CHAPTER 30 FOREVER LOVE(Epilogue)

May kung anong nakikita ako sa isang lalaki na papalapit sa akin at nakangiti siya, nang luminaw ang lahat mukha ni Liam Hudson ang bumungad ang aking nobyo at punong puno ng dugo ang labi nito na umaagos iyon sa puting damit niya.

"Love.." tawag niya sa akin.

Gustuhin ko man lumapit sa kanya ngunit hindi ko mailakad ang dalawa kong paa.

"Love, what happened? Bakit puro dugo ka!"

Sumisigaw na ako sa takot. Tila ba umiikot ang aking paligid at hindi ko na mawari ang nararamdaman.

"Love!" nagulat ako ng makarinig ng malakas na sigaw at natauhan ng maramdaman ang mahinang pagyugyog ng kung sino sa aking katawan.

"Are you okay love?" bumungad ang maaliwalas na mukha ng lalaking minahal ko ng sobra.

"Masamang panaginip." bigkas ko at mabilis na umupo habang hawak niya ang kamay ko.

He looked at me and smiled, "It's just a dream," sa pangalawang pagkakataon ngumiti siyang muli at hinalikan ako sa noo. "Don't worry hindi kita pababayaan." he added.

Lumapit ako sa tenga niya upang bumulong. "I love you..."

He smiled widely. "I love you too…"

Walang pang isang segundo ay mabilis na pumatong si Liam sa aking katawan dahilan para mag init na naman ang buong katawan ko. Nanatili lamang siyang nakadagan hanggang sa pitikin niya ang labi ko para mamula iyon bago niya sinunggaban ng halik.

I couldn't help but moan and comply with his kisses, my body heats up again and my desire comes out alive.

Parang sabik na sabik ako na kagatin ang labi niya at halos maputulan ako ng hininga para lang sundan ang mga halik nito. Kusa akong bumitaw sapagkat napagod ako at habol habol ko ang hininga hanggang sa magsimula siyang hagurin ang likuran ko dahilan upang mas lalong madagdagan ang pagnanasa ko na muli niyang angkinin.

"Can I make you happy again, love?" pabulong niyang tanong at mabilis kong sinundan ng pagtango iyon bilang sagot.

He slowly removed the long t-shirt I was wearing. Nang tuluyan niyang matanggal iyon ay mabilis siyang gumalaw at isang iglap lamang wala na din siyang saplot at nagkatitigan muna kami bago niya ako halikan at tuluyang paligayahin.

“Mommy, Daddy! Nandito sila Tita Sarah and Tito Jarus!” pareho kami natigil ni Liam sa ginagawa at saka mabilis na nagsuot ng saplot.

Matapos ay binuksan ko ang pinto upang pagbuksan ang mga makukulit na bata pero bago iyon, inayos ko muna mabuti ang damit ko, “Irish, wag kang maingay. Nasaan ang brother mo?” tanong ko habang hinaharangan ang nagbibihis na si Liam. Ngayon nakikita ko na kung anong ugali ng pilyang ito, kanino pa ba? Edi sa akin aminado naman kasi ako na pilya ako.

“Mom, kasama nila Tita and Tito so, where is dad? Naghihintay sila sa garden.” tanong nitong pilya kong panganay.

“Let’s go downstairs, baby. Naghihintay na sila kaya hayaan mo muna si daddy na mag shower bago bumaba.” sagot ko kay Irish na nasa sampung taong gulang na.

Sabay kaming bumaba at saka sinira ang pintuan, sa tuwing nandito si Sarah and Jairus palagi silang dumiretso sa kwarto namin kaya iniwan ko si Liam sa kwarto para mag ayos ng mga kalat namin.

Nang tuluyan kaming bumaba sinalubong ko ang dalawang laging mali ang timing, Tsk! Minsan nga iniisip ko ikulong ko kaya sila masyadong istorbo.

“Lion! Where are you?” tawag ko sa bunso naming anak na nasa pitong taong gulang na.

“Hey, mommy here!” he exclaimed. Tingnan mo nga naman bata pa lamang nakikita ko na kung kaninong mukha ang nakuha niya. Liam the second.

Lumapit ako ng may ngiti sa labi pagkatapos ay tumabi kay Sarah na ngayon ay nahihirapan na sa malaki niyang tiyan. Ginagaya niya ba ako? Pangalawang anak na din niya ‘yan.

“Kailan ang kabuwanan mo?” segunda ko bago hinawakan ang malaki niyang tiyan.

“Next month, ninang ka ulit ah!” aniya habang may malaking ngiti sa labi pero medyo haggard siya it means, lalaki din ang kasunod. Gaya gaya talaga siya.

Syempre wala akong magagawa dahil bawal tanggihan ang mga buntis nagtatampo daw ang baby, “Okay, okay. Wala naman akong magagawa.” natatawa kong saad.

“Nasaan si Liam?” pukaw sa amin ni Jarus na ngayon ay isang artist na, ang romantic nga ‘nung proposal niya kay Sarah mismong sa unang exhibit painting niya ginawa kaya buong mundo ang nakasaksi.

Pagdating sa amin, halos 2 months akong naghintay at buong akala ko walang himala pero ‘nung araw na ikasal kami sa loob ng ospital kahit na hindi niya alam kasi nga nakahilata lang siya. Ayun ang araw na gumising siya at sobrang saya dahil tuloy tuloy ang paggaling niya hanggang sa tuluyan na siyang maka recover.

At syempre, pinag iisipan naming ikasal ulit para daw wala ng makakuha sa akin. Sobrang cheesy ba? Pero wala pag tinamaan ka tinamaan ka.

“Hey, guys!” pukaw sa aming lahat ni Liam na ngayon ay karga si Lion, kaya pala nawawala ang bata iyon sinundo ang daddy niya sa kwarto.

Kaagad na lumapit si Jarus kay Liam at nag usap silang dalawa na parang bata, minsan nga iniisip ko kung wala ba kami dito ni Sarah ano kayang magiging buhay namin. Siguro patay na kaming lahat dahil kay Greth but luckily nakilala namin sila.

“Mommy, daddy. Pwede ba kaming maglaro sa swimming pool?” pagpapaalam ni Iris sa daddy niya.

“Sure, pero mag ingat kayo baka matulad kayo kay mommy Ira. Nahulog sa pool at hindi na makaahon.” natatawang saad ni Liam.

Masamang tingin ang ibinaling ko kay Liam pero kindat ang sinalubong niya kaya napangiti ako. Mamaya sa akin ang sungay na ‘to.

Author notes: Do you believe in true love? Have you been in love? Have you been loved? Have you been hurt?

Kung naniniwala ka sa totoong pagmamahal, isa lang ibig sabihin niyan ikaw 'yung taong naghihintay lang ng tamang oras at tamang tao para sayo. Hindi mawawala ang pagmumuni mo na sino kaya sa kanila ang true love ko o saan ko kaya siya matatagpuan?

Kung minsan ka ng nabihag sa isang tao na akala mo'y sayo na kahit sa panaginip ay dinadala mo habang masaya kayo at mahal niyo ang isat isa. Pahabain mo ang imagination pero in real life malayong mangyari ang bagay na nasa panaginip mo. Tama ba ako?

Pero kung nagmahal ka naman, may advantages at syempre hindi mawawala ang disadvantages, like, mahal niyo ang isat isa at palagi kayong nag-uusap walang oras na hindi mo siya namimiss pero isang buwan pa lang ang lumipas, nagsasawa kana, bakit? Dahil wala na sa kanya 'yung kilig na hinahanap mo.

Panghuli, nasaktan kana ba? Lahat naman ata ng nagmamahal ay nasasaktan, kung hindi ka nasaktan isa lang ibig sabihin 'non hindi mo siya mahal ginawa mo lang panakip butas para mapunan ang oras mo habang hinihintay ang gusto mong tao. At the end siya ang nasaktan. At isang araw may narealize ka, mas mahal mo pala si rebound kaysa diyan sa taong hinahabol mo. Pero dahil huli na ang lahat, ikaw na 'tong nasaktan habang nakikita mo siyang may kasama ng iba at hindi mo na pwede pang lapitan para punan 'ang oras mo.

THANK YOU TO ALL OF YOU! SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA SA FALLING IN LOVE WITH A BILLIONAIRE!