CHAPTER 17 Please, love me
“Are you out of your mind?” sigaw ni Sarah bago hinila ang braso ko paupo sa kama ko.
Masama ba na gawin kong panangga ang kagandahan ko para lang sa kaligtasan ni daddy? At saka wala na akong maisip na ibang paraan lalo pa ngayon nauubos na ang oras. Ayokong basta na lamang tumunganga rito.
“It is the only way to keep safe my dad.” I said with a deep voice.
“Gosh! Ira nababaliw kana-”
“Hey, ang ingay mo.”
“Paano ikaw ang engot mo mag isip.”
I rolled my eyes, “Don’t worry, plano ko lang ‘to kaya hindi ka dapat mag alala dahil never and ever akong mag kakagusto sa lalaking ‘yun.” paniniguro ko sa kanya para lang matahimik na siya.
Huminga siya ng malalim bago tuluyang nakahiga sa kama, “Sa bagay, gwapo at hot si Liam Hudson or should I call his hot name black master. Payong dyosa lang bawal mainlove sa sindikato.” aniya habang kampanteng nakahiga pa rin sa kama.
“Yes madam, umalis kana at baka makita ka ni black master.” Nagtataboy kong saad kay Sarah.
“Ikaw alam mo, after kong magmukhang magnanakaw paalisin muna ako wala man lang pagkain at pahinga?”
Demanding siya masyado.
“Okay fine, stay here tapos mag aakyat ako ng pagkain. Anyways sa kabila lang ang kwarto ni black master habang katabi ‘nun ay ang kwarto naman ni Jarus.”
“Oh, anong gusto palabasin? Na naglilibot ako at baka maisip kung magtungo sa kwarto ng dalawang boys. Tama ba ako?”
“Hindi ka lang tama, tumapak ka pa.” sabi ko sabay tawa ng peke at kinuha ang phone ko bago naglakad na paalis.
“Okay, hintayin kita.” pahabol ni Sarah.
Bumaba ako dahan-dahan at nang makasiguro akong walang tao mabilis akong tumawid patungo sa kusina.
“Where are you going?”
Hindi pa patuloy nakatapak ang dalawang kong paa bago makarating sa kusina ng marinig ang boses ni black master, “Hey, I’m asking you. Where are you going?” pag uulit niya habang kampanteng nakatayo sa gilid ng hagdan at nakapamulsa pa.
“I-I just want to eat dessert,”
Bakit ako kinakabahan kung totoo naman ang sinasabi ko kukuha lang ako ng kapirasong cake.
“Baka tumaba ka na niyan, ang naalala ko ay halos maubos muna ang chocolate cake tapos ngayon kukuha ka ulit? Baka magkaroon ka na niyan ng kabag.” aniya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa platito at kutsara kong dala.
Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko pero kailangan kong mag isip bago ako maglabas ng sasabihin ko, “E, ano kung marami akong kinain na cake. Wala namang kaso sa akin kahit tumaba ako at hindi magustuhan ng ibang lalaki dahil ang true love hindi sa katawan kundi nanggagaling sa puso. Gets mo?”
Biglang tumahimik ang atmosphere kaya naisipan kong kumuha ng isang slice ng cake bago iyon ipinakita sa kanya, “Gusto mo? Asa ka ayaw mo palang tumaba kasi masyado kang conscious sa katawan mo, tsk!” pang aasar ko sa kanya bago ko sinubo ang cake at hindi ko pa na isusubo lahat ng sinunggaban niya ang cake sa bibig ko gamit din ang bibig niya at pakiramdam ko may paro-paro sa tiyan ko.
“Y-you, mang aagaw ka!”
“It taste so good,” komento niya bago umalis.
Nakahinga lang ako ng malalim dahil alam kong wala na siya, “Shet! Bakit ba traydor ang puso.”
“Kasi traydor ang nagmamay ari ng puso.”
“Ay butiki!” napasigaw ako dahil akala ko may kung sino ang nagsasalita ayon pala si Jarus lang. Bullshit talaga ‘tong magkapatid masyadong pa cool. Aminin na natin na cool sila okay?
“Sorry,” he said with a smirk before walking away.
“Wait. Can I talk to you?”
Gumuhit ng pagtataka ang kanyang mukha, “Sure, why not.”
Tinuro ko ang garden kung saan may maliit na fountain bago ako naunang maglakad. Gusto ko lang linawin sa kanya ang lahat baka pagisipan niya ng masama si daddy tungkol sa mga narinig namin bago namatay ang kanyang daddy.
“So, what is it?”
I breathe for a while, “Galit ka ba sa daddy ko?”
He look at me in a serious way, “Kung magagalit ba ako, mabubuhay si daddy? May mapapala ba ako.”
Makahulugan ang sinabi niya at hindi maikakaila na may poot sa puso niyang dala dala kaya lamang mas nagawa niyang pakisamahan ako ng mabuti kaysa magalit. “Sorry for what-”
“You don’t need to be sorry, ang mahalaga ay nalaman natin ang katotohanan at gusto mong patunayan na inosente ang iyong daddy. Maghihintay ako kung nasa tama ang pinaglalaban mo.
“Thank you.”
Umalis siya ng bitbit ang matamis na ngiti sa kanyang labi at gusto kong makita ang ganitong klase ng ngiti mula sa labi ni black master. Iniisip ko lang kung si Jarus na hindi pa alam ang totoong nangyari ay pinatawad na si daddy paano kung si black master na? Kaya niya bang patawarin si daddy.
Ang hirap naman, siguro kailangan ko na talagang ituloy ang plano ko na akitin si black master upang mabantayan ko ang bawat galaw niya. Ang dapat ko lang naman gawin ay rumampa sa harapan niya at sirain ang mga plano niya laban kay daddy upang protektahan ko si daddy.
“Hoy! Tumatalon na ang ice cream sa braso mo dahil sa kagagawan mo, ano ba kasing tumatakbo sa isip mo habang naglalakad. At saka ubod ka ng tagal-”
“Demanding ka masyado Sarah,” putol ko sa sasabihin niya.
“Alam mo Ira, kung may sama ka ng loob dahil kinuha mo ako ng pagkain mas maganda siguro kung ikaw na ang kumain niyan.”
“Ang ingay mo, nag iisip ako.”
Nagtataray pa si Sarah bago kinuha ang ice cream na hawak ko, “Okay, tutulungan na kita sa mga plano mo.”
Nabuhayan ako ng pag asa dahil alam kong lubos na matutulungan ako ng babaeng ‘to, “Kaya love kita e.” sabi ko sabay sukbit ng braso ko sa braso niya.
“Tsk, magaling ka lang pag kailangan mo ako.”
Ngumiti ako sa kanya habang nakatingin sa kinakain niya, "Anyways, kamusta si Greth? Anong nangyari na sa bahay," may bahid ng pag-aalala na tanong ko sa kanya.
Tumigil sandali sa pagkain ng Ice cream si Sarah at saka nagpakawala ng malalim na hininga, "Ayon, nagpapaka boss sa mga tauhan ng daddy mo at 'wag ka masyadong pa reyna." pagkukuwento niya.
Lalo akong napaisip kung paano ko matutulungan si daddy. Dalawang tao ang dapat bantayan. "Feeling ko magkakasakit ako sa utak, dalawang tao ang pwedeng manakit kay daddy."
"Masyado kang negative, alam mo akong bahala kay Tita Greth just focus to your man."
"Baliw ka!"
Panay ang bungisngis niya na akala mo'y walang bukas. Hayss ang hirap mawalan ng Ina at pakiramdam ko kulang ang pagkatao ko lalo ng malaman ko na hindi ko biological mother si Greth.
"Hoy, nalaman ba niyang umuwi ako? Ano sabi niya at-"
"Shh.. Don't worry walang sinabi si Tito Joseph."
"P-pero-"
"Ano ba, ang negative mo. Walang mangyayaring masama sayo o kahit na kay Tito dahil protektado kayo."
"Paano ka." singit ko sa gusto kong sabihin kanina pa. Yes, sabihin na natin na protektado kami how about Sarah. Masyadong delikado ang buhay niya lalo kung malaman pa ni Greth na alam nito kung nasaan ako.
"Wala ka bang tiwala sakin? Kaya ko ang sarili ko dahil isa akong pulis." she said.
Nakalimutan ko nga palang isang siyang pulis at imbis na ako, mas natupad niyang maging isang ipinagmamalaking pulis. Kaya nga siya ang tagapag bantay ko dahil makisig siyang kumilos at maraming tauhan ang hawak niya na kayang kaya niyang pasunurin.