Chapter 28: DANGEROUS

Naalimpungatan ako dahil sa malamig na tubig ang bumuhos sa buong katawan ko, nang mahimasmasan ako minulat ko ang aking mga mata at bumungad ang galit na aura ni Greth. I remember all my memories in my past life. Lahat lahat ng mga alaala ay bumalik na sa akin. Pati ang kasamaang ginawa ng kaharap ko ngayon na si Greth ay naaalala ko na.

“So? Mamili ka Ira, pipirmahan mo ‘yan o papatayin ko ang lalaking mahal na mahal mo!” bungad ni Greth nang makita niyang imulat ko ang aking mata.

Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko dahil nakatali at wala nang malay si Liam sa isang tabi.

“Pipirmahan ko, sa isang kondisyon.” sabi ko pagkatapos ay pinilit na tumayo.

“Kahit ano wag lang ang buhayin ka.” aniya.

Luminga ako kay Liam na walang malay pero alam kong buhay pa siya dahil sa kanyang mabilis na paghinga ngunit pag naubusan siya ng dugo baka mamatay siya kaya kailangan ng doktor.

“Magpadala ka ng doktor para gamutin si Liam, at ang gusto ko dito mismo hanggang sa paggising niya. Pipirmahan ko ‘yan kung susundin mo lang ang gusto ko.” pilit kong tinatapangan ang sarili ko.

“Deal.” sagot niya ng walang pag aalinlangan.

Agad itong nag utos sa mga tauhan niya na magpadala ng doktor upang tingnan ang kalagayan ni Liam. Hindi ko kayang tumunganga dito habang siya ay nakikita ko ng nahihirapan na.

“Kevin, bantayan niyo mabuti ang mga iyan may kakausapin lang ako sa ibaba.” utos muli ni Greth sa tauhan niya.

Kaya lumapit ako kay Liam pagkatapos ay tumabi ako para ihiga ang ulo niya sa balikat ko sabay hawak sa kamay niyang puno ng dugo.

“Hey, love are you okay?” bulong ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.

Sana isa na lamang itong panaginip at katabi ko siya habang masarap ang tulog niya. Maya maya lamang ay dumating na ang doktor upang tingnan si Liam.

Kasalukuyan na siyang chin check up, “Kamusta po ang kalagayan niya?” tanong ko sa doktor.

“Maraming dugo ang nawala sa kanya at kailangan siyang masalinan kaagad dahil kung hindi baka maubusan siya ng dugo at ma dehydrate.” pahayag nito.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Liam dahil wala na akong maisip na paraan ano pa bang dapat kong gawin para mabuhay siya dahil kung hindi siya mabibigyan ng lunas baka mamatay siya.

“Ano po ang dapat ko gawin? Pwede bang dugo ko na lang.”

“Pasensya kana hija, pero hindi pwede mag sama ang dugo ng dalawang hindi match ang dugo.”

“Wala na po bang ibang paraan?”

Umiling-iling ang doktor hudyat na wala siyang magagawa sa kalagayan ni Liam, wala na akong ibang maisip naguguluhan na ako kailangan ko siya iligtas pero paano? Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

“Paano bayan sinunod ko na ang gusto mo, ngayon pirmahan mo na ang dapat mo pirmahan.” bungad ni greth na kakarating lang.

Hindi na ako sumagot bagkus tumayo ako para ipatanggal ang pagkakatali sa dalawa kong kamay bago kinuha ang envelope at kinuha ang ballpen at tinitigan ko muna ang envelope.

“Ayoko ng ballpen na ‘to.” walang emosyon kong saad habang nakatingin kay greth.

Tumaas ang kilay niya pagkatapos ay nag utos sa tauhan niya, “Bigyan ng magandang ballpen ang babaeng ‘yan.”

Lumapit ang lalaki na inutusan niya at agad akong kumilos para higitin ang baril na nakaipit sa bewang nito, “Sige lumapit kayo. Papatayin ko ang lalaking ito!”

Gulat ang gumuhit sa mukha ni greth pero agad rin siyang nakabawi at napalitan ng malakas na tawa, “Ano sa palagay mo, lahat ng tauhan ko ay mahalaga sa akin? At kilalang kilala kita hindi mo kayang gawin ‘yan dahil duwag ka!”

Mabilis kong pinutok ang baril sa table kung saan malapit siya, “Kasunod nito ay ang ulo mo na pasasabugin ko.”

Habang nakatutok ang baril sa kanila lumapit ako sa pwesto ni Liam sabay hinigit ang doktor. “Ngayon, gumawa kayo ng paraan kahit ano basta siguraduhin mo lang na mabubuhay siya dahil kung hindi mawawala ang papel na ito hanggang sa mawala na rin ang properties na inaasam mo.” pananakot ko dahil alam ko naman na gagawin niya lahat para lang mapunta sa kanya ang properties na iniwan ni daddy.

Kitang kita ko ang nanggagalaiting mukha ni greth kaya sinamantala kong ngumiti na parang isang demonyo para lalo siyang magalit. Ayan ang gusto ko dahil kung magagalit siya mas lalo niyang aasamin ang gusto niya.

“Gawin ang gusto niya, now!” she shouted.

Hangga't walang pirma ang mga papeles na nagpapatunay ng paglipat sa mga properties, alam kong ligtas kami ni Liam at hindi niya ako kayang saktan.

Maraming gamit ang inilabas ng doktor at nililinis niya ang sugat ni Liam na mukhang sinaksak sa tagiliran, “Ano po ang magiging lagay niya?” pukaw ko sa doktor na pawis na pawis siguro ay natatakot siya dahil sa hawak ko na baril.

Alam ng diyos na hindi ko kayang manakit sa kapwa ko lalo kung inosente pero ito lang ang paraan upang mailigtas ko si Liam.

“M-magtatagal siya hanggat tumatalab ang tinurok ko na antibiotics at pain reliever pero ang dugo niya ang inaalala ko.”

Pinatayo ko ang doktor habang hawak ang damit nito pagkatapos ay humarap ako sa mga tauhan ni greth na ngayon ay tinututukan ako ng baril.

“Sino ang pwedeng mag donate ng dugo?” tanong ko habang nakatutok ang baril sa ulo nitong doktor.

Ngumisi si greth na parang naiinis na sa akin, “Ano ba talaga ang gusto mo? Ginamot na ang lalaking ‘yan tapos ngayon dugo naman, kasama ba ito sa mga plano mo at sa tingin mo ba bubuhayin kita!” humuhusto na ang galit sa mukha niya na parang sasabog.

“Ganyan nga, magalit ka ang sarap mo tingnan habang inaasam ang isang bagay na hindi mo makuha.” I said sarcastically.

Kailangan ko silang linlangin upang tumagal pa ang oras at dumating na ang rescue, alam kong ngayon ay kumikilos na sila Sarah. “Susundin niyo ako o sisirain ko ang papeles na ito.” pananakot ko kay greth.

“Mag donate kayong lahat!” sigaw nito sa mga tauhan niya kaya’t may pag asa pa akong linlangin ang mga ito hanggang sa dumating sila Sarah. Maghintay ka lang Liam pinapangako ko sayo na gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit basta mabuhay ka lang.

“Walang dugo ang nag match dahil type positive AB 3. 4 percent lang, masyadong mahirap kuhanan ng dugo.” bulong ng doktor sa akin.

Tumayo akong muli ng matapos ma-exam ang mga dugo nila na walang nag match kahit isa. “Greth! Lumapit ka dito baka type AB ka.”

Ngumiti siya, “I’m so sorry, pero ang dugo ko ay hindi pwedeng mag match sa kanya so, ginawa na namin ang lahat kaya pirmahan muna ang papeles na hawak mo ngayon.” sabi niya habang hindi mawala ang ngiti sa labi.

Maya maya lamang ay nakarinig kami nang malakas na pag wang wang hudyat na may mga pulis sa labas, muli akong nagkaroon ng pag asa at lakas ng loob upang ilaban kung ano ang tama kahit buhay ko pa ang kapalit, “Paano ba iyan. Katapusan muna.” pang asar kong wika.

“Madam, maraming pulis sa ibaba kailangan na natin umalis!”

“Dalhin ang babaeng iyan!” utos niya sa mga tauhan kaya’t agad akong kumilos bago pa ako mahawakan ng mga ito, pinutok ko ang baril na hawak ko sa likuran ni greth dahilan kaya bumagsak siya.

At nang akmang babarilin ko pa siya isang helicopter ang sumalubong at mga tauhan ni greth ang nandoon. “Isakay nyo si madam!” sigaw ng mga umalalay kay greth.

Nagkaroon ako nang pagkakataon na humingi ng tulong sa doktor na natatakot dahil sa putukan na nagaganap. Isa na lang ang paraan ko upang iligtas si Liam.

“Dalhin mo sa ibaba ang lalaking iyan please, ako na ang bahala dito basta iligtas mo siya.” nagmamakaawa ako sa kanya na agad din naman niya akong sinunod, bumaba siya habang inaalalayan si Liam.

Mabuti na lamang at busy silang lahat kay greth kaya hindi nila napansin ang pag alis ng doktor kasama si Liam.

“Turuan ng leksyon ang babaeng iyan!” utos ni greth sa dalawang tauhan niya na ngayon ay inaalalayan si greth upang isakay sa helicopter.

“Hindi lang namin siya dapat turuan ng leksyon madam, gagawin namin siyang pulutan mamaya,” natatawang sabi ng mga ito.

Bago umalis ang helicopter tumingin si greth sa akin na ngayon ay nakasakay sa helicopter, “Gawin niyo kung ano ang dapat.” aniya pagkatapos ay umalis ang helicopter habang ang apat niyang tauhan ay naiwan.

Binitawan ko ang baril at pumikit habang naghihintay na barilin nila ang aking katawan.