- CHAPTER 18-BIG DAY
MALIYAH POV
The moment I found out that Clint had left, it was like my heart shattered into pieces. I know sacrificing my own happiness for my family and ambition is painful, but I never thought this was killing me inside gradually. I am living in the flesh, but I was dead inside. This cycle has been going on for as long as I can remember. I can’t recall when I was actually happy. Genuine happiness.
Today I was supposed to be happy. Because today is my graduation day, I offer this award to my parents. They’re the reason why I was striving so hard to get it. I don’t blame anyone. It had a good and bad outcome. Good because I made my parents proud of my achievement. I don’t know if I really did because my Mama became worse day by day.
I let go of the man I adore a lot, just to have this, but my Mama didn't even bother to say something like “ oh buti naman nag tapos ka, or, buti nga may pakinabang naman yang pagkakuba ko sa pagtatrabaho para makatapos ka, or buti may silbi kapa sa pamilyang ito.”
I would love to hear anything from her, but she shut us down like we don’t exist anymore. My Papa has been sleeping on the couch for weeks now. I even ask Papa to sleep in Merleah’s room, and Merleah will sleep with me, but he declines. He often said, “Okay lang ako anak malamig sa sala”. It breaks my heart because it feels like it means nothing to my mom after doing everything I could. I even chose them over Clint because I didn’t want to disappoint them. Still, she made me feel it was not good enough. At yun ang isa sa pinakamasakit sa lahat.
I even told her my awards, and I will have a job after graduation. I thought she would be happy for me, but she didn’t, she didn’t even congratulate me, and the worst part was she didn't want my graduation today. My tears kept falling on my face. Ilang beses ko nang pinunasan yun, pero hindi parin maampat. Akala ko ito ang pangarap ni Mama sa akin ang makapag sabit siya ng medalya ko tanda, na ako’y nagtapos sa kursong pangarap niya para sa akin. Isang katok ang nag pabalik sa diwa ko.
“Pasok,” Papa, smiling at me, but it disappeared when he saw my swollen eyes.
“Anak may problema ba? Hindi kaba masaya magtatapos kana?”
Tinanong niya ako ng may pag alala sa boses niya. iling lang ako ng iling pero tumutulo ang luha ko. Nilapitan ako ni Papa at hinawakan niya ang dalawang pala ko. Pinisil nito iyon at tiningnan ako sa mata, ngunit hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Papa, kaya napayuko ako. Hindi ako nagdadrama but I was in pain. Hinawakan ni Papa ang baba ko para umangat ang tingin ko sa kanya.
“Proud na proud si Papa sayo anak, ikaw ang katuparan ng mga pangarap namin ng Mama mo. Heto na yun Maliyah, isa ka nang propsiyonal anak. Hindi mo alam kong gaano ako kasaya sa tagumpay mong ito.”
“Papa”
I hugged him as tight as I could. Umiyak ako sa balikat ni Papa. Doon ko ibinuhos ang frustration ko. Kumalas si Papa sa akin at ubod tamis na ngumiti sa akin and he pulled some jokes.
“Ano ba itong Cum Laude namin iyakin” napatawa narin ako sa biro niya, bentang benta sa akin kahit simpleng joke ni Papa.
“Pa, maraming salamat po sa lahat lahat, itong tagumpay ko ay alay ko po sa lahat ng pagsisikap niyong mapag aral po ako.” Saad ko sa kanya ng buong pasasalamat.
“Anak, ito ay bunga ng iyong pagsisikap at pagpupunyagi sa iyong pag aaral, isa kang scholar at yun dahil sa iyong talino, at sipag sap ag aaral.” Pag papagaan ni Papa sa loob ko. Nag paalam na si Papa na hintayin ako sa baba.
Ipinagpatuloy ko ang pag aayos ko, dinig ko ang ingay sa labas at boses yun ni Terry at Alexander, sinugod na ako ng dalawa dahil sap ag da-dram ako sa group chat namin tungkol kay Mama.
“Maliyah?”, panabay na tawag nila sa akin. Hindi pa ako nakasagot ayun na pumasok na sila. Feeling at home nga naman. Minsan naisip wala rin itong manners ang dalawang kaibigan ko, kapag ako pumupunta sa kanila sa labas lang ako hanggat hindi ako niyaya sa loob. Pero ang dalawang ito parang bahay nila.
“Bahay niyo makapasok kayo agad” , pag tataray ko sa kanila. Nakalukot agad ang mukha ni Alexander sa akin. Si Terry hindi pinansin ang patutsada ko at inilipag ang kanyang make-up organizer sa bedside table ko.
“Halika kana alam kong walang mag aayos diyan sa magandang mukha mo , kaya napasugod kami dito ng wala sa oras , at alam ko namang ayaw mong ayusan kita sa bahay. Ngayon wala ka choice. Gawin natin yang pang cum laude feslak mo” pagmamalaki nito sa akin, kita ko ang pagniningning pa ang mga mata niya sa saya.
“Oo na wala naman ako magagawa bawal tumanggi sayo remember?”
Pinaikot ko ang mata ko sa kanya, at tinawanan lang ako. Samantalang si Alexander naka tutok na naman sa cellphone niya.
“Buti alam mo!” she grinned and raised her eyebrow.
Nakaayos na si Terry. She has shoulder-length honey brown hair color beautifully; Her hair is straight from the tip but curled on edge to give volume to her hairstyle. She has light makeup, pink blush on with golden contour, and is blended with silver glitters. Her almond-shaped eyes were perfect with her eye shadow. Her lashes flawlessly curled. Her full shape lips were totally on her beautiful face. Then I wonder why Jerome hasn't noticed this beauty in front of me.
“Baka matunaw ako sa kakatitig mo, alam ko naman maganda ako Maliyah . h’wag naman obvious mag laway sa akin hindi tayo talo, si Kuya T nalang” , napailing nalang ako sa banat niya. Maisingit lang talaga ang kuya Terrence sa usapan eh.
“Kelan ka kaya mag give up na hindi kami ni Terrence, at wala akong gusto sa kapatid mo” prangka kong sagot sa kanya, hindi man lang ito nasasaktan.
“Kelan mo kaya marerealized na meant to be sister in-law tayo” palabang sagot nito sa akin. Dinig kong tumawa si Alexander.
“Kong babae lang ako ako na ang manliligaw kay Kuya T kaso hindi niya ako bet”. Humalakhak ito na akala mo tuwang tuwa pa sa komento niya.
“Mag laway ka Alexander” pambubuska ko sa kanya. Inikot lang niya ang mga mata niya at binalik ang ginagawa sa cellphone niya kung ano yun hindi ko alam. Ilang sandali pa natapos narin si Terry kakalikot ng mukha ko.
“Charan!!!,” iniharap niya ako sa salamin at napamulagat ako dahil hindi ko akalain na sarili ko ang nakikita ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na may ikakaganda pa pala ako.
“Oh my Gee ako ba ito Terry” masayang tanong ko sa kanya.
“Ay hindi, si Maliyah yan, oo naman parang sunga to, na-make-upan lang akala mo nananalo sa lotto.” Pang aasar nito sa akin
“Che! Hindi lang ako makapaniwala , hindi mo naman kasi sinabi na may magic pala yang kamay mo para gumanda ako di sana dati ko pa ginawa”. Sagot kong pabalang sa kanya pero I was delighted and grateful.
“Syempre gusto ko maganda para mag laway si Kuya T ay ligawan kana tagala niya. Torpe kasi yun”. Pag pupumilit niyang bida sa kapatid niya.
“Halina nga kayo baka ma-late pa datyo dami mong alam.” Pilosopo kong sagot sa kanya at tinirikan lang ako ng mata.
Lumabas na kami ng silid ko una kong nakita si Merleah. We have the same reaction, I know, I know.
“Ate sobrang ganda mo” bulalas nitong papuri sa akin, natawa nalang ako sa reaksiyon niya talaga. Magkapatid nga kami. Papa didn't say anything pero alam ko proud siya sa akin. Kamukha ko ata siya.
Iginala ko ang mga mata ko, sarado ang silid nina Papa, binalot ako ng lungkot, pero pilit kong pinasasaya ang mukha ko. Lumabas si Ate hawak nito si Tonton, naka sombrero ito dahil hindi pa tumutubo ang mga buhok niya.
“Maliyah sobrang ganda mo, congrats, happy graduation” masayang bati ni Ate sa akin. Ito nalang ang pinagpapasalamat ko sa Diyos ang magkaroon ng pamilya kahit papano pinipilit maging normal ang sitwasyon namin.
Umalis na kami ng bahay, umupa si Papa ng pedicab para sa amin lima, samantalang sina Alexander at Terry sabay sa kani-kanilang pamilya.
Bitbit ko ang toga ko, palabas ng bahay doon ko na isusuot sa school kapag nandoon na kami. Hawak naman suot naman ni Merleah ang graduation cap ko. Bago kami tuluyang umalis lumingon ako sa bahay namin, hindi ko talaga nasilayan si Mama.
Nang makarating kami sa school, hawak kamay ako ni Merleah nasa kabilang gilid ko si Papa at Ate Maze, tumigil ako sandal at nilingon si Ate.
“Ate Maze” tawag ko sa kanya, napahinto ito at lumingon sa akin.
“Oh Maliyah bakit”, mataman ko siyang tinitigan at sumilay ang mga ngiti. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
“Ate pangako pag aaralin ulit kita”, lumamlam ang mukha niya at kita ko ang butil ng luha niya.
“Hindi ko alam kong paano kita pasasalamat Maliyah, napakabuti mo sa kain kahit inaaway kita.” Niyakap ko silang dalawa ni Tonton.
“Siya tama na yan baka masira ang make up mo Maliyah” paalala ni Papa sa akin.
Kahit paano ay nakaraos din kami sa akin graduation. Sinabitan ako ni Papa ng medalya, malakas naman ang palakpak ni Ate Maze, Merleah pati si Tonton nakikipalakpak rin. Hindi na kami nakapag batian sa mga kaibigan ko dahil may kanya kanya din silang lakad. Dumating din kasi ang Papa ni Terry, at si Alexander pinagparty ng mga magulang niya.
Kahit papaano masaya naman ang araw na ito. Nagyakag si Papa na kumain kami sa isang restaurant sa kabilang bayan. Dito madalas ang puntahan ng mga may party or reception ng kasal bukod sa maganda ito, masarap pa ang pagkain. Balay Dako was located in Tagaytay very close to our town. Just twenty minutes ride. Pinaghandaan talaga it ni Papa para sa akin.
“Para maraming salamat, handa sa bahay nalang tayo kahit pancit lang po masaya na ako gumastos pa tuloy kayo”
“Maliyah ito lang ang unang pag kakataon na gumastos tayo at graduation mo pa”
Papa said tenderly. Alam kong pinag ipunan ito ni Papa. Kaya hindi na ako nag reklamo po. Naging matiwasay at masaya naman ang aming hapunan, hindi man kami buo pero sinisigurado ni Papa na maging memorable ang araw na ito para sa akin. Lagi kong pinag dadasal na sana maging maayos na kami ni Mama. Ayaw man mag salita ni Mama, pero alam kong galit siya sa akin dahil sa pag tatanggol ko kay Ate Mazelen. Mag pupursige ako para sa pamilya at ang pag balik eskwela ni Ate.