CHAPTER 21- UNEXPECTED FIRST KISS
MALIYAH POV
As I looked at Alexander's eyes, I saw pity in them. I could hide my pain, but I was wrong. He hugged me. No words need to explain what happened. I don't know him the way I used to. I can't blame him, though. It was his right not to say anything after what I had done to him. It was my fault in the first place. Sino ako para masaktan at mag-iinarte ngayon.
Ngayon ko lang na-realized na may mga bagay na kailangan unawain. Na hindi lahat ng gusto ng puso mo makukuha mo. Hindi sa lahat ng oras sayo iikot ang mundo taong dating my gusto sayo. Darating ang panahon na, makakalimutan ka rin niya, at may ibang pupuno sa bagay na hindi mo kayang ibigay dati. At ito ang bunga ng mga naging pasya ko noon.
Hindi mapigilan ang luha sa mga mata ko. Kanina lang masaya ako. Ngayon, parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa sa nakita ko. Pilitin ko man maging masaya ulit ka-plastikan naman yun.
"Iinom nalang natin yan mamaya sa bar." It was Terry, hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa amin at nakiki-group hug na. Mabigat man ang kalooban ko but still I managed to smile because of that simple words from my friend. "Lalaki lang yan marami pang iba." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Kahit ang totoo, malabong mangyari makahanap ako ng lalaking mag e-effort para ligawan ako. Yeah, I admit I had Terrence, Jerome, the sons of our Mayor and Governor in our province. Oh diba ang haba ng hair ko. Ang problema ko lang ni isa sa kanilang walang may nag pabilis ng tibok ng puso ko gaya ng nagawa ni Clint. Napabuntonghininga nalang ako. "Hindi ka namin masisisi Maliyah na mas pinili mo ang pangarap mo. Kong talagang kayo para sa isa't isa kayo talaga, the force of the universe will find its way for you, to find your better half in the right time." Pinunasan ni Alexander ang luha sa mga mata ko at kinurot iyon. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi niya. Kundi simpleng tango nalang ng ulo ko. "Aray ko naman Alexander!" reklamo ko sa kanya. Hinila kami ni Terry papunta sa counter para bayaran niya yung binili niyang damit.
Sumakay na kami ng taxi, para pumunta sa apartment nila Terry, hindi naman kami nag imikan sa buong byahe, halos trenta minutos din yun. Agad naligo si Terry, pag dating namin, kami naman ni Alexander magkatulong sa kusina para sa amin hapunan. Alasais y media palang ng gabi kaya may oras pa kami. Pagkatapos namin mag luto ng aming hapunan, tapos na rin si Terry maligo. Sabay sabay naming pinag saluhan ang adobong manok at baboy. Bumili rin si Alexander ng isang pack ng ice tea juice na tinimpla ko. Dahil nasaktan ako kanina, walang diet, diet ikain ko nalang ang sama ng loob, at mag enjoy mamaya sa bar. Ito ang unang pagkakataong maranasan ko mag bar hopping. Excited na ako na kinakabahan, hindi naman siguro kami mabastos doon. Pagtapos namin kumain, itinaboy na ako ni Terry para maligo, siya na daw bahala sa mga ligpitin at hugasin. Hindi na ako nag pumilit, dahil baka masermunan lang ako ng dalawa. Nagtagal ako sa banyo, dahil ang shower nila ay may hot and cold water sarap mag babad, tama rin ang pag timpla ko ng temperatura ng tubig. Itinapat ko ang sarili ko sa dutsa, nakapikit ang mga mata ko. Sumagi sa isip ko ang walang emosiyong mga mata ni Clint kanina. Aarghh. Inis kong pinakawalan ang nararamdaman ko. Ilang buwan lang naman yun ah may iba na agad? Wala sa loob kong tanong sa sarili ko. Alangan hintayin ka Maliyah matapos kang nag ran away. Pagtatalo ng isip ko. Isang katok ang nag pabalik sa diwa ko. "Maliyah, anong nangyari okay ka lang ba diyan?" pag-alalang tanong ni Alexander sa akin. "Oo, napainit lang ang timpla ko sa tubig." Ganting sigaw ko, alam kong hindi yun totoo, pero wala akong ibang naisip na dahilan. Tinapos ko na ang paliligo ko. Nakatapis lang ako pag labas ko ng banyo. Agad pumasok si Alexander na may bitbit na tuwalya, siya ang kasunod kong maligoInabot sa akin ni Terry ang isang crop top, at skinny jean na high waist. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Mag kapareho pa kami ng damit ngunit mag kaiba lang ang kulay. Kitang kita ko ang kurba, at hubog ng katawant niya. Dahil high waist yun, hindi masyadong kita ang kanyang flat abs. Napataas ang kilay ko, hindi ko ata kayang suotin ito.
"H'wag kanang mag reklamo suotin mo yan, kong hindi h'wag na tayong tumuloy." May diin at banta sa boses nito. Wala na akong nagawa kundi abutin ang ibinigay niyang damit na susuutin ko. Sa harapan na niya ako nag bihis total naman nasa banyo si Alexander. Ng makapag bihis na ako ang lapad ng ngisi ng bruhang ito. Akala mo nanalo sa lotto. Ganito ito madalas. Kapag sinunod moa ng gusto niya.
"Spell perfect, Maliyah." Napailing nalang ako, hindi na ako kumontra kasi wala rin naman silbi yun pagdating kay Terry. Kong ano ang gusto niyang suotin ko, ayos ko ayun sa panlasa niya, wala na akong ibang sasabihin kundi oo nalang. Ewan ko ba sa babaing ito. Not that I am not grateful, pero sobrang bait niya kasi sa akin at daig pa sa kapatid ang trato niya, ako nalang ang nahihiya.
Tapos na siyang mag make-up as usual, she was beautiful as ever. Her crop top was purple, and mine was red. Her skinny jeans were light blue. It has ripped on the knee line, on the right side, and mine was black. I also have ripped jeans on the left side. Hindi talaga pwedeng hindi kaming magkapareho. Her make-up was gold on her inner eyes but smokey purple on the outside. Perfect for bar hopping make-up look for tonight.Ngayon ipag papaubaya ko na sa kanya ang mukha ko total naman siya ang magaling sa ganung departamento. Bawal nga ako mag reklamo pagdating sa kanya. As Terry finished my make-up look, Alexander was ready for his party look and attire for tonight. He's wearing a denim jacket with Abercrombie t-shirts. With ripped skinny jeans like us. Napataas ang kilay ko, kasi lalaking lalaki ang aurahan niya. hindi halatang binabae ito. Natawa ako ng bahagya nang hilahin ni ang akin wavy styled hair. "What?" painosenting tanong ko sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata at hinila na nila ako palabas ng apartment. Pag labas namin naka book na pala sila ng grab. Ilang minuto pang nakalipas at narating namin ang isang sikat na bar sa Quezon city. Ngunit walang music, ang naririnig namin ayhiyawan, wala akong nakitang sayawan, kundi, kumpulan ng mga customers sa bar counter at may hawak na kanya kanyang telepono. Nakatutok sa babaeng naka black leather at binabalian ng kamay, isang lalaki. Lahat sila nakatutok doon. Dahil ang kasama ko ay isang lalaking Marites hinila niya kami ni Terry at naka ready narin ang phone nito. Sari-saring hiyawan, kantiyawan ang naririnig ko. Hindi ko makita ang buong eksena kasi hindi naman ako katangkaran. Ang huling kita ko lang ay humandusay ang lalaki sa sahig. Bilib na bilib ako sa galing, ng magandang babae napatumba nito kahit malaki ang katawan ng lalaki. As the scene almost finish she flipped her hair. Akala mo hindi siya napagod sa engkentro, namilipit parin sa sakit ang lalaking binalian nito ng buto. Napatulala nalang ako. She walking gracefully na akala mo walang nangyari. Ng magsalita ang DJ, agad nagpalakpakan ang lahat sabay ang nakakabinging tunog. Tili ng tili si Alexander sa eksenang natunghayan niya. Alam kong ayaw nitong papahuli sa balita palagi. Nag order na si Terry ng Champagne Flutes, I have no idea what was that but I know hindi naman ganun kalakas ang alcohol content noon, kasi hindi naman kami mag lalasing kahit pa nasaktan ako kanina. Erase. Pinilig ko ang ulo ko para mabura ang alalahanin kong iyon.Nang nainum ko na ang isang glass ng aking champagne, sumayad sa lalamunan ko ang lasa noon. Ramdam ko ang medyo mainit at sarap ng inuming iyon. Hinila na ako ni Terry at Alexander sa dance floor. Sinabayan namin ang indak ang saloy ng musika at wala akong pakialam kong may nakabanggaan na ako. Andiyan naman si Alexander at Terry para protektahan ako. Para akong nakawala sa kwadra ng kabayo, ang gaslaw ng sayaw ko, but it didn't bother me at all. I want to enjoy this freedom for a while. Saka ko na haharapin ang problemang iniwan ko sa probinsiya. Saka ko na iisipin ang kirot ng puso ko. Kahit ngayon lang gusto kong subukan maging malaya at masaya na walang alalahaning kahit na ano. Ramdam ko ang pag bangga sa likuran ko, ngunit hindi ko yun pinansin, ramdam ko din na may humawak sa bewang ko saka lang ako napatigil sumayaw. Agad akong umiwas at kinalas ang kamay niya sa bewang ko. Agad naman nakaharang si Alexander sa akin. "Don't you fucking touched her." Isang malutong na mura at sigaw ni Alexander. Agad naman nag taas ang kamay ng lalaki para sumuko. Hinila ako ni Alexander patungo sa mesa namin. Kasunod namin si Terry na may bitbit ng lalaki. Terry was more open minded than I am. Nakalingkis na ang lalaki sa bewang niya mukhang tuwang tuwa pa ito. I know her hanggang touchy lang ito. She was in love with Jerome hindi ko lang sigurado kong ano na ang score ng dalawa. Hindi na namin inungkat ang nagyari para maka move on ito. Pagkaupo namin, pinunasan ko agad ang pawis ko. Ganun din si Alexander. Napadako ang tingin ko sa kabilang side ng bar. Inaayos ng mga waiter ang mga upuan at mesa para mapag isa iyon. Hindi mapuknat ang mga mata ko sa naka leather na babae kanina, at ang kamukha ni Clint, malayo palang ito kilala ko na kong sino. Si Doc Clyde yun sigurado ako. I admire her athletic personality. Hindi ito takot lumaban. Kitang kita ko, kong paano namilipit sa sakin ang lalaking kaaway nito at kong ano ang dahilan hindi ko alam. Agad pumasok ang gwapong mukha ni Clint sa isip ko. Kamukhang –kamukha ito ni Dok Chlyde. Pero para sa akin mas lamang si Clint. Gusto kong batukan ang sarili ko para magising ako sa katutuhanan, na hindi na kami pwede. Umuorder ulit sina Alexander ng inorder namin kanina. Hindi na muna kami bumalik sa dance floor. Nag pahinga kami sandali ng maramdaman ko ang panunubig ko. Nagpunta ako sa ladies room para mag bawas. Pag katapos kong mag banyo humarap ako sa malaking salamin habang nag huhugas ng kamay. Titig na titig ako sa mukha ko. I am beautiful in my own way. But remembering the girl who's with Clint a while ago walang panama ang ganda ko. Ipinilig ko ang ulo, pinunasan ko ang basang kamay ko ng tissue at lumabas na, ngunit napatigil ako ng makita ko sa harapan ko ang lalaking gumugulo sa isip ko simula pa kanina. "Mayah?" he called my name sweetly. And I missed the way he says my name. Parang siya lang may karapatan na tawagin ako sa ganung pangalan. "Sir— Clint." He came closer and out of nowhere he snake his arm around my waist and claim my lips roughly. Sa gulat ko itinulak ko siya ngunit mahigpit siyang nakahawak sa bewang ko, at ang isang kamay niya sa likod ng ulo. My eyes widen and I am in shocked. I just had my very first kiss…