Chapter 68 Day 2

Pearl's Pov

Hindi na ako nakapag-kwento kay Mom kagabi dahil ginabi na ako ng uwi. Hindi ko na rin siya naabutan na gising. Tinulugan niya ako at hindi na nahintay...

Pagkababa ko nang hagdan, nakita ko si Mom na naghahanda na nang breakfast.

"Mom, good morning!" bati ko.

"Good morning, halikana kain na tayo..."

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Mom na kami na ni Dwight, kahit naman fake lang iyon, may karapatan pa rin siyang malaman kung ano ang nangyayari sa akin.

"Mom, may sasabihin po ako sayo!" saad ko tsaka umupo na sa upuan na lagi kong inuupuan sa tuwing kumakain kami.

"Ano iyon?" tanong niya habang inilalapag ang sinangag sa lamesa.

"Ahmm---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may nag-door bell.

"Mamaya mo na lang sabihin, may nag-do-door bell, ako na titingin kung sino..." boluntaryong saad niya kaya tumango na lang ako.

"Sino naman kaya iyon?" tanong ko sa aking sarili.

Tumalikod naman na kasi si Mom kaya okay lang na kausapin ko ang sarili ko.

"Tara pasok ka..." ani ni Mom kaya napalingon ako sa direksyon niya.

Pagkalingon ko'y bumungad sa akin ang Dwight na todo ngiti pa. "Naabala ko po ba kayo Tita?" tanong pa ng loko. Hindi kaya obvious, o baka naman sinadya niyang maki-kain sa amin.

"Hindi naman..." ani Mom. Pinaghila pa talaga niya ng upuan si Dwight.

May alam na kaya siya, baka pinangunahan na naman ako nila Whiskey na magsabi sa kaniya.

"Good morning Honey!" ani Dwight na nasa tabi ko.

Wala na ang Dwight na cold, palangiti na siya ngayon...

"Honey? At kailan pa naging Honey ang pangalan ng anak ko?" tanong ni Mom.

Totoo bang wala pa siyang alam? O baka nangpapanggap na naman.

Natawa si Dwight nang mahina, "Tita, pwede ko po bang i-date ang anak niyo mamaya?"

Wow ah, nagpapa-alam, bihira na lang ang lalaking nagpapa-alam sa panahon ngayon...

"Bakit kayo na ba?" mausisang tanong nang nanay kong parang nang-aasar na naman.

"Honey, hindi mo pa ba sinasabi kay Tita?" nasa akin ang atensyon ni Dwight ngayon.

Umiling ako kaya umiwas siya ng tingin at dumako kay Mom ang kaniyang mga mata.

"Kami na Mom!" nahihiyang sambit ko.

"Tita, kami na po nang anak niyo!" ani Dwight, halos magka-sabay pa kaming umamin kay Mom.

"Ayan ang gusto ko, iyong umaamin at hindi iyong naglilihim... Sige pinapayagan kitang i-date ang anak ko, pero date muna huh." ani Mom kay Dwight.

Walang malisya, akala ko talaga no'n, team Xander si Mom, kasi parang mas masaya siya kapag kasama niya si Xander.

Iyon pa nga pala ang isa kong problema, hindi ko pa nasasabi sa kaniya na hindi kami okay ni Xander ngayon.

"Mauna ka na muna sa kotse, kakausapin ko lang saglit si Mom!" utos ko kay Dwight kaya tumango naman siya at nauna nang nagpunta sa labas ng bahay.

Hinintay ko muna siyang makalabas bago ako lumapit kay Mom na naghuhugas ng pinggan. Siya na ang naghugas kasi medyo maaga pa naman daw para sa work niya.

"Mom, tungkol nga po pala sa kaninang sasabihin ko..." panimula ko.

"Go, nakikinig ako!"

I let out a heavy sigh para naman masabi ko nang maayos ang gusto kong sabihin.

"Tama nga po kayo, umamin si Xander sa akin pero binasted ko siya kasi hindi ko naman siya mahal bilang isang lalaki, mahal ko siya bilang isang kaibigan. At iyon lang ang tanging turing ko sa kaniya..." saad ko.

"Okay lang ang mambasted anak, hindi mo naman kasi pwedeng turuan ang puso kaya ganiyan, kung si Dwight talaga, eh 'di si Dwight talaga. Anong problema, hindi ba kayo okay ni Xander dahil lang sa umamin siya sayo?!"

Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Xander nang dahil lang sa mahal niya ako. Pero tadhana nga naman, sirang sira na iyon nang dahil lang sa mababaw na dahilan. He betrayed me and it hurts!

"Hindi ako galit sa kaniya nang dahil sa ginawa niyang pag-amin. Galit ako sa kaniya kasi he betrayed me, sinabi niya kay Jaynie na ginayuma lang natin si Dwight. I feel betrayed kasi nangako siya eh na hindi niya sasabihin sa iba hangga't hindi pa kami nakakahanap ng lunas. Pero napako ang kaniyang pangako Mom!" mahabang paliwanag ko.

"Feeling ko rin, pati ako'y tinraydor ni Xander. I didn't expect na gagawin niya sayo iyon, pero baka naman may rason siya kung bakit niya nagawa iyon, don't judge him without kwowing his real reason!" saad naman ni Mom na bahagya munang tumigil sa paghuhugas at nag-cross arm sa harapan ko.

"Ganoon talaga ang mga tao, may hindi ka in-e-expect na makakaya nilang gawin sayo! Sige Mom, labas na po ako, baka kasi hinihintay na ako ni Dwight..." paalam ko.

"Sige hinihintay ka na nang honey mo!" pang-aasar niya bago niya halikan ang pisngi ko.

"Bye..." kumaway ako bago siya tinalikuran.

"Ingat kayo..." pahabol niya pang saad.

"May laro daw kayo mamaya?" tanong ko sa katabi kong naglalakad.

"Yes, i-cheer mo ako mamaya ah!" aniya.

Naglalakad kami ngayon papuntang SSG office. Roon muna kami tatambay.

"Oo, kami nila Whiskey..." mamamaos na naman kami mamaya sa kasisigaw. Sure ako riyan!

"Tapos, date tayo mamayang gabi. Mabuti na lang at pinayagan tayo ni Mommy." sa una akala ko Mommy niya ang kaniyang tinutukoy, pero 'di kalaunan ay na-gets ko na rin kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Wow, Mommy mo, Mommy mo?" sarcastic na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi ang loko. Ngisi na parang may binabalak na masama. "Magiging Mommy ko rin siya one day, kapag kinasal na tayo!" aniya tsaka inakbayan ako.

Wow, sure ba siya sa kaniyang sinasabi?

"Hindi mo sure. Sure ka ba na ako na ang papakasalan mo at ikaw ang pakakasalan ko?!" kung makapag-usap kami nang kasal kasal akala mo'y nasa tamang edad na kami para pag-usapan ang bagay na iyon.

"Sure na sure na ako, hindi ko nakikita ang future ko nang hindi kita kasama. Ako ang pakakasalan mo at ikaw ang pakakasalan ko. Sundin mo ang sinasabi ko dahil desisyon ako..." aniya bago guluhin ang aking buhok.

Kung hindi ka lang sana nagayuma, sure ako na hindi mo kayang sabihin sa akin ang bagay na iyan. One day, gigising ka rin sa katotohanan na hindi mo talaga ako mahal!

"Hindi natin alam kung paano gumalaw ang tadhana." i smiled bitterly.

"Weather you like it or not, i will force you to marry me, uso ngayon ang forced marriage remember!" aniya habang naka-ngiti nang malapad.

"Ewan ko sayo..." KJ na wika ko.

Hindi mo ma-pre-predict ang future natin lalo na't hindi naman talaga yata tayo ang para sa isa't isa.

Gulat ko siyang tinignan nang nakawan niya ako ng halik sa aking pisngi.

"Ang KJ mo naman kasi, iyan tuloy na-kiss kita!" aniya habang naka-ngiti ng malapad. Na-stars truck naman ako dahil sa ginawa niyang iyon and at the same time, kinilig nang very light.

"Cheer mo ako ah. Magtatampo ako kapag hindi mo ginawa." malambing niyang saad.

Heto kami't papunta sa gym, may laban kasi sila sa basketball, and i need to support my boyfriend eme, para naman maipakita ko na proud akong maging girlfriend niya.

"Oo na po, basta rapat manalo kayo para hindi masayang efforts ko kaka-cheer." biro ko naman.

Mahirap para sa akin na i-che-cheer ko si Dwight over Xander. Ang hirap nang sitwasyon ko, para akong tumatawid sa tulay na kasingnipis nang isang hibla ng buhok ng isang tao, at ang ibaba nito'y umaapoy na lawa.

"Opo, para sayo!" aniya tsaka hinawakan ang aking kamay at ipinag-patuloy namin ang aming paglalakad.

Nang makarating kami sa gym, ang rami na kaagad nang mga tao. Ganito ba kasikat ang basketball at dinudumog ng mga tao?! Sa totoo lang, wala talaga akong interes sa basketball, mas may interes ako sa marunong mag-gitara, which is na-kay Dwight ang dalawang personality na 'yan.

Nag-paalam na siya na pupuntahan raw niya ang kaniyang mga ka-team, samantalang ako nama'y naiwan kila Whiskey at Bianca na naghahanap na naman ng g'wapo sa paligid, iyong totoo, may gusto rin kaya si Bianca kay Kier o si Kier lang ang nagpaparamdam kay Bianca nang tunay na pagmamahal?!

Niligid ko ang aking mga mata at roon ko nakita si Xander na nakaupo sa isa sa mga upuan. Ang lungkot ng mga mata niya, na siguro ako ang dajilan. I am so sorry kung hindi ko kayang turuan ang puso ko.

"Aminin, miss mo na si BBF mo 'no!" nabalik ang tingin ko sa pwesto namin nang mag-salita si Whiskey.

"Hindi mo rin naman maiaalis 'yon sa akin..." sagot ko naman.

I admit that i really missed him, but i can't forgive him now, maybe one of this days pero hindi pa muna sa ngayon kasi hindi pa ako handa.

"Bakit may mga pasa siya? Don't tell me hindi pa nag-hilom iyong mga sugat niya no'ng naaksidente sila ni Dwight." sabat naman ni Bianca na naka-tingin rin kay Xander.

Oo nga, wala naman iyang mga 'yan no'ng binisita ko siya sa bahay nila after that accident. And parang fresh pa...

"Mayroon na ba 'yang mga 'yan no'ng nag-usap kayo?!" bahagyang tanong sa akin ni Whiskey.

Sinubukan kong isipin at balikan kung mayroon ba ang mga iyan u kahapon nang mag-usap kami pero hindi ko talaga matandaan sa aking isip kung mayroon ba o wala.

Umiling ako. "Hindi ko napansin dahil siguro sa sobrang galit ko sa kaniya kahapon." hindi naman siguro mag-ca-cause ang isang sampal nang sandamakmak na pasa sa mukha 'di ba.

"Hindi ka pa ganoon katanda para makalimutan mo ang bagay na kahapon lang nangyari." komento na naman ni Whiskey.

"Hayaan na nga lang, napaka-marites niyo naman eh, baka napa-away lang kaya ganiyan." ani ko sabay irap.

Nagiging maldita talaga ako kagaya ni Jaynie kapag naiinis ako o kaya naman kapag naaasar ako.

Time really flies so fast, nag-umpisa na ang game, at lamang sila Dwight. Parang walang gana si Xander na mag-laro ngayon. Nahihiya ako na lakasan ang boses ko kasi noong nakaraang araw si Xander ang chini-cheer ko, then now si Dwight naman, baka mag-taka na ang mga tao. Baka sabihin pang tinuhog ko silang magkaibigan.

"Ang galing galing niyo!" puri nila Whiskey at Bianca kila Dwight, nag-sabay pa talaga sila.

"Oh honey, hindi sayang ang efforts mo ah, panalo kami!" winawagayway pa niya ang kanilang trophy.

Wow, trophy na agad? Wala man lang rematch?!

"Ang galing galing mo po!" ewan ko ba kung bakit naging magalang ako. Nagmumukha rin kasi akong bata kapag nasa tabi ako ni Dwight dahil sa sobrang tangkad niya.

"Don't say po, po! Halikan kita riyan eh!" akmang hahalikan niya ako sa pisngi pero thanks God at nailayo ko iyon agad sa kaniya.

Natawa pa ako ng bahagya sa kaniyang sinabi na 'Don't say po, po'.

Nauna na kaming umalis ni Dwight roon sa gym, magpapalit raw muna siya ng damit, at ang date namin ay naudlot dahil may celebration na magaganap dahil sa kanilang pagka-panalo.

"Miss Pearl, bakit hindi na po ninyo in-cheer ang team namin?" tanong nang isang lalaki na huminto sa harapan ko. Sa pagkakatanda ko, ka-team siya ni Xander.

Binabantayan ko kasi si Dwight, nasa loob siya ng banyo nagpapalit ng damit.

Sasagot na sana ako kaso bumukas ang pinto ng banyo kung nasaan si Dwight kaya hindi natuloy ang sasabihin ko.

"And who the hell are you na tanungin ang girlfriend ko nang ganiyan?!" narinig pala niya?

Nakita ko naman na parang hiyang hiya na ang lalaki kaya tumalikod na lang siya nang hindi nagpa-paalam, kaya habol ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit mo naman trinato nang gano'n 'yong lalaki, kawawa naman!"

He sighed heavily. "Confidential na nga iyong tanong sasagutin mo pa. Minsan, iwasan mo rin maging selfless..." seryosong wika niya kaya tumango naman ako.

"Tara, pa-picture tayo sa booth niyo..." dagdag pa nang loko tsaka hinawakan ang kamay ko.

Every time na hinahawakan niya ang kamay ko, napapa-tingin talaga ako roon sa hindi ko malamang dahilan.

"Smile..." aniya tsaka niya ako inakbayan.

Todo ngiti pa ako, first time naming mag-picture together kaya susulitin ko na.

Nang makuha na namin ang lahat nang pictures namin ay natigilan ako sa isang picture namin.

Hinalikan niya ako sa pisngi at sakto namang nag-click ang camera kaya ang pose namin rito ay humalik siya sa pisngi ko.

Bakit ganito? Paanong nangyaring... Parang pamilyar...