Chapter 16: Leaving You

Biglang pumasok sa isip ko si Jarus kaya agad kong kinuha ang phone ko para tawagan si Sarah kung nasaan na ba silang dalawa. Hindi ko na alam kung saang lupalop ba napunta ang dalawang ito. 

“Hello? Sarah, nasaan ka?” 

“Andito sa balkonahe naghihintay sayo, kasama ko ‘yung lalaki mo.” sabi nito na para bang walang pag-aalala na mahuhuli sila doon. 

“Umalis na kayo diyan, alam kong pupunta si daddy diyan.” seryoso kong wika, madalas kasi magpunta si daddy sa balkonahe lalo kung galit siya. Ayun kasi ang paraan niya upang ikalma ang sarili. 

“Copy.” anito sabay call ended. 

Kailangan kong makaalis dito para muling makausap si daddy. Argh! Pano ako makakaalis kung may bantay sa labas at saka sigurado akong ikukulong lang nila ako dito sa kwarto. 

Paano kung biglang umuwi ang bruhilda kong stepmother tapos makita ako ano na lang gagawin ko? Mamamatay tao pa naman ang babaeng ‘yun.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang marinig ko ang pagkatok mula sa labas ng kwarto. 

Binuksan ko ang pinto at bumungad ang nakasimangot na mukha ni Sarah pagkatapos ay halata ang pagkairita ni Jarus na halos hindi mo maipinta ang itsura. 

“Ano nangyari sa inyong dalawa?” 

“Wala!” sabay nilang sagot bago nagkatinginan sa isa’t isa. 

Hinila ko si Sarah para umupo sa kama, “Anong gagawin ko, paano ko makakausap si daddy?” 

Halatang problemado rin si Sarah, siguro kasi ang dami kong tanong at siya ang kinukuhaan ko ng idea palagi sa tuwing mapupunta ako sa sitwasyong hindi ko kayang solusyonan. 

“Wala akong magagawa sa ngayon nakita mo naman kung gaano karami ang tauhan ni Tito Joseph. 

Iniisip ko palang na tumakas pakiramdam ko mahuhuli na ako nila Nanay Lea. 

“Alam mo, matulog ka muna akong bahala dito. Just relax and calm down.” sabi ni Sarah habang inaayos ang higaan ko. 

“Okay, pero how about Jarus?” napaisip ako kung saan pwede itago si Jarus. 

Nung banggitin ko ang pangalan ni Jarus biglang nag iba ang mood ni Sarah tapos ay walang kibo si Jarus sa isang gilid. 

“Ganito na lang Ira, patulugin mo si Jarus sa sahig.” proud na proud pang saad nitong ni Sarah.

“WHAT? Sahig, maawa ka.” sinundan naman ng pagrereklamo ni Jarus. 

Gusto kong matawa sa pag aaway sa pagitan nitong dalawa akala mo’y pusa at aso samantalang firstime nilang mag kita. 

“Sige na matulog ka muna para hindi ka aligaga sa mga problemang ‘yan. 

Umalis na ang dalawa at dumaan sa kabilang balkonahe na parang bang magnanakaw ang dating nila, ewan ko kung saan natutunan ni Sarah ang ganitong shortcut. 

Useful naman kaya wala rin dapat ikabahala. 

Agad akong nahiga sa malambot kong kama. Sobrang nangulila ako sa kwartong ‘tong kung saan palagi akong nakakulong at tulala sa kisame habang iniisip ang susunod na paraan upang makatakas. Unti unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hudyat na inaantok na naman ako. 

Halos tumalon ang puso ko nang imulat ko ang aking mga mata, “B-black master?”

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at pareho kaming nakahiga habang magkaharapan at konting kebot lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. Sa pag-aakalang nananaginip lang ako mabilis kong hinawakan ang pisngi niya pababa sa labi niyang mapupula na parang rosas. 

Ngumiti ako, "You know what, nung first encounter ko sayo parang nalaglag ang panty at puso ko dahil ang gwapo tapos ang hot mo pa. Kaya lang ang sama-sama mo dahil ginagamit mo ako laban kay daddy," I laughed so quietly then continue what I'm saying to him, "Tapos kinuha mo pa ang virginity ko ng wala man lang permiso, paano kung mabuntis ako? Paninindigan mo kaya ang magiging anak natin tapos pakakasalan mo kaya ako then after 'nun maaayos na ang problema sa pagitan ng daddy ko at daddy mo." 

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla akong makaramdam ng kamay na humawak sa pisngi ko. “O-ow gosh! It’s not a dream, totoong nandito ka." Ano bang pinag iisip ko! Bakit nagawa kong pantasyahin ang lalaking 'to. 

Why naman ganyan Ira nabuking na lahat dahil sa kagagahan mo. 

“Sinong nagsabi na tumakas kayo? At isinama mo pa talaga ang kapatid ko,” He said sarcastically. Nakakatakot ang galit na nakaguhit sa buong mukha nito. 

"P-pakinggan mo muna ako." pinapanatili kong matapang ang aura ko at kunwaring hindi natatakot sa kanya .

"Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang mamatay tapos madadamay ang ibang tao." Anito. 

Kung ang ibig sabihin niyang madadamay ay ang kanyang pinaka-mamahal na kapatid. Bakit siya andito? At hindi kapatid niya ang sinusundo niya. Baliw ba ang lalaking 'to? 

"Tsk! Pasapak isa lang, pwede? Ang dami mong alam bakit hindi na lang kapatid mo sinundo mo para umalis, tutal bahay ko rin naman 'to." bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil lumalabas na ang pagka prangka ko sa harapan niya. Ghad! I forgot ang kaharap ko pala ay hindi lang isang normal na tao kundi ang lalaking kinatatakutan ko rin. 

Hello? Black master kaya ang kaharap ko syempre nakakatakot baka mamaya pag nagalit 'to dumanak ang dugo sa kwarto ko. 

"S-sorry." nauutal kong wika. 

Umaliwalas bigla ang aura niya kaya sinamantala kong tumayo para makalayo pakiramdam ko kasi aatakin ako ng asthma sa tuwing malapit siya sakin tapos 'yung puso ko panay ang tibok na akala mo'y gustong gusto mag produce ng blood pa lakbay sa buong katawan ko. 

"Ira!" boses iyon ni Nanay Lea. 

Agad kong pinatago si Black master sa ilalim ng kama. "Dalian mo!" 

"Wait lang Nanay Lea!" sigaw ko habang pinapatago ko si black master sa ilalim, wala akong idea kung paano nakapasok ang mokong na ito samantalang secured lahat pati CCTV namin rito ay palaging may bantay.