Chapter 77 Confrontation

Pearl's Pov

Medyo hapon na rin nang maka-uwi ako sa bahay. Hindi na ako nagpa-sundo kay Dwight kasi ayoko siyang abalahin and isa pa, baka mamaya, magka-initan na naman sila ni Xander mahirap na, mas mabuti na iyong sigurado. Pero don't worry kasi sinabi ko naman sa kaniya na nag-usap lang kami ni Xander, kaya ayon, pumayag naman siya. Mabuti na nga lang at pumayag siya at hindi siya nag-selos.

Well, wala naman siyang rapat na pagselosan kasi we're friends lang naman ni Xander.

Andito nga pala ako ngayon sa salas namin, hinihintay ko kasi si Mom na umuwi. Kailangan ko siyang tanungin tungkol sa mga bagay bagay na nalaman ko kanina tungkol sa kanila ni Dad.

Sinikreto nila sa akin ang lahat lahat sa matagal na panahon kaya siguro nama'y may karapatan na ako na malaman kung ano ang kanilang sikreto dahil anak naman nila ako.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang minuto lang ay nakauwi na si Mom. Pinagbuksan ko pa nga siya ng pintuan at ng gate.

"Oh 'nak, kakauwi mo lang rin?" kaagad na tanong niya sa akin pagka-baba na pagka-baba pa lang niya ng kaniyang kotse.

"Kanina pa po. Gusto lang sana kitang makausap kung okay lang!"

Ramdam ko naman sa aking likuran ang kaniyang bahagyang pag-haplos sa aking mahabang buhok.

"Oo naman, matatanggihan ko ba ang aking unica hija!" aniya habang nakangiti.

Baka tanggihan mo na ako Mom kapag nalaman mo kung tungkol saan ang itatanong ko. Sana'y masagot mo ang aking mga katanungan!

Naglakad kami palabas ng gate para makalanghap ng fresh air habang nag-uusap.

"Tungkol saan pala 'nak?" bahagya niyang tanong sa akin.

Sa mga oras na ito'y kinakabahan na talaga ako dahil baka ayaw sagutin ni Mom ang mga tanong ko. Baka nga magalit pa siya sa akin dahil inuungkat ko pa ang past na rapat ng kalimutan.

I let out a heavy sigh bago sumagot sa kaniya. "Mom? Totoo po ba na ginayuma niyo rin si Dad noon?" straight to the point na tanong ko sa kaniya, ayoko ng paligoy ligoy. Mas nakaka-intriga kasi kapag ganoon.

"Where did you knew that?" mukhang natatakot na rin si Mom. Ewan ko ba kung ano ang kaniyang kinakatakot. Eh ang easy easy lang naman ng mga tanong ko!

May something pangit kaya na nangyari in the past?!

"Mom, nag-punta po ako kanina sa kaibigan daw po ni Lola. Pangalawa po siya sa gumamit ng libro and you're the third user then im the fourth person who used that Book Of Love Spell. Mom? Ginayuma niyo rin po si Dad?"

Medyo natahimik siya pero ramdam ko pa rin na parang hindi pa handa si Mom na i-kwento sa akin ang nakaraan nila.

"Sige po, kung ayaw niyong sagutin, okay lang po. I'll understand!"

Malungkot ako pero nag-aalala at the same time dahil sa inaasta ni Mom. Mukhang masakit pa rin talaga sa kaniya ang nangyari sa kanila ni Dad. Mahirap pa rin para sa kaniya ang nangyaring hiwalayan with Dad.

I let out a heavy sigh dahil na rin siguro sa sobrang pagod buong araw.

"'Nak, sorry kung sinikreto ko sayo 'to. Ayoko lang kasi na madamay ka pa sa gulo namin ng Dad mo. And you know, I admit na ginayuma ko siya pero in the end nalaman ko na mahal pala talaga niya ako. Hanggang sa napagod na siya sa relasyon naming dalawa. Kahit siguro painumin ko ng tone-toneladang gayuma ang Dad mo kung ayaw na niya, ayaw na talaga niya. Alam naman natin na hindi mapapantayan ng gayuma ang tadhana, dahil si tadhana ang magsasabi kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Kung kayo talaga, kayo talaga!" she smiled bitterly.

Huli ko na lang napagtanto na nakayakap na pala ako kay Mom. Gosh, ganito talaga siguro ang Mommy's girl, hindi ko kaya na makitang umiiyak si Mom.

Gusto kong magtampo sa kaniya kasi ang rami rami niyang tinago sa akin. Pero ayoko naman maging selfish kasi hindi naman ako ganoong tao. Kailangan ko rin munang intindihin ang mga bagay na gustong ipaliwanag ni Mom. Nakaka-touch lang sa part na nag-aaway na sila pero kapakanan ko pa rin pala ang iisipin nila, kaya ang swerte swerte ko kay Mom eh, kasi lagi na lang ako, lagi na lang ako ang iniintindi niya.

"Okay lang Mom. You don't need to say sorry po. I'll understand, pero Mom, pwede po ba next time, sarili niyo naman ang isipin niyo. Nagiging selfless na rin po kayo eh. Nahahawa na kayo sa akin!" pabiro kong saad pero ang sakit ay naroon pa rin sa dibdib ko, ang sakit na nakikita mong nasasaktan ang nanay mo.

"Paano ko iisipin ang sarili ko kung ikaw naman palagi ang inalala ko!" nakayakap pa rin kami sa isa't isa at bahagya ko pang hinihigpitan ang yakap ko sa kaniya.

"Asus, I love you na lang po Mom!" nakangiting saad ko pa.

"I love you rin 'nak!"

Hindi ko man maintindihan ng maayos ang kanilang nakaraan pipilitin ko na lang na intindihin ang mga magulang ko. Basta isa lang ang malinaw sa akin. Kung kayo talaga para sa isa't isa, hindi kayo paghihiwalayin ng tadhana.

Maybe nakahanap si Dad ng much better, at makakahanap rin si Mom ng much better, pero hindi ko na papayagan si Mom na humanap ng lalaking loloko na naman sa kaniya. Hindi ko na talaga kayang makita na nahihirapan at umiiyak ang nanay ko nang dahil lang sa isang lalaki.

"Pabukas 'to..." utos ko kay Dwight.

Kasalanan niya 'to eh, bumili bili ng mangga tapos wala namang bagoong. Ayan tuloy at napabili ng wala sa oras ang mga maid nila, malayo pa man rin ang palengke mula rito.

"Ang sungit sungit naman, meron ka ba ngayon honey?" bahagya niyang tanong. Inumpisahan na rin niyang buksan ang limang mangga.

Ganito siguro talaga tayong mga babae 'no, gustong gustong kumain ng mga maaasim kapag malapit na ang red days.

"Malapit na pero wala ngayon!" masungit kong sagot sa kaniya.

"Para talaga tayong mangga at bagoong, bagay sa isa't isa." kinikilig na banat niya.

At in-compare pa talaga niya kaming dalawa sa bagoong at mangga. "Okay lang, ako iyong mangga at ikaw ang bagoong." banat ko naman sa kaniya.

"Okay lang rin, kasi hindi ka naman mabubuo kung wala ako." wow ah napaka-confident naman.

"Funny yarn?" saad ko sa kaniya habang siya naman ay ngingiti ngiti lang. Gustong gusto talaga niya akong inaasar eh 'no!

"Hindi, mas tamang sabihin na sweet yarn!" hay jusmiyo, ang kulig pala talaga ng isang Dwight Cheon, never kong nakita ang personality niyang ganiyan noon, ngayon lang talaga!

Ang aga nambulabog ng isang 'to kanina sa bahay. Isabay mo pa na hindi talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa mga pinag-usapan namin ni Mom kagabi. Hindi talaga sumagi sa isip ko na maging si Dad ay nabiktima ng maling gayuma. Pero ang ipinagtataka ko lang, paano kaya nila nalalaman na ginagayuma namin sila kung fake naman ang mga potions?

Hmm, hayaan na nga lang, baka kung saan pa mapunta ang pag-iisip kong ito! Tama na ang pag-iisip ng kung ano ano.

"Masarap ba?" tanong ni Dwight habang naka-tingin sa akin.

Ang pangit ko yatang kumain ng mangga dahil maasim ang nabili niya. Kasalanan na naman niya 'to eh!

"Hindi, maasim!" pagsasabi ko naman ng totoo. Pagkatapos kasi niyang balatan ang limang piraso ay siya namang pagdating ni manang na bumili ng bagoong sa palengke kaya nilantakan ko na kaagad dahil para naman talaga sa akin ang mga ito.

"Sorry..." asus, may pa-sorry sorry pa. Ang bait naman masyado ng boyfriend ko, maasim lang ang nabiling mangga nag-sorry na agad.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain ng mangga. Ang sarap ng bagoong ng alamang.

"Hon?" pagtawag na naman niya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

"Honey?" tuloy pa rin ako sa paglantak.

"My love?" hindi ko pa rin siya pinansin.

"So sweet..." sa pang-apat na beses na tinawag niya ako, nagawa ko na rin siyang lingunin. Kasalanan niya at bumili siya ng mangga na masarap.

"Akin na ang manggang iyan, nagseselos na ako kasi sa kaniya na lang nakatutok ang atensyon mo!" hala mukhang nagtampo na nga ang loko.

"Hoy, pati ba naman mangga pagseselosan mo, huwag ka ngang ano riyan." gusto lang yatang magpa-lambing eh ayaw pa sabihin.

"Hoy, bati na tayo..." ayon, ako naman ngayon ang nang-aagaw ng atensyon niya.

"Honey?" bibihira ko lang siyang tawagin sa endearment namin kaya rapat kinikilig siya pero wala eh, ayaw pa rin akong pansinin ng lalaking 'to na parang mas tinotoyo pa kaysa sa akin.

"My love..." pang-gagaya ko sa kaniya.

"So sweet. Hoy, bati na tayo!" parang hindi ko yata kaya na nagtatampuhan kami ng isang oras. Hindi ako sanay...

"Bahala ka riyan kung ayaw mo akong pansinin, hindi na talaga kita papansinin kahit na kailan." paulit ulit lang, maya't maya, ako naman ang hahabulin niyan. Hay, abnormal nga naman talaga!

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa kinakain kong mangga.

"Hindi mo sinabi sa akin na nag-e-entertain ka pala ng Arabo..." halos maiyak na wika nito.

Ano bang problema niya? Nireregla ba siya kaya may mood swing siya?!

"Huh? Ano bang Arabo ang pinagsasabi mo?" saan na naman kaya niya napulot na nag-e-entertain ako ng Arabo. Mukha ba akong mahilig sa Arabo? Tell me!

"Here..." nang maiharap niya sa akin ang cellphone, roon ko lang napagtanto na phone ko pala ang hawak niya. Well, wala namang kaso sa akin iyon kung hawakan niya ang phone ko dahil wala naman akong tinatago.

"Hindi naman entertain ang tawag riyan ah. Hindi nga ako nag-reply sa kanila 'di ba?" ang tinutukoy pala niya ay iyong mga foreigners na nag-cha-chats. Kainis nga ang mga iyon eh, para kasing tingin nila'y lahat ng pilipina ay magkakagusto sa kanila.

"Sana dinelete mo or in-block mo. Maghihintay ng reply's 'yang mga 'yan. Sinong nagsabi sa mga Arabong iyan pwede nilang i-chat ang honey ko?!" jusqo kanina, mangga ang pinagselosan, ngayon, arabo naman.

Pero para sa akin, ayos lang na mag-selos si Dwight, kasi in that way, pinapakita at pinaparamdam niya na gusto niya siya lang, pinapakita at pinaparamdam niya na rapat walang sisira sa relasyong mayroon kami. And I like that attitude kasi nagseselos siya dahil mahal niya talaga ako.

Kaya lang nag-da-doubt ako dahil baka matulad kami ni Dwight sa kinahinatnan nila Mom at Dad, baka nagiging kampante na kami sa isa't isa at hindi namin iniisip kung paano gumalaw ang tadhana.

Knock on wood, huwag naman sana!

"Mukha ba akong mahilig sa Arabo? Tsaka unless na lang ka-sing g'wapo sila ng honey ko..." pang-aasar ko naman sa kaniya. Ang cute pala niyang mag-selos, halos maiyak na!

"Talaga? Pwedeng payakap?" ganiyan siya palagi, nagpapa-alam sa tuwing gusto niya akong yakapin.

"Amoy bagoong ako..." pag-tanggi ko kasi amoy bagoong naman talaga ako.

"Kahit na ano pang amoy mo, yayakapin pa rin kita kung pwede?!" tumango na lang ako sa kaniya bago niya ako yakapin ng mahigpit.

"May problema ka?" takang tanong ko sa kaniya habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

"None, masaya lang ako kasi kasama kita ngayon. Next week na nga pala ang birthday ko and for the first time, makakasama kita sa birthday ko." I smiled secretly, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Dwight.

"Mag pa-pa-party ka?" sa tipo ni Dwight mukhang hindi siya mahilig sa mga party party.

"Hindi, family dinner lang and that night rin kita ipapakilala sa parent's ko." parang kinabahan ako ro'n ah, gosh, hindi pa ako handa pero kailangan kasi wala ng choice, alangan namang hindi ako pumunta sa pinaka-importanteng araw sa buhay ng mahal ko.

"Kinakabahan ako pero kaya ko namang humarap sa kanila. Natatakot lang ako kasi baka hindi ako magustuhan ng parent's mo as your girlfriend." ramdam ko ang pamamasa ng aking noo dahil sa kaba.

"Ikaw pa ba, magugustuhan ka nila for sure, ang ganda ganda kaya ng honey ko." bumitaw na siya sa pagkakayakap pero hinawakan naman niya ang kamay ko tsaka bahagya niya pa iyong pinipisil, ramdam siguro niya na kinakabahan ako.

Ano kayang hitsura ng Mama niya? Eh ang Papa niya kaya? Parang kinabahan naman yata ako sa part na binanggit ko ang Papa niya, anong meron?!

"Eh paano kung hindi nila ako magugustuhan?"

"Eh 'di mamahalin pa rin kita, hindi naman sila iyong magmamahal sayo eh kaya hindi ka nila kailangang gustuhin kapag nagkataon na ayaw nila sayo." parang kinilig ako sa sinabi ni Dwight. Umiwas na lang ako ng tingin para magawa kong itago ang kilig na aking nararamdaman pero napansin pa rin iyon ng loko. Ang hirap talagang itago ng kilig.

"Sus, kinikilig ang honey ko. Tignan mo oh, namumula na ang pisngi, ang cute para kang kamatis. I love you hon!" this time, ngumiti na talaga ako ng todo, wala naman sigurong mawawala sa akin kung ipakita ko na kinikilig ako dahil sa mga ginagawa niya.

"I love you too Honey my love so sweet!" I said before he slowly kissed my forehead.