Chapter 71 Moment
Pearl's Pov
Hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi, dumagdag pa iyong misteryosong lalaki na yumakap sa akin roon sa harapan nang Cr.
Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa akin kung sino nga ba talaga siya.
Wala kaming pasok hanggang bukas kasi gusto raw nang mga teacher's namin na magpahinga kami in two days dahil next week may exam kami kaya kailangan puspusan ang pag-re-review.
"Okay na ba 'to?" tanong ni Whiskey sa akin. Papunta nga pala kami ngayon sa orphanage na tutulungan ko. Iyong plano ko no'n pero naudlot dahil sa rami nang mga nangyayari. Kaming tatlo lang ang pupunta kasi may work pa si Mom.
"Oo okay na 'yan..."
"Ang rami naman yata nito, hindi ba 'yan sobra sobra para sa mga bata?" sabat naman ni Bianca na may hawak rin na isang box nang laruan.
"Okay na lahat nang 'yan. Tara na at baka ma-late pa tayo..." wika ko sa kanila tsaka kami sumakay sa taxi para tunguhin ang orphanage na tutulungan namin.
Si Dwight naman, busy pa rin, may importante pa raw siyang gagawin.
"Sister, nais ko lang po sanang mamahagi nang mga damit, sapatos at laruan para sa mga bata kasama ang mga kaibigan ko kung pahihintulutan niyo po kami." wika ko kay Sister. Isa siyang madre na namamahala rito sa orphanage.
"Ang buti buti mo naman hija, nasaktuhan pa't may event ngayon ang orphanage kaya saktong sakto ang dating ninyo." nakangiting saad niya .
"Talaga po..." excited ko namang saad.
Iyong totoo, first time ko talagang mamigay nang mga ganito sa mga bata, first time kong tumulong sa isang orphanage.
"Oo, tara na, pasok na tayo sa loob, maraming salamat talaga hija, ang ganda mo na nga ang bait mo pa!" sus si Sister nambola pa, thank you lang ay sapat na sa akin iyon.
"Walang ano man po Sister, maliit na bagay po ang tumulong sa kapwa." I respond bago namin siya sundan para pumasok sa loob.
Pagpasok namin, may event nga, ang raming upuan at tables, ang bait naman nang nag-organize nito para sa mga bata, bihira na lang ngayon ang tumulong sa mga orphanage at iyon lang ay iyong mga tao na may malalaking puso para sa mga nangangailangan.
"Ahy infairness ang ganda rito. May children's party yata... Look oh ang raming balloons." dumaldal na naman si Whiskey pagkatapos niyang luminga linga sa paligid.
Iyong mga box na dinala namin, sila Sister na raw ang bahalang mag-asikaso roon.
"Ano ka ba, syempre, bata ang mga narito sa orphanage kaya may children's party talaga!" kontra naman ni Bianca. Minsan talaga'y hindi sila nagkakasundo sa ilang mga bagay. Actually hindi lang minsan, mas tamang sabihin na palagi.
"Tama na nga iyan, mamaya mag-away pa kayo, nakakahiya sa mga bata." suway ko sa kanila.
"Oh, may problema ba? Inom muna kayo..." inilapag ni Sister ang tatlong baso nang juice sa kaharap naming lamesa.
"Ah wala naman po Sister, salamat po rito ah, much apprecaiated po!" nakangiti ko pang saad.
In fact, pinagtakpan ko lang iyong dalawa na hindi na naman nagkakasundo.
"Wala pa iyan sa mga binigay mo sa mga bata. Isa kang anghel." wika pa niya.
Ganito ba talaga kabait ang mga madre na mismo ang pagpapasalamat nila'y hindi natatapos?!
"Wala po iyon! Nga po pala, kailan po mag-uumpisa ang event?" tanong ko. Curious kasi ako kung sino ba ang naghanda sa party na ito para sa mga bata. Ang bait talaga niya...
"May hinihintay lang kami, inom muna kayo nang juice or makipag-laro sa mga bata para hindi kayo ma-bored. Siya kasi ang nag-organized nito kaya naman kailangan natin siyang hintayin, bakit may lakad ba kayo?" aniya.
"Wala naman po, sige Sister, okay na po kami rito." saad ko bago sumimsim sa juice na bigay ni Sister.
"Sige, maiwan ko na kayo't may aasikasuhin pa ako." paalam niya bago kami talikuran.
Ginawa naman namin ang sinabi niya, nang may mga lumapit sa amin na bata nakipag-laro muna kami sa kanila.
"Ate, ang ganda ganda mo po. Ano pong pangalan mo?" tanong nang isa sa kanila.
Pinaupo ko siya sa aking lap bago sagutin ang kaniyang tanong. "Nako, mas maganda ka pa kapag lumaki ka na. Ako nga pala si Ate Pearl." sagot ko sa kaniyang tanong. "Siya naman si Ate Whiskey," tinuro ko si Whiskey.
"Ate Whiskey po?" muli niyang tanong. "Eh bakit lalaki po siya? Hindi ba rapat Kuya?!" natawa naman ako ng bahagya sa kaniyang sinabi.
"Pusong babae kasi siya baby, by the way, ito naman si Ate Bianca." saad ko.
"Hello po..." bati nito sa dalawa.
Ang cute cute niya. Pwede ko ba siyang iuwi?!
"Eh ikaw? Anong name mo?" tanong ni Bianca.
"Ako po si Lyka." sagot nang bata.
"Ang ganda naman nang name mo." malambing ko naman na sabi sa kaniya.
Si Whiskey nama'y tahimik lang, baka na-offened pa sa sinabi ni Lyka.
"Thank you Ate..." ani pa niya bago ko guluhin ang kaniyang buhok.
Sandali pa'y nagsidatingan na ang mga bata. Bahagya rin silang lumapit sa amin kaya nagkumpulan tuloy sila sa table namin. Pero okay lang kasi napapaligiran naman kami nang mga batang ang cu-cute.
"Ate ganda, kapag po nakita mo si Kuya pogi, baka po ma-inlove ka sa kaniya. Bagay na bagay po kayo..." imik naman nang isang bata.
"Nako, ilang taon ka na ba at alam mo na ang inlove inlove na iyan?" biro ko sa bata kaya natawa kaming lahat.
Nakaupo pa rin si Lyka sa aking lap.
"Tsaka bata, hindi na pwedeng ma-inlove si Ate Pearl sa iba kasi may boyfie na siya..." ang Whiskey na 'to talaga kahit na kailan pinangungunahan ako.
"Oo nga baby, baka mag-selos pa iyon..." gatong naman ni Bianca. Kapag talaga tungkol sa akin ang usapan nagkakasundo sila, pero kapag sa ibang bagay para silang aso't pusa.
"Anong nangyayari rito at parang nagkukumpulan ang mga baby ko?!" malakas na tanong nang isang lalaki.
Wait, ang boses na iyon. "Dwight?" tumayo kaagad ako tsaka binitawan si Lyka.
"Honey? Anong ginagawa niyo rito?" bahagya siyang lumapit sa amin. Napatayo rin ang dalawa na gulat na nakatingin kay Dwight pero 'di kalaunan ay sumilay na ang ngiti sa kanilang mga mukha. Ngiting mapang-asar...
"Nagbigay nang kaunting tulong sa mga bata..." sagot ko naman.
Nang makalapit siya sa akin ay kaagad na hinalikan niya ang noo ko tsaka ako niyakap nang sandali lang.
"Destined nga talaga tayo, look oh, iisang orphanage pa talaga ang sinusuportahan natin..." nakangiti niyang saad.
"You mean, ikaw ang nag-organize nito?" kanina lang ay curious ako, tapos ngayon siya pala talaga.
"Oo, matagal ko na rin na sinusuportahan ang orphanage na ito kaya napamahal na rin ako sa mga bata." ani niya pa.
"Ate ganda, si Kuya pogi po pala ang boyfriend ninyo?" tanong ni Lyka kaya napatingin kami sa kaniya.
"Yes baby, si Ate ganda ang honey ko..." sagot naman sa kaniya ni Dwight.
I don't know pero bigla akong natahimik. Bukas kasi, pupunta kami sa shop na nabilhan namin nang libro ng love spell para maghanap nang lunas para maalis na sa katawan ni Dwight ang gayuma. This is the last moment kaya susulitin ko na.
"Ano iyon?" tanong ko kay Dwight. May sinasabi kasi siya pero hindi ko naintindihan kaya nagtanong ako.
"Tinatanong ko kung okay ka lang ba. Ba't ang tahimik mo naman yata?" paguulit niya sa kaniyang sinabi.
"Wala, may sumagi lang sa isip ko." sagot ko tsaka ako ngumiti sa kaniya.
Bahagya naman niyang hinawakan ang kamay ko... Napansin siguro niya na may iniisip ako kaya kinuha niya ang aking kamay para pagaanin ang loob ko.
"Pareng Dwight? Ba't may kasama kang ibang babae? Gusto mo bang isumbong kita sa crush kong si Ate
Pearl?" boses nang isang batang lalaki kaya napatingin kami sa kaniya.
Pagkatingin ko, siya pala iyong bata na nakilala ko sa park noon, iyong batang tinulungan ko dahil nadapa siya at nasugatan. And i remember that day na hindi rin kami okay ni Dwight no'n.
"Baby? Ikaw ba iyan?" excited kong tanong sa kaniya. Binitawan ko muna ang kamay ni Dwight para makalapit sa kaniya.
"Hi Ate Pearl, ikaw po pala iyan..." paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi naman ako nagpakilala sa kaniya no'n at hindi ko rin naman alam ang kaniyang pangalan dahil hindi ko natanong noon.
"Hi baby, paano mo pala nalaman ang name ko?"
"Lagi ka po kasing na-ke-kwento ni Pareng Dwight sa akin kaya kilala ko po ang name mo. Tsaka sinabi rin niya na girlfriend ka na po niya." wow ah, inunahan na naman ako.
"Ikaw si?" pagtatanong ko sa pangalan niya, hindi ko pa kasi alam ang kaniyang pangalan. Nakakatawa 'di ba?!
"Ako po si Braggy Ate, kinikilig po talaga ako kapag nakikita po kita, crush kita eh..." aniya. Ang cute cute niya talaga, namumula pa ang kaniyang pisngi.
"Nako... Saan na pala iyong panyo ko? Nasa iyo pa ba?" gusto ko malaman kung tinago ba niya o hindi.
"Ano po kasi..." parang hirap siyang sabihin ang kaniyang gustong sabihin. Nawala kaya niya?!
"Ehem..." pagtikhim ni Dwight.
"Ah Ate, nasa akin po, iingatan ko po iyon!" ngumiti siya ng malapad kaya ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Pareng Braggy, sinosolo mo na ang girlfriend ko... Pwede ko na ba siyang kausapin?" ani ni Dwight. Sus, lahat na lang pinagseselosan pati ba naman si Braggy.
"Oo nga Braggy, hayaan mo na sila Ate at Kuya, rito ka na lang sa amin..." sabat naman ni Lyka na parang kinikilig pa.
Nako, baka may gusto siya kay Braggy.
"Sus, gusto mo lang yata na pansinin kita eh. Sorry pero kay Ate Pearl lang ako sakalam." pagtataray naman ni Braggy kay Lyka kaya natawa ako.
Halatang gusto nga siya ni Lyka, Sana sila ang endgame pagdating nang panahon na pwede na sila sa isa't isa.
Nilingon ko naman iyong dalawa kong kaibigan na busy sa kanilang mga phone, kaya hindi nila naririnig ang mga sinasabi namin. Hayaan mo sila, kaysa naman asarin na naman nila ako kay Dwight.
Hindi nagtagal, nag-umpisa na rin ang event... Narito pa kami ni Dwight sa harapan nang mga bata. Kakanta raw kasi kaming dalawa. Mabuti na lang at kahit sa paanong paraan ay may alam ako sa pagkanta. Minsan kasi'y
kumakanta ako sa loob ng banyo...
"Minsan oo minsan hindi..." panimula niya habang hawak hawak ang aking mga kamay.
May nagsasabi sa puso ko na i-enjoy ko ang oras na ito, the last moment. Pero may nagsasabi rin sa isip ko na, rapat ay hindi ako mag-enjoy kasi bukas wala na ito... Wala na ang sweet moments namin after nito, dahil bukas, tatapusin ko na ang lahat!
"Minsan tama minsan mali..." ako naman ang sumunod na kumanta.
"Umaabante umaatras... Kilos mo'y namimintas." siya ulit.
Habang kumakanta siya, parang nag-i-slow mo ang lahat. Parang kami lang dalawa ang narito...
"Kung tunay nga, ang pag-ibig mo, kaya mo bang isigaw, iparating sa mundo..." pagtuloy ko sa kanta.
"Tumingin sa 'king mata, magtapat nang nadarama, 'di gustong ika'y mawala, dahil handa akong ibigin ka, kung maging tayo, sayo na ang puso ko..." kasabay no'n ay ang pagpisil niya sa aking kamay.
Ang lakas nang tibok nang puso ko, at lalo pa iyong lumakas nang hablutin niya ako palapit sa kaniya para mayakap niya ako. Gumanti na rin ako ng yakap dahil ito na ang last. The last moments of us, bukas o sa mga susunod pang mga araw, hindi ko na siya mayayakap dahil pakakawalan ko na siya.
"Na-miss kita..." bulong niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Napapikit naman ako nang maramdaman ang pagtulo nang luha mula sa aking mga mata.
Ang mga nangyayari ngayon ay maituturing na lang na alaala sa susunod na mga araw...
"Na-miss rin kita... Mahal kita honey..." wika ko habang nakapikit. Last na nga 'to 'di ba kaya para saan pa kung hindi ko siya tatawagin nang honey, para naman kahit fake lang ang lahat, maramdaman niya kahit na papaano na mahal ko talaga siya at walang halong biro hindi kagaya nang nararamdaman niya.
"Mas mahal kita..." aniya tsaka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Wuhoo, bagay na bagay talaga kayo..." boses ni Whiskey na sinasabayan pa ng palakpak nang mga madre at nang mga cute na mga batang ito.
"Totoo, endgame na ang Dwearl..." gatong naman ni Bianca. Tignan mo nagkasundo na naman sila dahil ako ang topic.
Natawa pa ako sa Dwearl, bagay ba, bagay?!
Happy ako now kasi hanggang sa kahulihulihang moment namin, pinasaya pa rin ako ni Dwight.
Marupok na kung marupok pero, I love him and no one can change my mind...