CHAPTER 16 Loving You Is My First Mission

“Nanay Lea, ano po ang ginagawa nyo dito?” pilit kong nilalabanan ang nerbyos ko. 

Hindi ko alam kung napansin ba niya ang pagkabalisa ko o sadyang maganda ako kaya napatitig siya sa itsura ko. Seriously? Nagawa ko pa magbiro ng ganito ang sitwasyon ko. 

“Ayos ka lang ba nak? Bakit parang kabado ka?” 

“P-po? Hindi ayos lang ako Nanay Lea.” 

Ngingiti na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Bakit ang lamig ng mga kamay mo, ‘yung totoo nak?” pangungulit ni Nanay Lea. 

“Nanay-” 

“I don’t need to do this, sorry Nanay Lea.” 

Para akong estatwa nang lumabas sa ilalim ng kama si black master at ang mas ikinagulat ko ng tawagin niyang Nanay si Nanay Lea. What is the meaning of this? Bakit parang maraming nangyari ang hindi ko alam. 

“Liam Hudson!?” Hindi makapaniwalang tawag nito kay black master. 

So, Liam Hudson ang totoong pangalan niya, at magkakilala silang dalawa, But how? Masyado nang magulo ang sitwasyon tapos dadagdagan na naman nila. 

“Ano pala ginagawa mo rito, Liam?” tanong ni Nanay Lea kay black master. 

“Wala naman. Sinusundo ko lang ang kapatid ko.” pagdadahilan niya. 

“Teka, andito si Jarus pero-” 

Nagdadalawang isip ako kung ano bang dapat kong sabihin kay Nanay Lea kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. “Ah, Nanay Lea hindi mo ba alam na kaibigan ko si Jarus? Sa kanya ako tumira simula ng magtampo ako kay daddy.” 

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko masyado ng magulo ang lahat. 

“Bakit nandito si Liam sa kwarto mo?” punong puno ng pagtataka ang nakaguhit sa buong mukha ni Nanay Lea. At dahil ayoko na sumagot nagkukunwaring umiinom ako ng tubig para ibaling ang topic sa iba. “Kamusta pala ang kapatid mo, simula kasi nung nawala ako sa mansyon ng daddy mo dahil inilipat ako rito sa Imperial Painting Exhibit at nakilala ko si Mr. Madrigal, simula nun wala na akong balita sainyo.” madamdaming pahayag ni Nanay Lea na ikinatuwa naman ni black master. 

Ang sarap pakinggan ng tawa niya para kang dinadala sa peaceful na lugar at ayokong mawala agad ang tawa niyang iyon dahil pakiramdam ko wala siyang balak gawin, o sabihin na nating wala siyang masamang gagawin kay daddy. 

“Nak, anong relasyon ba meron kayo nitong si Liam?” kalabit ni Nanay Lea sa balikat ko sabay tapik na akala mo’y kinikilig pa. 

Ngumiti ako sabay sarado ng pinto at deretso lock. Mahirap na baka mamaya biglang dumating ang isa sa mga tauhan ng stepmother ko. “Nanay Lea-” 

“Manang,  bakit ang tagal niyo!?” Rinig ko mula sa ibaba ang boses ni daddy.

Lalo akong kinabahan dahil baka biglang sumigaw si Nanay Lea at sabihin na nandito kaming dalawa kasama si black master, o Liam Hudson. What a name! Ang lakas makalaglag panty naman. 

“Nanay Lea!” tawag ko kay Nanay Lea na ikinagulat niya dahil halos magkalapit lang naman kami.

“Nak, ano ba kasing gusto mo sabihin? Kanina ka pa balisa tara na kaya sa ibaba tumatawag na ang daddy mo.” 

“Nay Lea, can you promise me one thing?” 

“Ano iyon, nak?” 

Bago ko sagutin si Nanay Lea luminga muna ako kay black master para kumpirmahin kung ano bang sasabihin niya kaya lamang walang emosyon, o kahit man lang bahid ng nerbyos. Immortal ang lalaking ‘to. 

“Pwede bang sa atin lang ‘to, hindi dapat malaman ng kahit na sino ang tungkol kay black master.” 

Parang hindi na nagulat si Nanay Lea sa sinabi ko, “Wala kang dapat ipag alala kay Nanay Lea.” segunda ni Liam hudson habang kampanteng nakahiga na ngayon sa kama ko. 

“Ewan ko sayo, ano ba kasing balak mo? Nananahimik na kami dito tapos susulpot ka na parang kabute. Siguro kasi hindi mo pa nagawang ipaghiganti ang daddy mo sa daddy ko-” 

“Ira! Ano bang sinasabi mo?” pigil ni Nanay Lea sakin na parang may alam siya sa sinasabi ko. 

Wala kahit na isang emosyon akong makita mula sa mga mata ni black master. Hindi ko na ata mapigil ang bibig ko. 

“Ira, Manang? Bumaba na kayo dahil narito na ang iyong mommy Greth!” Sigaw muli ni daddy sa ikalawang pagkakataon. 

Kumakabog ang dibdib ko dahil marinig pa lang ang pangalan ng stepmother ko na siyang nagtangkang patayin ako hindi lamang isa kundi dalawang beses. 

“Nay Lea, naipaliwanag ko na sayo ang lahat. Ikaw na po ang bahala.” seryosong saad ni black master bago ako hinigit sa braso patungo sa bintana. Ow! Gosh ang taas paano kami makakaalis dito. 

Teka, mukhang inosente magtanong si Nanay Lea kanina kung ano ba si Black master for me at kung bakit nandito ang lalaking ito. May kutob akong alam niya ang lahat ngunit magaling magtago si Nanay Lea. 

“What are you waiting for?” naiiritang tanong ni black master. 

“H-hindi ko kayang tumalon diyan.” pumikit ako dahil ayokong makita ang babagsakan namin. 

Marahang hinawakan ni black master ang kamay ko, “Choose one option, makita ka nang stepmother mo para pagtangkaan ka muling patayin o sumama ka sakin para mabuhay ka pa.” 

“Kung sasama ba ako sayo, may kasiguraduhan na mabubuhay ako?” 

Hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong ang ganoon. 

“Just shut up, kung gusto mong mabuhay at ‘wag kang maarte sundin mo kung anong sasabihin ko at ayoko ng malikot. Close your eyes, at hayaan mo akong protektahan ka.” aniya, kaya ginawa ko lang kung ano ang sinabi niya. Pumikit ako at pinakiramdaman ang susunod na mangyayari.

After a few seconds, naramdaman ko na marahan niyang hinawakan ang bewang ko na siyang nakapag pa kuryente sa buong katawan ko. But I feel safe with him. 

“You can now open your eyes.” bulong ni black master malapit sa tenga ko. 

Marahan kong minulat ang aking mga mata at parang nahilo ako bigla ng makita kung nasaan kami ngayon. “H-helicopter, saan galing ‘to?” nauutal kong tanong, pakiramdam ko umiikot ang sikmura ko at malalaglag ang puso ko. 

Honestly, all my life i've never felt like this before ‘yung may taong magsasabi sayong hayaan mo akong protektahan ka. At hindi ko naman ikakaila na gusto ko ‘yung ganitong pakiramdam. 

“Don’t worry. Ligtas ka dito.” he added. 

Masyado na akong kampante kasama siya at nararamdaman ko ‘yung care niya kahit alam kong ginagamit niya lang ako. “How many times muna ba akong iniligtas, ginagawa mo ba ‘to dahil kailangan mo ako o totoong concern ka sa akin?” wala sa sariling tanong ko habang nakapikit dahil masyado akong takot sa mga matataas. 

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit walang black master ang nagsalita kaya pinilit kong ibuka ang aking mga mata para tignan kung nasaan ba sya at parang tumigil ang mundo ko nang makitang kaharap ko siya at masyado siyang malapit kaya naaamoy ko ang hininga niyang amoy mentol. 

“Y-you-” 

Nanlaki ang dalawa kong mata ng pigilan niya akong mag salita gamit ang isang halik. 

What the hell-

At dahil mabilis akong madala, sumabay ang labi ko sa bawat gagad ng labi niya  na parang isang gutom na gustong kumain. Aminin ko man o hindi halata naman sigurong gusto ko na siya lalo pag nararamdaman ko ‘yung care niya sa akin, alam ko na walang kasiguraduhan ang nararamdaman niya dahil aware ako kung desire lang ito but I give it a try  baka sakaling mabaling ‘yung oras niya at hayaan na lang si daddy. 

“Ehem!” 

Nasa kalagitnaan ako ng pag pikit nang dalawa kong mata ng marinig ko ang boses ni Jarus na siyang dahilan kaya tinulak ko si black master. 

Mabilis ko tinakpan ang aking pisngi dahil alam kong kamatis naka pula ito, gosh! Ano ba kasi Ira dito mo pa nagawang lumandi sa helicopter. 

“Jarus,” tawag ni black master sa kapatid nito. Medyo dangerous ‘yung aura at boses niya. 

“Brad, PDA is not allowed hindi ba kayo makapag hintay sa bahay at nakuha nyo pang dito gawin ‘yan? Respeto naman guys.” anito sabay ngisi at pinipigilan ng kumawala ang tawa niya. 

Gusto ko rin tumawa pero nanatili akong kalmado at baka pati ako madehado sa dalawang magkapatid na ito. 

Nakita ko kung paano maningkit ang mga mata ni black master kaya alam ko na ang susunod na mangyayari, isang malaking gera ang kasunod nito baka nga mag transform na naman sila into animals. Cat and Dog. So cute. 

Pero gusto ko rin kastiguhin ang sarili ko dahil ramdam kong nahuhulog na naman ako sa kanya at hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na sumang ayon palagi sa gusto ng nararamdaman ko. Kahit anong pigil ko kung palagi naman siyang nandyan sa tabi ko baliwala ang pag iwas ko.