CHAPTER 28 Please, Wake up my love.

“No!” nagmulat ako dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa itaas at hindi ako pwedeng magkamali boses iyon ni Liam na nakasakay sa helicopter, kaya agad akong tumakbo upang magtago kaya lamang ay sumalubong ang iba pang tauhan ni Greth at hinila ako sa maraming nakatambak na sako kaya hindi kami tatamaan habang nagkakaputukan na nanggaling kay Liam.

“Ano ba! Bitawan nyo ako.” pilit kong iwinagayway ang aking braso upang makatakas ngunit mas malakas sila sa akin at dalawa sila kaya wala akong laban.

Matapos ang baril na pinapaulan nila Liam lahat ng mga tauhan ni Greth na iniwan niya para patayin ako ay mga wala ng buhay dahil tadtad ng bala sa katawan.

“Papatayin namin ang babaeng ito kung hindi ka bababa dito! Duwag ka!”

Hindi maaari dahil sariwang sariwa pa ang sugat niya kaya wala siyang laban sa dalawang ‘to kung susubukan niyang bumaba. “Liam, umalis na kayo! Hayaan mo ako dito.”

Walang sumasagot mula sa itaas kaya ‘nung subukan ko sumilip bumababa na si Liam mula sa hagdan na nanggagaling sa helicopter.

Bakit ba ang tigas ng ulo niya sinabing huwag na bumaba at hayaan na lang ako. Masyado ba siyang bilib sa sarili niya na kahit malala ang lagay niya susugod siya.

“Andito na ako! Lumabas kayo at ako ang labanan niyo!” Liam said angrily.

Hinila ako ng dalawang lalaki at agad na itinali sa upuan bago humarap kay Liam na ngayon ay naka benda ang sugat, tumingin siya sa akin na para bang kinakausap ako ng mga mata niya.

“Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, handang ibuwis ang sariling buhay.” sabi ng lalaking dalawang baril ang hawak na isang putok lang patay kami pareho.

“Pakawalan niyo siya!”

“Baka sabihin mo duwag kami, sige ibababa namin ang baril basta ganun din ang gagawin mo. Tapos mawawala ka sa mundo dahil dudurugin ka namin na parang insekto.” mayabang na saad nitong lalaki.

Sabay nilang dalawa ibinaba ang baril pagkatapos ay sumunod si Liam, isa laban sa dalawa? Anong magagawa ni Liam tapos may sugat pa siya ano ba kasing nasa isip niya ang sabi ko umalis na!

“Liam, ano ba ang sabi ko umalis ka na!”

Lumingon lang siya sa akin sabay ngiti at hindi na ako pinansin bagkus nag focus sa dalawang kalaban niya.

Kaliwa’t kanan ang kalaban niya nababaliw na ata siya, bakit ba kahit kailan hindi marunong makinig ang lalaking ‘to.

Maya maya ay umatake ang dalawa para suntukin siya mabuti na lamang ay mabilis siyang umiwas pagkatapos ay sumugod ang isa na agad rin naman siyang umiwas hanggang sa dalawa na ang sumugod, panay ang dasal ko na sana ay walang masamang mangyari sa kanya.

Kasalukuyan silang naglalaban kaya kumuha ako ng pagkakataon na piliting matanggal ang pagkakatali ko sa upuan para makatakas dito at matulungan siya.

Argh! Bakit sobrang higpit naman nito hindi ko matanggal anong gagawin ko nakikita ko na unti unting nagdudugo ang sugat niyang naka benda, pasaway talaga mauubusan na siya ng dugo nagawa pa niyang makipaglaban kaya pag ako nakatakas dito babarilin ko silang tatlo kasama na siya.

Pasaway ba naman sinong hindi manggagalaiti lalo kaming napapahamak sa ginagawa niya.

“Ano lapit? Dalawa na nga kayo hindi niyo pa ako tinatamaan.” segunda ni Liam habang nakangisi. Imbis na ma impress ako na badtrip ako sa kanya.

Sumugod ang dalawa at isang iglap lamang ay natumba ang mga ito kaya agad na kumuha ng isang baril si Liam at itinutok sa dalawa, “How dare you to touch my woman!” malakas na sigaw ni Liam at nakikita ko ang galit sa buong mukha niya.

Sa wakas rumispunde na rin ang mga pulis at matatapos na rin ang lahat, “Hey, pakawalan mo muna ako dito!” sigaw ko kay Liam.

Akala ko’y ipuputok niya sa dalawa ang baril pero hindi, nagawa niyang ipaubaya sa mga pulis. Mabait pa rin talaga ang sungay na ‘to.

“Hey, love.” bati niya sa akin ng makalapit siya at agad na tinanggal ang pagkakatali sa kamay ko.

Nang matanggal ang pagkakatali ko malakas ko siyang binatukan dahilan kaya napahawak siya sa ulo niya, “Gusto bang mamatay? Ang sabi ko sayo-”

“Kung mawawala ka mas gusto kong sumama sayo dahil walang saysay ang buhay ko kung mananatili ako dito sa mundo ng wala ka.”

“Y-you! Nakakainis ka,” sabi ko bago niyakap siya ng mahigpit.

Ganun din naman ang ginawa niya yumakap siya ng mahigpit kaya ngayon alam ko na safe ako dahil palagi siyang nandiyan everytime na nasa panganib ako.

“I love you..” bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin na dahilan kaya napapangiti ako at hinihintay ang sagot niya kaya lamang ay hindi siya sumasagot at parang hindi na rin siya gumagalaw kaya naisipan kong ilayo siya ngunit bigla bumagsak ang katawan niya mabuti na lamang at nasalo nang hita ko ang ulo niya.

“N-no, no, Liam, gumising ka! Tulong!” nagsimula na akong kabahan habang nakikita ang dugo na umaagos mula sa sugat niya, maputla na rin ang labi niya.

Laking pasasalamat ko nang buhatin siya upang itakbo sa ospital, nangangatal ang labi ko paano kung naubusan siya ng dugo dapat kasi ay hindi na niya ako sinundan para ngayon ginagamot na siya.

Sumama ako sa loob ng ambulance at kinabitan na siya ng dextrose pagkatapos ay inihiga siya ng ayos kaya hinawakan ko ang kamay niya upang damdamin kung tumitibok pa ba ang pulso niya.

“Love, please lumaban ka. I can’t live without you.” mahinahon kong saad kasabay ‘nun ang tuloy tuloy na pagtulo ng aking luha.

Ligtas nga ako kung mawawala naman siya sa akin baka mas gugustuhin ko na lang din mamatay.

Ilang minuto lamang ay nakarating kami sa ospital dinala siya sa emergency room for operation dahil kung hindi siya agad salinan ng dugo baka madehydrate siya at tuluyang tumigil ang pagpump ng dugo niya.

Halos gusto ko na lumuhod dito sa waiting area habang iniisip ang mga posibleng mangyari, I love him so much and I don’t know what to do kung sakaling may masamang mangyari.

“I-ira, are you okay?” bumungad ang nag aalala na si Sarah.

Yumakap ako sa kanya at nag umpisa na naman tumulo ang mga luha ko, “Bakit ganito ang nangyayari, napahamak siya nang dahil sa akin.”

“Shh.. Tahan na, alam kong bumalik na ang alaala mo at wag kang mag alala dahil masamang damo si Liam kaya hindi siya agad mamamatay.”

“Nagawa mo pa magbiro!”

Maya maya ay nakarinig kami ng tumatakbo at sabay kaming napatingin ni Sarah kaya nasilayan ko ang nag aalalang mukha ni Jarus. Pawis na pawis siya na parang nagmamadali.

“Where’s my brother?” kaagad nyang tanong.

“Nasa operating room siya.”

Tumabi siya sa upuan ko at hindi mapakali at balisa, ngayon lang niya ipinakita ang ganitong aura sa amin kaya nakakapanibago na may pag aalala siya sa kapatid niya kahit madalas mag n

away sila dahil palagi siyang kinokontrol ni Liam.

“Magiging okay siya, wala kayong dapat ipag alala.” muling segunda ni Sarah.

Kahit papaano gumagaan ang kalooban ko dahil nandiyan sila pati na rin ang mga tauhan ni Liam na kanina pa nasa labas at sila rin ang dahilan kaya ligtas si Liam at ang doktor. Pati na rin ako na muntik mamatay kanina at magaling sila bakit? Kasi iniiwas nila ang bala dahil alam nilang nandoon ako sa ibaba na pwede tamaan ng bala.

“Prayer is the key.” may ngiti kong saad kahit sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.