CHAPTER 13

Unang bumitaw sa yakap si Ciara, marahil ay naramdaman niya ang presensiya ng kapatid niya.

Ciara smiled warmly at me bago  humarap sa gawi ng Kuya niya. Dahil doon ay sinulyapan ko si Axel at nakitang nakakatitig ito sa akin.

Nailang naman ako sa pamamaraan ng tingin nito na tila binabantayan ang bawat reaksiyon sa mukha ko. Isa pa itong puso ko na panay ang mabilis na kabog sa tuwing nakikita ko siya.

"Why are you still here, Kuya?" Narinig kong tanong ni Ciara sa kapatid nito.

Dahil doon ay napukaw nito ang atensiyon at binalingan ito ng tingin. He sighed first before he open his mouth to answer Ciara's question on why he's still here.

"I let Seb manage it, it's not that important as what you says. The important I know is here," tugon nito kay Ciara at kapagkuwan ay sinulyapan ako.

Ako ba iyong mas importanteng tinutukoy niya? Nakagat ko ang ibabang labi at napayuko sa naisip. Pinipilit kong h'wag mangiti dahil sa narinig dahil baka ako lang pala ang nag-iisip non at mapahiya lang ako.

Pero sa sandaling sinabi niya iyon ay sumiklab ang saya sa puso ko. Na binalikan niya ako kahit tinarayan ko siya.

"I see. Sasama na ba si Ate Lily sa atin sa pack mansion?" Ciara asked kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Anong sasama? Kailangan ko din bang tumira kasama sila?

"Of course. She's my mate and soon to be the official Luna of Gray Sky pack," seryosong tugon ni Axel sa kapatid kaya natigilan ako.

Gray Sky pack? Iyon ba ang pangalan ng pack nila? Pero bumundol ang kaba sa puso ko nang marinig na naman ang salitang Luna.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, hindi ko aakalain na isang araw malalaman kong mapupunta ako sa isang bayan na hindi pangkaraniwan, na may makikilala akong lalaking magpapabilis sa tibok ng puso ko dahil lang sa presensiya nito.

"Okay. Ikaw na ba ang nagsasabi sa kaniya, Kuya?"

"Yes," maikling tugon ni Axel sa kapatid. Nakita kong tumingin sa akin si Ciara.

"Ate Lily, maiwan ko muna kayo. Puntahan ko lang si Lola Christina," wika nito.

Tumango naman ako at binigyan siya ng isang ngiti, "Sige," maikling sabi ko.

Makalipas ng ilang sandali ay dalawa nalang muli kami ni Axel. I signed nang wala man lang nagsasalita sa aming dalawa.

"Lilyana..."

Bigla akong natigilan nang sambitin nito ang pangalan ko. Buong buo ang boses nito, pero mapapansin ang lambing doon.

Lumunok muna ako bago siya tignan, lagi nalang ako kinakapusan ng hangin sa tuwing malapit siya sa akin. Hindi pa nakakaisang araw ang pagkikita namin pero ganito na ang epekto niya sa akin.

When  our eyes met, hindi ko mapigilang mapatitig sa kulay abo nitong mga mata nang bigla itong mag-iba ng kulay. Mula sa kulay abo ay biglang naging golden yellow na siyang pinagtaka ko.

Gusto kong magtanong kung bakit nag-iiba ang kulay ng kanilang mga mata. Isa din ba ito sa traits ng isang pagiging lobo?

Mula sa malalim na pag-iisip ay napukaw ng atensiyon ko ang biglang pagtikhim ni Axel. Dahil din doon ay napatingin akong muli sa kaniya.

"You're going with us. Simula ngayon kasama na kitang titira sa pack mansion," matigas at puno ng otoridad nitong saad.

Gusto ko mang magtanong kung bakit kailangan ko pang doon tumira kasama sila ay nasagot na nito ang tanong ko.

"Kailangan kita," Axel said.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Naalala ko din ang sinabi ni Ciara sa akin about sa pagiging Luna ng isang pack. Na dapat lagi akong nandiyan para sa kaniya.

"Magpapaalam lang ako kay Lola Christina at sa mga bata," sabi ko. Pinilit ko nang hindi ipakita ang lungkot sa boses ko ay hindi ko pa din napigilan.

"Don't worry, you can always visit them, and so they are," I heard he said kaya tumingin ako sa kaniya ng may malaking ngiti sa labi.

"Talaga?!" Paninigurado ko dahil baka namali ako ng dinig.

"Yes," maikli nitong sagot. Natuwa naman ako dahil doon. At least makikita ko pa rin sila, kahit sandali pa lang simula ng makilala ko sila, sila ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

Na may nagparamdam pa rin sa akin na mahalaga ako.

"Thank you," mahinang sabi ko.

"Saang bayan ka nakatira?" Kalaunang tanong ni Axel. Napalunok ako at tinignan siya. Mataman lang itong nakatingin din sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

"Sa bayan ng Brahilyo," tugon ko. Nakitang kong tumango ito ng dahan-dahan.

"Sa lilipas na araw ay official na ipapakilala ka namin sa aming mga nasasakupan, na kung saan magiging parte ka na rin. Pero bago iyon, kailangan ko munang maka-usap ang mga magulang mo upang maayos kang makakasama sa amin," mahaba nitong saad.

"You don't need to. Wala naman akong babalikan doon, gusto ko lang umalis dito dahil hindi ako sigurado kung magiging maayos ba ang buhay ko dito. Pero ngayong nalaman ko na may dala-dala na rin ako sa balikat ko ay hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala iyon."

Naramdaman ko ang gumuhit ngasakit sa puso ko na wala nga pala akong uuwian. Na kahit mawala ako ng ilang araw wala namang maghahanap sa akin.

Yumuko ako at malungkot na ngumiti.

Wala akong narinig na tugon sa kaniya bagkus ay naramdaman ko na lamang na ikinulong ako sa mga matipunong mga braso nito.

Napansin ko na lamang na ang kaninang lungkot na nararamdaman ko ay biglang naglaho sa pagdampi ng balat nito sa balat ko.

Natigilan ako nang idantay nito ang ulo sa balikat ko. "Kung pwede lang ipasa mo sa akin ang lungkot na nararamdaman mo, kukunin ko lahat h'wag ka lang makaramdam ng lungkot," narinig kong bulong nito na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Kung pwede lang ako na ang makaramdam ng lungkot ako na lang, h'wag ka lang."

Pagkatapos niyang magsalita ay naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap nito.

"I'm always gonna be here for you. Remember that," mahinang bulong nito.

"Nandito na ako, mahal ko," mahinang bulong nito.

Bigla akong nanlambot sa sinabi nito, wala pang isang araw na nakilala kita pero ganito na ang nararamdaman ko sa bawat galaw mo. Buong buhay ko hindi ako nakadama ng ganito pero sa isang iglap ganito na ang nagawa mo sa sistema ko.