Chapter 70 The Prom
Pearl's Pov
Bigla akong nagising dahil sa pag-tunog nang aking phone.
Kaya agad naman na inabala ko ang aking sarili na tignan iyon kahit na antok pa talaga ako, baka kasi mamaya, urgent pala.
From Dwight:
Giliw, good morning. I love you na agad!
Biglaan na lang akong napamulat dahil roon sa text ni Dwight. Grabe, umagang umaga nagpapadala na agad nang sweet message.
Ngayong araw na 'to nga pala siya magiging busy, hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi niya gawin ang mga priorities niya sa kaniyang sariling buhay, hindi ko siya pwedeng pilitin na pumunta sa prom at hindi gawin kung ano ang pinagagawa nang Mommy niya. Mas importante pa rin talaga ang pamilya kaysa iba...
To Dwight:
Good morning rin, ang aga mong nagising...
Bahagya naman akong napa-tingin sa table clock ko.
"Alas singko pa lang nang umaga." i said out of nowhere.
Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa side table pero tumunog iyon kaya hindi natuloy at wala na akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag.
"Hello? Oh ano?" panimula ko.
"Ang aga aga ang sungit mo na, mayroon ka ba ngayon?" aniya sa kabilang linya na parang nang-aasar pa.
"Wala... Baka next week pa dadalaw 'yon. By the way, ba't napa-tawag ka? Akala ko ba busy ka for today's video?!"
Isinandal ko ang aking likuran sa headboard ng kama.
"Haha, anong for today's video? Hindi naman tayo nag-va-vlog ah!" ayoko sanang tumawa pero nagpapatawa ang lalaking ito.
Ang lakas mag-facebook tapos hindi alam ang say nang mga millenials...
"Loko, pero seryoso, ba't ka nga napa-tawag? May problema ka ba?" seryosong tanong ko.
"Masama bang kumustahin ang honey ko? I missed you..." malambing niyang saad.
Gusto ko sanang sabihin na ang corny niya, pero at this point kasi, ang sweet sweet niya.
"Wow, miss mo na agad ako, eh kahapon lang kaya tayo nagkita 'no."
"I can't breath without your presence." aniya na nagpa-bilis nang tibok ng puso ko.
Eme niya, eh ba't siya nakaka-hinga ngayon, paki-bulong sa akin kung may naka-kabit sa kaniyang oxygen.
Pero kahit na eme eme lang He's still putting butterflies into my stomach...
"Huwag kang masanay sa presensya ko, remember, masama ang nasasanay sa isang bagay." ayokong maging KJ pero at this point, kailangan ko nang i-train ang sarili ko na huwag masanay sa presensya niya, knowing one day, all of this will became a memories. "Sige Dwight, papatayin ko na muna 'to tawag ka na lang ulit mamaya, magluluto pa ako for breakfast..." dagdag ko pa.
Kahit wala ako sa tabi niya, rinig na rinig ko pa rin ang sunod sunod na pag-buntong hininga niya mula sa kabilang kinya.
"Dwight lang? Wala man lang bang Honey or i love you?!" i know that he's teasing me kasi binabasag ko na naman ang trip niya.
"Oo na, sige na... Bye bye Honey, i love you, see you when you're not busy anymore!" nahihiyang sambit ko.
I don't want to put a words into my mouth pero kailangan, hangga't hindi kami nakakahanap nang lunas, mananatili akong maging sweet sa kaniya.
Tiis tiis lang, malalampasan ko rin ang bagay na ito!
"I love you too, damn kinikilig ako Honey!" natawa ako nang marinig ang bagay na iyon sa kaniya. Ngayon niya lang inamin na kinikilig siya.
I was thinking kung ano ang hitsura niya ngayon... Gosh, what i was thinking, kakasabi ko lang na huwag masanay eh!
Minsan talaga'y hindi ka pwedeng mag-advice sa isang tao kung hindi mo naman nai-a-apply sa mismong sarili mo iyong ina-advice mo.
"Haha, sige na... Bye!" pahabol kong saad bago patayin ang tawag.
"Hindi talaga nagpakita sayo si Dwight?" tanong sa akin ni Whiskey.
Narito kami ngayon sa mall, maghahanap kami nang gown na gagamitin namin para sa prom mamayang gabi.
"Busy siya, hayaan mo!" ani ko habang naniningin sa mga gown.
Naisipan pa nila Whiskey na pumunta sa boutique nina Xander, iyong pinuntahan namin no'ng namili kami nang damit na gagamitin sa birthday niya, pero umangal ako kasi ayoko munang makakita nang bagay na makakapagpa-alala sa akin sa kaniya.
"Nga pala, hindi ba siya pupunta nang prom?" sabat naman ni Bianca.
"Iyon nga pala, Whiskey kinausap ka ba ni Dwight about riyan?" ang sabi kasi ni Dwight siya na ang bahalang kumausap kay Whiskey na siya muna ang magiging partner ko sa prom.
"Yes, and pumayag na ako, hindi kita tatanggihan kasi kaibigan kita. And isa pa, hindi rin naman ako papayag na hindi ka pumunta 'no dahil lang sa wala kang date. Kaya i-enjoy mo muna ang gabi na tayo ang magkasama, friendly bonding na lang girl!" tugon ni Whiskey tsaka bumalik sa pamimili nang gagamitin niya mamayang gabi.
"Eh kung okay lang sana kayo ngayon ni Xander, malamang sa malamang na kayo ang magka-date mamayang gabi." bahagyang lumapit sa amin si Bianca na may hawak nang blue na gown.
"Oo nga, hindi mo ba talaga siya kayang patawarin?" gatong naman ni Whiskey.
Kaya ko naman, kaya ko... Pero hindi muna sa ngayon, maybe some other time.
"Not now. By the way, ito na ang napili ko." pinakita ko sa kanila ang napili kong gown, light blue iyon na simple lang at walang masyadong design.
"Wow ah, pareho tayo!" nakangiting saad ni Bianca tsaka pinag-compare ang napili naming mga gowns.
"Hindi ako papayag, ito na rin ang sa akin!" ani naman ni Whiskey na naka-hawak na rin nang tuxedo na kulay blue.
Terno talaga kaming tatlo... Iyan ang bestfriends goals na tinatawag.
Pagkatapos naming mamili sa boutique, binayaran na rin namin iyon tsaka naghanap muna nang resto na makakainan. Hindi na rin nakasama si Mom sa amin kasi hindi ako pumayag, ayoko kasi na maabala pa siya lalo na't pagod iyon sa kaniyang work.
"Hoy, ang sweet niyo ah. In-profile mo pa talaga iyong picture niyo, nakaka-inggit talaga kayong dalawa!" ani Whiskey bago sumubo sa kinakain niya.
Nag-order lang ako ng shrimp pasta at isang ice tea, solve na ako riyan!
"Kunwari lang iyon, pampa-impress lang, alam niyo naman 'di ba na hindi talaga totoo na mahal niya ako, kaya kunwari lang na nagiging sweet ako sa kaniya." saad ko tsaka ibinaba ang phone na hawak ko.
"Sus, gano'n na rin iyon. Nga pala, may nakausap na ako sa mga tao na nagta-trabaho sa may coffee shop na nabilhan natin no'ng libro..." naging interesado ako sa winika ni Whiskey kaya napa-tingin ako sa kaniya at uminom muna nang ice tea bago mag-salita.
"Eh anong sabi nila?" I asked.
"Eh Pearl, kapag daw may oras tayo, pwede daw tayong bumalik sa kanila para mapag-usapan kung ano ang problema natin ngayon tungkol sa librong nabili natin sa shop nila." dagdag pa ni Whiskey.
"Sige, maybe next weekend!" ani ko naman tsaka tinuloy nang lantakan ang aking shrimp pasta.
"Hoy, puro ka na lang cellphone, kumain ka kaya muna... Aba't sino na naman ang ka-text mo't hindi ka makapag-focus sa kinakain mo?!" na kay Bianca ang atensyon ni Whiskey. Pansin ko rin kasi na kanina pa aligaga si Bianca sa kaniyang cellphone.
"Si Kier kasi, hindi nag-re-reply..." wow huh, gaano na ba kalalim ang kanilang tingin sa isa't isa at ganito na si Bianca kung umasta?!
"Nako, nako, may nangyayari ba na hindi namin nalalaman Bianca?" usisa ulit ni Whiskey kay Bianca.
"Oo nga, kayo na ba ni Kier?" nakisali na rin ako sa kanilang usapan.
"Ikalma niyo lang, hindi pa kami... Okay! Nasa getting to know each other stage pa lang kami!" sagot naman nang babae tsaka sumubo sa kinakain niya na hindi pa pala nababawasan.
"Eh hindi naman namin tututulan ang nararamdaman niyo ni Kier sa isa't isa, basta kapag naging kayo na, huwag niyong kakalimutan na kailangan niyong sabihin sa amin." pangaral ko.
In fact bagay sila and nakikita ko naman na desidido talaga si Kier na ligawan si Bianca, inaming na rin niya sa akin na gusto talaga niya ang kaibigan ko.
"Oo na, and kayo ang unang makakaalam kapag nagkataon!" she respond bago na naman kinuha ang cellphone niya at magsimulang nagtititipa roon.
Pagkatapos naming kumain sa resto, umuwi na agad kami. Then, after that, dumiretso na ako sa school para tumulong sa pag-aayos nang gym para sa gaganaping event mamayang gabi. Umuwi lang ako saglit sa bahay para makapag-hello at makapag-paalam kay Mom. Nauna na rin ako kila Whiskey kasi may ihahanda pa raw sila, siguro iyong mga gagamitin namin na make-up, sila na rin kasi ang mag-aayos sa akin mamaya.
"Oh Pearl, akala ko nasa mall kayo nila Bianca?!" pambungad sa akin ni Kier nang makarating ako sa gym.
"Nakauwi na kami, by the way, nakausap mo na ba siya? Kanina pa badtrip ang isang 'yon kasi hindi ka raw nag-re-reply!"
"Yes, nakausap ko na siya. Nagbilin si PDC na huwag ka raw namin pagurin, so umupo ka na lang riyan at papaypayan kita..." bahagya pa siyang kumuha nang piraso ng karton para pamaypay sa akin
"Ano ka ba, huwag mo nga akong tratuhin nang ganiyan, ayokong mag-akto na isang donya 'no, akin na 'yan!" kinuha ko sa kaniya iyong piraso nang karton tsaka inilapag sa isa sa mga lamesa na gagamitin mamayang gabi.
"Eh ayon ang bilin, baka ako ang tamaan no'n kapag napagod ka..." pagpupumilit pa niya.
"Tungkulin ko 'to kaya gagawin ko..." tinalikuran ko na si Kier at kumuha nang garbage bag para paglagyan nang mga pupulutin kong basura.
Nagsimula na rin akong magpulot nang mag-ring ang phone ko kaya binaba ko muna ang garbage bag at kinuha sa bulsa ko iyong phone ko.
Dwight is calling...
"Oh hello? Ba't ka napatawag?" panimula ko.
"Miss na kita, hindi ka ba talaga nagtatampo sa akin?"
"Ba't naman ako magtatampo?" kung alam ko naman na fake lang ang lahat nang ito, so i don't have reason para magtampo.
"Eh kasi hindi ako makaka-attend nang prom. Binilin na kita kila Whiskey at Kier just in case na may mangyari sayo..."
Ano namang mangyayari sa akin, aber?!
"Walang mangyayaring masama ano ka ba, and hindi ako nagtatampo, tsaka mas importante na gawin mo kung ano ang mas rapat mong gawin." saad ko.
"Wala nang mas iimportante sayo, sorry... Babawi ako promise!" I couldn't help but smile, narinig ko kasi na babawi siya.
"Okay lang, ingat ka!" iyan lang ang tanging nasabi ko.
"Ingat lang, wala man lang bang Miss na kita honey? Or i love you man lang riyan?" ayan na naman siya sa mga ganiyan ganiyan niya eh. Ganiyan na naman ang ginawa niya sa akin kaninang umaga, kaya wala tuloy akong nagawa.
"I miss you and i love you honey, ingat ka, kita na lang tayo kapag hindi ka na busy!" ayon so wala na naman akong nagawa. Tsaka wala naman sigurong masama 'di ba kung maging sweet ako sa kaniya, kasi ang sweet naman niya sa akin kahit na alam ko sa sarili ko na fake lang ang lahat.
"Damn, bakit kapag sinasabihan mo ako ng i love you, parang maiihi na ako sa sobrang kilig..." natawa ako ng bahagya dahil sa kaniyang sinabi.
"Yuck, maiihi? Haha!