Chapter 74 The confession

Pearl's Pov

I let out a heavy sigh bago lumapit sa kaniya para matitigan ko siya mata sa mata, "One time ko nang tinanong sayo 'di ba na what if ginayuma kita magagalit ka ba? Ang sabi mo hindi ka naniniwala sa mga ganiyang bagay kasi pinaglipasan na iyan nang panahon. Pero paano kung totoo? Paano kung totoo na ginayuma kita, maniniwala ka na ba sa akin kung sakali?" hindi ko man makita ang aking sarili'y ramdam ko na parang maiiyak na ako habang nag-e-explain sa kaniya.

Natahimik siya kaya alam ko na parang alam na niya kung anong gusto kong sabihin. "Seryoso ako, ginayuma ka namin, gumising ka na Dwight, ang lahat ng inakala mong juice ay potions ang mga iyon, ginawa namin para matanggal sayo ang gayuma. Niloko kita kaya magalit ka sa akin, come on, sigawan mo ako or saktan mo ako because that's what i deserve sa ginawa kong panggagayuma sayo, do you remember noong ikaw lang ang walang juice? The day na nag-aayos tayo sa gym? Ang pinainom ko sayo ay gayuma at hindi strawberry juice . Ang sinasabi ni Jaynie ay totoo kaya maniwala ka sa akin at gumising ka na sa kahibangan mo." stupid na ba akong maituturing kung inamin ko sa kaniya ang lahat ng katarantaduhang ginawa namin? Tsaka what's the purpose na itago ko pa sa kaniya ang lahat kung narinig naman na niya kaming naguusap about potions and gayuma, matalino siya kaya maiintindihan niya ang mga salitang lumabas sa bibig namin.

Minsan kasi, kahit na ang sakit na kailangan mo pa rin na i-let go ang isang bagay. Kagaya nga ng sabi ko, hindi ko pwedeng ikulong si Dwight sa piling ko kung hindi naman siya komportable sa kulungang ginawa ko.

"Honey... Aren't you remembered me?!" mariin niyang tanong kaya kumunot ang aking noo.

"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre naaalala kita, ikaw si Dwight na rating cold sa akin, ikaw si Dwight na pinagpantasyahan ko ng mahabang panahon kahit na hindi naman ako napapansin. And last, ikaw si Dwight na ginayuma namin... Ikaw si Dwight Cheon!" sagot ko sa tanong niya. "Tsaka pwede mo nang ihinto ang pagtawag sa akin ng honey kasi tapos na ang palabas, tapos na ang lahat, alam mo na, na ginayuma lang kita, so pwede ka ng bumalik sa Dwight na may cold na ugali." akma na sana akong tatalikod sa kaniya para lumabas ng bahay pero hinawi niya ako palapit sa kaniya tsaka niya hinawakan ang dalawa kong pisngi sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ang lalim nang ginawa nilang trauma sayo na ang importanteng bagay sa nakaraan ay hindi mo na maalala..." wika na naman niya pero hindi ko talaga ma-gets ang kaniyang sinasabi.

Nabagok yata ang ulo nito no'ng maaksidente kaya ganiyan na siya kung mag-isip... Kung ano ano ang sinasabi.

"Hindi kita maintindihan..." inalis ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Lumayo rin ako ng bahagya sa kaniya at nanatili lang na nakatayo sa kaniyang harapan.

Wala na sana akong paki sa sasabihin niya eh, pero sinasabi kasi ng damdamin ko na kailangan kong pakinggan kung ano ang kaniyang sasabihin. Parang bigla na lang akong na-curious...

"Hindi mo naaalala. Pero teka, ipapaalala ko sayo. There is a little boy sa mall na binully nang mga bata. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili, umiyak na lang siya sa isang tabi until may lumapit sa kaniya na liitle girl na nagtanggol sa kaniya mula sa mga bullies, naging friends sila for the short time. And bilang incentive na babalikan ni little boy si little girl, ibinigay ni little boy kay little girl iyong necklace niya na may naka-sulat na DC..." sa kwento niyang iyon, may mga imahe na biglaang nagpakita sa aking isip. Hanggang sa mapagtanto ko na si Dwight ang batang lalaki na kasama ko sa aking childhood picture. "And nag-pict---" hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil pinutol ko na siya. Gusto ko na ako ang mag-tuloy sa kwento naming dalawa. Hindi lang ako makapaniwala na si Dwight pala ang batang iyon, pero paano? Gusto ko pang maka-kalap nang mga impormasyon galing sa kaniya.

"Nag-picture sila sa isang booth, hinalikan ni little boy ang pisngi ni little girl kaya sakto namang nag-click ang camera kaya ang pose nila ro'n ay in-kiss ni little boy si little girl sa kaniyang pisngi..." I felt na may mga luha na palang kumakawala mula sa aking mga mata. "... naaalala ko na ang lahat ng nangyari that day..." dagdag ko pa.

Ang mga alaalang pilit kong inaalala ay naaalala ko na!

"This is the proof na ako ang batang iyon..." pinakita niya sa akin ang isang picture na kapareho ng nasa akin. "... I am your first kiss and you are my first kiss!" aniya bago lumapit sa akin tsaka pinunasan ang mga luha na pumatak sa aking pisngi.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw iyon... Unbelievable pero may proof ka. Here, ibinabalik ko na ang incentive na binigay mo no'ng mga bata pa tayo." kinuha ko sa aking leeg ang kwintas na sa kaniya naman talaga. I remembered na hinihintay ko pa na ma-meet si DC para lang maibalik ang kwintas niya pero ang hindi ko alam ay palagi ko na palang nakakasama si DC.

DC stands for DWIGHT CHEON!

Parang ayaw mag-sink in...

"Kung ibabalik mo 'yan, ibabalik ko rin 'to..." na-stuck ako ng makita ko sa kaniya ang pulseras na matagal ko nang hinahanap. Wait, he mean, siya si Prince Charming?! How? How come?

Kaagad na kinuha ko iyon sa kaniyang mga kamay, "Paano napunta sayo 'to?" sa lahat ng pwedeng itanong sa kaniya, iyan lang talaga ang lumabas sa aking mga labi.

"Hindi mo rin natatandaan?" tanong niya kaya umiling ako.

Paano napunta sa kaniya ang pulseras na iniingat-ingatan ko? Sa pagkaka-alam ko kasi'y nawala ko 'to no'ng time na binully ako nila Jaynie.

"Noong mga bata tayo, nag-promise tayo sa isa't isa na aalagaan natin at mamahalin ang isa't isa kapag nasa exact age na tayo para isagawa ang mga bagay na iyan, pero hindi na kita nakita after that nang pagtatagpo natin sa mall. Hinintay kita, hangga't sa dumating ang araw na naging high school ako, and i didn't expect na makikita kita ulit sa pangalawang pagakakataon and sa high school pa kung kailan malaya na tayo na gawin ang mga bagay na gusto nating gawin. Natakot ako na baka hindi mo na matupad iyong pangako mo sa akin na ako ang magiging first boyfriend mo at ikaw ang magiging first girlfriend ko. Baka kasi makahanap ka ng iba at hindi mo na ako mahintay. Mula noong nakita kita na nagsusulat sa may garden ng grade 7 alam ko na ikaw na agad iyon, kasi paano ko nga naman makakalimutan ang babaeng naging inspirasyon ko para maging matapang. And simula no'n, pinagmamasdan kita mula sa malayo, makita lang kita na nakangiti, buo na iyong araw ko. Hangga't sa nalaman ko na binubully ka ni Jaynie kaya sinundan kita sa abandonadong room na iyon at niligtas kita mula sa kanila. Ang hirap itago ang feelings ko sayo kasi every time na nakikita kitang nakangiti, mas lalo akong nahuhulog sayo!" after niyang magpaliwanag, parang na-stuck ako dahil hindi man lang ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Ang matagal ko nang pinagpapantasyahan ay mas nauna pa palang nagkagusto sa akin. Parang joke, panaginip ba ang lahat ng ito? Kasi kung oo, ayoko ng magising...

"I-ikaw si Prince Charming?" my voice broke dahil sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak dahil ang saya saya ko... I feel relieve na parang hindi makapaniwala sa lahat ng kaniyang sinasabi, basta, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Ikaw ang childhood crush ko hanggang ngayon, kaya hindi tatalab ang gayuma o love spell o mga potions na 'yan sa tao na totoong nagmamahal. Kahit painumin niyo pa ako ng kung ano ano, hindi magbabago ang tinitibok ng puso ko. Walang kailangang lunasan at gamutin dahil totoo kitang mahal honey." ginalaw niya ang kaniyang dalawang kamay at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Fake ang love spell, nabudol kayo..." natatawa niyang saad. "Why? Kasi totoo talaga kitang mahal! Walang biro." dagdag niya pa bago halikan ang likuran ng aking kaliwang kamay na kasalukuyan ng nakasuot ro'n ang pulseras na matagal ko ng hinahanap.

"Loko ka, hindi mo naman tinupad ang pangako mo sa akin noon na ako ang magiging first girlfriend mo, kasi nauna na si Jaynie!" ayokong sabihin na nagseselos ako pero parang ganoon na rin iyon.

"I didn't considered Jaynie as my Ex girlfriend at all, kasi ginamit ko lang siya para malaman ko kung siya ba talaga ang nagpasimuno ng nangyaring bullying sayo noon, and nang malaman ko na siya nga, sinabi ko sa kaniya ang totoo kong pakay kaya kinalaban niya ang grupo namin nila Kier and wala akong ibang pwedeng gawin kung 'di ang manatili sa gang para ma-secure ko ang safety mo honey!" so hindi talaga niya naging girlfriend si Jaynie. Iba ang ikinwento sa akin ni Kier at nag-feeling lang si Jaynie na naging ex siya ni Dwight. "Ang ikinwento sayo ni Kier ay puno ng kasinungalingan, pero he did that kasi ayaw niya akong pangunahan sa mga desisyon ko." ngayon naiintindihan ko na ang lahat kung bakit galit na galit sa akin si Jaynie. Hindi valid reason ang hindi ko sila pinakopyahan para i-bully nila ako, bagkus ay gusto niyang mag-higanti kay Dwight by me kaya nila ginawa iyong bagay na 'yon sa akin. Todo selos pa ako sa babaita, wala naman palang rapat na pagselosan sa kaniya kasi ako ang original at siya ang lokal.

"Eh bakit naman ang cold cold mo sa akin? Tapos hindi mo pa ako pinapansin sa tuwing lumalapit ako sayo. Tapos may rason ka pala kung bakit ako ang ipinalit mong secretary, pero no'ng makapasok naman ako sa office ng SSG pinapahirapan mo ako, kahit nga iisang baso lang ang laman ng lababo, pinapahugasan mo pa rin sa akin. Gusto ko ng paliwanag kasi ayaw pa rin mag-sin in." mahirap talagang isipin na ang Dwight Cheon na pinapangarap ko lang noon ay matagal na palang may gusto sa akin. Para talaga siyang panaginip...

"Kagaya ng sabi ni Xander, lahat ng taong malalapit sa akin, dinadamay ng mga kalaban ko sa gang kaya cold ako sayo no'n, sabi ko naman sayo 'di ba na kaya kong i-sacrifice ang sarili kong kaligayahan para lang maprotektahan ang taong mahal ko, at ikaw 'yon wala ng iba. Kaya hinintay ko lang talaga na kayo ang maunang gumawa ng moves bago ako. Kaya thank you kila Whiskey at Bianca kasi gumawa sila ng palpak na gayuma, sa paraang iyon na-i-express ko ang pagmamahal ko sayo. And your issue naman about sa posisyon mo sa SSG, pinasok kita sa office para mabantayan kita palagi. And your issue sa mga hugasin, pinapahirapan kita sa paghuhugas dahil ayokong lumayo ka sa akin, gusto ko kasi lagi kang nasa tabi ko. Gusto ko lagi kong na-fe-feel ang presence mo." paliwanag niya habang kinakalabit kalabit ang ilong ko. Grabe, noon pisngi ko tapos ngayon, ilong naman.

"Ang rami mong sacrifice, babayaran ko na lang ng pagmamahal." nakangiting saad ko sa kaniya.

"Mas maganda, bayaran mo ng kiss!" pabiro niyang saad kaya kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran.

"So lahat ng nangyari ay pagpapanggap lamang, well ang galing mo Dwight..." sabat naman ni Whiskey kaya napatingin kami sa kaniya, hindi man lang namin na-feel na nariyan pa pala sila.

"I know right..." sagot sa kaniya ni Dwight tsaka niya ito kinindatan. Kurutin ko kaya ulit baywang mo riyan eh... May pakindat kindat pang nalalaman.

"Pwede ko bang itanong kung anong posisyon ni Kier sa gang niyo?" tanong naman ni Bianca na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Oh ow, hindi yata nasabi sa kaniya ni Kier ang bagay na iyon... Baka mag-away pa sila ng dahil lang ro'n.

"Huwag ka magalit sa kaniya Biancs, ako ang nag-sabi na huwag muna niyang sabihin sayo, kasi alam kong hindi ka pa handa." sinalo ko na si Kier, pasalamat siya at mabait siya sa akin, kung hindi, hindi ko talaga siya sasaluhin.

"Kanang kamay ko siya..." sagot ni Dwight kaya siniko ko siya. Alam na nga niyang malungkot iyong tao dadagdagan niya pa.

"Hayaan na lang natin na si Kier ang magpaliwanag sa kaniya." wika ko ng makita ang mukha ni Dwight na parang nagtatanong kung ba't ko siya siniko.

"True!" gatong naman ni Whiskey.

Habang pinagmamasdan ko si Dwight na mahigpit ang hawak sa aking kamay, hindi pa rin talaga nag-si-sink in ang lahat, para lang siyang panaginip... Ewan ko ba!

Totoo nga na nahanap ko ang sagot mismo sa kaniya, and happy ako kasi makakatulog na ako ng mahimbing after this.

Tapos akala ko kahapon last moment na namin iyon pero mas mag bui-build pa pala kami ng maraming moments together.

Totoo nga yata ang sinasabi nila na Everything's happen for a reasons. At don't judge the person if you don't know his or her point of view, kagaya ni Dwight, akala mo cold, masungit, mayabang, strikto, bossy, at bad boy, pero sa likod pala ng mga katangiang 'yan, itinatago niya ang Dwight na mabait, sweet, maalalahanin, maalaga, mapagmahal, mapagbigay, romantic at iyong Dwight na gagawin ang lahat para lang maprotektahan ang kaniyang mahal, kaya niyang isuko ultimo kaligayahan niya basta ma-secure lang ang safety ng Honey niya. And swerte ako kasi obsessed sa akin si Dwight... Haha, grabe naman iyong obsessed. Ito na lang, swerte ako dahil mahal ako ng isang Dwight Cheon. Ang lalaking kapag nagmahal, pati ampalaya tatamis.