Chapter 69 Celebration
Pearl's Pov
Bago kami nag-punta sa celebration party na plinano nila, umuwi muna ako sa bahay para makapag-palit ng damit at para makapag-paalam na rin kay Mom at the same time. Mabuti at pinayagan niya ako kasi kasama ko naman raw si Dwight. Ang laki talaga nang tiwala ni Mom sa lalaking iyon.
"Okay ka lang ba talaga? Hindi ka pagod o inaantok?" tanong sa akin ni Dwight habang nasa loob kami ng kotse niya.
Ngumiti ako ng matamis, "No, okay lang ako!"
"Sure?" pagkukumpirma pa niya.
Tumango lang ako bilang sagot.
Pagka-pasok namin sa restaurant, kompleto na sila at kami na lang pala ang hinihintay. Ewan, binayaran yata nila ang restaurant na ito para masolo namin ngayong gabi. Ang yayaman nila, grabe...
Nginingitian ko lang ang mga ka-team ni Dwight na bumabati sa amin para naman hindi nila isipin na isnabera akong tao.
Per five ang upuan sa bawat lamesa kaya sinabi ko kay Dwight na pumwesto na kami sa table nila Whiskey.
"Hi girl, mabuti't naka-punta ka..." bati sa akin ni Bianca.
"Ang lupit nang tadhana, ako lang ang walang kapareha... Ginagawa niyo akong third wheel!" pag-iinarte ni Whiskey bago sumubo sa kinakain niya.
"Ang arte mo..." natatawa kong saad. Kahit papaano, nagiging komportable ako kasi narito sila, akala ko kasi kanina, kami lang ni Dwight ang pupunta, pati pala sila.
"True, kain ka na lang kaya riyan..." gatong naman ni Bianca.
Tahimik lang rin na nakikinig sa amin sila Dwight at Kier.
"Gutom na ako..." bulong ko kay Dwight habang hinahaplos ang tiyan ko.
Naka-dress pa man rin ako...
Sinong hindi magugutom, lahat sila may pagkain na, tapos kami wala.
Tinawag ni Dwight ang waiter tsaka nag-order. Tinignan ko pa siya nang bahagya nang hindi man lang itanong sa akin kung ano ang gusto kong kainin.
Ilang minuto lang rin ang hinintay namin bago dumating ang in-order ni Dwight. Nilapag nang waiter ang pagkain sa hapag, nagningning naman ang aking nga mata nang makita ang shrimp pasta sa harapan ko.
Agad ko iyong nilantakan...
"Dahan dahan honey, baka mabulunan ka..." suway pa sa akin ni Dwight habang naka-masid sa akin.
"Ahy oh, ang sweet, kung mabulunan kaya ako, magiging concern kaya kayo?!" pag-iinarte na naman ni Whiskey. Ewan ko ba kung bakit ang nega nega nito, gusto ba niyang bansagan ko siya nang Nega star?!
"Syempre oo," sagot ko na bahagya munang tumigil sa pagkain para uminom nang juice.
"Hindi..." si Dwight.
"Oo." si Bianca.
"Hindi rin ako dahil sure naman na hindi mo sasadyain na mabilaukan..." naka-ngising ani ni Kier.
"Ang sa-sama niya talaga sa akin!" wika pa nang malambot kong kaibigan habang nakabusangot.
Akma namang kukuha si Dwight ng wine sa bote nang hampasin ko ang kamay niya kaya hindi niya naituloy ang kaniyang binabalak. "Walang iinom, mag-da-drive ka pa." seryosong wika ko.
"Kahit isa lang?!" nag sign pa siya ng isa gamit ang kaniyang isang daliri.
"Eh kung batukan kaya kita nang isa, gusto mo?!" sarcastic na tanong ko sa kaniya kaya binitawan niya ang hawak na baso.
"Tanggal angas ni PDC kung si Secretary ang mag-u-utos..." iiling iling naman na saad ni Kier.
Akma rin siyang kukuha nang wine sa bote nang hampasin rin ni Bianca ang kaniyang kamay kaya hindi rin iyon natuloy. "Isa lang..." paki-usap naman ni Kier.
Asar-asarin pa si Dwight eh pareho naman palang walang palag.
"Gago..." pagmumura ni Bianca.
"Tanggal angas ni VP kapag minura ni Bianca." pang-aasar naman ni Dwight kay Kier. Naka-ganti rin ang loko...
"Oh ano? Wala bang mag-ba-bawal sa akin na uminom?" tanong na naman ni Whiskey habang hawak hawak ang isang bote ng wine. "Okay wala pala eh..." dagdag pa niya bago lagukin ang alak mula sa bote. Hindi man lang niya inabala ang sarili para ilagay ang wine sa baso, Whiskey nga naman talaga... Nasakto pa sa alak ang kaniyang pangalan!
Pero infairness, tumawa kaming lahat dahil sa kakulitan niya...
Kami na lang ni Dwight ang natira rito sa table. Nakipag-kwentuhan muna iyong tatlo sa mga kasamahan ni Dwight.
"Honey?" pag-tawag sa akin ni Dwight kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"Hmm?"
"I have something to tell you!" aniya kaya bigla akong kinabahan.
"Tungkol saan?!"
"Sorry, hindi ako makakapunta sa prom bukas may pinapagawa kasi sa akin si Mom. Pero kung ayaw mo akong umalis at mas gusto na samahan kita sa prom, i can stay..." iyon lang naman pala. Kinabahan pa ako.
"Ayos lang... May susunod pa namang prom sa graduation ball 'di ba. Bawi na lang tayo next time." kung ganito pa tayo, kasi next week babalikan namin iyong shop kung saan namin nabili iyong libro para magtanong tanong kung saan pwedeng makakuha nang lunas para matanggal ang talab nang gayuma.
"Huwag ka nang mag-tampo, kasi mas mapapadali ang trabaho ni Mom and in that case, makakauwi siya rito at maipapakilala na kita sa kaniya." sambit niya tsaka hinawakan ang kamay ko at bahagya iyong pinisil.
Parang lumakas ang kabog nang dibdib ko nang marinig na ipapakilala niya ako sa Mommy niya.
"Okay lang, hindi na lang rin ako aattend!"
"No, aattend ka pa rin, pero huwag kang makipag-sasayaw sa iba huh kasi gusto ko ako ang maging first dance mo." seryosong wika niya.
Wow, nagseselos lang gano'n?!
"Eh sinong magiging partner ko?" muli kong tanong.
"Eh 'di si Whiskey muna. Mag-enjoy ka kasama ang bestfriend mo." sagot niya sa simple kong tanong.
Siguro kung okay kami ni Xander, baka siya muna ang magiging partner ko sa prom habang wala si Dwight, pero ano nga bang magagawa ko. Hindi kami okay kaya i will accept the fact na si Whiskey muna ang makakasama ko bukas nang gabi.
"Sige... Basta promise ah, mabilis ka lang!" i almost pouted.
"Oo na, mami-miss kita!" nakangiting sambit niya bago guluhin ang buhok ko.
"Mami-miss rin kita..." wika ko naman.
"Picture tayo..." aniya sabay taas sa phone niya.
Ngumiti naman ako kaya naging maganda ang anggulo nang picture namin.
"Honey? Wala ka pa bang balak na i-unblocked ako?" natawa ako nang maalala na in-block ko nga pala siya no'ng time na galit na galit ako sa kaniya.
Binuksan ko ang facebook app ko tsaka siya in-unblocked at roon ko nakita na ang rami niya palang in-post na picture ko at picture naming dalawa. Naka-set na rin ang relationship status niya at naka-tag pa ako roon.
"Sorry..." paghingi ko nang tawad bago halikan ang kaniyang pisngi. Kita ko naman ang bahagyang pag-pula nang kaniyang tenga kaya sure ako na kinikilig siya. Namumula pala ang tenga nang isang Dwight Cheon kapag kinikilig.
Nag-scroll ako sa kaniyang timeline. At roon ko nakita na wala na iyong naka-tag sa kaniya na picture nilang dalawa no'n ni Jaynie. Aba'y rapat lang 'no, ang picture na 'yon ang naging dahilan kung bakit ko siya blinocked.
Parang may humaplos tuloy sa puso ko kasi ramdam ko na proud talaga siya na girlfriend niya ako, kaya kahit sa kaunting oras, rapat maging proud rin ako na boyfriend ko siya.
"In-profile mo Honey?" tanong niya sa profile ko na naging dahilan kung bakit ako na-stars truck kahapon. Iyong shut na hinalikan niya ako sa aking pisngi.
Tumango naman ako kaya nakita ko ang paglapad nang kaniyang ngiti.
Napapangiti ko talaga siya sa paraang ako lang ang nakaka-alam!