CHAPTER 14

Isang oras ang lumipas at nakaalis na kami sa bahay ni na Lola Christina. Hindi ko maiwasan malungkot sa lungkot na dumaan sa mga mata ng magkakapatid sa paglisan ko, pero alam kong naiintindihan nila ang sitwasiyon at nirerespeto nila iyon.

P'wede ko naman silang dalawin sa kahit anong araw na gusto ko ganoon din sila kaya medyo nabawasan nito ang lungkot na nararamdaman ko.

Lulan kami ng isang mamahaling sasakyan na pag mamay-ari ng mga pamilyang Dawson. Malalim akong bumuntong hininga bago nilapat ang likod ko sa upuan. Napatingin ako sa labas ng bintana at dilim lamang ang nakikita ko. Tinatahak na namin ang daan papuntang Pack Mansion.

Ngayon ko lang din nalaman na may sikreto pala silang kalsadang daan papuntang pack mansion bukod sa normal na rutang dinadaanan papunta doon. Sinulyapan ko ang taong katabi ko at napansing nakapikit ang mga mata nito.

Mahahalata sa mukha niya ang pagod. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ng mukha niya. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang gwapong mukha nito dahil sa liwanag ng buwan.

Makapal ang mga itim na itim na kilay. Matangos na ilong, mapulang hugis puso na labi at ang maamong mukha pag natutulog. Mukha siyang anghel pag natutulog na hindi mo maiisip na siya ang pinakamalakas at kinatatakutang Alpha ng grupo nila.

Ngunit habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito ay napapitlag ako sa gulat ng gumalaw ito. Mabilis tuloy akong napatingin sa labas ng bintana dahil baka mahuli pa akong tumitingin sa kaniya.

"Kung gusto mo akong titigan just say so, I will let you," narinig kong bigla nitong sabi. Ang husky pa ng boses niya na halatang kakagising lang.

At anong sabi niya? Sinong tumititig?! Marahas akong napatingin sa kaniya at nanlaki ang mga mata ng magtama ang mga mata namin.

"Anong sinasabi mo diyan?! Hindi ako tumititig sa iyo no!" Angil ko at masama siyang tinignan. Napansin kong tumaas ang gilid ng labi niya. He seems amuse na ipinagtaka ko.

"Fine," natatawa nitong sabi. Takte, ang puso ko bakit ba kasi siya ngiti ng ngiti! Umiwas na siya ng tingin pagtakapos niyang sabihin iyon at tumingin sa labas ng bintana kaya ganoon din ang ginawa ko.

"We're almost there," narinig kong sambit nito kaya napaayos ako ng upo. Dumagundong muli ang puso ko sa kaba ng malaman na malapit na kami sa pack mansion. Hindi ko maiwasang kabahan sa tuwing sasagi sa isip ko na titira na ako doon.

Nito lang halos wala akong matirhan, kahit saan ako magpunta lahat na tinitirhan ko ay pinapaalis ako. Pero ngayon, hindi lang basta bahay na masisilungan kung saan ako mamamalagi kung hindi mansion.

Nagpatuloy ang pag-andar ng sasakyan. Napansin kong pumasok kami sa isang tunnel. Sobrang dilim at pakiramdam ko kinakapusan ako ng hangin. Kinapa-kapa ko ang gilid ko ngunit halos mapasigaw ako sa gulat ng may humuli sa kamay ko.

"Don't be scared. I'm here."

I was taken a back nang marinig ko ang mahina nitong bulong. Hindi ko alam pero ang kaninang umuusbong na takot ko ay biglang nawala dahil lang sa sinabi nito at ang paghawak nito ng mahigpit sa kamay ko.

Nakanganga kong pinagmamasdan ang nasa harapan ko nang tumigil ang sinasakyan namin sa isang pagkalaki-laking mansion na gawa sa bricks. Noong nakita ko ito mula sa tuktok kung saan unang nakatira sila Lola Christina ay alam kong malaki na ito, ngunit hindi ko naman inaasahan na mas malaki pa pala ito sa personal.

Pagkatapos naming makadaan sa madilim na tunnel ay bumungad muli sa amin ang kagabutan, nagpatuloy pa ang byahe namin sa malubak na daan pagkatapos ay ilang sandali lang natanaw na namin ang ilang mga kalalakihan na tila nagbabantay sa lugar.

At pagkatapos non ay dumiretso pa ang sasakyan at nakita ko na ang pack mansion. Pero napansin ko lang na nasa likod kami ng mansion. Bumalik lang ako sa huwisyo nang maramdaman ko ng may tumawag sa akin. Napatingin ako sa taong iyon at nakitang iyong driver pala.

"Lumabas na po kayo. Naghihintay ang Alpha," magalang na sabi nito kaya mabilis akong lumabas. Ngunit sa pagmamadali ko ay nauntog pa ako dahil sa biglaan kong pagtayo at napadaing dahil sa malakas na pagkakauntog.

Aish. Kamalasan.

Nang makalabas ay nanlaki ang mga mata ko nang nasa likod ng driver si Axel na seryoso ang mukha.

"I don't want to ever see your face again," narinig kong sabi nito. Halos tumaas ang balahibo sa katawan sa malamig nitong pagkakasabi na kahit sino ang makarinig nang boses niya matatakot.

Napatingin ako sa driver sa harapan ko nang makitang mawala ang kulay sa mukha nito at naestatwa.

"Who the hell tell you that you need to hurry her?!" Malakas na sigaw ni Axel .

"P-Patawad Alpha, ayaw ko lang po paghintayin ka," kinakabahan nitong sabi at yumuko.

"Do you think I'll accept that?! She's the Luna for peters sake!" Halos dumagundong ang lugar sa malakas nitong sigaw. Napansin kong nagpipigil ito nang galit dahil na rin sa kamao nitong kumukuyom.

Mabilis akong napatingin sa driver nang bigla itong lumuhod at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lupa.

"Patawad po!" Malakas na sigaw nito. Naguguluhan ko siyang pinagmamasdan.

Anong nangyayari?

"Are you okay?" Axel asked all of a sudden. Hindi na galit at nakakatakot ang boses nito. Puno ng pag-iingat at pag-aalala.

Mas lalo naman akong naguluhan dahil doon ngunit biglang kumirot ang ulo ko mula sa pagkakauntog kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Masakit ba?" Napaigtad ako sa gulat at namilog ang mga mata nang makitang nasa tabi ko na agad si Axel na kanina lang ay nasa likod nang driver.

Ngunit sa gitna nang pagkagulat ko ay may narealize ako. Napalayo ako sa kaniya at tinapunan nang tingin ang nakaluhod na driver sa harapan namin. Mabilis akong lumapit sa kaniya at pinatayo ito.

"Tumayo po kayo," sabi ko at inalalayan siya.

"Nako, hindi po. Dapat lang po akong lumuhod dahil sa ginawa ko," magalang nitong saad na ikinanoot ng noo ko.

"Hindi niyo po kailangan iyang gawin," malamig kong sabi at tumingin kay Axel.

"Why don't you tell him that it's okay?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Napansin kong napaawang ang labi niya sa inakto ko.

"Are you mad?" Seryosong tanong nito.

"Ewan ko sa iyo," sabi ko nalang at inirapan ito. Anong klase siya, nauntog lang naman ako kung magalit siya akala mo naman nasaktan ako ng sobra. Tss

Tumingin ako kay Manong Driver at napansin kong nayuko pa rin ito at mukhang kinakabahan.

"H'wag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako," magalang kong saad at nginitian siya. Naramdaman kong natigilan ito ganoon din ako ng may marinig kaming mahinang growl kung saan.

Mabilis akong napatingin kay Axel dahil doon at nakitang masama ang tingin nito sa amin. Ano na namang problema niya? Kakakilala palang namin pinapakita na niya ang attitude niya sa akin.

"Let's go. Masiyado nang malalim ang gabi, you need to rest," kalaunang sabi nito matapos ko rin siyang samaan ng tingin. Aba, kung iyong iba ay takot at ginagalang siya ibahin niya ako. I'm not even scare a bit.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinapunan ng tingin si Manong Driver. "Mauna na ho kami," paalam ko.

Hindi ko na narinig ang sagot nito nang hilain lang ako basta ng asungot na Axel. Mahigpit itong nakahawak sa palapulsuhan ko at mabibilis ang hakbang naglalakad. Halos makaladkad tuloy ako.

Bago kami makapasok sa tingin kong back door ng malaking mansion ay may nakita pa akong ilang mga sa gilid ng pinto. Tatlong babae at isang lalaki.

"Bring her to Master's bedroom. Assist her," bungad na sabi agad ni Axel nang makarating kami sa harapan ng pinto. Napansin ko pang yumuko silang lahat kanina nang makitang malapit na kami sa kanila. Talaga ngang ginagalang siya ng lahat.

"Yes, Alpha," magalang na tugon ng babaeng tingin ko'y kaedaran ko lang. Ni hindi man lang ni Axel tinapunan ito ng tingin at diretso lang na nakatingin sa pinto. Nakakapanibago lang ang inaasta niya, kanina kasi para siyang anghel kung makipag-usap sa akin, pero nang dumating kami dito sa pack's mansion bigla siyang naging strict at masungit.

Mukhang tama nga ang sinabi ni Ciara na hindi talaga siya palangiti sa ibang mga tao. Nakita kong nagsimula itong humakbang papunta sa pinto kaya naalarma ako.

Iiwan niya ba ako sa kanila? Wala pa akong masiyadong alam sa mga bagay-bagay dito. Hindi ko pa rin masabing hindi na ako kinakabahan sa bago kong buhay.

Nakita kong natigilan si Axel sa akmang pagbukas nito sa pinto.

"I just need to do something. Don't worry, you can trust them. Alam na nila ang dapat gawin," maotoridad nitong sabi pagkatapos ay walang lingon-lingon na itong pumasok sa back door.

Hindi ko maiwasang malungkot na ipinagtaka ko. Tila kahit sa sandaling oras na magkasama kami malayo lang siya sa tabi ko nalulungkot na ako. Iwinaksi ko ang lungkot na nararamdaman at tumingin sa babaeng kinausap ni Axel kanina.

"Sumunod po kayo sa amin," magalang nitong sabi at yumukong muli. Mahina akong tumango kasi ni hindi man lang nila ako matignan sa mga mata ng matagal. Lahat sila pawang nakayuko at parang tensed.

Nakita kong pinagbuksan kami ng pinto nang lalaking naiwan upang samahan kami at iyong isang kasamahan niya naman ay sumunod kay Axel.

Nakanguso akong sumunod nang unang pumasok ang babae at ang dalawang babaeng kasama nito ay nasa likod ko.

Habang nakasunod ako sa babaeng nasa harapan ay hindi ko maiwasang magmasid-masid sa lugar kung nasaan kami. Puro mga gamit pangluto ang narito at mga sako-sakong bigas. May nakita din akong mga nakatuping tela sa gilid at mga de kahoy na balde. Sa tingin ko stock room ito, tanging mga iilang lampara lamang ang nagbibigay liwanag buong lugar.

Huminto ang lalaking nasa harapan sa isang malaking pinto na kahoy. May kung ano itong kinalikot at segundo lang ay may narinig kaming tumunog na tila bumukas. Sinilip ko mula sa kinalalagyan ko ang ginagawa niya ngunit nagulat ng marahas nitong buksan ang malaking kahoy na pinto.

Bumungad sa amin ang madilim na loob na nasa likod ng pinto. Nangunot ang noo ko dahil sobrang dilim doon.

Saan ba kami papunta?

Nagsimulang pumasok ang lalaki sa dilim ganoon din ang babae sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka. Papasok kami sa madilim na lugar na iyan? Naramdaman ko ang marahang pagtulak sa akin ng kung sino man sa likuran ko.

Napilitan tuloy akong maglakad kahit natatakot akong sumuong sa madilim na lugar na iyon. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay halos mapasigaw ako nang biglang lumiwanag. Nanlalaki mga mata kong pinagmamasdan ang lugar at may nakita akong hagdan paakyat sa kung saan.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tuktok dahil na rin sa pintong nasa harapan namin. Nakapagtaka lang dahil mukhang matibay ang pintong kumpara sa unang pinto na nakita ko sa baba.

Muli kaming naghintay sa kung anong ginagawa ng lalaki sa harapan bago namin narinig ang tunog na muli iyon na parang may bumukas.

Ngunit nang buksan ng lalaki ang pinto ay napapikit ako sa liwanag na dulot ng kwartong nasa likod non.

"Ayos lang po ba kayo?" Narinig kong marahang tanong ng taong nasa harapan ko kaya mabilis akong napatingin sa kaniya.

"Oo. Nasilaw lang ako," sabi ko at ngumiti. Narinig kong may kung sinong tumikhim kaya napaharap ang babae sa harapan. Nakita naming nagsimulang maglakad muli ang lalaki kaya wala kaming nagawa kung hindi sundan siya.

Nang makapasok ako sa loob ay muli na naman akong natigilan.

Teka...

Bakit parang hindi na normal ang nakikita ko?!