CHAPTER 29

Hindi pa rin natatapos ang operation, natatakot na ako dahil ang tagal ng mga doktor sa loob paano kung nahihirapan sila at pabayaan na lang nila si Liam. Ayokong mangyari ang bagay na iyon. Lord please help me, iligtas nyo po si Liam.

“Kumain ka muna kaya baka ikaw naman ang magkasakit niyan, tapos mag pahinga sa loob ng kotse.” pukaw ni Sarah sa akin.

“No, ayokong iwan si Liam, gusto ko after ng operation nandito ako.” nagsisimula na naman lumuha ang mga mata ko.

“Okay, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” she said.

Akmang tatayo na si Sarah nang lumabas ang mga doktor sa loob ng operating room kaya napigil siya habang si Jairus ay agad na tumalima, agad akong lumapit sa doktor upang tanungin ang kalagayan ni Liam.

“D-doc, kamusta na po siya?” kinakabahan kong tanong.

Umiling-iling ang doktor na para bang hindi maganda ang kinalabasan ng operation, “I-im so sorry, but we do everything kaya lang kumalat na ang poison sa katawan niya at ang tanging bumubuhay na lamang sa katawan niya ay ang machine na ikinabit namin. Maniwala na lamang tayo sa himala kung mabubuhay pa siya sa kanyang kalagayan-”

“N-no, no, please bawiin mo ‘yung sinabi mo! Mabubuhay siya at lalaban siya, sinabi niya sa akin ‘yun at nangako siya na dapat niyang tuparin!” lumuhod na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko parang tinutusok ang puso ko.

“Ira, calm down-”

“P-paano, hindi ko kaya please bawiin niyo ‘yung sinabi niyo! Please..”

Tinulak ko si Sarah upang tumakbo sa loob ng operating room at pinuntahan ang katawan ni Liam na ngayon ay may takip ang half body niya, tinitigan ko ang mga mata niyang walang buhay at ang namumutla niyang labi dahil naubusan na siya ng dugo.

“Hey, love. Tumayo ka diyan please nangako ka sa akin at ang pangako ay hindi dapat napapako. Love lumaban ka dapat kang mabuhay! Ano ba tumayo ka na diyan wag kang magbiro kasi hindi nakakatawa!”

Pinipigilan na ako ni Sarah ngunit patuloy ko siyang tinutulak dahil gusto kong gisingin si Liam. Ayoko, ayokong mabuhay ng wala siya.

“Ira, tama na kumalma ka.” pilit akong inilalayo ni Sarah.

“Sarah, sabihin mo sa akin na magiging okay siya. Please..” nahihirapan na akong huminga.

“Ira! Hey, are you okay?” panay ang tapik ni Sarah sa mukha ko dahil bumibigat na ang aking mga mata habang bumibigat na rin ang paghinga ko.

“Liam, please-”

Bumagsak na ang katawan ko sa sahig at wala na akong maramdaman kahit na ang pandinig ko ay nawawala na hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ko.

“Hey, Ira!” huling sigaw ni Sarah ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1 hour later…

“Maayos na ang lagay niya, iwasan niyo na lang na maging emotional ang pasyente dahil ito ang magiging dahilan kung bakit siya inaatake ng asthma.”

“Salamat, doc.” naririnig ko ang pag uusap nila Sarah at ng doktor.

Umupo ako habang hawak ang ulo ko dahil kumikirot iyon, nang pumasok sa isip ko si Liam mabilis akong tumayo kahit na may nakakabit na dextrose.

“Ira, where are you going?”

“Sarah, kailangan ko puntahan si Liam please hindi ako matatahimik dito kung hindi ko naman nakikita si Liam.” pagmamakaawa ko kay Sarah.

Alam kong naaawa si Sarah sa akin at alam ko rin na matutulungan niya ako, gusto ko lang naman silipin kung ano ang lagay ni Liam.

“Doc, pwede ko ba siyang dalhin?” panghihingi ng permiso nito sa doktor.

“Go, bawal din naman ang ma-stress sa kanya.” pagpayag nito.

Mabilis akong inalalayan ni Sarah patungo sa recovery room, kahit walang kasiguraduhan maghihintay ako hanggang sa imulat niya ang mga mata. Handa akong maghintay kahit kailan at maniniwala ako sa himala.

“Iwan na muna kita dito, tawagin mo ako kung kailangan mo.” paalam ni Sarah na agad kong sinundan ng pagtango.

Tinitigan ko ang mukha ni Liam na halos namumutla na at ang labi niya ay nagbabalat na, “Hey, love kumusta ka? Nakikita mo ba si daddy sa langit, siguro nag uusap pa kayo diyan kaya ang tagal mo bumalik.” pinipilit kong ngumiti.

Hinawakan ko ang mukha niya bago humiga sa dibdib niya pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata, “Daddy please ibalik muna si Liam-”

“Hi, dear. Wag mo naman akong sisihin hindi ko naman kinuha si Liam.”

Halos tumalon ako nang marinig ang boses ni daddy at paglingon ko sa may pintuan nakita kong may magandang ngiti sa labi ni daddy.

“D-daddy? Paano-”

“Anak, I’m a live at dahil kay Liam kaya ako buhay ngayon.” mabilis akong lumapit kay daddy sabay yakap ng mahigpit.

“Dad! Buhay ka akala ko wala kana.” umiiyak kong saad.

Ngumiti si daddy at hinawakan ang ulo ko, “Anak, maniwala ka lang mabubuhay siya nagpapalakas lamang siya.”

“Sana nga dad, sana.” lumingon ako sa walang buhay na katawan ni Liam. Tumupad siya sa pangako na ililigtas niya ang daddy ko at nagbuwis siya ng buhay para sa akin.

Mas lalo ko siyang mamahalin at wala akong sasayangin na oras pag nagising siya.

“Good news, nakakulong na si Greth at ang mga tauhan niya kaya ligtas na tayong lahat.” segunda ni daddy.

“That’s good dad.” ngumiti ako pero hindi mapigilan ng mata kong lumuluha habang nakikitang nahihirapan na si Liam.

Naramdaman ko ang paghawak ni daddy sa balikat ko, “Magiging maayos din ang lahat anak.” sabi ni daddy at saka nag paalam na uuwi daw muna siya sa bahay.

Umupo ako at hinawakan ang kamay ni Liam bago ako humiga sa dibdib niya para damdamin ang tumitibok niyang puso dahil sa machine. Kung sakaling mawala siya gusto kong sumama, sabay tayong mamuhay sa ibang lugar.

“I love you love…” bulong ko at saka pumikit kasabay ‘nun ang sunod sunod na pag agos ng mga luha ko.