CHAPTER 15
Halos mahulog ang panga ko sa nakikita ng mga mata ko. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o ano pero hindi ko aakalain na ganito kaganda ang loob ng mansion nila. Kung titignan kasi sa labas ay tila napaglumaan na ito ng panahon pero hindi ko inaasahan ang nasasaksihan ng mga mata ko ngayon.
Nakanganga kong nilibot ng tingin ang paligid, sa bawat pagdako ng mga mata ko sa mga kagamitan ay napalulunok ako dahil halos sumisigaw ang karangyaan. Mula sa mga paintings na nakasabit sa dingding at mga mamahaling vase.
Hindi ko lang alam kung nasaan kami pero may mga nakikita akong mga mamahaling upuan at lamesa na gawa sa kahoy, at magkakahilera ang mga ito. Hindi din pangkaraniwan ang lawak ng kwarto ganoon din ang malaki at mataas na sliding window sa bandang gitna nang silid, dahil gawa sa salamin ang bintana nakikita ko ang din kabuoan ng nasa labas. May balcony at ilang mga sofa set din ang naroon. Habang ang magkabilang gilid naman ay matataas na bintana rin ngunit tinatakpan ito ng makakapal na pulang kurtina.
Napansin kong naglakad na muli ang babae sa harapan kaya nawala ang attention ko sa tinitignan, may naiisip na ako kung saan kami banda ng mansion ngunit wala naman akong nakikitang kahit isang libro.
May nakita akong malaking double door na sobrang taas, binuksan ito ng lalaki at nang makapasok ako sa loob ng panibagong silid ay nahulog muli ang panga ko. Kaya pala wala akong makitang kahit isang libro sa silid na una naming pinasukan ay dahil nasa nakakonektang silid pala ito.
Nagtataasan ang mga bookshelves, na kung nasaan ang mga libr. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming iba't ibang mga libro na halos umabot na sa dulo ng kisame. May nakita pa akong hagdan na gawa sa matibay na kahoy kung saan mapupuntahan at makukuha ang nasa tuktok na libro.
Nakakatuwa din na huminto pa ang lalaking nasa harapan siguro dahil napansin niya na tumigil din ako upang tumingin-tingin. Natigil lang ako sa pagmamasid nang may marinig akong hagikgikan sa likuran ko.
Nakanguso kong binalingan ng tingin ang dalawang babae, "Bakit?" tanong ko. Sabay naman silang napangiti at ang babaeng may maiksing itim na buhok ang sumagot sa tanong ko.
"Wala ho, nakakatuwa lang po kayong tignan," nakangiti nitong sabi. Nahihiyang napakamot naman ako ng ulo, masiyado yatang obvious na ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. .
Ngumiti nalang ako sa kanila at akmang tatalikod na nang may mahagip ang paningin ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang makitang wala na ang pintuang pinasukan namin patungo dito sa library room ng mansion. Alam kong dapat nandoon lang iyon dahil diretso lang naman ang nilakaran namin papunta dito sa konektadong silid pero wala na ang pintuang pinasukan namin kanina.
I was about to ask them kung nasaan ang pinto nang tumikhim ang lalaki sa harapan nagpaparinig na magpatuloy na kami. Humarap akong muli sa gawi nito na nagtataka pero hindi na nagsalita pa.
Sinarili ko na muna ang gusto kong tanungin at sumunod na sa kanila. Ilang hakbang pa ay natagpuan ko ang mga paa sa pinakadulo at tagong bahagi ng mga nagtataasang libro. Lumingon-lingon ako sa bawat dako at napapalunok dahil marahil sa kaba.
Nakitang kong may kinakapa-kapa ang lalaki sa mga libro na tila may hinahanap nakatingin lang kami sa ginagawa niya at nagulat nang may isa itong libro na tinulak papaloob.
Kahit nagulat man ay hindi ako nakapagsalita at pinagmamasdan lamang ang susunod niyang gagawin. Pagkatapos niyang maitulak ang libro ay sunod niyang ang bookshelf.
Napaawang ang labi ko nang makitang tila secret passage way ang nasa loob noon. Nilingon kami ng lalaki at sumenyas na pumasok na.
Nag-aalinlangan akong sumunod, kagaya nang kanina madilim at walang kung ano akong makita ngunit segundo lang din ay biglang lumiwanag gawa ng lamparang hawak ng lalaki. Doon ko nakita ang madiling daan papuntang dulong hindi ko makita dahil sa dilim.
Secret passage way. I knew it. Nasabi sa akin ni Axel na hindi ako p'wedeng makita ng mga nasasakupan nila dahil may araw na doon lang dapat nila ako unang makikita which is I find it odd. Pero ang sabi ni Axel ay magtiwala lang ako sa kaniya dahil para sa kapakanan ko rin ito.
Pero sa di na mabilang na pagkagulat ko ay nagulat na naman akong muli dahil sa nakita ko nang bumukas ang pinto sa harapan namin.
Lumabas kami sa isang napakalaki at maaliwalas na hallway. Hindi ko alam kung nasaan na kami nang makalabas sa pintong iyon dahil wala man lang din akong nakikitang kahit na ano maliban malawak at sobrang tahimik na hallway. Iyong tipong tila maririnig na ng mga kasama ko ang mabilis na kabog ng puso ko dahil sa mga nangyayari.
"Kung nagtataka po kayo kung nasaan na tayo, nasa ikatlong palapag na po kayo ng pack mansion, kung saan wala nang makakakita sa inyo," mahabang sabi ng lalaki na kinahulog ng panga ko.
Nandito na kami sa ikatlong palapag?! Eh isang beses lang naman kami umakyat pataas at iyon iyong papunta kami sa library area.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng yumuko ang lalaki sa akin. Naiilang pa rin ako sa paggalang na pinapakita nila dahil hindi ata ako masanay-sanay.
"Hanggang dito na lang ho ako. Sila na lamang ang sasama sa magiging silid niyo," sabi nito nang nakayuko pa rin.
Ngiwi akong ngumiti kahit hindi niya ako nakikita at tumango din ako. "Sige ho, maraming salamat sa paghatid," saad ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad pagkatapos magpaalam ng lalaki, tinatahak namin ngayon ang tahimik at malawak na hallway ng mansion. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda at laki ng mansion nila.
Buong buhay ko ata ngayon lang ako nakapasok sa ganitong mansion. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa naglalakihang mga paintings sa gilid namin, at ang cream colored na pintura nang mansion nila. Napatingin ako sa sapatos ko habang naglalakad at sinisipat kung hindi ba madumi dahil nakakahiya naman sa carpeted hallway nila.
Hindi ko maiwasang magtaka dahil ang tahimik at wala akong makitang kahit sinong tao, iyong tipong sa sobrang tahimik aantukin ka.
Ang sakit na rin ng mga paa ko dahil kanina pa kami naglalakad hindi pa kami nakakarating sa magiging silid ko. Ngunit habang naglalakad ay lumiko kami. Doon ko nakita ang maraming pinto sa magkabilang gilid namin. Napalulunok pa ako dahil halatang gawa sa matibay na mwebles ang matataas na pinto at kumikinang na mga chandelier sa bawat paghakbang mga paa ko.
Ngunit napanganga ako nang masilayan ko mula sa malayo ang isang kulay brown double door. Napatingala pa ako sa taas noon at parang ang bigat-bigat nang pinto pag tinulak.
Nang makarating sa harapan ng higanteng double door ay doon ko lang napansin na gawa sa ginto ang door knob. Pinikit ko ang mga mata ko umaasang baka namamalikmata lang ako pero sa pagdilat ko ay ganoon pa rin.
"Luna..."
Nanlalaking mga mata kong tinignan ang babaeng tumawag sa akin. Alam nila? Nang makarecover sa gulat ay napatayo ako nang maayos.
"Nako, hindi pa pala ako nagpapakilala," nahihiyang sabi ko at yumuko.
"Hindi naman po kailangan dahil makikilala naman po namin kayo ng lubusan pag official ka na pong mapapakilala sa amin," nakangiting sabi nito.
Tumango naman ako at ngumiti, "Pumasok na po tayo," maligalig nitong anyaya saka binuksan ang double door.
Ngunit nang buksan niya ang pinto ay nahulog naman ang panga ko.
Ilang beses ba akong magugulat sa araw na ito?!