Chapter 75 History
Pearl's Pov
"Grabe naman pala ang love story ninyo. Hindi ako makapaniwala na kayo pa rin pala hanggang sa huli. Tsaka ang isa pa'y hindi ko lang talaga in-expect na si Dwight ang first kiss mo. May boyfriend na ang anak ko!" kanina pa 'yan si Mommy. After kong i-kwento sa kaniya ang lahat tuwang tuwa na siya mula kanina pa.
"Ako rin Mom, hindi pa rin talaga nag-si-sink in sa akin na kami na talaga, wala ng eme, wala ng gayumang involve!" Katabi ko ngayon si Dwight rito sa couch. Inabangan kasi namin si Mom na makauwi para masabi na sa kaniya kung ano ang nangyari ngayong araw. Sobra talaga ang nangyari ngayon, mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi.
Madilim na pero narito pa rin si Dwight sa bahay, pero uuwi rin 'yan mamaya, bawal siya rito sa bahay na matulog. Boyfriend ko na siya pero may limitations pa rin na nakalatag para sa aming dalawa.
"Eh tama nga ang hula ko. Ang hindi ko lang maintindihan noon ay kung bakit kino-consider ka na niya as his girlfriend eh hindi naman ganoon ang effect nang gayuma sa mga napapanood kong nagagayuma sa TV. Kaya agad rin na naghinala ako na baka may pagtingin nga talaga siya sayo. And you remember that day na una mo siyang dinala rito?" tumango naman ako, habang si Dwight nama'y nakahawak sa kamay ko at bahagya pa iyong hinahalikan kapag may pagkakataon. That day is 'yong araw na pinakilala ko si Dwight kay Mom at sabi pa niya na mukhang pamilyar raw si Dwight sa kaniya. "... He looks so familiar to me. Ang sabi ko no'n sa sarili ko'y parang pamilyar talaga ang batang ito sa akin, parang na-meet ko na siya somewhere pero hindi ko lang ma spill kung saan." pagpapatuloy niya sa kaniyang sinasabi.
So may idea na rin pala si Mom noon pero nanahimik lang siya. Well, ako rin naman noon, nagduda pero hindi ko pinagkatiwalaan ang got feel ko.
"Isa lang po ang dahilan kung bakit ko kino-consider ang anak ninyo as my girlfriend noong time na ginayuma niyo ako. Because I love her, she's the only girl na nagbigay ng ngiti sa mga labi ko. Kung hindi niyo nga lang po sana naisipan na gumawa ng palpak na gayuma, baka hanggang ngayo'y hindi ko pa rin na-i-e-express ang pagmamahal ko sa honey ko." malapad pa ang ngiti ng loko habang nagsasalita.
"Oo, palpak ang gayuma pero infairness, na-enjoy niyo 'no? Aminin..." ohh gosh, my Mom teasing us.
"Sobra po Tita, 'di ba hon?!" na kay Mom ang tingin ni Dwight kanina pero bumaling iyon sa akin nang itanong niya kung tama ba ang kaniyang sinasabi. And take note, with matching pakindat kindat pa iyon ah! Ang raming alam!
"Oo na lang..." kahit na sobra pa sa sobra na na-enjoy ko. Indenial ako eh, bakit ba?!
"Asus, inner you baka tuwang tuwa ka pa kasi dumating na si Prince charming mo." ako lang ang hindi marunong mang-asar ah, talong talo na ako!
Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling ang atensyon sa paglantak sa burger at milk tea na pasalubong ni Mom para sa akin.
"Pero salamat Dwight ah, hindi mo man lang sinabi sa amin na ikaw pala ang nag-ligtas sa anak ko noong binully siya ng fake ex girlfriend mo. Alam mo ba na hinanap kita no'n sa buong school para man lang makapag-pasalamat sa ginawa mo para sa anak ko, kaso hindi ko nahanap ang nag-ligtas sa anak ko, tapos ikaw lang pala iyon. Matagal mo na pala kaming kilala at matagal ka na rin pala naming kilala." new revelation na naman ni Mom. Talaga ba na hinanap niya ang nag-ligtas sa akin no'n pero hindi niya nahanap?!
"Wala lang po iyon Tita, basta para sa honey ko, i will conquer all!" napangiti naman si Mom sa sagot ni Dwight.
"M-mom? Ngayon niyo lang po yata nabanggit ang bagay na iyan sa akin?!" nilapag ko muna ang milk tea sa coffee table para makapag-focus sa pagtatanong kay Mommy.
She let out a heavy sigh bago sumagot sa akin, "Anak, ayoko lang na ma-stress ka pa. Tsaka, hindi ko na sinabi sayo ang bagay na iyan kasi ayokong ibalik ang bagay na nag-cause sayo ng trauma. I am just being concerned na baka bumalik na naman ang nangyari, knowing na okay ka na ngayon." gusto kong mag-tampo kay Mom kasi may karapatan akong malaman ang bagay na iyon kasi ako iyong biktima. But after ng explanation ni Mom, parang gusto ko na lang siyang yakapin kasi concern lang pala siya sa mental health ko, ako pa rin ang iniisip niya sa kabila ng lahat.
"Thanks Mommy!" hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na tumayo mula sa aking kinauupuan at tuluyang niyakap si Mom. She deserve all the love na kaya kong ibigay sa kaniya.
"Wala lang iyon anak. Mommy mo ako kaya natural lang na protektahan at mahalin kita sa lahat ng oras!" I couldn't help but smile. Grabe mag-mahal ang Mommy ko.
"Pwede po bang makisali?" napatingin ako kay Dwight na nakatayo na at nakangiti pang lumapit sa amin.
"Oh sure, alam mo ba na magiging anak rin naman kita soon kapag ikinasal na kayo ni Pearl." ani pa ni Mommy pero mukhang nagbibiro lang naman siya. Gusto kong umangal pero parang ayoko kasi gusto ko ang mga sinasabi ni Mom. Gusto ko na ikasal kami ni Dwight in the future.
Pero sana, kami na nga talaga, kasi hindi naman natin alam kung paano gumalaw ang tadhana...
"Ang sweet naman ng magiging asawa ko at ng magiging mother in law ko." ani pa ng loko na nakahawak na pala sa baywang ko habang nakayakap kay Mom. Dumada-moves rin ang loko eh 'no, tapos nakangiti pa ng malapad.
Kasal na agad ang pinag-uusapan eh hindi ko pa kaya na-me-meet ang mga magulang ni Dwight. Nakakatakot baka hindi ako magustuhan ng mga magulang niya, lalo na ang Mom niya.
After namin magyakapan, hinatid ko na si Dwight sa labas ng bahay dahil matutulog na rin kasi si Mom. Bawal mag-puyat si Mom kasi may trabaho pa siya bukas, alam mo naman na ang Mommy ko ay Job is Life ang kaniyang goal!
"Oh good night na. Pasok na ako sa loob!" paalam ko sa kaniya, nasa harapan na siya ng kaniyang kotse.
Hindi siya nagsasalita at hindi rin gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan, nakatitig lang siya sa akin.
Ano na naman kayang drama ng isang 'to?!
"Woy, pasok na ako sa loob ah. Ingat ka sa pagmamaneho." wika ko for the second time pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Papalit palit pa ng direksyon ng ulo ko para suriin kung ano ang kaniyang problema.
"Hoy Cheon, alis ka na!" ani ko na naman.
Iyong totoo ah, medyo naiinis na ako. Hindi ba siya nangangawit sa kakatayo ro'n?!
"Bahala ka na nga riyan, papasok na ako." hindi na talaga ako nakatiis. Umiiksi ang pasensya ko sa mga ganitong sitwasyon.
Tumalikod na ako pero hindi pa man ako nakakahakbang ng pangalawang beses, naramdaman ko na ang pagyakap niya mula sa aking likuran. Gusto kong umangal pero na-re- relief ako ng yakap niya kaya wala akong magawa kung pinag-i-stay ako ng yakap niya sa kaniyang bisig.
"Hindi ka sweet girlfriend, hindi mo man lang ba ako bibigyan ng hug at kiss sa pisngi bago ka mag-good night?" wika niya na ang tono pa ay mukhang nagtatampo.
Wow, ang lakas mag-tampo ah, eh siya kaya kanina ang hindi namamansin sa akin!
"Eh sorry na, hindi pa naman kasi ako sanay." ngayo'y naka-harap na ako sa kaniya.
"Pwede payakap kahit na one minute lang?" wow ah, nagpapaalam talaga?!
Hindi na ako sumagot bagkus ay tumango na lang ako sa kaniya.
"Ingat ka!" I said in between our hugs.
"Sige, date tayo bukas ah!" nakayakap pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko rin ang bahagya niyang pag-haplos sa aking buhok.
"Sige, sunduin mo na lang ako bukas."
Ang sarap mag-mahal ng isang Dwight Cheon, iyong tipong kahit na anong tampo mo sa kaniya, isang yakap lang niya nawawala na kaagad.
"Oh sige, bawal mag-puyat sayo. Pumasok ka na." nakangiti niyang saad.
Sobrang saya ko kaya ramdam ko na parang nagiinit ang pisngi ko and siguro kasing-pula na rin ng kamatis ang pisngi ko ngayon.
"Good night!" wika ko tsaka humakbang na.
"Wait..." pagpapatigil niya sa akin kaya natigilan na naman ako ng bahagya.
I raised a brow on him bilang sign na tinatanong ko sa kaniya kung ano na naman iyon.
"May nakalimutan ako..." saad niya tsaka dahan dahan na hinalikan ang noo ko.
I smiled secretly, ang hirap itago ng kilig. Jusmiyo!
"Good night honey ko. Mapanaginipan mo sana ako." dagdag pa niya.
"Good night rin hon, ingat ka sa pagmamaneho!" I replied on him.
"Sige na hon, pasok na!" utos niya na ayaw ko pa sanang gawin. Pero utos niya kasi eh, kaya naglakad na ako papasok ng bahay habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
Jusqo Dwight, mukhang ngingiti ako ngayon habang natutulog sa malambot kong kama.
In-lock ko na rin ang gate nang marinig ko nang pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan.
Pagod akong sumalampak sa aking malambot na kama. Pero bago ako sumalampak rito ay naglinis muna ako ng katawan, bilang babae, rapat palagi tayong mag-linis ng katawan natin lalo na kapag bago tayo matulog.
I let out a heavy sigh. Hindi pa rin talaga nag-si-sink in ang lahat.
Boyfriend ko na ang isang Dwight Cheon at matagal na palang may gusto sa akin pero patago lang iyon kasi gusto niya akong protektahan. Ang rami niyang efforts na ginawa, kaya gagawin ko ang part ko bilang perfect girlfriend para sa kaniya, bilang pambawi sa lahat ng sacrifices niya.
Kukumutan ko na sana ang sarili ko pero bigla namang tumunog ang phone ko na nasa side table kaya hindi natuloy iyon at mas tinuon ang atensyon sa aking phone. Baka kasi urgent!
From Honey:
Alam kong gising ka pa, matulog ka na. Alam mo ba na ang mga prinesa ay hindi rapat nagpupuyat, at bilang prinsesa kita, matulog ka na, ito'y ipinag-uutos ng iyong prinsipe.
Napangiti naman ako dahil sa kaniyang message. Pinalitan ko na rin ang pangalan niya sa inbox ko kasi boyfriend ko naman na siya, hindi na eme, wala ng gayumang involve!
Kahit talaga wala siya sa tabi ko, ang lakas pa rin ng radar niya pagdating sa akin.
To Honey:
Oo na po mahal kong prinsipe, patulog na eh. Kukumutan ko na sana ang sarili ko pero nag-text ka kaya gising pa ako! Good night, love you!
I bit my lower lip habang tina-type ang reply ko sa kaniya.
I felt that my heart beat so fast...
From Honey:
Damn, kinikilig ako, I love you very very much. Good night honey ko...
Nag-reply na lang ako sa kaniya ng kiss emoji, ayaw ko ng pahabain ang sweetness at baka hindi na ako matulog ng maaga. Tsaka may aasikasuhin pa ako bukas kaya need ko talaga ng mahaba habang tulog.
"Good morning Mom!" masayang bati ko kay Mom.
Kagigising lang rin niya. Humihikab hikab pa.
"Ang aga pa 'nak ah. May lakad na naman ba kayo ni Honey mo?" alam na alam na talaga ni Mom ang tawagan namin ni Dwight eh 'no. Iba pala ang pakiramdam kapag tinutukso ka ng Mommy mo tungkol sa boyfriend mo.
Nakakahiya...
"Wala po, ako ang may pupuntahan. May lakad ako ngayon na hindi alam ni Dwight, and well, hindi na rin naman niya kailangan na malaman kasi hindi naman importante." sagot ko sa kaniya bago pumunta sa kusina para makapag-luto na ng agahan.
"Anak, ang importante para magtagal ang relasyon ay walang sikreto na itatago sa isa't isa. That's the key para tumagal ang relasyon ninyo ni Dwight." so hindi nagtiwala si Dad kay Mom no'n kaya nagka-hiwalay sila?! Ganoon ba iyon?!
"Oh sige po, mag-te-text ako sa kaniya mamaya." wika ko bago tunguhin ang ref para kumuha ng ulam na lulutuin ko.
Ako na ang magluluto dahil nagkakape na si Mom. Mas masarap isabay ang kape sa kanin, pero mas inuuna ni Mom ang kape at hindi sinasabay sa kanin.
"Tara Mom, kain na po tayo!" pag-aaya ko sa kaniya ng maka-baba na siya. Nakabihis na rin si Mom at mukhang ready nang pumasok ng opisina.
"Bagay na bagay talaga sayo ang pulseras na iyan. Matagal ko rin iyan na hindi nakita sayo. Ibig bang sabihin niyan na pinapatawad mo na ang Dad mo sa ginawa niya no'n sa atin?" natigilan ako sa sinabi ni Mom.
Binaba ko muna ang kutsara na hawak ko, tsaka uminom sa juice na nasa baso.
Mukhang wala nga yata talagang ka-alam-alam si Mom tungkol sa pulseras na ito, hindi niya pa pala alam na nawala 'to tapos binalik lang sa akin ni Dwight kasi siya si Prince charming, siya ang naka-pulot ng pulseras kong ito.
"Mom, sinuot ko 'to kasi ilang taon na rin na wala sa akin ang pulseras na ito. Nawala tapos ngayon lang bumalik. And thank you kay Prince charming dahil naibalik niya sa akin 'to. Kahit na galit ako kay Dad, mahalaga pa rin naman ang mga bagay na binigay niya sa akin. Kaya i will keep this bracelet as a memory namin ni Dad." mahaba kong paliwanag kaya natahimik si Mom.
"Okay, sorry 'nak. Si Dwight rin pala ang dahilan kung bakit nabalik iyan sayo 'no, ang rami na niyang ginawa para sayo." pinagpatuloy na rin niya ang pagkain mula sa pag-hinto kanina.
"Yeah Mom, and i will do my best rin po para maging perfect girlfriend para sa kaniya." wika ko sabay subo ng kanin.
Actually, hindi naman talaga rapat perfect eh, as long as mahal ka ng taong mahal mo, you don't need to be perfect for him. Pero sa kaso kasi namin ni Dwight, kailangan kong pantayan ang pagmamahal na binibigay niya sa akin para maging fair kami sa isa't isa, para maging fair ang relationship namin.
"Basta anak, support ako sa inyo ni Dwight, pero sana, kausapin mo naman si Xander, kawawa naman siya, ipaliwanag mo sa kaniya ang mga nangyayari, remember naging part siya ng buhay mo, naging sandalan mo siya noon, kaya kung ako sayo anak, gagawin ko ang tama at hindi ako magiging selfish kay Xander... You are selfless and not a selfish one!" napaisip ako sa sinabing iyon ni Mom.
Tama siya, hindi ako pwedeng maging selfish kay Xander... Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon.
"Thank you sa advice Mom!" nag-pilit lang ako ng ngiti then pinagpatuloy na rin ang pagkain.
"Ate? Pwede ko po bang makausap ang owner?" tanong ko sa Ate na naka-pwesto sa counter area. Iba siya sa naka-usap namin no'n.
"Ah sige po Ma'am, sundan niyo lang po ako!" ani naman niya kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa opisina ni Lola.
As usual nakaupo na naman siya sa kaniyang swivel chair.
Iniwan na rin kami ni Ateng na nasa counter.
"Dala mo ba hija?" tanong niya sa akin.
"Opo!" tipid na sagot ko.
"Bumalik ka, ang ibig-sabihin ba nito'y nahanap mo na ang sagot sa lahat ng tanong mo?" umupo muna ako sa upuan na nasa harap ng table niya bago sumagot sa kaniya.
"Higit pa po ang nahanap ko!" magulo ang sagot ko pero sure ako na gets niya ang sinasabi ko sa kaniya. "Nga po pala, ano po pala ang sinasabi ninyong history ng librong iyan? You promised na sasabihin mo sa akin ang history niyan, 'di po ba?!" at hindi ko nakakalimutan na sinabi niya sa akin ang bagay na iyon, na bumalik ako rito para malaman ko kung ano ang history ng librong iyan.
"Akin na muna ang libro hija..." aniya kaya kinuha ko sa bag ko ang libro tsaka binigay iyon sa kaniya. Sandali rin siyang naghalungkat sa kabinet niya bago muling humarap sa akin. "History repeat itself, siya ang tunay na may-ari ng libro. Siya ang lola mo hija..." tinitigan ko ng mabuti ang litratong pinapakita niya sa akin. At totoo nga na si Lola iyon, si Lola na matagal ng wala at sa picture ko lang rin nakilala, nasa kwarto kasi ni Mom ang picture ni Lola.
Hindi ako makapaniwala, hindi pa nga nag-si-sink in ang lahat ng nangyari tapos may ganito na naman. Hindi na talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari!
"Opo, siya po ang Mama ni Mom! Totoo po ba ang lahat ng sinasabi niyo? Kaano ano niyo po ang Lola ko?" sa edad kong 'to, natural lang na magtanong ako ng magtanong dahil hindi ko talaga maintindihan ang lahat kapag hindi kompleto ang detalye.
"Bestfriend ko ang Lola mo, pinasa niya sa akin ang librong 'yan nang nahanap na niya ang sagot sa lahat ng tanong niya. Kagaya ka rin niya, ginayuma niya ang Lolo mo pero bandang huli, mahal pala talaga siya ng Lolo mo. Hanggang sa napunta naman sa akin ang librong iyan, ginamit ko naman siya noong kabataan ko pa. Nag-success pero totoo rin pala akong mahal ng asawa kong pumanaw na." so ang ibig sabihin, nagpasa-pasahan namin ang librong iyan? By generation?!
"So after niyo po... Ako na ang sumunod?" pagtatanong ko.
Siguro ilang segundo rin ang lumipas bago siya umiling. "May mas nauna pa sayo, at siya ay ang Mama mo!"