CHAPTER 13 Discover the past accident

Shet! What time na ba kanina pa naghihintay si Sarah sa Lala Pillow Bucks. Nakakabadtrip kasi itong magkapatid laging hadlang sa mga plano ko. 

“Ah, maiwan ko na kayo diyan” singit ko sabay hakbang kaya lamang mabilis na hinigit ni black master ang manggas ng damit ko pa harap sa kanya. “I’m still talking to you.” mapanganib nitong wika. 

Peke akong ngumiti, “Kayo na lang ang mag usap, may kailangan pa akong gawin.” pag dadahilan ko.  

“Jarus, umalis ka na.” pagtataboy nito sa kapatid. 

“Brad, ‘wag kang mag alala kasi hindi naman ako makikinig.” 

“1, 2-” 

“Calm down, brad aalis naman ako hindi muna kailangan mag bilang.” Anito sabay takbo. Duwag ang hayop na ‘to. 

“Just wait here, pinatawag ko na si doktor Hernandez para ma-check up ka kung anong lagay mo sa ngayon.” Wala akong nasabi kundi tumango dahil inaalala ko ngayon ang magiging bungad sakin ni Sarah. Pakiramdam ko kasi minumura na ako ‘nun mula ulo hanggang paa.

“Baka may gusto kang kainin?” pukaw nito muli sa lumulutang kong diwa. 

“I’m okay, busog na ako.” ngumiti pa ako para lang manahimik na siya. 

Pero aminin, gusto ko ‘yung pagiging maalaga niya sakin. Kaya lang ‘yung alaga na ito ay hindi para sa kapakanan ko kundi para sa plano niya na gamitin ako at wala ng iba. 

Wag kang papadala sa mga ipinapakita niya sayo.

“Black master, nandito na po si Doc Nelson.” pukaw samin ni cuebas. 

“Good morning black master, umpisahan ko na po ang pag check up.” segunda naman ng Doktor. 

"Is she okay, Doc?" nakatingin ako kay black master nang tanungin niya ang doktor na chine-check up ako ngayon para makumpirma kung bumalik na nga ba ang ala-ala ko. 

Pang ilang tanong na ba niya ang tungkol sa kalagayan ko, concern ba siya para sakin o concern siya sa plano niyang gamitin lamang ako. 

"Yes, she's fine. Totally recovery na ang memorya niya."

Bakit ba masyado 'to maka siguro si black master, ano bang gusto niya at parang minamadali niya ata ang recovery ko.

"Mabuti naman at bumalik na ang alaala mo hija."

“Oo nga po, manang.” 

Akmang tatayo ako nang marinig ko ang sunod sunod na yabag at hindi ako nagkakamali mga tauhan iyon ni black master. Kaya’t mabilis itong lumingon sa mga tauhan niya bago sumenyas na umalis muna ang mga ito. 

“Vincent, ihatid muna si Doc Nelson sa labas.” maawtoridad na utos nito sa tauhan niya na agad rin naman sumunod. 

Malakas ang kutob ko na may plano sila ngayon lalo pa at hindi siya natuloy sa plano kagabi patungkol kay daddy. Kailangan ko kumilos ngayon. 

“Manang, kayo na ang bahala rito, I have to do something.” Bilin nito kay manang. 

Halata ang pagmamadali nila, kaya sinadya kong mahiga para kunwari ay magpapahinga lang ako sa sofa. 

Nang makalabas na sila at dalawa lamang ang naiwan mabilis akong tumayo at lumapit kay manang sabay hila sa kanya pataas. 

“Teka, hija ano bang nangyayari sayo bakit ka nagmamadali.” suway ni manang sakin. 

“Manang, I really need your help. Please?” Buong puso akong nagmakaawa kay manang. Alam kong hindi ako matitiis ni manang. 

“Ano na naman iyon, hija baka mapahamak ka sa binabalak mo.” 

“Manang, hihingin ko sana lahat ng susi rito sa mga silid na naka-lock. Pwede niyo ba sakin ibigay? alam niyo kung saan nakatago.” 

Biglang iniba ni manang ang ekspresyon sa mukha niya at alam kong hindi niya ibibigay sakin ‘yun pero nagbabakasakali lang naman ako. 

“Hija, alam kong maraming katanungan ang nabubuo diyan sa isip mo at gusto kitang tulungan mapunan iyon kahit sa paraan man lang na ganito matulungan kita. Alam ko rin naman na hindi ka gagawa nang masama o ikapapahamak ng ibang tao lalo na kay black master.” 

“So, tutulungan niyo po ako?” 

“Kukunin ko lang ang mga susi,” 

“Talaga po? Yehey!-” 

“Shh.. ‘wag kang maingay may dalawa tayong bantay sa ibaba.” bilin ni manang sakin. 

I waited for manang while looking around, matagal na akong nandito at never pa naman akong nakakita ng mga CCTV kaya kampante akong gumalaw lalo kung wala si black master rito. 

“Hija, ito ang susi ng silid na nasa dulo. Sigurado akong nandoon ang mga kasagutan na gusto mong masagot.” sabi ni manang at halata ang pawis sa leeg niya. Siguro nagmamadali siya. 

Wala akong gusto gawin kundi ang yakapin siya nang mahigpit, “Manang, thank you for everything.” 

Ramdam ko ang pagyakap ni manang pabalik kaya’t ilang sandali pa akong nag stay bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. 

“Ayoko na kasing nakikita kang nangangalap, basta ipangako mo sakin na kahit anong malaman mo tungkol kay black master ay hindi mo siya kamumuhian. Mabait siyang bata at alam kong lahat nang nangyayari ay may dahilan.” huling wika ni manang bago nagpaalam sakin na siya na daw ang bahala sa dalawang bantay. 

I walked quickly to the room mentioned by manang earlier.

Nang mabuksan ko na ang silid maraming libro ang na ka ayos sa bookshelf at mapapansin mong palagi itong nililinis dahil kahit anong kalat at alikabok ay wala kang makikita. Mas nakakaagaw pansin ang mga painting na nakasabit sa buong wall. 

Hindi ko alam kung para saan ang mga ito at kung kanino ang silid. Kung hindi kay black master sa kapatid niya? Pero hindi e, kasi narinig kong kinukulit rin ni Jarus si manang habang panay ang tanong kung ano ang nasa loob nitong silid. 

Isang malaking box ang na ka scotch tape at dahil curious ako binuksan ko agad ito at bumungad sakin ang isang  dyaryong na ka pulupot  kasama ng painting kung saan naglalarawan ng tradition and culture of the philippines. Alam ko ang painting na ito at hindi ako pwede mag ka mali nakita ko na ang original copies nito sa silid ni daddy. 

Kinuha ko ang dyaryo at nalaglag ang isang usb kaya kinutuban na agad ako. Malakas ang pakiramdam ko na may importanteng laman ang usb na ito.

Wala na akong inaksayang oras pa kaya agad kong kinuha ang USB at ni-lock ang pinto bago ako nagtungo sa kwarto ko. Gusto ko malaman kung ano ang meron rito ngunit naalala ko nga pala na may accesses si black master sa phone ko. 

Mag isip ka Ira.. Paano mo mabubuksan ang laman ng usb.

Iisang tao lang ang pwede makatulong sakin, no choice kahit badtrip ako sa lalaking 'yun. 

Bumaba ako para hanapin si Jarus, sana'y bumalik na siya kasi ang pag kaka alam ko ay umalis siya. Ow please, siya na lang ang pag asa ko this time.