CHAPTER 14 Hate, Love
Audio lang ang laman ng USB kaya sinimulan na pindutin ni Jarus ang open bago ko palakasan sa kanya para marinig rin nila.
“Alam mo kung anong ginagawa ko sa mga taong hindi marunong sumunod?” Natigil pa ang salita na nanggagaling sa isang lalaki at medyo nag loko ang usb at kusang nag pause. At sa kagustuhan kong pakinggan lahat agad kong binuksan muli, “Mr, Madrigal, ikaw dapat ang nagpapasunod diyan sa kaibigan mo!”
Sa huling salita tila ba galit na galit ang lalaki. “Mga walang hiya kayo! Ano ba gusto niyo, tatakpan ko ang kamalian na ginawa niyo at ano? Maraming buhay ang mag bubuwis dahil sakim kayo. ‘Wag niyo kaming igaya ni Joseph sa inyo” pareho kaming nagkatinginan ni Jarus at sinabi niyang boses iyon ng daddy niya.
“Shut up! Christophe! Makinig ka na lang.” kinilabutan ako ng marinig ang malakas na boses ni daddy.
“Joseph, ‘wag mo sabihin sakin na umaayon ka sa kagustuhan nila? Tandaan mo hindi tayo mga mamamatay tao dahil mga artist tayong may pangarap hindi para umangkin nang obra ng iba.”
“Just shut up-”
Parang tumalon ang puso ko ng marinig ko ang sunod sunod na putok at kusang nag pause ang audio.
Para akong ewan sa kinauupuan ko ngayon, pakiramdam ko ay tinakasan ako ng maraming dugo sa buong katawan ko. Ayokong maniwala sa mga narinig ko pero malinaw pa sa patak ng ulan na si daddy ay sangkot sa pagkamatay ng daddy ni black master.
Ilang segundo pa ang lumipas narinig kong umalis si Jarus sa tabi ko at walang kibo itong lumakad palabas.
Wala na ako sa tamang hulog at maraming katanungan sa isip ko na dapat ay sagutin mismo ni daddy. Agad kong kinontak si Sarah at salamat ay sumagot siya kaya’t nagsimula na akong mag ayos habang dala ko ang USB.
“Papunta na ako, magkita tayo sa bahay.” sabi ko kay Sarah na nasa kabilang linya.
Ayon sa kanya umalis daw ang stepmother ko na si Greth ang minsan ng nagtangkang patayin ako. May business trip daw ito sa China at ilang buwan ang bibilangin bago umuwi ang bruha kaya wala akong dapat sayangin na oras lalo pa at may nalaman ako sa nakaraan ni daddy.
“Jarus, can you do me a favor?” tanong ko kay Jarus na ngayon ay nakaupo sa harap ng painting room niya.
“What is it?”
“Tulungan mo naman akong makatakas dito para makauwi ako samin dahil gusto kong makausap ang daddy ko. Alam kong nabigla ka sa mga narinig mo at alam kong nagagalit ka ngayon kaya nga gusto ko malaman ang katotohanan mismo kay daddy.” pangungumbinsi ko sa kanya, dahil kung kay manang ako hihingi ng tulong pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap kasi puro trouble na lang ang binibigay ko sa kanya sa tuwing may papasukin akong gulo.
“Okay, but in one condition,” tumigil siya sandali bago tuluyang humarap sakin. “Isasama mo ako sa pag alis mo.” sabi niya habang seryoso ang aura niya.
“Nagpapatawa ka ba? Once na malaman ni black master na nawawala ka hahanapin ka niya.”
“Bakit? Pag nawala ka rin hahanapin ka niya, so walang pupuntahan ‘to.”
Tumigil ako at napapahawak sa sintido ko para hilutin iyon, sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nalalaman ko. “Okay. Sumama ka na.” pag payag ko.
Pinatunog lang ni Jarus ang alarm sa painting room niya para pumasok ang mga naiwan na tauhan ni black master sa loob at saka namin susundan nang pagtakas. Nakahinga lamang ako ng maluwag dahil nagawa naming makalabas sa loob ng Village.
Agad kong tinawagan si Sarah upang sunduin kami at sinabi ko rin sa kanya na huwag ipapaalam kay daddy ang pag uwi ko basta siguraduhin lang nitong hindi aalis si daddy para makausap ko ito kaagad.
Matapos ang ilang oras nakarating kami sa bahay at maraming bantay pero sa tulong ni Sarah nakapasok kami ng walang hadlang samin at agad kong pinuntahan si daddy sa kwarto niya. Dahil nagpapahinga daw ito sapagkat masyado nang stress sa paghahanap sakin.
Sumilip ako at halata ang pagkapayat ni daddy habang ang mukha nito ay parang sobrang stress na hindi mo maintindihan, naawa ako kay daddy at parang ayokong magtanong baka lalo siyang ma stress kaya lang gusto ko rin malaman ang totoo mula sa kanya.
“Daddy?” Tawag ko kay daddy kasabay ‘nun ang paglakad ko dahan dahan.
Humarap siya at laking gulat ang nakaguhit sa buong mukha niya habang iba’t ibang emosyon ang nilalabas ng mga mata niya. “Multo ba ang nakikita ko..” bulong ni daddy sa sarili niya at hindi maka paniwalang naglakad palapit sakin.
“T-totoo nga, It’s you Ira! Ang tagal kitang hinanap anak.” madamdaming saad ni daddy bago ako niyakap. “Saan ka ba nanggaling, bakit ang tagal mo nawala alam mo bang-”
“Daddy, can we talk? May ilang katanungan lang ako.” hindi ko na tinapos ang sasabihin niya.
“A-ano iyon anak?”
“Do you know Mr. Christophe?”
Biglang nagbago ang emosyon sa mga mata ni daddy, guilty yes, guilty ang nakikita ko ngayon sa maamo niyang mata.
“Are you okay daddy? I’m just asking you.”
“Y-yeah, I’m fine. Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin-”
“Dad, kung may nalalaman ka sabihin muna agad at patunayan mong inosente ka na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni-”
“Shut up Ira! Wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo.”
“Dad-”
“Ano bang pinag sasabi mo? At saan mo nalaman ang bagay na ‘yan.” purong pagtataka ang nakaguhit sa buong mukha ni daddy.
“Dad, just tell me the truth please.”
“Shut up! Wag mong subukan ang pasensya ko dahil baka magawa ko ang bagay na ayokong gawin sayo.” kitang kita ko ang galit sa mga mata ni daddy.
“Dad, please kailangan malaman ni black master at nang kapatid niya na hindi kayo masamang tao! Bakit ba ayaw mong linisin ang-”
“Carlo, Lea! Dalhin si Ira sa kwarto niya at ‘wag hayaang makaalis.” Maawtoridad nitong utos sa bodyguard ko.
“Dad! Ano ba, bitawan niyo ako-”
“Ma’am sumunod na lang po kayo baka kung ano pang mangyari sa daddy niyo.” sinuway ako ni manong carlo.
Sa huling sulyap nakita ko ang halo halong emosyon sa mga mata ni daddy at alam kong inosente siya pero gusto ko aminin niya sakin ang buong detalye na nangyari noon sa kanila ng daddy ni black master upang matigil na kung ano man ang plano ni black master kay daddy.
Naramdaman kong hinawakan ni Nanay Lea ang kamay ko, “Anak, makinig ka muna sa daddy mo, hayaan mong kusa niyang malaman ang tama.”
“P-pero Nanay Lea, may hinahabol akong panahon. Paano kung aamin si daddy kaya lang huli na ang lahat.”
Nanay Lea smiled at me, “Anak, alam mo bang nagkasakit ang iyong daddy kakahanap sayo at sabik na sabik siyang yakapin ka. At alam mo ba kung ano ang pinangako niya kung sakaling bumalik ka raw?”
“Ano po?”
“Hindi na siya magiging mahigpit sayo.”
May parte sa utak ko na kagalakan ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan kong alamin ang totoo.