CHAPTER 3

Nandito na kami sa sasakyan. Ito pa rin ang sasakyan na gamit nila noong kidnappin nila ako. Kanina pa kami nakalayo sa kuta nila at naghahanap lang ako ng tyempo. Pinunit ko ang baba ng bestidang suot ko at ginawa ko itong panali sa buhok.  Tatakbo ako ng mabilis mamaya kaya hindi ko hahayaang natabunan nang mahaba kong buhok ang mukha ko.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang lumapit sa telang nakatabon sa bandang harapan ng sasakyan. Tumikhim ako at nagsimulang magsalita.

"Maari niyo bang ihinto ang sasakyan? Kailangan ko lang umihi," malamig kong saad. Napansin kong natahimik ang nasa harapan. Segundo ang lumipas ay walang sumagot.

"Pagbubutihan ko sa entablado mamaya, hayaan niyo lang akong umihi." Wala na akong ibang maisip na paraan at ito lang ang naisip kong idahilan.

"Pwede kang umihi diyan," narinig kong wika ng lalaki. Naiinis ako sa sinabi nito kaya umalis ako sa harapan at kinuha ang isang kahoy hindi kalayuan sa akin. Pinukpok ko ito sa bawat gilid ng sasakyan. Lumikha ito ng malalakas na ingay sa loob.

Hindi ako huminto at lalo pang nilakasan ang pagpalo. Naramdaman kong tumigil ang sasakyan at narinig ko ang pagmumura nila. Kamuntikan pa akong ma out of balance kaya napakapit ako sa gilid ng sasakyan.

Pabalang na binuksan ng tao sa labas ang harapan ng sasakyang kinaroroonan ko. Makikita ang inis at galit sa mukha nito. "Ano bang ginagawa mo?! Mapapahamak tayong parehas pag hindi ka pa huminto diyan!" sigaw nito.

"Hayaan niyo na kasi akong umihi! Sandali lang naman ako, eh!"

Napansin ko ang paghinga nito ng malalim at pagmura sa hangin. Tinignan niya ako at biglang sumigaw na kinagulat ko. "Galeng!" narinig ko ang pabagsak na pagsarado ng pinto sa harapan.

"Samahan mo siya," narinig kong sambit na lalaki. "Ano ba naman iyan! Ang dami mo pang seremonyas!" sabi ng lalaking kadarating lang.

bumaba na ako sa sasakyan. Matalim ang bawat tingin nila sa akin. "Huwag mo nang subukang tumakas," napahinto ako nang may maramdamang bakal sa sintido ko. Baril, naisaisip ko.

Mahina akong tumango.  Nagsimula na akong maglakad, nakasunod lang ang dalawa sa akin na pinagpasiyahan na dalawa na lamang silang sumama. Nilibot ko ang paligid. Puro kakahuyan ang nasa harapan namin.

Wala na akong pakialam. Bumaba ako sa malubak na lupa pababa ito at medyo madulas. May nakita akong isang malaking puno. Sinenyasan ko sila na doon lang ako. Napakunot ang noo nila kaya nagsalita ako. "Hindi ako tatakas. Ayaw ko pang mamatay," sabi ko sa kanila. Tinantiya pa nila kung nagsasabi ba ako ng totoo ngunit kalaunan ay hinayaan na akong pumunta sa malaking puno.

Dahan-dahan akong bumaba sa malubak na lupa. Kailangan kong mag-ingat dahil madulas ang daanan. Pasimple ko silang sinulyapan sa gilid ng mata ko.

Nakatingin silang dalawa sa akin kaya mabilis akong bumaba. Nang makarating sa puno ay tinignan ko silang muli. Nakatingin pa rin sila sa akin at hindi ako hinayaang mawala sa paningin nila. Tinaas pa nong Galeng ang hawak nitong baril. Napangiwi ako dahil doon.

Pumunta na ako sa likod ng puno pagkatapos non. Hindi ako naiihi. Ngunit sinamantala ko ang pagkakataon na iyon upang makahanap ng matatakasan.

Hindi sila kalayuan sa akin ngunit kailangan pa nilang bumaba sa malubak na daan papunta dito sa 'kin. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko.

Alam kong delikado ang gagawin ko pero hindi ko hahayaang mapunta ako sa masamang tao. Segundo lang ang lumipas pagkatapos kong bumilang ay nakita ko na ang sariling tumatakbo. Hindi ako huminto at mabilis na tumakbo. Nararamdaman ko ang sakit sa tagiliran ko ngunit hindi ko hinayaang panghinaan ako ng loob.

Napasigaw ako sa gulat ng biglang may magpaputok ng baril. Tumingin sa likod at nakitang nakatutok ang bunganga ng baril sa direksiyon ko. Lumiko ako. Patingin-tingin ako sa paligid at naghahanap ng matataguan ngunit wala akong makita. Kaya walang katapusang habulan ang nangyari.

Napahinto ako ng maramdamang tila umikot ang paningin ko. Napahawak pa ako sa punong katabi ko. Dinilat ko ang aking mga mata ng makarinig muli ng putok. Kahit pagod na ako at nanghihina ay tumakbo pa rin ako palayo sa kanila. Ngunit ng ilang minuto ang nakalipas sa huling paghinto ko ay tuluyan na akong napaupo.

"Psst."

Kinikilabutan ako nang marinig na tila may tumatawag sa akin. Kahit nanghihina ay sinuyod ko ng tingin ang paligid. Napatingin ako sa gilid at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa matandang nakatalukbong. Umiling ako at sinabing mauna na ngunit hindi ito nagpatinag. Bagkus ay lumapit pa ito sa akin at inalalayan ako patayo.

"Nay, umalis na ho kayo dito, baka madamay pa po kayo," saad ko habang pilit na tinanggal ang kamay nito sa braso ko.

"Kung gusto mong makatakas sa humahabol sa iyo sumama ka sa akin," saad nito. Sumunod na lamang ako at hindi na umangal. Siguradong malapit na iyong mga humahabol sa akin at baka madamay pa si Nanay.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Panay ang tingin ko sa likuran. Mabibigat ang paghinga ko dahil sa panghihinang nararamdaman ko.

Nagtaka ako nang pumasok kami sa malaking kweba. Noong unang tingin ko dito ay halos ayaw kong pumasok dahil sa labas nito ay mukhang nakakatakot.

Pinaupo ako ni Nanay sa gilid ng kweba. Nakikita ko ang bungad ng dahil hindi ako kalayuan dito ngunit alam kong hindi nila ako makikita mula sa labas.

"Dito ka lang at huwag kang gagawa ng ingay, Iha."

"Saan po kayo pupunta, Nay?" Nag-aalalang saad ko nang makitang papasok siya sa pinakaloob ng kweba. Napatingin ito sa kamay kong nakakapit sa braso nito kaya dahan-dahan ko itong tinanggal.

"Kahit anong mangyari, huwag kang sisigaw. Babalikan kita dito," sambit nito. Saglit pa akong natigilan ng makitang nag-iba ang kulay ng mga mata nito. Mula sa itim ay naging golden yellow. Saglit lang iyon at bumalik na sa dating kulay ang mga mata niya na lubos kong ipinagtaka.

Naiwan akong mag-isa dito. Pumasok na sa loob si Lola at sinenyasan na huwag akong maingay. Tumingin ako sa harapan ng makarinig ng putok ng baril. Ngunit nakuha ng atensiyon ko ang isang anino sa gilid ko.

Nahigit ko ang hininga namg makitang naglalakad ito patungo sa direksiyon ko. Muntik na akong sumigaw ngunit naalala ko ang sinabi ni Lola na huwag akong sisigaw kahit anong mangyari. Tinakip ko nalang ang aking bibig at napaatras.

Hindi ito lumapit sa akin bagkus ay humarap ito sa bukana ng kweba at mabilis na lumabas. Hindi ko aakalain na may lobo sa lugar na ito. Sa isip ko maghihintay lang ako saglit dito at pag hindi pa bumalik si Lola mula sa kweba ay susunod ako.

Napahawak ako sa 'king tagiliran. Masaganang umaagos ang pulang dugo doon. Halos manghina ako sa dami nang dugong nasayang sa akin.

Pilit kong pinikit ang mga mata ng makaramdam ng hilo. Nasusuka na rin ako ngunit wala namang lumalabas. Minuto pa ang lumipas at wala pa ring Lola na bumalik. Nag-aalala na ako kaya dahan-dahan akong tumayo ngunit napaupo muli dahil sa biglaang pag-ikot ng aking paningin . Nanlalabo na ang mga mata ko.

Ngunit bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita kong nakatayo sa bukana si Lola. Ang taong nagligtas sa akin.