit itong napahinto.
"May ipapakilala pa po pala ako sa inyo, Alpha," she said.
"Who?" I asked.
"Is that the human, named Lilyana?" Napatingin ako sa kapatid ko nang magtanong ito kay Lola Christina.
My forehead furrowed in confusion at what my sister said.
"Siya iyong tinutukoy ni Lance na naligaw malapit sa border natin at kasalukuyang nakikitira kay Lola Christina," Sebastian said.
Sa dami nang kailangan kong gawin at mga iniisip ko nawala sa isip ko iyon. I want to see her. Kaya kong hinayaan na makapasok siya dito sa amin ay upang mabantayan namin ang galaw niya. It's seems suspicious why she's near at our border just what they say.
"Can I see her?" I said in a serious tone.
"Opo naman. Bago po iyon at maupo na muna kayo."
Sumunod naman kami sa inalok na upuan ni Lola Christina at naupo na.
"Why do you want to see her?" Ciara curiously asked.
"I need to see her, to know if something is suspicious about her," I said.
"She's here..."
Nang sabihin iyon ni Sebastian ay napatingin ako sa harapan. But reality hits me when our eyes met.
Mate!
I heard my wolf said inside my mind. I didn't notice that I'm already standing gawking at the sight of her.
After years of searching at waiting. I finally found her. My other haft is already infront of me.
Hinayaan kong bukas ang isip ko. I want everyone to know that their Alpha already found their Luna.
I heard how my sister gasped, I heard their howling of happiness.
Finally...