Chapter 11

Hindi na ata natikom ang bibig ko simula nang ipaliwanag nila sa akin ang ibig sabihin ng mate sa dalawang magkapareha sa kanilang uri.

May binanggit din sila kanina about sa moon goddess na siyang nagtatadhana sa dalawang magkapareha na makakasama nila habang buhay.

Kaya pala ganoon nalang ang pakiramdam ko kapag nagtatagpo ang mga mata namin. Na sa bawat haplos ng kamay niya sa balat ko ay tila may kuryenteng dumadaloy doon na nagbibigay ng ibang sensasiyon sa sistema ko.

We're fated for each other. Masyadong nakakagulat ang mga nangyayari, hindi ko inaasahan na ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw ay daan lamang upang magtagpo ang mga landas namin.

Pero sa kabila nang gulat sa mga nangyayari ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako masaya. Hindi ko alam bakit tila iyong kulang na nararamdaman ko sa mga ilang taon ay sa isang tinginan lang namin ay biglang nabuo.

Ito na ba ang sinasabi nilang mate bond? Nasabi sa akin ni Ciara na kapag nahanap mo na ang mate mo ay nakakonekta na ang bawat nararamdaman niyo sa isa't isa.

Iyong tipong malalaman mo kung masaya ang mate mo dahil nakakaramdam ka din ng saya. Sa tuwing masasaktan ang iyong kapareha ay ganoon din ang mararamdaman mo.

Kahit kailan hindi ko inakala na darating sa puntong malalaman ko na itinadhana pala ako sa isang hindi pangkaraniwan na tao.

Na kahit kailan ay hindi ko inaasahang totoo. Hindi ko makakaila na masaya ako, masayang masaya ang puso ko.

"Alam mo bang lagi kong hinihiling na  sana magtagpo na ang landas ng magiging mate ni Kuya?" Napatingin ako kay Ciara nang magsalita ito.

Nagtataka man ay nakuha ko pa rin siyang tanungin, "Bakit?" kuryoso kong tanong.

"Lagi ko iyon hinihiling dahil gusto ko siyang maging masaya. Buong buhay niya umiikot ang mundo niya sa nasasakupan namin, sa responsibilad niya bilang Alpha," napansin kong huminto siya. A sad smile plastered on her beautiful face. Pero sandali lang iyon dahil nang tumingin muli siya sa akin ay napansin kong masayang ngiti na ito.

"But now you're finally here, alam kong walang ibang makapagsasaya sa kaniya kung hindi ikaw lang," puno ng sinseridad nitong saad.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito, bumilis ang tibok ng puso sa narinig ko. "Huwag mong sabihin iyan, nandiyan kayo to make him happy," I said and smile.

Natawa ito sa sinabi ko at nagsalita,"Yeah, pero iba pa rin iyong sayang mararamdaman namin once na matagpuan na namin ang nakatadhana para sa amin, " malumanay nitong sabi.

Mahina nalang akong napatango at yumuko sa hiyang nararamdaman. Siguro hindi pa ko pa masyadong alam ang mga bagay-bagay sa kanilang uri kaya ganito nalang ako kung tumanggi.

"But being aside of the Alpha's mate, may kaakibat din itong responsibilidad," seryosong sabi nito kaya napatingin akong muli sa kaniya.  Tinapunan ko rin ng tingin ang mag Lola ngunit naging seryoso din ang kanilang mga mukha na nagpakaba sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Since you're Alpha's mate, you're going to be our Luna."

Luna? Narinig ko na naman ang salitang iyon. Nasambit niya din iyon kanina, pero hindi ko nagawang tanungin kung ano iyon dahil na rin sa mga nangyayari.

"Luna's responsibility is to assist the Alpha, you're always by his side whenever there's a desicion to make for our pack," nanlaki naman ang mga mata ko nang ipaliwanag niya ito.

Paano ko magagawa iyon? Bago lang ako dito at wala pa akong masiyadong alam sa mga kauri nila.

"You're going to be the mother figure of our pack. And most important, dapat lagi kang nandiyan para sa Alpha. You're his strength. Ikaw lang ang makakapagkalma sa kaniya sa tuwing galit siya at hindi makapag desisyon ng tama," pagpapatuloy nito.

You're his strength. Sa lahat ata ng sinabi niya iyong salita na iyon ang tumatak sa isip ko.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito at segundo lang ang lumipas ay pumasok si Seb. Pasimple kong tinignan ang likuran niya kung nandoon ba ang Alpha ngunit wala akong nakita.

"Where's Kuya?" Narinig kong tanong ni Ciara kay Seb.

Umalis na ba siya?

"May kailangan lang siyang puntahan,  pero babalik din agad siya," narinig kong tugon nito. Sa hindi malamang dahilan ay nalungkot ako. Umalis siya? Iwinaksi ko nalang ang lungkot na nararamdaman at hinarap si Ciara. Nagulat pa ako dahil nakatingin pala ito sa akin gamit ang kaniyang mga matang humihingi ng pasensiya at pang-intindi.

Mahina naman akong umiling, "Okay lang. Bilang siya ang Alpha alam kong marami siyang ginagawa," sabi ko.

"Don't worry, babalik naman daw siya agad," pag-papagaan ng loob nitong saad at tipid na ngumiti.

"O siya, mabuti pa't dito nalang kayo maghapunan, nagluto si Lilyana ng Caldereta para sa ating hapunan," masayang anyaya ni Lola Christina.

Nahihiya naman akong napangiti nang gulat na tumingin sa akin si Ciara.

"What?! You know how to cook caldereta? That's kuya's favorite!" Tuwang tuwa  na saad nito. She even hold my both hands at abot tenga ang ngiting nakatingin sa akin.

"You're truly my brother's mate. Kahit paborito nito alam mong lutuin!" Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi nito.

"Nagkataon lang siguro," nahihiya kong saad.

Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain, hindi na namin hinintay ang Alpha dahil sabi ni Seb ay baka matatagalan daw ito. May naramdaman akong kirot nang sabihin niya iyon pero hindi ko nalang pinahalata.

Bakante tuloy ang katabi kong upuan dahil wala siya. Ngunit napapalitan din ng saya ang puso ko sa tuwing maririnig ang mga papuri sa luto ko.

Ngunit sa gitna nang masayang kainan namin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil doon.

Nandito ba siya? Nagtataka kong tanong sa isip ko. Siya lang naman ang alam kong dahilan kung bakit nagkakaganito ang puso ko ngayon.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pinto at mabilis akong tumingin doon. Niluwa noon ang Alpha, ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang puso ko.

Napaawang ang labi ko nang mapansing napangiti ito nang magtama ang aming tingin. Napalunok ako at nahinto ko ang aking pag-hinga nang dahan-dahan itong lumapit kung saan kami.

"Sabi ko na nga ba at hindi ka makakatiis," narinig kong saad ni Seb na ikinatawa ni Ciara.

"Of course, my mate is here."

Sa sandaling sinabi niya iyon ay nakarating na siya sa harapan ko. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya dahil lintek lang ang hindi mahihiya kung alam mong nakatingin ang lahat sa iyo.

Humanga ako nang malalim at simalubong ang nanunukso nitong tingin. Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Ang simple lang ng damit na suot niya pero umaapaw ang lakas ng dating sa katawan.

Bago pa man ako masabihang head over heels sa lalaking ito ay tumayo na ako. Napansin ko pang tumaas ang dalawang kilay nito marahil nagtataka sa biglaan kong pagtayo.

Tumingin ako sa bakanteng sa gilid ko, "Dito ka na umupo," anyaya ko.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang sikuhan ng kambal sa harapan ko. Nakarinig ako nang mahinang tikhim mula sa kaniya kaya tinapunan ko ito nang tingin.

Napansin kong pinipilit niyang huwag mangiti at kagat ang labi niya akong tinignan. "Thank you," he said at mabilis nang umupo sa katabi kong upuan.

Nahigit ko ang hininga dahil doon, akala ko naman kung ano na ang sasabihin niya magpapasalamat lang pala. Teka. Ano pala ang gusto kong sabihin niya?

"Lilyana, maupo ka na rin," narinig kong sabi ni Lola Christina kaya dali-dali akong napaupo.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, naiilang ako sa bawat subo ko dahil wala atang ginawa ang katabi ko kung hindi pagmasdan ako habang kumakain. Hindi ko tuloy malunok-lunok ang kinakain ko dahil sa prisensiya na niya sa tabi ko.

Wala man lang imik ang mga kasama ko at hinayaan lang siya na tignan ako imbes na kumain. Nakakarinig pa ako ng mga hagikgikan kaya lalo akong naiilang.

Pabagsak kong nilapag ang kutsara't tinidor at tinignan siya. Napansin kong nagulat siya ngunit ngumiti din kalaunan na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

Bakit ba siya ngiti ng ngiti? Hindi niya ba alam na sobrang gwapo niya pag ngumingiti?! Bago pa ako tuluyang madala sa ngiti niya ay nagsalita na ako.

"Hindi ka ba kakain?" seryoso kong tanong. Nakita kong nawala ang ngiti sa mapulang labi niya.

"I'm not hungry," walang gana nitong saad.

"Then why are you here?"

Napansin kong dumaan ang kung anong emotion sa mga mata nito nang tanungin ko iyon. Nagulat din ako sa tanong ko pero hindi ko na nabawi dahil nasabi ko na. Nasa amin na tuloy ang attention ng mga kasamahan namin.

"Ayaw mo ba akong dito?" He seriously asked that make my jaw drop. Hindi ako nakasagot kaya narinig kong nagsalita si Ciara.

"Kuya, si Ate Lilyana ang nagluto ng Caldereta hehe, " sabat nito sa usapan.

Napansin kong kumunot ang makapal niyang kilay at napatingin kay Ciara.

"What do you mean?"

"Si Ate Lilyana ang nagluto ng caldereta Kuya," ulit ni Ciara dahil tila hindi agad nakuha ng Alpha ang sinabi nito.

Dahil sa sinabi ni Ciara ay napunta naman sa akin ang paningin nito.

"Ikaw ang nagluto?" tila gulat nitong tanong.

"Oo, bakit?" sabi ko at dinampot na muli ang kutsara't tinidor para kumain na ulit.

Kung ayaw niyang kumain bahala siya.

Wala na akong narinig na tugon niya at nakita ko nalang sa gilid ng mata ko na kumukuha na siya ng niluto kong ulam.

Pinuno ko nang kanin ang bibig ko nang gustong kumawala ang ngiti sa labi ko nang mapansin kong sunod-sunod ang naging pagsubo nito sa ulam na nalito ko. Inalok pa siya ng kanin ni Seb pero tinanggihan niya lang.

Natatawa kong pinagmamasdan ang gulat na mga mukha ng mga taong nasa harapan namin ng kumuha pa ulit ng calderatang ulam ang Alpha. Natapos na rin akong kumain at uminom na ng tubig.

Nilagyan ko rin ng tubig ang baso ng Alpha dahil nasa tabi ko lang naman ang baso nito. Well, dahil na rin nag-aalala akong mabulunan sa sunod-sunod nitong pag-subo.

Nang matapos siyang kumain ay napatingin siya sa akin. I was taken a back dahil sa gulat. Wala na rin si na Ciara, Seb at ang mag-lola at iniwan na kami. Gusto ko na rin sanang umalis dahil tapos na rin naman akong kumain pero sinenyasan ako ni Ciara na samahan muna ang Alpha.

"You cook so well," sabi nito. Napakamot pa siya sa ulo ng ma-realize siguro niyang nakailang sandok din siya sa niluto ko.

"Salamat. Nabusog ka ba?"

"Yes. Ang sarap mo magluto. Just what Ciara says it's my favorite," nahihiyang sabi nito.

"Inom ka munang tubig," alok ko at inurong ang baso ng tubig sa kaniya. Mabilis niyang kinuha ang baso at inisang lagok ang tubig non.

"Thank you," he said.

Hindi na ako sumagot at tumango nalang. Tumayo na rin ako upang ligpitin ang pinagkainan namin. Napansin kong tumayo din siya. Bigla akong nanliit ng makita sa gilid ng mata ko na hanggang dibdib niya lang ako.

"Let me help you," he said at tinulugan nga akong magligpit.

"Ako na, Alpha," tanggi ko.

Ngunit hindi ako nakarinig ng sagot at napansin kong binitawan na niya ang platong hawak niya kanina. Nang matapos sa pagliligpit ay dumiretso na ako sa kusina, naabutan kong naghuhugas ng mga pinggan sa Mayeth.

"Ate Li-, I mean Luna, ako na po," agap nito at akmang kukunin ang dala ko nang nilayo ko sa kaniya ito.

"Ako ka ba, ako na," natatawa kong saad. Tatanggi pa sana ito nang mapatingin siya sa likod ko. Nakita ko pang dali-dali itong tumango kahit wala naman akong sinasabi at iniwan ako.

Nang tatawagin ko na sana siya para magtanong nang matigilan ako.

"Alpha..." nasambit ko nang makitang galit itong nakatingin sa akin.

"Don't call me that!"

Nagulat man sa bigla nitong sigaw ay nagawa ko pa ring magtanong.

"Bakit ka sumisigaw?!"

"Call me by my name!"

"Ano? Hindi kita ma gets umayos ka!" Gigil kong saad.

Ano bang problema niya at bigla-bigla nalang siyang nagagalit diyan.

"I don't want you to call me Alpha," napaawang naman ang labi ko sa sinabi nito.

"Call me, Love instead," he seriously said.

Love?