CHAPTER 17- HIT AND RUN
MALIYAH POV
Nasa labas kami ng waiting area ng operating room kung saan dinala si Ate Maze. Hindi pa namin alam ang dahilan kung bakit siya naaksidente o kong ano ang nangyari. Takot ang lumukob sa aking buong pagkatao. Takot para sa kalagayan ni Ate, takot para kay Tonton, takot na baka may mangyaring masama kay Ate Maze. Huwag naman po Diyos ko.
Ilang oras na kaming nag hihintay pero hindi parin lumalabas ang Doctor. Nang tingnan ko ang relo ko, mag alas onse na ng gabi, nakatulog na si Merleah sa hita ni Papa ang ulo niya, siguro hindi na niya napigilan ang antok at pagod.
Sumandal ako sa sandigan ng upuan at ng lingunin ko si Papa , kasandal din ito at pikit ang mga mata niya. Alam kong malaking halaga ang kailangan namin para sa operasyon ni ate, hindi pa kasama ang bayad sa doctor, at ang mga gamot. Yun pa ang isang inaalala ko ang babayarin dito sa ospital. Saang kamay nng Diyos namin yun kukunin. Makalipas ang halos anim na oras, hindi ko namalayan na naka idlip na ako.
Isang tapik sa balikat ko ang nag pagising sa akin. Dahan dahan tinanggal ng doctor ang mask niya at tumabad sa akin ang gwapong mukha ni Clint, ngunit wala akong ibang naramdaman. Kamukhang kamukha ito ni Clint.
“Clint” kinusot-kusot ko pa ang mata ko para siguradong hindi ako namamalikmata.
“Chlyde Miss. Clint is my twin brother.” His serious face was flat and nothing in there unlike Clint. Twin? May kakambal is Clint and he looks exactly like him but the eye color was a bit different. Dark blue green ang kay Clint but this doctor named Chlyde has blue green eyes. Tinapik ko si Papa, para magising na ito. Napabalikwas ito.
“Doc¬¬—doc kumusta po ang anak ko.” It was Papa, asking for more information about what happened to ate
“Dr. Chlyde Beunavista po, tay” doc Chlyde offered his hand to my Papa, for handshake. I saw Para hand shaking and he is trembling at the same time. Pero tinanggap pa din noon ang pakikipag kamay ni Doc Chlyde.
“Tatapatin ko na kayo Tay, hindi po maganda ang lagayan ng anak niyo. May namuong dugo sa utak niya dahil sa pagkakabagok ng ulo ng pasyente, kailangan pa po siyang obserbahan, sa loob ng bente kwatro oras kapag hindi po siya magising baka po mako-coma po ang pasyente po. Magdasal po tayo na hindi na umabot po doon. Stable po siya ngayon dahil natanggal na namin ang pamumuo ng dugo sa utak niya. Sa ngayon dadalhin na ang pasyente sa ICU po.
Then doc Chlyde look at me with suspicion. Meron kakaiba sa paraan ng pagtitig niya pero hindi ko na pinansin yun. Sana hindi nakarating dito ang pambabasted ko sa kapatid niya.
Nag paiwan ako sa hospital at pinauwi ko muna si Tatay para mag dala ng gamit ni Ate mula sa kina Aling Doray. Wala kaming balita kay Mama, hindi ko alam kong nasaan siya at hindi pa namin alam ang totoong nangyari. Tanghali na ng dumating si Papa, Siya lang mag isa, wala si Mama.
“Pa na saan po si Mama? Hindi po ba darating siya darating ngayon, madalaw si Ate?, umiling si Papa na parang nanlulumo. Parang piniga ang puso ko, nang umiling si Papa, ayaw ba man lang makita ni Mama, si ate?
“Anong ibig mong sabihin Pa? Naaksidente na si Ate pero bakit hindi lang man madalaw ni Mama? Ganun na ba katindi ang galit niya kay Ate Pa? alam kong ramdam niya ang hinampo ko kay Mama.
Maluha-luha kong tanong kay Papa. Alam kong nasasaktan din siya. Pero hindi siya makatingin ng deretso sa akin ngayon. Buong magdamag akong nasa labas ng ICU.
“Maliyah anak umuwi ka muna, ako na muna ang bahala dito.” Malumanay na sabi ni Papa sa akin. Alam kong itinataboy na niya ako para hindi na mag usisa pa kay Mama. Hindi na ako nagpumilit pa. Kailangan ko rin maligo at matulog kahit konti bukas may pasok na kami.
Pagkadating ko sa bahay nag buhos lang ako saglit at humiga sa kama ko, wala si Merleah nasa palengke kasama ni Mama ayon sa kapitbahay kanina. Siguro ibinilin ni Mama. Kinuha ko ang phone sa bag ko, nag text ako kay aling Doray.
TO: ALING DORAY”
Magandang tanghali po Aling Doray, kagagaling ko lang po sa hospital, stable na o si Ate Mazelen pero hindi pa po siya nagigising matapos niyang operahan po. Matutulog lang po ako kahit ilang oras lang po. Puntahan ko po kayo sa inyo.
FROM:ALING DORAY
Iha, h’wag mo ng alalahanin si Tonton ako na muna ang bahala sa kanya. Si Mazelen nalang ang asikasuhin mo. Meron pa naman gatas at mga gamit si Tonton.
TO: ALING DORAY
May alam po ba kayo bakit po naaksidente si Ate Maze. Sigurado po kayo?
FROM: ALING DORAY
Sinabi lang ng kapitbahay na sinugod sa C&B Medical Hospital si Mazelen kaya agad kitang tinext dahil hindi ko maiwan si Tonton.
TO:ALING DORAY
Sige po. Babawi lang po ako ng tulog babalik pa po ako sa hospital mamaya po. Maraming salamat po talaga, sa lahat lahat po.
Inilipag ko sa katabing mesa ko ang phone ko. Antok na antok ako dahil sa kawalang ng tulog kagabi. Nilamon na agad ang diwa ko ng antok.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Agad kong kinapa iyon para patayin. Ng tingnan ko ang oras, ay mag aalas singko na ng hapon. Naka tulog ako ng halos tatlong oras din. Dali dali akong nag naligo at nag bihis. Pagbaba ko pumunta ako sa kusina para kumain ng tinapay at nag milo na rin ako. Nang matapos na ako, sinirado ko na ang bahay namin, sakto namang bumaba sina Mama at Merleah, mula sa tricycle.
“Mama, hindi nyo po ba dadalawin si Ate Maze sa hospital”.
Tanong ko sa kanya ng makalapit ako at tangkang pagmamano ngunit iniwasiwas lang niya ang kamay niya, at hinila si Merleah papasok ng bahay. Hindi rin sinasagot ni Mama ang tanong ko. Napabuntong hininga nalang akong nakasunod ng tingin sa kanila ni Merleah. Ilang sandali din akong nakatayo doon bago ko napag pasiyahang umalis, at tumungo sa hospital.
Dumeretso na agad ako, sa ICU kong nasaan si Papa, pero wala siya doon nang makarating ako sa tapat ng ICU, umupo ako sa bakanteng upuan. Kinuha ko ang phone ko at nag chat sa messenger group namin.
@Everyone: Hello guys, nasa hospital ako ngayon, dahil naaksidente si ate Maze kahapon.
@Maliyah: OMG what happened beshie?
@Terry: Hindi ko pa alam ang totoong nangyari, andito ako sa hospital, baka alam na ni Papa ang nangyari kaso wala siya ngayon dito.
@Punta kami now na diyan ni Terry wait mo kami.
@Alexander: H’wag na bukas lang kayo pumunta gabi na, dito din naman deretso ko bukas.
@Maliyah: Okay okay
@Maliyah: Okay ka lang ba diyan? Dinalaw na ng Mama mo si Ate Maze mo?
@Terry: tinanong ko kanina kong dadalawin niya si Ate kaso hindi ako sinagot at nilampasan lang ako
@Maliyah: Harsh naman ni Tita Corazon, hanggang ngayon ba hindi parin niya mapapatawad ang Ate mo? tagal na noon grabe!!!
@Terry:Hindi pa, pero parang may kakaiba kay Mama, hindi lang siya galit kay ate dahil ramdam ko may pinanggagalingan ang galit niya.
@Maliyah:Oh, di nga ano naman?, Pero alam mo besh, may chikka si Mama dati sa akin, hindi ko lang nasabi sayo dahil baka masaktan ka.?
Agad binundol ang kaba ko sa sinabi ni Alexander, kong anong chikka noon sigurado totoo, hindi pa yun nag kakamali sa pagiging Marites niya. Mag rereply na sana ako, ng may tumayo sa harapan ko at nagtanggal ng bara sa lalamunan niya. Mabango ito ito ang pabango ang gamit ni Doc kagabi. Nag angat ako ng tingin. Si Doc Chlyde, nakangiti ito sa akin. I find it weird pero hindi ko nalang yun pinansin. Kagabi pa ito weird.
“Hello Doc, kumusta po ang ate ko? I ask him humbly. Although kinakabahan ako, hinintay ko parin ang sagot niya. He smiled at me, I felt awkward. Actually it was strange.
“She’s fine now, nagising na siya kanina, which is good news, she’s a fighter. I hahatid na kita sa room niya.”
He said calmly. Tumitig ako saglit sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. He smirk on my reaction. Napailing iling pa ito. As we walk side by side, hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi itanong si Clint sa kanya.
“How’s Clint?” halos hindi sumayad sa lalamunan ko ang tanong kong itong. I heard him chuckled.
“He left, binasted mo eh”.
Birong sagot nito, sa akin, at nadoon na naman ang pinong kurot sa puso ko. Hindi ko naman gustong gawin yun pero kailangan. Iyong ang tamang gawin for now. As I heard him, that Clint left, parang piniga ang puso ko. Siya narin ang nag bukas ng pinto para sa akin ng tumapat siya sa isang silid. Kita kong nakaupo si Papa sa bakanteng sofa at naka tunghay kay ate. Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. Dumako din ang mata niya sa Doctor nakatabi ko.
“Kumusta si Ate Pa?” magalang kong tanong sa kanya.
“Nagising na siya kanina anak, pero natulog ulit” kapagkuwang sagot ni Papa sa akin.
“Doc, mahal po ba ang babayaran namin sa ospital? Wala po kaming ganun kalaking ipon, ibebenta ko pa ang bukid namin” nagmamakaawa ang boses ni Papa, kay Doc Chlyde.
“Sa ngayon po ay hindi muna kami maniningil, balita ko may trabaho na si Maliyah sa eskwelahan niya pagkatapos ng graduation niya. Since nag offer narin naman si President sa kanya, ang balak ko pong kunin din siyang part time Physical therapist dito sa hospital habang may full time siyang trabaho. Kailangan din niyang ipasa ang board muna niya. sa ganoon po ay makakabayad kayo ng bill nyo ng paunti unti.”
Agad nag liwanag ng mukha ni Papa, ngunit lumamlam yun noong dumako ang tingin niya sa akin. Ako naman confused, paano niya nalaman ang pangalan ko.
“Kaya mo ba anak”, tanong niya sa akin, kita ko doon ang pag aalala.
Ngumiti lang ako sa kanya, para mabawasan kung ano man ang alalalahanin niya sa akin.
“Kakayanin Pa. H’wag niyo po akong alalahanin.
Pilit ang ngiting pinakita ni Papa, mababakas pa rin doon ang pag aalala sa akin, at sa responsibilidad na , nakaatang sa mga balikat ko.
Matapos ang isang linggo, nakalabas na si Ate sa hospital, inuwi siya ni Papa sa bahay namin. Hindi rin dumalaw kahit isang beses si Mama, sa amin na ulit sila nakatira ni Tonton dinala siya ni Aling Doray kaninang hapon. Wala naman naging pinsala sa utak si Ate dahil agad itong naoperahan. Kong hindi agad ito nadala sa ospital baka lumala yun.
Matapos kong tanggihan si Clint, yun ang huling kita ko sa kanya yung nakatayo ito sa di kalayuan sa akin noong pauwi ako. Kung alam ko lang na yun na nag huling pagkikita namin sana hiniling ko sa kanya na hintayin niya ako. Ilang beses kong binasa ang huling text niya sa akin. Yun na ata ang routine ko kada gabi ang paulit ulit bahasin ang text niya sa akin. At ganun parin ang reaksiyon ng puso ko. Masakit parin.
Sa kabilang banda, Mama remained distant and aloof, to all of us. Si Ate naging maayos na ang kalagayan makalipas ang ilang linggo. I assisted her, lahat ng posibleng tulong ko sa kanya binigay ko. Noong nakaraan linggo nahuli narin ang driver na nakasagasa kay ate pero, umareglo si Papa, dahil mayaman yung nakasagasa at nakiusap si Ate na kalimutan nalang ang lahat. Sinagot na rin ang driver ang lahat ng gastos namin sa hospital. Nagbigay din ito ng pera kay Papa para sa danyos pero noong makita ito ni Ate Maze parang may kakaiba dito. Inurong nito agad ang demanda at hindi lumabas ng silid hanggat hindi umalis ang lalaking naka hit and run kay ate. Siya rin pala ang nag dala kay Ate sa ospital.
Huli ko ng nalaman na kaibigan pala ito ni Doc Chlyde. Kung ano ano ang pasakalye ang inalok sa akin. Sarap pektusan din ang Doctor na yun. Siguro pinag tatawanan na ako noon.
Next week is our final exam, two week after that is our graduation. Agad akong sasabak sa self-review at aasikasuhin ko ang maging trabaho ko. Hindi pa man nagpapasalamat parin ako..