CHAPTER 16

Sumalubong sa amin ang malawak na kwarto na halos triple ng buong bahay ko dati. Maliit lang ang tinitirhan ko noon pero masasabi kong masaya akong namumuhay kahit ganoon. Pero hindi ko aakalain na minsan sa buhay ko matutulog ako sa ganitong kalaking kwarto.

Pero ang unang pumukaw na ata sa paningin ko bukod sa espasiyo ng silid ay ang atmosphere nito. Ibang-iba ang dating ng kwartong ito kaysa nang nasa labas kami. Noong nasa labas ako at pinagmamasdan ang bawat kagamitan sumisigaw ang karangyaan sa bawat dako pero itong silid na ito lang ata ang nakita kong normal sa paningin ko maliban sa laki nito.

Mula sa puting pintura, king size white bed na sa unang tingin palang ay sobrang lambot na, may nakita din akong tatlong pintuan na hindi ko alam kung ano ang mga nasa likod non. May sofa set din na kulay pula at sa harapan non ay tila isang mini library.

May nakita din akong

Pagkalaki-laking flat screen tv na nakapatong sa midsize cabinet. I guess, isa sa tatlong pintuan ay ang cr at ang walking closet. Akala puno nang mararangyang bagay din ang nasa kwartong ito but I think I'm wrong kasi nararamdaman ko ang feeling ng tahanan ko sa silid na ito.

Nahinto ako sa pagmamasid ng tumikhim ang babaeng nasa harapan ko upang kunin ang ang aking atensiyon. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya dahil doon, hanggang ngayon hindi ko pa alam ang mga pangalan nila dahil hindi man lang sila nagpakilala, gustuhin ko mang nagpakilala nahihiya din akong unang magpakilala.

Naisip ko kung paano nalang sa darating na araw na kailangan ko nang gampanan ang pagiging Luna ng pack.

"Ito po ang silid ng Alpha, lahat po nang kakailanganin niyo ay nasa walking closet na. Kung may kailangan pa po kayo pindutin niyo lang po iyong button sa ibabaw ng kabinet sa gilid ng kama," mahabang paliwanag nito. Pero nabingi ata ako dahil sa narinig na kwarto pala ito nang Alpha, ibig sabihin non magkasama kami sa iisang kwarto?!

Nanlalaking mga mata kong muling hinarap ang babae at pinilit na magsalita ngunit walang lumabas na salita sa boses ko dahil na rin sa kaba.

Bakit kailangan magkasama kami? Yes, he's my mate pero kanina lang kami nagkakilala. Masiyadong nakakailang kung magtatabi kami agad.

Hindi ko alam kung namumula ako pero nakatitig kasi sa akin ang babae na tila binabantayan ang reaksiyon ko. "Wala po ba akong sariling kwarto?" Naiilang kong tanong.

Ngumiti naman ang babae saka nagsalita, "Ang sabi po ng Alpha dito ka namin dadalhin, doon daw muna siya sa guest room," magalang nitong saad.

Tila nabunutan naman ako ng tinik sa narinig, hindi ko alam pero nakakatuwa na naisip niyang baka magkailangan kami.

"P'wede naman po ako sa guest room," sabi ko sa babae. Nakakahiya kwarto niya ito tapos siya ang nasa guest room.

"Iyon po ang pinagbilin sa amin ng Alpha at kailangan po namin iyong sundin," magalang nitong saad. Tumango nalang ako bilang pagsuko. Ayaw ko naman silang mapagalitan dahil lang sa akin.

Lumipas ang ilang minuto at mag-isa nalang ako sa malaking silid. Nilibot ko nang tingin ang paligid at napabuntong hininga nalang sa kawalan. Ito na talaga... Dito na talaga magsisimula ang bagong buhay ko.

Pagkatapos kong mag-ikot sa buong kwarto ay naisipan ko nang maligo at magpahinga na. Hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit hindi man lang ako nasilip ni Axel. Sandali palang kami nagkahiwalay pero hinahanap ko na ang presensiya niya kahit nagtatampo pa rin ako sa kaniya sa inasta niya kanina kay Manong Driver.

Nagsimula na akong humakbang papunta sa tatlong pintuan, ang sabi sa akin ng babaeng naghatid sa akin dito ay nasa gitna daw ang walking closet kung nasaan ang mga gagamitin ko. Nakakagulat nga dahil sa maikling oras meron na agad silang sukat ng mga damit na masusuot ko at iba pang pangangailangan ko.

Pagkabukas ko ng pinto ng walking closet ay bumungad sa akin ang malaking espasiyo ng silid, hindi na ata mapigilan mahulog ng panga ko sa bawat kagamitang nakikita ko. Kahit gulat man ay pumasok na ako sa loob. Sa bawat gilid ko ay may nadadaanan akong mga hilera ng mga nagmamahalang mga damit panglalaki at sa kabilang dako naman ay ang mga damit pangbabae.

May dalawang glass table din akong nakita sa gitna ng malaking silid. Lumapit ako at sinilip ang naroon at kuminang ang mga mata ko sa nakita. Mga alahas, relo at kung ano-ano pang mga alahas na para sa mga babae, habang sa kabila naman ay mga neckties at mga mamahaling relo na para sa mga lalaki.

Nagmasid-masid pa ako ng ilang sandali bago ituloy na ang plano kong maligo. Pumili ako ng komportableng damit pantulog at natuwa naman ako ng kasiyang-kasiya ang size nito sa akin.

Ilang sandali ay natapos na ako sa mga dapat kong gawin at bagsak ang balikat akong pumunta sa malaking higaan. Napapikit ako at nakaramdam ng pagod ng lumapat ang malambot na kutson sa likod ko na tila hinihila agad ako ng antok.

Ngunit bago pa man ako makatulog ng tuluyan ay may napansin akong malaking bulto ng anino sa balkonahe ng malaking kwarto na ito. Mabilis akong napaupo at pinagmasdan muli ang paligid ng balkonahe. Wala na ang aninong napansin ko ngunit napansin kong nakabukas ang gawa sa salamin na pinto na nagdulot sa akin ng kaba.

Ang naalala ko naman sirado ito kanina dahil hindi naman ako pumunta sa dako ng balkonahe dahil na rin gabi na.

Sino iyon?