CHAPTER 10

"Is that the human, named Lilyana?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong binanggit nung Ciara ang pangalan ko.

Hindi na ako nakasilip sa pinto pero naririnig ko naman ang mga pinag-uusapan nila. Lalo lang ata ako nanlamig at pinawisan ng husto sa kaba dahil narinig kong gusto akong makita nang Alpha nila.

Bakit gusto niya pa akong makita?! Napaawang ang labi ko nang may sumagi sa isip ko. Gusto niya ba akong makita upang masiguro na hindi ako masamang tao?

Aish. Hindi ko naman sila masisi dahil nag-iingat lang sila.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang sobra, kahit sino naman siguro kakabahan dahil iyong mga nasa loob ay hindi ordinaryong tao at kasama pa nila ang Alpha ng pack nila.

Base palang sa nakita kong itsura ng tinawag nilang Alpha tindig palang nito sumisigaw na ang authority. Kahit ang mababa ngunit seryosong tinig nito ay pwedeng magdala sa iyo ng kaba sa unang dinig mo sa boses niya..

Iyon din marahil ang dahilan kung bakit desiplinado ang mga nasasakupan nila. Pero hindi din talaga maiiwasan na may matigas ang ulo at sumusuway pa rin sa batas.

Narinig kong may papalapit na mga yabag ng mga paa sa direksiyon ko kaya napaayos ako ng tindig. Kagat kagat ko ang pang-ibang labi sa kaba nang bumukas ang pinto sa likod ng bahay.

Nakita kong nakangiting tumingin si Lola Christina at si Mayeth. Habang ako naman ay nginitian din sila pabalik kahit tila hilaw iyon.

"Gusto kang makita ng Alpha, Lilyana," malumanay na saad ni Lola Christina.

"Bakit daw po, kamo?" Kinakabahan kong tanong.

"Upang makilala ka," tugon ni Lola Christina.

"Halika ka na sa loob, ate. Mabait naman po ang Alpha," pangungumbinsi pa ni Mayeth.

Huminga muna ako nang malalim bago tumango. Naunang pumasok sina Lola Christina at Mayeth at sumunod ako agad.

Nang makapasok sa loob ay hindi ko alam pero tila tumigil ang oras at ako nalang ang mag-isang nakatayo at ang lalaking gulat na nakatitig sa akin.

Napansin ko ang biglang pagtayo nito na hindi man lang binibitawan ang titig ng mga mata niya sa akin.

I notice the sudden change of his eyes into a golden one. Pinikit ko pa ang mga mata ko dahil baka nagha- hallucinate lang ako pero sa pagbukas ng mga mata ko ay iyon pa rin ang kulay ng mga mata niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Napaawang ang labi ko nang may marinig akong mga umaalulong. Hirap akong lumunok at napayuko.

Ngunit mabilis akong humarap nang dumako ang mga mata ko sa babaeng nagsalita.

"Lu... Luna?" Narinig kong bulong nito. Nanlalaki din ang mga mata nito at napatakip sa bibig. Kunot noo kong pinagmasdan sina Lola Christina.

Shocked is also written in their faces.

"Ano pong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong kay Lola Christina. Nakita kong pumeke muna ito ng ubo at tinignan ang kanilang Alpha.

Medyo naiilang na din ako sa pamamaraan ng titig nito nang tapunan ko ito nang pasimpleng tingin.

Ngunit natigilan ako nang bigla itong magsalita, "What's your name?" malumanay nitong tanong. Kung kanina seryoso at nakakatakot ang boses nito ngayon ay may pag-iingat at malumay ito kung magsalita.

Nang mahimasmasan sa gulat ay mabilis akong yumuko upang magbigay galang, "Ako po si Lilyana Zariyah," pagpapakilala ko.

"Look to me," nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi nito. Gusto niyang tignan ko siya? Kanina pa din ako naiinis dito sa puso ko na parang gusto na atang lumabas sa tuwing magsasalita siya.

Bakit ganito kalakas ang dating niya sa sistema ko?

"I said look to me."

Bigla akong napaharap sa kaniya nang mapansing seryoso ito. Nang magtama ang aming paningin ay nakita kong medyo tumaas ang gilid ng labi niya. Those heart shape red lips.

Ngunit napaawang ang labi ko nang mapansing nagsimula itong humakbang papunta sa direksiyon ko.

Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinitignan habang umaatras palayo sa kaniya. Ngunit nang makalapit siya sa akin nang ilang dipa ay napasigaw ako sa gulat nang bigla niya akong higitin palapit sa kaniya.

Dama ko ang mabilis na pagtibok nang puso ko nang maramdamang pumulupot ang matigas niyang mga braso upang yakapin ako.

Naguguluhan kong tinignan ang mga nasa harapan ko na pawang gulat ngunit makikita sa mga mata nila ang kasiyahan.

Ano bang nangyayari?

Hindi ko man lang magawang gumalaw at tila na estatwa lang ako sa pagkakatayo ko. Nararamdaman ko rin ang mabibigat na pag-hinga nang tinatawag nilang Alpha habang yakap-yakap ako.

"I've been searching for you," narinig kong bulong nito. Hindi ko mapigilang nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. Wala na iyong takot at kaba sa puso ko kanina lang, nawala lahat nang iyon ng yakapin niya ako. At malaking palaisipan iyon sa akin.

Bakit ganito ang mga nararamdaman ko?

Kahit naguguluhan ay pinilit ko pa ring magsalita, "Hindi kita maintindihan," bulong ko. Naramdaman kong natigilan ito.

"I forgot that you're a human. They'll explain everything to you," he said. Naramdaman kong niyakap niya pa muna ako nang mahigpit bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Let's sit," sabi nito. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon pero tila hindi ko kayang salubungin ang mga mata niyang nakatitig sa akin dahil sa lakas ng epekto niya sa sistema ko.

Tila napaso ako nang hawakan nito ang braso ko, pakiramdam ko ay ang liit liit ng braso ko sa malaking kamay nito.

"Don't be nervous, I'm here," sabi pa nito bago ako dahan-dahang inalalay papunta sa sofa kung nasaan ang kapatid niyang babae at si Sebastian.

Nagulat pa ako nang bigla silang yumuko na tila nagbigay galang. Pero hindi na ako nagtaka dahil kasabay ko ang Alpha.

Umupo na ako ganoon din si Ciara habang ang Alpha at si Sebastian naman ay nanatiling nakatayo. Napatingin ako sa gawi ni Lola nandoon pa rin sila sa kinatatayuan nila. Wala nang bakas ng gulat ang mga mukha nila at napalitan ng saya.

"Pupunta lang kami ni Sebastian sa labas," I heard the Alpha said kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin dahil nasa akin pala ang tingin nito bago ko pa siya tignan. Mahina akong tumango at tipid na ngumiti.

Nang makalabas sila ay dali-dali namang lumapit ang tatlong magkakapatid at si Lola Christina. Napangiti ako dahil doon. Umupo sila sa mga bakanteng upuan at nakangiting pinagmasdan kami.

"Sa tingin ko'y kailangan niyang malaman," narinig kong sabi ni Lola Christina kaya dumako ang tingin ko sa kaniya. Wala sa akin ang atensiyon nito at nakatingin sa kapatid ng Alpha.

"Yes po," magalang tugon nito.

"Lilyana..." Napatingin ako sa katabi ko nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Po?" I asked. Napansin kong napangiti siya dahil doon.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari," huminto ito upang huminga nang malalim. "But I want to tell you na nandito lang kami."

"Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko maintindihan," I said in desperate tone.

Nakita ko pang nagpalitan nang tingin si Lola Christina at ang kapatid ng Alpha bago bumalik sa akin ang tingin nito.

"You're my brothers mate, the Alpha's mate, Lilyana," diretso at matigas nitong sabi. Pero lalo lang ata akong naguluhan.

Mate?

"Braised yourself," seryosong saad nito. " Because you'll gonna be part our pack."