CHAPTER 16-BEAUTIFUL MEMORIES TURNED TO DEVASTATION

MALIYAH POV

Ate Maze birthday was a success. Hindi man buo ang kasiyahan sa puso ko. But I will survive. Hinatid kami ni Terrence at nag pasalamat ako sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin.

“Iho maraming salamat” it was my Papa, he was appreciative with Terrence.

Pumasok na kami sa bahay, ngunit ang sumalubong sa amin si Mama, may hawak na gin at umiiyak. Mahigpit ang hawak ni Merleah sa akin, agad itong natakot kay Mama. Binulungan ko siya agad na umakyat sa taas, tumango naman ito, mabilis ang bawat pag hakbang niya paakyat.

“Ma? Bakit po kayo uminom? Makakasama po sa inyo yan Ma”

I was agitated, I am scared maybe she will lay her hand on me again. Tama nga ang madalas sabihin ng mga matatanda, that every happiness accompanied with sadness.

“Umalis ka sa harapan ko Maliyah kong hindi baka matamaan ka sa akin” nilukob ang buong sistema ko ng takot sa banta ni Mama, I know she will do it lalo pa lasing na ito.

“Umakyat kana Maliyah”. It was Papa behind me. Agad akong tumalima. Kong dati rati hindi nag sasagutan ang mga magulang ko ngayon nag iba ang takbo ng buhay namin.

“Hanggang kailan magiging matigas ang puso mo Corazon?”

Mula sa kwarto ko dinig ko ang pigil na galit ni Papa. This is the very first time na mag away sila ni Mama, na umiinom ito.

“Wala kang pakialam Antonio, kong hindi mo sana ako pinangakuan ng magandang buhay, sana hindi ikaw ang napangasawa ko ngayon!”

Bulyaw na sagot ni Mama kay Papa, ito na ata ang hindi ko matanggap sa ugali ni Mama, pero kahit anong gawin ko mahal ko parin si Mama, at malaki parin ang respeto ko sa kanya.

Hindi ko narinig ang sagot ni Papa, tahimik na. Hindi ko nabalita kay Papa ang alok ng aming Presidente trabahong alok nito sa akin. Isang magandang oportunidad yun sa akin. Nag buhis ako, at naglagay ng aking night cream. Sumampa ako sa kama. Hindi parin maalis sa isip ko ang lahat ng mga nangyari, it was indeed a bumpy ride in my life. Tiningnan ko ang aking cellphone na bigay ni Terry. Marami messages ang dalawa pero hindi yun ang naka agaw ng pansin.

From Clint:

Mayah it was nice knowing you, I admire your focus on your study, I hope that you will achieve your dreams in life. I have tried my way, but I think I should let you chase your dreams first. I hope one day I will witness your success.

Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko. It was indeed painful, kung ano man ang naramdaman ko sa kanya, kailangan ko na iyong kalimutan, o kong makakalimutan ko pa ba? Mga katanungan na hindi ko mabigyan ng sagot.

Nakatulugan ko ang ganung alalahanin. Pag gising ko kinaumagahan ang sakit ng mga mata ko at ulo ko dahil kulang ako sa tulog. Maaga akong nagigising kahit wala akong pasok. Gusto kong sumama kay Papa sa bukid. Tinawag ko si Merleah at tinanong ko siya kong gusto niyan sumama, at tuwang tuwa ito. Nag baon din kami ng damit dahil may kubo si Papa doon , at gusto ko ulit maligo sa batis, malinis yun, at sobrang lamig ng tubig.

Nag dala ako ng maluluto namin sa tanghalian, sabi ni Papa, meron pa naman daw doon bigas na sasaingin namin. Sabado ngayon gusto ko sanang isama sina Alexander at Terry pero next time nalang.

Sumakay na kami sa karo ni Papa na gawa sa mga tabla, at ang kanyang alagang kalabaw. Bihira na akong pumunta sa bukid dahil naging abala ako sa aking pag aaral. Halos trenta minutos din bago kami nakarating sa bukid namin. At nagulat ako sa ganda at laki ng pinagbago nito noong huling punta ko dito buwan na ang nakakaraan.. Meron na itong bakod na gawa sa madre de kakao na puno. Napapalibutan ng mga alambre na may mga tusok tusok. Meron na din gate na yari sa kawayan

“Papa ang ganda na po dito” buong paghanga kong sinabi kay Papa, it was indeed a beautiful farm I have ever seen simple pero malinis.

Ang kubo namin ay gawa sa kugon, ang dingding ay gawa sa kawayan na may parisukat na disenyo.

“Siyempre Maliyah, ginawa ko yan para sa inyo baka gusto mong dalhin dito ang mga kaibigan mo para hindi naman nakakahiya anak. Hala sige na tingnan mo sa loob mas matutuwa ka doon”

Panghihikayat ni Papa na ipinagmamalaki niya na siya lang ang gumawa nito. Dali dali akong papasok sana ngunit nakita ko agad na may kandado.

“Papa naka lock po” agad akong bumalik sa kanya para sa susi. Iniabot din yun ni Papa.

Umalis si Papa para itali ang kalabaw niya sa puno ng santol sa bandang gilid ng kubo namin. Sa kaliwang bandang gilid naman isang malaking punong mangga at may upuang yari sa kawayan. Nang mabuksan ko ang kubo namin, tumabad sa akin ang magandang yari sa loob. Sa bandang kanan pagpasok may maliit na sala, may sofa na gawa din sa kawayan at meron pang yari sa kawayan na center table. Sa harapan ng sala ay isang kwarto na natatabingan ng kulay orange na kurtina.

Sa kaliwang bahagi naman ay isang parisukat na mesang kawayan at stool na upuan na plastic. Merong lutuan na gawa sa matigas na semento na hinulmahan ng palayok. Meron kahoy sa taas nito. Yung ang ginagamit ni Papa gatong, ang katabi nito ay lababo na nilagyan ng linoleum . may lagayan ng plato, sabitan ng sandok, sabitan ng kawali at sabitan ng kaldero. Sa bandang gilid naman ay may malaking drum na imbakan ng tubig. Malinis ang loob ng kubo ni Papa. I feel so proud. Tiningnan ko ang relo ko mag a-alas siyete na ng umaga.

Nag umpisa na akong mag luto, meron akong nakita tatlong itlog, tuyo. Nag saing muna ako, at kukuha nalang ako ng talong, sa tanim ni Papa. Balak kong maglaga ng Okra, talong, at talbos ng kamote, at mag gigisa ako ng bagoong na may kamatis para sawsawan. Parang nag laway agad ang bagang ko sa naisip kong iluluto. Hindi ko na mahagilap si Merleah kong nasaan na yun.

Pagkatapos ng halos isang oras, tinawag ko na sina Papa at Merleah. Tiningnan ko ang aking hello kitty na relo, sakto mag alas otso na ng umaga sigurado ako gutom na si Papa.

Unang pumasok si Merleah , kasunod nito si Papa na tinanggal nito ang gloves niya si Merleah naman diretso sa lababo par amag hugas ng kamay, ganun din si Papa.

“Ang sarap ata ng luto mo anak ah” nakangiti ito pero hindi abot ang kislap niyon sa mga mata niya.

“Opo alam kong paborito niyo ito Papa at ako rin.”

Pag mamalaki ko sa kanya. Ngumiti narin ako kahit hungkag ang nararamdaman ko. Sana nandito si Mama at Ate para buo kami. Pero kahit ganun hindi parin kami sinukuan ni Papa, at pilit parin nitong inuunawa si Mama.

“Papa?” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa gawi ko.

“Ah–ah Pa, may sasabihin ho sana ako sa inyo.” Agad tumigil siyang sa pag subo at nilunok ang pagkain niya sa bibig at tumingin sa mga mata ko.

“Ano yun Maliyah”, halatang kabado man siya sa sasabihin ko. Pero hindi nito ipinapahalata yun.

“Kinausap po ako ng may ari po ng eskwelahan namin Papa, yung pong nag bigay sa akin ng scholarship? Nag offer po sila nang trabaho ho sa akin pagkatapos po ng graduation namin Pa.”

Napaubo si Papa ng marinig ang sinabi ko at inabutan ko naman ito ng tubig. Si Merleah nanlaki rin ang mga mata niya

“Totoo Ate may trabaho kana agad?” bulalas nito na punong puno ng kagalakan ang mukha niya. Napatango ako sa kanya at ubod tamis siyang nginitian.

“Oo Merleah, binigyan na ako ng trabaho kahit hindi pa ako graduate”.

Agad hinawakan ni Papa, ang kaliwang kamay ko at kita ko ang butil ng luha sa gilid ng mga mata niya, dahil sa magandang balita.

“Salamat naman sa Diyos, anak proud na proud si Papa sayo. Siguradong matutuwa ang Mama mo. Pagbutihan mo anak, pero paano pala ang pag rereview mo?”

Sa school na daw po ako mag rereview Papa, at pagsabayin ko po daw ang trabaho,” magalang kong sagot kay Papa.

“Hindi ka ba mahihirapan anak baka hindi ka makapag focus kapag may trabaho kana” May pag alala sa boses nito.

“Papa, kakayanin ko po, at kakausapin ko pa po ulit ang presidente po ng eskwelahan.” Buong kumpiyansa kong saad sa kanya, para hindi na ito mag aalala sa akin.

“Ipagdadasal ko anak ang iyong tagumpay, ang diploma mo lamang ang maipapamana ko sa iyo, at andito lang si Papa handang suportahan ka”.

Sinapo ko ang mukha ni Papa at pinunasan ko ang luha niya gamit ng kamay ko. Umusog ako para yakapin si Papa, naiinggit din si Merleah at napayakap na rin sa amin. Pagkatapos namin kumain nag ligpit na ako ng aming kinainan. Lumabas na sina Papa at Merleah. Nang nalinis ko na lahat sinundan ko sila sa labas. Si Papa pinapakain niya ang sampung pirasong niyang mga manok.

“Maliyah mamaya ito ang iluto mo, mag titinola ka ng manok ha” sigaw ni Papa sa akin.

“Opo Pa” magalang kong sagot sa kanya. Hindi man ako tuluyang masaya, pero nag papasalamat parin ako kahit paano may magandang nangyari at unti unti ko nang naaabot ang mga pangarap ko.

Tanaw ko si Papa, na nag tatanggal ng damo sa tabi ng mga pananim niya. Pinuntahan ko si Merleah sa batis naliligo na ito.

“Merleah” tawag ko sa kanya.

“Ate Mal lika, maligo tayo ang sarap ng tubig sobrang lamig”

Pagmamalaki niya sa akin. Naghubad ako ng tsinelas, at hinubad ko ang tshirt, spaghetti top lang ako. Una tapak ko palang sobrang lamig at sarap na nang tubig. Naglaro kami ni Merleah ng tubig nagsasabuyan. Tuwang ito at dinig ko ang lutong ng tawa niya. I just realized she was young and innocent in all these.

Nang bandang mag alas onse na, umahon na ako at maghahanda ng aming tanghalian. Pinaalalahanan ko din si Merleah na sumunod sa akin. Pagdating ko sa kubo nakita ko si tatay na nag kakatay ng tagalog na manok, nagsaing na ako at hinanda ang ibang kakailanganin.

Today is another memorable day for us. Kulang man kami hindi yun hadlang para hindi maging masaya. Nang bandang alas singko sakay na ulit kami ng caro. Nang makarating kami sa bahay ay wala si Mama. Umakyat ako sa kwarto, para tingnan ang cellphone ko, iniwan ko ito dahil wala rin naman signal doon.

From: Aling Doray:

Maliyah kailangan mong pumunta sa ospital si Maze.

Nanlamig ang buong katawan ko, binalot ako ng takot dali dali akong bumaba para hanapin si Papa.

“Papa! Papa!” malakas ang sigaw ko. Lumabas si Papa sa banyo bagong paligo ito.

“Ano ba Maliyah kong makasigaw ka naman!” inis na bungad sa akin.

“Pa si ate Maze sinugod daw po sa ospital sabi ni Aling Doray”

Namutla ang mukha ni Papa. Agad itong nag bihis at umalis na kami ng bahay. Si Merleah iyak nang iyak. Ako man ay kinabahan ng sobra sobra. Nang makarating kami sa ospital, agad kaming nag tanong sa reception.

“Ms. may naisugod po ba dito na pasyente Mazelen Delo Santos po.” Tanong ko sa receptionist

“Kaano ano po kayo ng pasyente” agad na sagot nito.

“Ako ang Papa ng pasyente, nasaan ang anak ko?” garalgal ang boses ni Papa.

“Nasa operating room pa po sir Tay, nasagasaan po kasi ang anak niyo po” Parang bomba na sumabog ang balitang iyon sa akin.