Chapter 76 Priest
Pearl's Pov
Siguro ilang segundo rin ang lumipas bago siya umiling. "May mas nauna pa sayo, at siya ay ang Mama mo!"
Literal na napanganga ako sa sinabi ni Lola, totoo ba 'to? O baka prank na naman.
Ginayuma rin ni Mom si Dad? Pero bakit iniwan pa rin ni Dad si Mom?
"Mali po yata kayo, hindi po totoong mahal ni Dad si Mom kasi iniwan niya po kami." kaunting boses na lang ang mayroon ako dahil ilang saglut na lang ay parang babagsak na ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
Bakit feeling ko, ang raming tinatago sa akin ni Mom?!
"Mahal... Hmm, iba ang mahal sa minahal. Wala kang magagawa kung tadhana ang kumilos hija. Minahal ng Dad mo ang Mom mo noon kahit na may gayumang involve, pero mukhang hindi sila ang para sa isa't isa. Dahil kung kayo talaga, walang makakahadlang sa pagmamahalan ninyo, don't push yourself into someone kapag hindi ka niya mahal, hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa. That's the purpose of tadhana." mahaba na naman niyang saad.
Bakit ang raming revelations na nailabas? I mean, hindi ko inaasahan na puno pala ng kasaysayan ang pamilya namin. And hindi nakakatuwa ang bagay na iyan kasi feeling ko, walang tiwala si Mom sa akin.
Hindi pa rin ako kumikibo at nanatili lang na nakayuko. Feel ko parang babagsak na ang mga luha ko. Nag-se-self pity na naman ako, na parang walang tiwala sa akin si Mom... Kaya hindi niya sinabi na may alam pala siya ukol sa libro.
"Hija, huwag kang magalit sa Mom mo. Hayaan mo muna siyang mag-explain. Tandaan mo na everything happens for a reason!" tama, hindi ko muna i-ja-judge si Mom kasi hindi ko pa naman alam ang side niya. Pero hindi ko pa rin matanggap na parang walang tiwala sa akin ang sarili kong ina.
Pinatid ko ang mga luhang kumawala na pala ng hindi ko man lang namamalayan. "Sige po, mauna na ako!" pagpapa-alam ko.
Tumalikod na ako pero bahagya akong napatitig sa kaniya na ngayo'y naka-hawak na pala sa braso ko. "Hindi mo ba 'to kukunin?" iyong libro ang tinutukoy niya.
"Sa inyo 'yan pinagkatiwala ng Lola ko kaya kayo na po ang bahala riyan. Sana'y alagaan niyo po kagaya ng pag-aalaga ninyo sa pagkakaibigan niyo ng Lola ko." wika ko bago alisin ang kamay niyang naka-hawak sa braso ko. "Mauna na po ako Lola!" pagkatapos ay nginitian ko siya ng pilit na ngiti.
"Sige, kung gano'n hija, hahayaan ko ang librong ito na hanapin ang mabibiktima ng susunod na henerasyon!" seryosong saad niya kaya walang pasubali na naglakad na ako palapit sa pintuan at pinihit iyon hanggang sa mabuksan ko na at nilisan ang lugar na iyon na puno ng pangamba.
Hindi ako nangangamba dahil sa mabibiktima sa susunod na henerasyon, natatakot ako sa maaring i-kwento sa akin ni Mom, lalo na't involve silang pareho ni Dad.
Mabuti na lang at wala sila Whiskey ngayon rito kasama ko, dahil kapag nagkataon na narito sila ngayon, magrereklamo na naman ang mga iyon dahil sa wala man lang taxi na dumaraan.
Hindi ko naman pwedeng istorbohin si Dwight para sunduin ako dahil natitiyak ko na tulog pa ang isang 'yon dahil napuyat kagabi.
Naglakad na lang ako at sakto namang may nakita akong coffee shop kaya tatambay muna ako ro'n. Kailangan kong i-refresh ang isip ko.
Pagkapasok ko, namangha ang aking mga mata dahil sa desenyo nito, ang ganda kasing tingnan. Puno ng dekorasyon na mula sa mga plastik na baso ng kape. At dahil sa coffee lover ang Ate niyo, tiyak na titikman ko ang kape nila rito.
"Ma'am, ano po ang sa inyo?!" palinga linga pa ako pero natigilan rin ako nang makalapit sa akin ang isa sa mga waitress nila.
Tumingin naman ako sa menu tsaka tinuro ang Cappuccino sa kaniya. Malaking baso ang in-order ko, hindi kasya sa akin ang maliit na baso lang.
"Habang maghihintay po kayo Ma'am, heto po ang Wifi password!"
Wow, ang astig ah. Ang sarap tumambay rito kasi may Wifi sila. Libre pa, oh 'di ba, sa'n ka pa!
"Salamat!" ani ko sa babae bago ako tinalikuran para siguro kunin ang order ko.
Habang hinihintay ko ang waitress, nag-open muna ako ng FB, baka may mga messages ako na importante.
Unang scroll ko ko pa lang, si Xander na ang unang nakita ko sa aking NEWSFEED. Parang nalungkot tuloy ako bigla. Hindi ko pa kasi siya nakakausap at hindi ko na rin siya nakikita. Siguro kapag nagkita kami, sasabihin ko na sa kaniya na pinapatawad ko na siya para maging okay na rin kami ng kaibigan kong iyon.
"Ma'am here's your coffee na po!" nanlaki ang aking mga mata after ko marinig ang beses na iyon.
That voice looks so familiar to me...
Dahan dahan ko siyang nilingon at tama nga ako. Magkapako lang ang tingin namin sa isa't isa. Pero kalauna'y umiwas rin siya ng tingin tsaka niya nilapag ang kape sa table na may kasama ng cheese cake kahit na hindi naman ako nag-order. Alam kaya niya na ako ang nag-order kaya nagpa-free cake siya? Pero hindi, huwag mag-assume kasi bawal!
And bakit siya narito? Hindi naman yata tamang isipin na nag-ta-trabaho siya rito dahil hindi na niya kailangan magtrabaho, kahit itong buong coffee shop ay kaya niyang bilhin dahil mayaman ang pamilya nila.
"Enjoy your coffee Ma'am!" malamig ang kaniyang boses pati na rin ang kaniyang mga tingin. Hindi na siya iyong Xander na nakangiti na kaagad sa akin kapag nakikita niya ako. Hindi na siya si Xander na excited kapag kasama niya ako. At lahat ng iyon ay dahil lamang sa isang pagkakamali na naging dahilan kung bakit hindi ko siya pinansin at kinausap ng ilang mga araw.
Tsaka ang sakit sa damdamin na tinatawag niya ako ngayon ng 'Ma'am' i missed that endearment na tawag niya sa akin, that 'Magandang Pearl' na palagi niyang tawag sa akin.
Parang may sumaksak sa puso ko nang tinalikuran niya ako nang wala man lang emosyon sa kaniyang mukha. Singuro nga'y tanggap na niya na wala na talagang pag-asa pa na maibalik ang pagkakaibigan namin.
Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko tanggap eh, hindi ko tanggap na sa ganitong paraan na lang matatapos ang lahat ng nasimulan namin.
"Wait... Xander, pwede ba kitang makausap?" dalawang hakbang lamang ang pagitan niya sa akin.
"Tungkol saan?" malamig pa rin ang kaniyang boses at bahagya pa rin siyang nakatalikod sa akin.
Kung ayaw niyang humarap sa akin, ako ang haharap sa kaniya.
Pumunta ako sa kaniyang harapan at tinitigan siya ng mata sa mata. "Pwede bang bigyan mo ako ng kaunting oras para masabi sayo ang gusto kong sabihin?" kung kailangan kong magmaka-awa para lang kausapin niya ako, gagawin ko for our friendship sake.
"Look, baka magalit pa ang boyfriend mo!"
Oo nga pala, kailangan kong sabihin sa kaniya na mahal nga talaga ako ni Dwight at walang gayumahan na nangyari.
"Tungkol nga pala riyan---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin because he cut me off.
"Alam ko na ang lahat at hindi na nakakapag-duda kasi noon pa man, alam ko na... Na mahal ka talaga niya."
At sino naman ang nag-sabi sa kaniya?
"S-sinong nagsabi sayo?" i frequently asked on him.
"Kier tells me everything na kinwento lang rin sa kaniya ni Bianca."
Ah so, pinangunahan na naman nila ako? Mga 'yon talaga oh!
"Gano'n. Ah, nga pala Xander? Suko ka na ba sa pagkakaibigan natin?" kung wala siyang balak na ayusin ang pagkakaibigan namin, ako na ang bahalang mag-ayos nito.
"Mag-usap tayo, please..." hindi pa rin siya kumikibo.
Medyo nawawalan na rin ako ng hope na maibalik pa ang pagkakaibigan naming dalawa.
"Nahihiya ako kasi ikaw pa ang nanunuyo sa akin ngayon. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Na kausapin mo akong muli. Thank you!" i smiled secretly ng yakapin niya ako. I felt that the Xander i knew is back, bumalik na siya.
"Okay lang. So shall we?" binitawan na rin niya ako tsaka kami naupo sa table ko kanina, pang-dalawahan pala ang table na ito, ngayon ko lang napansin.
"Xander, sorry kasi hindi man lang kita napatawad kaagad, hindi ko na kasi matiis pa na iwasan ka, I'm sorry, hope na you will forgive me!" I said full of hope na sana hindi na kami maging awkward sa isa't isa.
"Don't say sorry, ako rapat ang mag-sabi niyan kasi sinabi ko kay Jaynie ang secret natin."
"Okay na. Move on na lang tayo, tsaka hindi rin naman pala totoo na ginayuma ko si Dwight. Totoo pala talaga ang lahat ng pinakita niya at pinaramdam." pagkatapos kong sabihin ang bagay na iyan. Naisip ko na baka masaktan ko si Xander dahil sa usaping iyan. Knowing na umamin pala siya noon sa akin na may kakaiba siyang nararamdaman sa akin.
"Simula pa lang, alam ko na. Kasi imposible ang nangyari eh. Imposible na gano'n gano'n na lang magagayuma ang Dwight na napaka-sungit." bahagya siyang natigilan sa pagsasalita at kita ko ang pag-ngiti niya ng mapait, "Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo, masaya ako kasi masaya ka. Iyon naman rapat 'di ba, kung saan masaya ang taong mahal mo, suportahan mo na lang siya at maging masaya ka na lang para sa kaniya. Ipapaubaya na kita sa kaniya basta ba alagaan ka lang niya. Alam naman niyang mahal kita---" I cut him off.
"Xander naman..."
"Bilang kaibigan, hindi pa kasi ako tapos eh binara mo na agad! Ikaw talaga magandang Pearl." aniya bago guluhin ang buhok ko.
Parang may humaplos naman sa puso ko ng marinig sa kaniya ang palaging tawag niya sa akin, dahilan para mapa-ngiti ako.
"Makakahanap ka rin ng babaeng deserve ang pagmamahal mo. Kasi hindi ko deserve ang Xander na mabait, mapagmahal, hindi ko deserve ang Xander na palaging nariyan para sa akin. Mahahanap mo rin ang babae na mamahalin mo ng sobra higit pa sa naramdaman mo sa akin." nag-pilit pa ako ng ngiti habang nakatingin sa kaniya.
He let out a heavy sigh, "Sa tingin ko, hindi ko na siya kailangang hanapin. Kasi hindi naman ako naghahanap at hindi na maghahanap. Alam mo kasi, hindi na ako magmamahal ng iba, hindi ko kayang magmahal ng iba kasi ikaw lang talaga, mag-pa-pari ako magandang Pearl. Sa paraang iyon, hindi na ako pwedeng matali sa iba. Kung single ka, baka magbago pa isip ko pero wala eh, may Dwight ka na kasi." speechless ako this time, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"S-sure ka na ba sa desisyon mong iyan? Dito mo ba balak gawin ang pagiging isang priest?" siguro nasa limang segundo akong natahimik bago magbigay ng komento sa sinabi niya.
"Oo sure na ako. Unless magiging single ka, then iaatras ko." pabirong saad niya kaya nahampas ko tuloy ang kaniyang kamay.
"Puro ka naman biro eh, ang seryoso kaya ng usapan." maktol ko sa kaniya.
"Bakit? Seryoso naman ako ah!" natatawang saad niya kaya pinanood ko na lang siyang tumawa. "Sa abroad ko balak gawin." mabuti naman at tumigil na siya sa kakatawa at nag-seryoso na ulit.
Nawala ang pagiging malamig ng boses ng loko.
"Kailan naman?"
"After graduation lilipad ako papuntang ibang bansa." aalis siya? Nakakalungkot naman. Wala ng makulit na Xander rito sa Pinas.
"Ba't kasi hindi na lang rito?" hindi ko lang tanggap kung sa ibang bansa.
"Wala lang, ro'n ko gusto eh! By the way 'yang kape mo, malamig na 'yan!" tinignan ko ang kape na nasa mesa at mukhang malamig na nga kaya humigop ako ng kaunti.
"Nga pala, anong ginagawa mo rito sa coffee shop na 'to?" hindi na awkward kaya pwedeng pwede na akong magtanong sa kaniya.
"This coffee shop is mine." confident na sagot niya sa akin.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah!"
"Eh bakit hindi mo man lang ako dinala rito?" ang daya lang ah. May coffee shop pala.
"Kasi ngayon ko pa lang binuksan. Grand opening ngayon, mabuti at nakarating ka. Ito 'yong pinagka-abalahan ko no'ng binasted mo ako!" wow ah. Direct to the point ang Xander niyo.
"Grand opening pala ngayon. Kaya pala may pa-free cake!" wika ko habang palinga linga sa paligid. Ang raming tao!
"Oo, akala mo ba special treatment." malapit lapit lang sana ang isang 'to sa akin, babatukan ko talaga.
"Grabe ka sa akin... Akala mo ba nakakalimutan namin na may utang ka sa amin, hindi ka pumunta ng Prom!" 'yon 'yong tanong ko last time kung bakit wala siya sa prom.
"Andito ako no'n maraming inaasikaso tsaka wala rin naman akong ka-date kasi 'yong ka-date ko, may ka-date na iba. Kaya anong purpose na pumunta pa ako 'di ba."
Sumubo ako ng cake tsaka nag-salita, "Ako rin naman ah, walang ka-date pero pumunta pa rin." wika ko habang ngumunguya.
"What? Wala kang ka-date no'n? Eh si Dwight?" okay na kaya sila ni Dwight ngayon? Sana naman oo!
"Hindi rin siya pumunta, may mahalaga rin na inasikaso." wika ko bago sumubo na naman ng cake.
"Sayang... Kung alam ko lang sana na wala kang ka-date pumunta na lang ako! Totoo nga talaga ang sabi nila na, nasa huli ang pagsisi at hindi sa una." natawa ako ng bahagya dahil kakamot kamot pa siya sa kaniyang ulo.
Nagbalik na nga talaga ang kabigan ko. Ang pilyong si Xander!