CHAPTER 8

Beta?

Naestatwa ako nang maalala kung anong mero'n sa salitang beta. Pasimpleng hinanap ng mga mata ko ang taong nagsalita pero kahit anino nito ay hindi ko makita.

"Anong karapatan niyong suwayin Alpha?"narinig kong muli nitong tanong.

His voice sounds so calm pero maramdaman mo ang authority sa bawat salitang sinasambit nito.

"Sagot!" Parehas kaming napaigtad sa gulat ni Mayeth nang sumigaw ang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa amin.

Pero ang lalong kinagulat ko ay ang biglaang pagluhod ng mga lalaking nasa harapan namin. Nanlalaking mga mata ko silang pinagmasdan at napansin kong nanginginig ang mga kamay ng ilan sa kanila.

"P-Patawarin niyo po kami, wala po kaming balak suwayin ang Alpha," saad ng lalaking pinaka-matangkad sa kanila. Siya din iyong kung sinong matapang kanina titiklop naman pala.

"1st warning, sa susunod na malaman kong lumalabag ulit kayo ay hindi ako magdadalawang isip tulungan kayo sa galit ni Axel," sabi nito.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko nang marinig ko ang pagbanggit ng lalaki sa isang pangalan.

Axel...

Sino siya? Bakit ganito ang epekto ng pangalan niya sa sistema ko?

"Ate Lily, okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Mayeth nang mabakas sa boses nito ang pag-aalala.

Lumunok ako at tumango, "Oo, h'wag mo akong alalahanin," sabi ko at nginitian siya.

Nahigit kong muli ang hininga ko nang magsalita muli ang lalaki.

"Umalis na kayo."

Sa maikling salitang iyon ay mabilis na nawala sa aming paningin ang mga grupo ng lalaki sa aming harapan.

Napabuga ako nang hangin dahil mukhang kanina ko pa ata pinipigilan ang pag-hinga ko sa kaba.

Ilang segundo ang lumipas ay may narinig akong yabag ng mga paa papunta sa direksiyon namin. Mabilis na hinanap ng mga mata ko kung saan galing ang mga yapak na iyon at nahinto ako nang mahanap ko ang direksiyon nito.

Halos mahulog ang panga ko nang makita ang lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang emosiyon ang mga mata nito, pero sumisigaw ang kagwapuhan sa mukha nito.

Nakakatitig sa akin ang kulay tsokolateng mga mata at ang makapal nitong kilay ay nakakunot marahil ay nagtataka sa kung sino ako. Ang mapulang labi niya nakaawang ng kaunti.

Umiwas lang ako nang tingin sa kaniya nang malapit na siya sa amin.

"Kuya Sebastian," narinig kong saad ni Mayeth. Sebastian pala ang pangalan niya.

"Okay lang ba kayo?" tanong nito.

Hindi man lang ako makaharap sa kaniya at nakayuko lang ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa presensiya niya.

"Okay lang naman po."

"Pauwi na ba kayo?"

"Opo. Galing po kaming palengke," magalang na sagot ni Mayeth.

"Nga po pala, siya po si Ate Lily, iyong nabanggit po sa inyo ni KuyaLance na pansamatanlang nakikitira sa amin," pagpapakilala niya sa akin.

Kahit kumakabog ang puso ko sa kaba ay hinarap ko ang lalaking nasa harapan namin. Nagsalubong ang mga mata namin dahil nakaabang na pala ang mga mata niya sa akin.

Mahina akong tumango upang I acknowledge ang presence niya.

"Sa tingin ko naman ay nasabi na sa iyo na hindi normal ang bayang ito, I'm Sebastian, the beta of our pack," maotoridad nitong saad.

Pack, nasabi sa akin ni Mayeth na pack ang tawag sa grupo ng mga lobo, ang beta naman ang pumapangalawa sa Alpha.

"Ako naman si Lilyana," sabi ko.

"Umuwi na kayo," sabi lang nito na tila hindi pinansin ang pagpapakilala ko.

"Opo. Maraming salamat nga po pala."

Nagsimula na muli kaming maglakad pauwi ni Mayeth nakita ko pang napahawak ito sa puso at bumuga nang hangin nang makalayo na kami kay Sebastian.

"Grabe, hanggang ngayon nakakatakot pa rin talaga ang presensiya ni Kuya Sebastian," bulong nito.

"Kaya nga, hindi ko nga alam kung humihinga pa ba ako kanina nung malapit siya sa atin," sabi ko naman.

"Nako, Ate! Ano nalang kung makikita mo na ang Alpha, kahit nga tawaging Kuya hindi ko magawa sa takot ko sa kaniya," tila natatakot na saad nito.

"Ganoon ba siya kalala?" Kinabahan kong tanong.

"Opo, Ate. Nakita niyo naman po kung paano matakot iyong mga lalaki nang banggitin ni Kuya Sebastian ang pangalan ng Alpha," sabi nito.

"Kaya nga eh, sana hindi kami magtapo ng landas habang nandito ako," sabi ko kaya tinawanan ako ni Mayeth.

"SEBASTIAN'S POV"

Seryoso kong pinagmamasdan ang mga papalayong pigura ni na Mayeth at ang nagpakilalang Lilyana.

Hindi ko maiwasang magtaka kung sino ba ang babaeng iyon. Nang makitang malayo na sila ay umalis na ako. Naiinis pa rin ako hanggang sa mga lalaking humarang sa kanila. Masiyado ata silang naging kampante simula nang wala kami dito.

Papunta akong pack mansion upang magbalita kay Axel, our Alpha about sa mga nangyari noong wala kami dito. Masiyadong mabigat ang role ng pagiging Alpha kaya sa abot ng aking makakaya ay tinutulungan ko siya.

Bata palang kami alam na nang lahat na kami ang susunod na mumuno sa aming pack, sa murang edad ay namulat na kami sa buhay na puno ng pagsasanay upang maging mabuting pinuno balang araw.

Kaya hindi na rin ako nagtataka na maganda ang pamumuno ni Axel sa aming pack. Pero ngayong tumataas na ang aming edad ay hindi namin maiwasang mabahala.

Hanggang ngayon ay hindi pa namin nakilala ang babaeng nakatakda para sa amin. Nakapunta na kami sa iba't ibang lugar na dala namin ang pag-asa na baka sa bayang napupuntahan namin ay matagpuan na namin ang babaeng nakatadhana para sa amin.

Aaminin kong nababahala na ako, gusto ko na siyang makilala. Halos lahat ng mga kaibigan at kakilala ko ay nakilala at nahanap na nila ang para sa kanila.

I hope someday, destiny will lead her to me.

"CIARA'S POV"

"What's with the face?" My brother ask me. Simula nang makarating kasi ako dito sa pack mansion ay nakabusangot ang mukha ko.

"Nothing," bored kong saad. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang nangyari on my way here. I already told Lance na mas higpitan pa ang seguridad ng pack dahil sa pakalat-kalat na mga rouges sa kagubatan.

Rouges. There such pain in the ass. Lagi nalang silang nagdadala ng gulo sa mga pack group.

"Wala pa rin ba?" I ask.

Napansin kong napatingin siya sa akin. The disappointment flash through his handsome face.

He sighed. Nakita kong umiling ito nang marahan at binalik ang tingin sa papeles na binabasa nito.

"She's not also there," he said.

Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya. She's been searching for his mate. Matanda na ang Mommy at Daddy and they want to see their grandchildren from us bago man daw sila pumanaw. But we both still not find our mate.

Maraming gusto pabagsakin siya sa kaniyang posisyon because they think he's threat for them. But my brother seems to know their plan at nagagawan niya ito ng paraan.

One of the reason din ang pagiging kawalan niya ng mate. They said every alpha should have a Luna. But I know it's not the reason why my brother searching for his mate. Gusto na niya itong makilala, I know he want to feel na buo na ang parteng kulang sa kaniya pag natagpuan na niya ito.

"Tuloy ka ba bukas?" I ask. Pertaining to our monthly visit sa mga matatandang mga miembro ng pack namin.

Isa sa mga dahilan bakit hindi siya mapabagsak-bagsak ng mga kalaban niyang ibang pack group ay dahil na rin sa magandang pakikitungo nito sa lahat ng mga nakikilala niyang pack members sa iba't Ibang bayan.

My brother seems intimidating but he have a heart sa lahat ng mga may kailangan ng tulong. He's always kind lalo na sa mga matatanda dahil nakikita niya sa kanila ang Mommy at Daddy.

He's a dominant man, but he's soft when it comes to someone who needs help. As her younger sister na nakakakita ng lahat ng iyon ay hindi ko maiwasang ma-proud.

"Yes. Tatapusin ko lang lahat ng mga kailangan kong gawin ngayon so my tomorrow's schedule is clear," he said.

Nakangiti naman akong tumango at tumayo na.

"I'm going to rest," I said. Hindi pa rin nito ako tinitignan at nakatingin pa rin sa papel nito.

I know he's just hiding something. He's hiding the longing for his mate.