CHAPTER 26 BEHIND THE TRUTH
“Pasensya ka na dahil napag utusan lang naman kami.” sabi ng isang may hawak ng yosi.
Akmang lalapit sila ng biglang maupo si Liam at hilahin ako papunta sa likuran niya, “Don't touch her or else I'll kill all of you!” Liam shouted with anger.
Nag aalala ako sa kanya dahil namumutla na ang labi niya at panay ang agos ng dugo sa tagiliran niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko paano kung patayin nila kami dito. Anong gagawin ko kung mismo ako ay natatakot sa kanila.
“Dalhin ang mga iyan kay madam!” sigaw ‘nung lalaki at agad naman nila kaming binitbit pababa.
Walang tao sa lugar na ito kaya walang pwedeng makatulong sa amin dito. Isinakay nila kami sa Van.
“Saan niyo ba kami dadalhin!?” hindi ko mapigilang sumigaw.
“Pwede ba manahimik kana lang kung ayaw mo tuluyan ko itong asawa mo.” mayabang na saad ng lalaking nag di-drive.
Wala akong alam sa nangyayari at ang isip ko ay nawiwindang dahil sa kalagayan ngayon ni Liam. Kasalanan ko ito dapat ay hindi na ako nag pumalit na lumabas kanina.
“Liam, please kumapit ka ‘wag kang matutulog.” tinapik ko ang pisngi niya para lang wag pumikit ang mga mata niya.
“Wag kang mag alala dahil may darating para i rescue tayo.” kampante niyang saad.
Maya maya lamang ay tumigil ang Van at bumaba kami sa isang abandonadong bahay na para bang familiar sa akin, pakiramdam ko ay nakarating na ako dito.
“Dalhin ang mga iyan sa loob!” sigaw na naman nitong lalaki sa mga kasamahan niya.
Hinawakan nila ang magkabilang braso ko ganun din kay Liam, inikot ko ang paningin ko at parang bigla akong nahilo kaya tumigil ako sandali na ikinagalit ng dalawang lalaki na may hawak sa akin.
“Bakit ka ba tumitigil, ano bang ginagawa mo!”
Pumikit ako ngunit hinila ako ng dalawang may hawak sa akin kaya hindi ko nabuo ang isang senaryo sa isip ko. Lumingon ako kay Liam na may pag aalala sa mga mata niya.
Malakas na pwersa nila kaming binitawan sa isang sulok kaya agad kong nilapitan si Liam upang i check kung maayos ba ang lagay niya baka nauubusan na siya nang dugo.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
“I’m okay, ang dapat mo isipin ay ang sarili mo.”
Ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko upang makapagpahinga siya ng maayos at nang gumaan na rin ang pakiramdam niya dahil kitang kita kong nahihirapan siya sa kalagay niya.
“Ow! Nakakatouch naman kayong dalawa.”
Boses ng isang babae ang narinig kong mag salita kaya pilit kong inaninag ang mukha niya sapagkat medyo madilim sa pwesto niya.
“I know it’s you, Greth!” lumabas na naman ang galit kay Liam.
Tumawa ang babae at tumapat sa liwanag kaya nakita ko ang itsura niya, medyo may edad na siya, “Who are you? Bakit mo ito ginagawa sa amin.” I said nervously.
“Because of you! I want to kill you but this man is always ruining my plan!”
“Ano bang kasalanan ko sayo-”
“Marami kang kasalanan at pati kasalanan ng Nanay mo ay sayo ko sisingilin!” galit na galit niyang saad at lumalabas na ang ugat sa leeg niya.
Gustong gusto ko na bumalik ang alaala ko para malaman ko kung ano ang mga sinasabi niya,
“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, kung nagagalit ka please, ako na lang ‘wag muna idamay si Liam. Kailangan niya isugod sa ospital.” pagmamakaawa ko.
Ngumisi siya na parang isang demonyo, “Ano ako tanga? Wala kang alaala dahil kasalanan mo, kung gusto mo i remind ko sayo lahat nang kasalanan mo at gusto mo rin na dalhin ko si Liam sa ospital kaya lang may kapalit.” she said.
“Ano ang kapalit?”
“Walang iba kundi ikaw,”
Tatayo sana ako para lapitan ang babae ngunit pinigilan ako ni Liam, “Don’t, she wants to kill you.”
“Kailangan mo madala sa ospital, ayokong mawala ka.”
“Please, may darating para I rescue tayo.” nagpupumilit niyang saad.
Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit, “Hindi man ako nakakaalala, alam ko sa sarili kong mahal kita.” sabi ko bago tuluyang tumayo at sumunod sa babaeng galit sa akin. Sumisigaw si Liam ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Nang makarating kami sa pinaka tuktok ng abandonadong bahay may inabot siyang envelope. Walang pasabi ko iyong binuksan at pagbuklat ko, transferring all property interests ang nakalagay.
Mr. Madrigal transfer all his property interests to his daughter Ira Garcia Madrigal
“Akala siguro ng daddy mo ay naisahan niya ako, hanggang sa pagkamatay niya ikaw pa rin ang iniisip niya hanggang sa properties na dapat ay sa akin!”
Biglang sumakit ang ulo ko dahilan kung bakit ako naupo sa sahig at may paulit ulit na nag rerewind sa utak ko.
“I love him, pero niloko niya ako ang sabi niya ako ang mahal niya pero ang totoo hanggang ngayon ang Nanay mo pa rin ang patuloy niyang minamahal! At ikaw ang bunga ng pagmamahalan na iyon kaya galit ako sayo!”
“Tama na, please..” nahihilo kong saad.
Lumapit siya sa akin at lumuhod para magkapantay kami sabay hawak sa magkabilang balikat ko, “I hate you so much! Dapat kana mamatay pero bago ang lahat ng iyon pirmahan mo yan at I transfer mo sa pangalan ko!”
“Ano ba!” sigaw ko kasabay ‘nun ang pagtulak ko sa kanya.
Pero hindi siya nagpatinag dahil muli niya akong nilapitan at saka mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko, “Mamatay kana! Kung hindi ako ang magmamana pwes mamatay ka para walang ibang magmamana kundi ako at ang mga anak ko!”
Nawawalan na ako ng lakas at pakiramdam ko ay guguho na ang utak ko dahil sa paulit ulit na nag rerewind sa utak ko ang mga scenario simula sa pagkabata ko hanggang sa ngayon na kaharap ko ang babaeng galit na galit sa akin.
“Tigilan muna, please..” I whispered.
“Hindi ako titigil hanggang sa hindi ka namamatay at hindi ko makukuha ang mga properties para sa mga anak ko!”
Ang huling sigaw niya ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.