CHAPTER 12
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Anong sabi niya? Instead na tawagin ko siyang Alpha ay dapat na Love nalang?
At bakit naman ganito mag react ang puso ko? Halos gusto nang lumabas ng puso ko sa mabilis na pagpintig nito. Hindi din ako makahanap ng tamang salitang sasabihin sa kaniya.
Bumukas ang bibig ko pero muling sumara nang hindi man lang ako makahanap ng salitang p'wedeng itugon sa sinabi niya.
Namilog ang mga mata ko nang mapansin kong papalapit siya sa gawi ko. "B-Bakit ka lumalapit?" Puno ng kaba kong tanong.
Ngumisi ito nang tila nang-aasar at tumaas ang dalawang kilay nang mabilis akong humakbang patalikod nang malapit na siya sa akin.
"Nagtatanong ako, ano ba?!" Hindi ko na maiwasang mainis dahil sa inaasta nito. Ni hindi man lang siya natinag sa sigaw ko at patuloy pa rin siya sa paghakbang palapit sa akin.
Pasimple kong tinignan ang likuran ko at konti nalang ay wala na akong maa-atrasan. Binalik kong muli ang paningin sa kaniya at napasigaw nang bigla niyang hinigit ang bewang ko upang ipaglapit ang distansiya namin.
Halos lumuwa na ata ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya akong higitin. Dahil mas matangkad siya sa akin ay nakatingala akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakayuko upang magpantay ang aming paningin.
Sa hindi malamang dahilan ay napatitig ako sa magandang mga mata nito. It has the colour of gray sky. A pair of breathtaking eyes that seems to enjoy staring at me. Doon lang ako nabalik sa realidad nang mapansing ngumiti ito.
"Done staring, Love?" Napaatras ako sa bigla nitong tawag sa akin at hindi ko sinasadyang matulak ang matigas nitong dibdib.
Woah, mukhang mahilig siyang mag excercise ah. Pinilig ko ang ulo sa mga pinag-iisip at masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.
"Anong Love ka diyan? P'wede ba tumigil ka. Ni hindi pa nga tayo nagpapakilala ng maayos eh," sabi ko sa kaniya at nilayo ang distansiya namin. Masiyado siyang malapit, hindi tuloy mahinto-hinto ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Hindi porket nakatadhana kami sa isa't isa ay p'wede niya na akong tawagin ng kung ano-ano. I'm a human, magkaiba ang pananaw namin about sa dalawang taong itinadhana sa isa't isa.
Mas gusto ko pa rin iyong way ng mga tao na getting to know each other first bago ang lahat.
I heard how he laughed about my remarks and whispered something. Kunot noo ko siyang tinapunan ng tingin dahil doon.
"Okay then," Suko nitong saad na nakuha pang itaas ang dalawang kamay na tila hindi na siya papalag. Agad kong iniwas ang tingin sa kaniya sa namumuong multo ng ngiti sa labi ko.
"Can you please look at me?" narinig kong sabi nito kaya bigla akong natigilan.
Dahan-dahan ko siyang tinignan. He's smiling so widely that makes my heartbeat fast. Mukhang kailangan ko na atang magpatingin sa doctor dahil simula nang makilala ko siya naging irregular na ata ang pagtibok ng puso ko.
"I'm Axel Ulysess Dawson," he seriously said. Bakit gano'n? Kahit pangalan niya ang gwapo.
Napangiti naman ako dahil doon. Ang dali naman palang kausap.
"Iyon lang?" Nakataas ang kilay kong tanong. Sinusubukan ko lang kung hanggang saan ang pasensiya niya. Mabuti nang sigurado ako, para maiwasan kong pagalitin siya kung sakali.
"Yes." Bumagsak ang ngiti ko nang sabihin niya iyon with finality in his voice. Ang boring niya naman.
"It's your turn now," he said.
Hindi ko mapigilang mapanguso nang mapansing siya naman ang natatawa ngayon. Kainis naman kasi, getting to know each other tapos pangalan niya lang ang pinaalam niya.
"Lilyana Zariyah," maikling pagpapakilala ko.
He chuckled kaya napatingin ako sa kaniya. "Iyon lang?" Napaawang ang labi ko nang gayahin niya ang sinabi ko sa kaniya.
"Oo, bakit?" Nakataas ang isang kilay kong saad. Iniwas ko ang paningin sa kaniya. Nakakainis ang gwapo masiyado.
"Nothing. Don't worry, we still have so many minute, time, days, months and year to know each other," narinig kong sabi nito kaya mabilis akong napatingin sa kaniya.
Nakaawang ang bibig ko siyang binalingan ng tingin. "You're my mate, remember?"
I was cought off guard by what he said and can't even utter a single word. Nanlalaking mga mata ko lang siyang tinititigan dahil sa gulat.
Naalis lang ang paningin ko sa kaniya nang may marinig kaming tikhim. Sinulyapan ko ang taong iyon at nakitang nagpipigil ng ngiti si Ciara. Mukhang narinig pa ata ang pinagsasabi ng kapatid niya.
Binalik ko ang tingin kay Axel at halos umikot ang mga mata ko nang hindi man lang nito inalis ang paningin sa akin na tila walang pakialam sa presensiya ng kapatid niya. Napabuga ako ng hangin at seryoso siyang tinignan.
Nakita kong umayos ito ng tindig at mataman akong tiningnan na tila may hinihintay.
"Axel..." I said. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mahulog ang panga nito.
"What? Can you please say it again?" Utos pa nito at nanlalaki pa ang mga mata. Sinilip ko si Ciara at napansing maging siya ay nagulat sa tinawag ko sa kanilang Alpha.
"I call you by your name. Isn't it, Axel?"
Tumango ito ng mabilis na tila batang sinabihan siya ng gusto niyang laruan. Pero segundo lang ay napansin kong napanguso ito.
Damn those red lips.
"But I still prefer you to call me Love though," seryosong sabi nito at halos mabilaukan ata ako sa sarili kong laway dahil doon.
Grabe, ang bilis naman niya masiyado at nandoon na agad siya sa may tawag an na level!
"Ewan ko sa iyo. Ciara!" Tawag ko sa kapatid niya. Sinulyapan ko siya dahil sa pangbabalewala ko sa sinabi niya at nakitang nakakunot ang makapal nitong kilay.
"Oops. Sorry for disturbing. Pero kailangan kang makausap ni Seb, Kuya," Ciara said. Nasa akin ang paningin nito nang sabihin niya iyon na tila binabantayan ang magiging reaction ko.
Nginitian ko siya at hinarap ang kapatid niya. "Alis na," pagtataboy ko. Namilog naman ang mga mata nito sa pagtataboy ko sa kaniya.
"Did you jus-, Fine!" Lalo namang lumawak ang ngiti ko nang mapansing mabibigat ang bawat hakbang itong umalis. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin at pabagsak na sinira ang pinto.
Nang makalabas siya sa main door ng bahay ay napaigtad ako sa gulat sa biglang tili ni Ciara.
"Oh my gash!! What did you do to my brother?!" Exaggerated na tanong ni Ciara sa akin.
Wala na nga iyong kapatid niya siya naman itong ngayong parang ewan.
"Ano? Wala naman akong ginawa ah" Nagtataka kong tanong. "Teka, ang mga pinggan hindi ko pa nahugasan," sabi ko at akmang tatalikuran na siya upang ipagpatuloy ang paghuhugas nang hawakan nito ang pulso ko at hinarap ako sa kaniya.
"Mamaya na iyan, Ate!"
"Ano ba kasing ibig mong sabihin, wala naman akong ginawa sa Kuya mo," sabi ko.
"Well what's that?" Taka nitong tanong.
"Alam mo hindi kita ma gets. Saka mo na ako kausapin ulit pag kaya mo nang i-explain sa akin ang pinupunto mo," sabi ko. Parehas lang sila ng Kuya niya, ang hirap intindihin.
"Waahh! You're so mean, ate!" Parang bata nitong sabi. Natameme ako sa gulat nang ma-realize na ang babaeng ito na minsan ding nagpakaba sa akin dahil sa awra nitong nakakatakot ngayon ay parang batang napagalitan na nagtatampo.
Nakanguso itong umiwas ng tingin sa akin. Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Tska, magkapatid ng sila ni Axel. Parehas silang parang bata.
"Ipaliwanag mo kasi sa akin ang sinasabi mong ginawa ko sa Kuya mo. I don't get it," I said.
"Nginitian ka niya! He's always smiling at you!" Halos pasigaw nitong sabi na tila nae-excite.
"Okay? Big deal ba iyon?" Taka kong tanong. Okay, alam kong gwapo siya pag ngumingiti pero hindi naman ata kailangan mag-react ng ganito, hindi ba?
"Kuya's smile is rare view to see, Ate. Like sa ilang taon na kasama ko siya mabibilang lang sa kamay na nakita ko siyang ngumiti! He's always got that serious, intimidating face," sabi nito.
Natawa ako nang makitang umirap pa ito sa hangin na tila inis na inis sa ugali ng Kuya niya.
"Mabait naman si Kuya at caring lalo na sa kapakanan ng pack pero he's kind that pinapakita niya iyon sa gawa, " sabi nito.
Napangiti ako sa sinabi nito. I can see that he's a good lider of their pack. Doon palang sa monthly visit niya sa mga matatandang miembro ng pack alam kong mabuti siyang Alpha dahil inaalala nito ang kapakanan ng matatandang miembro ng nasasakupan niya.
"Kaso nga hindi lang mahilig ngumiti! Laging seryoso at maikli lang ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito," patuloy na sabi nito. Halatang nagrereklamo.
"Pero kanina, halos mahulog ako sa upuan when I see how he effortlessly smile at you. It's big deal to me because I always want to see him happy and smiling," Ciara said and smiled.
Tumingin ito sa akin at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay ko.
"Thank you for letting me see my Kuya's smile again, Ate. Thank you for existing to his life," sabi nito nilapit ang distansiya namin at niyakap ako ng mahigpit.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, sa hindi malamang dahilan ay hinanap ko ang dahilan ng pagtibok nito at tama nga ang hinala ko.
Ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay ang lalaking nasa harapan ko.
Ang lalaking hindi ko inaasahang magbibigay ng ilaw sa madilim kong mundo.