CHAPTER 25 Please, comeback my love.
Bakit ang boring sa malaking bahay na ito para tuloy gusto kong gumala gala para naman hindi masyadong nabuburyong ang utak ko. Lumakad ako palabas tutal nakabihis naman ako ng maayos kahit maglakad lakad lang ako sa buong village, okay na ako.
“Pasensya na kayo, ma’am. Binilin po ni black master ay hindi kayo dapat palabasin.” pigil sa akin nitong mga body guard o bantay ng bahay na ito?
“Mga kuya, wag kayong mag alala kasi diyan lang naman ako sa labas hindi ako lalayo.”
“P-pero ma'am pasensya na talaga kayo-”
“Sige, hayaan niyo siya. Sasama na lang ako.” paglingon ko bumungad ang gwapong mukha ni Liam. Hindi ako makapaniwala na asawa ko siya, gwapo kasi tapos ang hot pa.
Tumango ang lalaking hinarangan ako kanina kaya masaya akong lumakad palabas at dumiretso sa kotse na itim at naupo sa passenger seat habang inaantay si Liam na sumunod.
“Where do you want to go, love?”
Naiilang ako pag tinatawag niya akong love pero may parte sa puso ko na para bang kinikilig ako, o sadyang pinapantasya ko lang talaga ang lalaking ‘to.
“Kung saan mo ako dinala bago ako mawalan ng alaala.” sabi ko na may ngiti sa labi.
He smiled with his eyes, “Copy, love.” aniya bago pinaandar ang kotse.
Ilang minuto lang nakarating kami sa isang mataas na bundok? Ano naman gagawin namin dito aakyat hanggang mapagod. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong lagyan ng blindfold sa mata.
“Bakit mo tinakpan ang mata ko paano ako aakyat-”
“Dito kita dinala at kasama ang blindfold na ‘yan sa pagbibigay ko sayo ng surprise.” aniya at alam kong nakangiti siya ngayon habang nag kukwento dahil nararamdaman ko ‘yung saya at lungkot niya habang nag e-explain sa nakaraan.
“Hindi na ako magsasalita, hahayaan kitang ipakita ang mga nakaraan sa akin.” I said then smiled widely.
“Thank you..” he whispered.
Hawak niya ang kamay ko habang inaalalayan ako paakyat sa mabato na daanan kaya todo kapit din naman ako sa kanya dahil nakakatakot baka bigla kaming malaglag pareho.
“Malapit na ba tayo?” I asked.
“We’re here, love.” sabi niya at kasabay ‘nun ang pagtanggal niya sa blindfold na nakatakip sa mata ko.
Lumuwa ang mata ko ng makita ang magandang batis na kaagad ko rin naman nilapitan at tinanggal ang sandals na suot ko para lumusob.
“Wow! Naligo ba tayo dito?” tanong ko sa kanya habang nakatingin lamang siya sa akin.
“Yes, pero ikaw lang.” aniya.
“Bakit naman?”
“Because you’re naughty.” natatawa nitong saad.
Masamang tingin ang binaling ko sa kanya at saka umahon sa tubig para magkunwaring tapos na ako pero ang totoo itutulak ko siya sa tubig.
“Hey, tara na para kumain.” pag aaya niya ng lumapit sa akin.
“Pagkain, where?”
Naglakad siya at sinundan ng paningin ko hanggang sa tumigil siya sa nakalatag na blanket at may dalawang basket doon. Sumunod ako sa kanya tapos ay mabilis na binuksan ang basket at nakakita ako ng mag baso kaya habang nag aayos siya sinamantala ko kumuha ng tubig sa batis pagkatapos ay dahan dahan akong lumakad patungo sa likuran niya.
“1, 2, 3! Boom.” kasabay ng pagbibilang ang pagbuhos ko sa kanya ng tubig na galing sa batis. Tawa ako ng tawa dahil sa reaksyon niya.
“Y-you, naughty woman.” aniya at saka tumayo kaya lumayo ako ng kaunti dahil baka gumanti siya.
Pinagtatawanan ko siya ng biglang bumaling ang paningin ko sa white shirt niya na nabasa dahil sa ginawa ko at hindi na umalis ang paningin ko doon. Why naman ganyan bumabakat sa basang shirt niya sa eight packs na tinapay slash abs! Gosh my virgin eyes.
“Are you done checking my whole body?”
“No, I mean yes.”
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa sariling palpak na sagot ko. Sino ba kasi ang hindi mawiwindang sa ganyan nakakainis!
“Let’s eat, para kasing gutom kana.” makahulugan niyang saad.
Sumunod ako sa kanya para kumain na dahil napaghahalataan na akong medyo pinapantasya ko siya, hindi lang naman medyo. Talagang pinapantasya ko siya.
Kahit naman sinong babae kung ganyan ang kaharap mo diba?
Tahimik lang habang kumakain at ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin sa tuwing dadampi siya sa aking balat.
“Saan ang sunod nating pupuntahan?” basag ko sa katahimikan.
Itinigil niya ang pagkain at saka kinuha ang isang paper bag sabay abot sa akin na wala man lang emosyon ang mukha niya, “Magbihis ka muna, baka magkasakit ka.”
Ganito ba talaga siya? Minsan masaya madalas seryoso o walang emosyon ang mukha. Mas moody pa sa akin.
“How about you?” sabi ko sabay turo sa damit niyang basa na dahil sa kagagawan ko.
“May extra akong damit, sa kotse ka na mag bihis.”
“O-kay.” sabi ko na lang dahil parang wala siya sa mood.
Matapos kumain sinamahan niya ako pababa sa kotse at bumalik din agad siya sa batis kaya sinamantala kong mag bihis pagkatapos ay hinihintay siyang bumaba. Kaya lamang ang tagal niya at naiinip na ako siguro ay inaayos niya pa ang blanket pati na rin ang mga kalat namin.
Bumaba ako para silipin siya at nang makarating ako nakita ko na si Liam na nakahandusay sa batuhan at puno ng dugo, nagsimula na akong nanginig sa takot kaya nilapitan ko siya.
“Liam! No, please sino ang may gawa nito!”
“What a romantic scene, tignan mo na nga naman ang babaeng dapat ay patay na pero buhay na buhay hanggang ngayon dahil sa prince charming niya.”
Dinig ko ang boses ng isang lalaki at lumingon ako, nagulat ako dahil anim sila at wala kaming laban sa kanila dahil may mga baril silang hawak.
“S-sino kayo, anong dahilan bakit niyo sinasaktan ang asawa ko!” I shouted.