- CHAPTER 20- OUT OF THE BLUE RENDENVOUZ

MALIYAH POV

Today is the last day of the board exam. I want to rest my body and mind from the stress, pressure, and exhaustion of my work, review, and exams.

After the exam, Terry and Alexander will go to my exam center and will go back to Cavite together. Miss na miss ko na ang dalawang iyong halos tatlong buwan din kaming puro telepono lang nag kikita via video call, at text sa aming group chat sa messenger. Ang nakatutuwa, kapag hindi ako nag rereply alam na nila na wala ako load dahil nag titipid ako. Alam kong nauunawaan nila ang sitwasiyon ko.

Naghihintay ako sa isang bench sa gilid ng aming exam center, may bubong yun kaya hindi masyadong, mainit, ngunit maalinsangan ang panahon. Dinig ko ang mga ingay ng sasakyan sa daan. Nag text narin ako kina Terry at Alexander na tapos na ako sa exam, balak nilang magliwaliw muna kami sa mall bago tuluyan umuwi. Nag babalak din silang dalawa , mag outing kami, after almost three months na hindi kami nag bonding. At ito ang unang pagkakataon na nag kaka-hiwalay kami simula noong mga bata pa kami.

Habang naghihintay ako sa dalawa, pinasadahan ko ang social media account ko. Napadako ang mata ko sa isang sponsored news, nakilala ko agad ang nasa balita it was Clint and Chlyde having a night party, parang kong may anong bagay ang dumagan sa puso ko. May maganda rin nangyari sa desisyon ko at nandoon naman ang pinong kirot sa puso ko. Hindi ko na mapigilan ang hindi malungkot sa nangyari. I have to choose between my family and dreams versus my heart desire. I chose the first one. I disregard how I feel, and let destiny find its mysterious way for us to meet again.

Pinunasan ko ang butil ng luha sa gilid ng mga mata ko, napasinghot ako at bumuntonghininga para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. When someone out of nowhere, offered me a handkerchief. Nag angat ako ng paningin ko at dumako ito sa matangkad at gwapong lalaking nasa harapan ko.

Nakangiti ito ng ubod tamis, at mataman akong tinitigian, napadako ang tingin ko sa panyo, at binalik kong ang mga mata ko sa kanya ngunit a confused look was all over my face. Umiling ako at kinuha ko, ang panyo sa bulsa ko at iningat ko yun para ipakita sa kanya. I heard him chuckled.

“I am Alfred by the way, and you are?”, he said sweetly, nakaumang din ang kamay niya sa harapan ko. Bago pa ako sumagot, tili na ni Alexander ang narinig ko. Daig pa ang kulog sa lakas ng boses nito, akala ko sa lugar lang namin ito ganito, pero pati dito sa Maynila, nadala rin niya ang ugali niya.

“Maliyah!?” napalingon ako, sa pinanggalingan ng boses niya, kita ko ang bilis ng mga hakbang nila ni Terry papalapit sa akin. Agad akong tumayo at sinabulubong sila ng yakap. Grabe namiss ko ang dalawang asungot na ito.

“Terry, Alexander”. I ran towards them and hug them tightly. Parang dekada kaming hindi nagkita kahit pa nag uusap naman kami via video call.

“Grabe na miss ka namin Maliyah, akalain mo yun, akala ko hindi ka, kakamiss I was wrong”. Maarteng litanya niya sa akin. Natawa ako sa mga sinabi niya. Alam ko it is his way ng paglalambing niya sa akin. Ganito ito madalas dinadaan sa mapang-asar na mga salita, pero ang totoo kabaliktaran yun.

“Besh, ang hirap ng exam but move on na”. it was Terry, sabi ko na nga ba papaalala pa niya ang exam namin na kakatapos lang today.

“Namiss ko kayo mga bakla.” Masayang wika ko sa dalawa. I heard someone clearing his throat. Saka palang ako napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Hinarap koi to.

“Nice meeting Mr. Alfred.” Wala sa loob kong sabi sa kanya at hinarap ang mga kaibigan ko.

“Nice meeting you Maliyah”, he smiled at us and walk pass through. Hindi ko na ito pinansin pero, something about him was very familiar. Agad kong binura ang pamilyar na pakiramdam na yun at tinutok ko ang buong atensiyon ko sa dalawa kong kaibigan.

“Saan niyo gustong maglakwatsa? Tapos na, ang panata sa pag susunog ng kilay sa review. Let’s have some fun people.” Masigla kong pag iimbita sa dalawa. Kita ko agad ang pag taas nila ng kilay. Nag text na ako kay Papa, na kasama ko sina Alexander, at Terry balak kong yayain silang mag bar hopping. Sigurado ako magugulat sila sa akin.

“Mag-merienda muna tayo, may alam akong masarap na snacks house dito sa Maynila” pag bibida ni Alexander.

“Go, game! What are we waiting for? Hindi nakaimik agad ang dalawa sa masiglang mood ko.

“Ikaw ba yan Maliyah? May dudang tanong nito sa akin. Inikutan ko lang ito ng mata at hinila na sila Terry palabas sa exam site ko. Kita ko ang pag kibit balikat ni Terry, hindi ko na yun pinansin. Nag abang kami ng jeep, para pumunta daw sa snacks house na pinag mamalaki ni Alexander. Sana nga masrap. Pero since ito ang lalaking Marites ng taon siguradong confirmed yun na masarap.

Kita ko ang duda sa mga mata ng mga kaibigan ko. Hindi ko rin alam, today I felt like I was free. Free from burden, I set aside my worries just for today. Kahit ngayon lang. I just want to enjoy this day with my friends. Sa tagal naming hindi nagkita, parang hindi naging kompleto ang buhay ko, may napag sasabihan, ako ng problema ko sa pamilya ko, pero iba parin yung nasa tabi ko sila. Alam kong darating ang araw na tatahakin namin ang karerang aming napili, magkakahiwalay kami, but for I want to cherish this beautiful mood, I have with them. Hindi ko alam kong hanggang kelan mag tatagal ang tuwa sa mga mata ko, ang makasama ko ang dalawang ito na nag bibigay sigla at kulay sa buhay ko. Hindi nakakaila na naging masaya ang kabataan naming tatlo, sabay sabay kaming lumaki, nag aral sa isang eskwelahan mula sa elementarya hanggang kolehiyo.

Pumara na si Alexander, at sabay sabay kaming bumaba sa jeep. Nang makapasok kami sa snack, agad kaming inasikaso ng waitress at dinadala kami sa bakanteng mesa. Nag abot na rin ito nang menu para makapamili kami ng makakain. I survey the entire place, it was cozy and heartwarming place for a snacks house.

Nag abot ako ng isang libong piso kay Alexander, at nagulat ito. Ito ang kauna unahang ambag ko sa aming merienda sa tanang buhay ko.

“May lagnat kaba? Anong kinain mo?” sarkastikong wika niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at inabot ko ang share ko. Kinuha niya yun at pinasok sa bulsa nang pantalon niya.

“May trabaho na ako ngayon.” Wala sa loob kong wika sa kanya. Alam niya yun pero hindi parin ito kumbinsido dahil alam niya kuripot ako.

“So pag may trabaho malaki ang ambag”. Nakangising pang aasar ni Terry sa akin. Napailing nalang ako. Maraming kaming napagkwentuhan pero hindi ko naikwento ang nagyari noong mga nakaraan linggo. Ayoko kong sirain ang mood ko dahil sa nangyari.

“Pwede ba ako makitulog sa apartment niyo? Nag paalam ako kay Papa na bukas na tayo uuwi.” Hindi ko pa nakompleto ang plano ko umirit na naman si Alexander

“Hwag mong sasabihin na gusto mo maranasan ang nightlife sa Manila Maliyah?” paniniguradong tanong sa akin ni Alexander. Tumango ako at nakangiting nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

“Oh my gosh! For real ba ito? Ikaw ba ang kaibigan namin? ang dami naman ata nag bago sayo besh” hindi makapaniwalang tanong at komento ni Alexander sa akin.

“Kakabanibago ka beshie, anong bang nagyari sayo?” segunda pa ni Terry.

“Wala gusto ko lang i-enjoy ang mga araw na kasama ko kayo, at ilang buwang pag susunog ng kilay sa review natin, saka minsan lang naman to ah, bukas uuwi na tayo.” Padepensang sagot ko sa kanilang dalawa.

Magliwaliw din kami sa katabing mall ng snacks house kong saan kami nag merienda. Pagkapasok namin sa mall, agad sumalubong sa mukha ang lamig at bango sa entrance palang. Nakakamiss din ang ganitong gawain. Maliit lang ang bayan namin, at hindi kalakihan ang mall, iba talaga dito sa Maynila. Habang nag lalakad kami naka-kapit ako sa braso ni Alexander.

Pumasok si Terry sa isang boutique, sumunod kami sa kanya, mukhang mamahalin dito kaya hanggang tingin nalang ako. Nag iipon pa ako para sa pag balik eskwela ni Ate, isang taon din ang bubuunin niya para makatapos siya nang Psychology course niya.

Dinig na dinig ko ang eskandalo ng isang babae sa counter, napatingin lang kami doon, nang may dumaan mula sa likuran ko ang pamilyar na pabango at bulto ng katawan nito.

“Are you stupid or something? I gave you my card, to pay all these and you were saying it was decline?!” histerikal na pag wawala ng babae, nakatalikod ito sa amin pero sa tindig nito, kita ang kurba ng katawan niya, maputi rin ito at matangkad.

Napasunod ako sa bulto na dumaan sa gilid namin at ang pamilyar na pabangong iyon ang naiwan at nanoot sa ilong ko. Deretso ito sa counter.

“Kingston, she insulted me.” Dinig kong pag da-drama ng babae.

“That’s enough, Scarlet; I’ll pay all these and send you home.”

Hindi ako pwedeng magkamali, sa tindig at amoy, alam kong si Clint yun. Malamig naman ang aircon ng mall pero parang pinagpapawisan ako ng malapot. Dumadagundong ang tibok ng puso ko, na parang ipu-ipo na hindi ko maintidhan. Ilang sandali pa, akay na nito ang babae, ng magtama ang mga mata namin, wala na yung kakaibang titig nito sa akin. I saw nothing but a stranger in front me.

Gusto ko siyang batiin man lang o kaya ngumiti ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos, parang tinarakan ang puso ko ng ilang daang kutsilyo. Seeing him right now after months parang nabuhay kong ano man inilibing kong nararamdaman sa lalaking kaharap ko ngayon na nakahawak sa bewang ng isang maganda babae. Napadako ang mga mata ko doon, kong saan nakahawak sa maliit na bewang ng babae. Wala akong panama sa kanya.

Siniko ako ni Alexander, ngunit binalewala ko yun, ang mga mata ko nakaktutok sa lalaking kulay bughaw na may pag kaberde ang mata. Walang emosiyon gaya ng dating mga mata niya kapag tumingin sa akin.

“Sir Clint” dinig kong bati Alexander, at dito dumako ang mga mata niya.

“Alexander” ganti nito, in fairness kilala niya si Alexander, tapos pangalan ko hindi man lang niya mabanggit meron pa siyang courting proposal ngayon meron ng iba. Doon umasim ang mukha ko. Ngunit nilampasan niya lang kami hindi na ito muling tumingin sa akin. Hindi rin niya binanggit kahit pangalan ko o kahit hi nalang sana..