- CHAPTER 19- REVELATION OF THE TRUTH.
MALIYAH POV
Pagkatapos ng graduation ko the following week nag start na akong mag trabaho, as admin assistant. I only work for four hours, then they let me review for five to six hours a day. Sa loob ng isang linggong pamamahinga ko sa bahay, inasikaso ang therapy ni Ate Maze, magaling na siya pero I just want to make sure lahat ay nakaayos. Sa susunod na pasukan mag enroll na ito.
May Mama, became an alcoholic. Laging wala ito sa bahay pag dating, lasing at nagwawala. Balak din ni Ate na buksan ang pwesto ni Mama sa palengke, ilang linggo na itong sarado. Balak nitong dalhin si Tonton doon at doon nalang alagaan. Since walang pasok si Merleah, kasama ito sa ate.
Si Papa, doon na rin tumitigil sa bukid. Uuwi lang ito sa bahay tuwing maisipan nito. Nalulungkot ako sa mga nangyari sa aming pamilya, alam kong darating ang araw ay maayos ko rin ito. My first week job was challenging from working and reviewing. Wala naman ako masyadong ginagawa kundi administrative support and introducing on different office protocol. Pagdating ng ala una ng tanghali hanggang ala sais ay pinayagan akong pumunta sa library para mag review, the good thing is pinagawaan ako ng sariling cubicle ng aming presidente kung saan ako pwede mag review, which is I am so grateful.
Hindi na rin kami nag kikita nina Terry dahil sa Maynila nga ito nag review kasama si Alexander. Nag tetext lang ang mga ito kapag pauwi na sila sa kanilang apartment, magkasama ang dalawa. Nakakainggit man pero wala akong magagawa kasi may trabaho ako at isa pa nakaka pag review naman ako, sa tulong ng aming dean, at ibang mga professor ko.
Today is another of being alone, it was sad. Pauwi na ako sa bahay namin, dati rati, tatlo kami nina Alexander at Terry umuuwi tuwing hapon. Pero ngayon mag isa nalang ako. Wala umaaligid, nambubwisit at higit sa lahat tahimik ang buhay ko. Yung ikinatahimik ng buhay estudyante ko siya naman gulo ng pamilya ko.
Kumusta na kaya siya, it’s been weeks and I don’t recall when was the last time I genuinely smile, naalala pa kaya niya ako? Parang piniga ang puso ko. Nakakalungkot isipin sa bawat desisyon mo sa buhay ay may kaakibat itong kahihinatnan, na hindi pabor o hindi mo gusto ang naking epekto nito sa buhay mo. You have no choice but to live with those consequences. Ginunita ko ang araw na una kaming nag kakilala ni Clint at ang huling araw na nag kita kami. Masakit man isipin pinag dadasal ko nalang, sa muli naming pag kikita sana, mabigyan ako ng pangalawang pag kakataon na masabi ko sakanya ang nararamdaman ko. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin. Malayo palang ako dinig na dinig ko na si Mama.
“Mga wala kayong utang na loob.” Sa lakas ng sigaw ni Mama dinig ko pa mula sa bahay namin hanggang kalsada, nahiya ako bigla sa kay manong driver. Agad akong tumakbo papasok sa amin. Pagbukas ko palang ng pinto iyak na ni Merleah at Tonton ang naririnig ko.
Ma, ano po baa ng problema, bakit kayo nag wawala, natatakot na sina Tonton at Merleah sa inyo”. Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Ngunit nanlilisik lang ang mga mata niya, humarap siya sa akin at hinila ang buhok ko. Ramdam ko ang sakit ng anit ko, hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.
“Sumagagot kana ngayon Maliyah, dahil nakatapos kana!? Nag mamalaki kana sa akin? Kayo ng Walang kwentang si Mazelen na yan.” Galit na galit na boses ni Mama.
“Ma, aray ko po, nasasaktan ako Ma.” Pakiusap ko sa kanya at patuloy ang pagbalong ng luha sa mga mata ko.
“Hindi kita titigilan hanggat hindi mauubos yang buhok mo, wala kang utang na loob, nag mamamlaki ka na ngayon. Hoy Maliyah kung hindi sap ag kukuba sap ag titinda sa palengke hindi ka makakatapos maldita kang bata ka.” Halos lumabas na ang ugat ni Mama sa leeg niya dahil, kakasigaw, at panunumbat sa akin.
“Mama, sumusobra na kayo, kong galit kayo sa akin, h’wg niyong idamay sa Maliyah, wala siyang kasalanan sa inyo, ako Ma ako, ang may atraso sa inyo ako nalang Ma.” Punong puno ng hinanakit, pagtatanggol at pakiusap ang boses ni Ate Maze kay Mama. Binitawan ako ni Mama at sinugo si ate Maze ng mag asawang sampal.
“Corazon! Bitawan mo yang anak mo!” dumadagundong ang boses ni Papa, para pigilan si Mama ng papanakit kay ate Maza.
“Hindi ko anak yan Antonio, salot yang batang yan kahit kelan, isang bangungut sa madilim kong nakaraan, kong hinayaan mo lang sana ako na ipaglaglag yang batang yan !” para akong binuhusan ng isang baldeng yelo sa rebelasyon ni Mama, ng dumako ang tingin ko kay Ate Maze, nanlaki ang mga mata nito, biglang namutla ang kanyang mukha at nababakas doon ang sakit at pait na sinabi ni Mama.
“ Kasalanang sa Diyos ang gusto mong gawin noon Corazon, minahal kita, at hindi kita hinusgahan, tinanggap ko si Mazelen, at itinuring kong parang tunay kong anak.” Pumatak na sa pagod na mukha ni Papa ang pinipigilan nitong luha. Niyakap niya si Ate ngunit walang kahit na anumang reaksiyon mula dito. Humagulgol lang ito, hindi ito makatingin sa akin.
“Dahil sa ginawa ng walanghiyang ama ng batang yan hanggang ngayon hindi parin maalis ang kabbabuyang ginawa ng lalaking iyon Antonio, akala ko tutulungan mo akong makalimot, at makamit ang hustiya sa nangyari sa akin, pero akong ginawa mo Antonio? Walang kang ginawa, kundi lumayo, bahag yang buntok mo! Saan na ang ipinangako mo Antonio ha? Nasaan?”
Umiiyak narin si Mama, parang bombing sumabog sa harapan ko ang katutuhanan sa nakaraan ni Mama, she was violated and abused by Ate Maze father, ibig bang sabihin mag kapatid kami sa ina? Halos hindi maproseso ng utak ko ang masamang rebelasyon ni Mama, kaya ba iba ang trato niya kay Ate?
“Kaya ba Ma, galit nag alit kayo sa akin? Sa akin niyo nakikita ang ginawang masama sayo ng Tatay ko?” This was the most difficult question she had ever asked from our mother, her voice was deafening.
After Ate asked that question, it was a long silence; Mama didn't bother to answer or look at her even for a split second. She has no reaction at all. She hardened her face and walked away. This night was beyond what I had expected. It was terrifying and painful.
The last thing I did was move or say anything to ease Ate Maze's, broken heart. What just happened was truly unforgettable. Despite this, my mama still suffers trauma, and she is unable to move forward because justice was not served.
My Papa ignored it. He didn't fight back to file a case for Mama but fled like it wasn't a big deal. I guess Mama blames Papa until now.
Kaya ba madalas kahit nag bubunganga si Mama, balewala lang kay Papa, dahil may ganitong pangyayari. Hindi ko lubos maisip ang hirap at trauma na pinagdaanan ni Mama, naiintindihan ko saan nanggagaling ang galit niya. Pero wala naman kasalanan si Ate Maze. Pero hindi ko parin maiwasan maaawa kay Mama, at Ate Maze, pareho silang biktima ng pagkakataon at masamang tao na humalay kay Mama, at si ate Maze ang naging bunga ng kawalanghiyaang yun. Both of them have been traumatized by their experiences. It was the maltreatment of our Mama that affected Ate Maze. Yung hindi pantay na atensyon at pagmamahal. Kung may pagmamahal ba talaga naipadama si Mama kay Ate. kasi buong buhay ko hindi ko nakita o naramdaman, man lang yun para kay Ate, at naawa ako sa kanya. Seeing your sister cry and feel unloved by our Mom was one of the worst feelings you could ever imagine.
Natapos ang gabi namin ng walang may nag salita, hindi ko alam kong paano ko kakausapin si Ate, pero pinaramdam ko sa kanya kahit kelan hindi mag babago ang nararamdaman ko sa kanya.
Ramdam ko parin ang sakit ng anit ko, ang pananampal ni mama. Pero hindi ko na ininda yun mga yun ang importante ang katotohanang sinabi ni Mama sa pagkatao ni Ate Maze. Natapos ang hapunan namin na halos walang gumalaw sa niluto. Si Merleah halos hindi kumain, ganun din si Papa, si Ate Maze nag kulong sa kwarto kasama si Tonton.
Dumaan ang araw, linggo, at buwan, halos walang bago sa buhay naming mag anak, Mama didn't change at all. Sabunutan at sampalan parin ang madalas kong madatnan sa bahay galing sa trabaho. Sa susunod na linggo at magte-take na ako ng board exam, pagkatapos noon, balak kong mag apply sa hospital nina Doc Chlyde as he mentioned before.
Nakikibalita rin ako kina Alexander at Terry mukhang hiyang ang mga yun sa tubig Maynila. Hindi rin umuwi ang dalawa at tinapos ang halos tatlong pag rereview at final coaching.
“Maliyah, pinapatawag ka ng Presidente sa opisina niya”. it was Angelica, kasama ko sa trabaho, at isa itong cum laude sa med tech naman, same lang ang set up namin, scholar siya at kasama ko siyang nag tatrabaho bilang administrative assistant . Jolly ito at hindi nauubusan ng banat, at hugot sa buhay, dahil ang boyfriend niya at iniwan siya at naghanap ng iba.
“Oo, papunta na ako” sagot ko sa kanya. Inayos ko ang gamit ko at inayos sa gilid para mamaya pagkatapos kong kausapin ni Presidente namin ay isang bitbitan ko nalang ang mga review material ko papuntang library. Nauna na si Angelica doon, pareho lang ang set up namin dalawa.
Nang makarating ako sa opisina ng aming presidente, kumatok agad ako at dinig ko ang boses niya na nag permiso sa akin na pwede na akong pumasok. Pinihit ko ang seradura at humakbang papasok.
“Good afternoon sir” bungad kong bati sa kanya. Umangat ang tingin nito sa akin at sinenyasan na umupo. Agad naman lumukob ang kaba sa puso ko. Feeling ko may nagawa akong kasalanan sa kanya.
“Hindi na ako mag paligoy ligoy pa Maliyah, gusto kong ipaalam sayo, na kailangan maipasa mo ang iyong board exam, at mag render ka ng two years services sa hospital ng mga Buenavista as their resident Physical therapist, siyempre with pay naman yun and other benefits. Hindi ka pwedeng mag abroad, o mag trabaho sa ibang hospital hanggat hindi mo natatapos ang two years rendered service mo bilang scholar namin.”
“Opo sir, yun po ang pangarap ko na makapasa po. Wala rin akong balak mag hanap ng trabaho sa iba po”. Malumanay kong sagot sa kanya.
“Good, one more thing, kasama sa trabaho ang kunin bilang personal therapist ng pasyente.” ” he said firmly.
May kung anong pumasok sa isip ko, pero agad kong binaliwala yun. Biglang lumitaw sa isip ang gwapong mukha ni Clint.