CHAPTER 15- FAMILY COMES FIRST

MALIYAH POV

After that surprise courting proposal from the two most suited bachelors in our campus, everything changed. That was two days ago. Jerome never showed up anymore, and now I was summoned by the President and owner of our school and happens to be Jerome’s father.

Bali-balita din ang agarang pag resign ni Clint hindi ko alam kong totoo. Hindi na ito nag pakita sa akin matapos kong takbuhan ang effort niyang ligawan ako. Parang may sumuntok sa puso ko. It was painful but, my family and dreams comes first. Kahit halos namatay ang puso ko sa ginawa ko. Ang daming nag taas ng kilay, nagbigay ng hindi magandang komento sa akin, na kesyo maarte ako, nag mamaganda, which maganda naman talaga ako. Marami din nagsabi na sayang, pero hindi sayang ang unahin ang pamilya at ang pangarap. Oo nasasaktan ako, pero hindi ko kayang mas masaktan ang pamilya ko. Hindi ko na napansin na nasa tapat ako ng opisina ng Presidente ng school namin sa lalim ng iniisip ko. Kumatok ako sa pinto, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kong bakit ako pinatawag, nagalit ba ito kasi nabasted ko ang anak niya? Susmiyo Corazon ang babaw naman ata yun.

“Come in”

Dinig kong boses galing sa loob. Nag binuksan ko ang pinto sinilip ko muna at napadako ang mga mata ko sa likod ng aming Presidente.

“Good–good morning Sir”.

Hindi agad ito humarap sa akin at lalo na akong kinabahan. Nanlalamig ang buong sistema ko, dala narin sa lakas ng buga ng aircon. Pero ang mga kamay ko namamawis na. Nasa likuran ko ito at wala akong ibang ginawa kundi ang pilipitin ko ang mga daliri ko para kahit papano nabawasan ang kaba ko.

“Sir–sir? May kailangan ho ba kayo sa akin?”

My voice was trembling because of my nervousness. Parang kinain ang buong pagkatao ko ng kaba at takot. Humarap ito sa akin, seryoso ang mukha nito at hindi ko mabasa kong ano ang gustong ipahiwatig nito sa akin.

“Have a seat Miss. Delos Santos” he commanded in serious and firm tone. Agad akong umupo.

“May–may problema ho ba pa sir?”

Utal utal kong tanong sa kanya ng hindi man lang ako makatingin sa mga mata niya na parang inuusig ako. Lalo tuloy akong kinabahan. Parang hihimatayin na ako. Gusto ko nalang bumuka ang lupa at lamunin ako.

“I heard that two our richest and most handsome bachelors were rejected by you?” nakataas ang kilay nito sa akin, at inaarok ang isasagot ko sa kanya. Umangat ako ng tingin, I know what he meant Jerome is his son, and Clint is the Professor here which is unethical to have suitor who is a professor in the university.

“Sir, first let me explain?” nangungusap ang mga mata ko sa kanya, asking him to listen on my side before making any assumptions.

“Please kaya nga kita pinatawag”

He said flatly. Hindi ko masalubong ang titig nito. Parang naduwag ako bigla at walang lumabas sa bibig ko. I cleared the lump on my throat . Kailangan kong tapangan at lakasan ng loob ko.

“Sir, first I want to apologize for what happened. It wasn't my intention to make a scene like that, I have no idea, that they are planning that stunts sir. I was surprised to be honest, I didn’t expect that to happen. About Jerome sir, I do apologize if I rejected him, honestly speaking I have no special feeling for him, I just treat him as a friend if he can call that, second our life status were far different, he is rich, as you said, and I couldn't agree more, and I am poor, I just avail the scholarship in your school sir. Ayoko po na mabahiran ang pangalan niyo o ni Jerome na nakuha ko lang yung scholarship ko dahil po nanliligaw siya sa akin. I respect him as a person and as the owner son. About Professor Clint, I think it is unethical for me or Sir Clint, to have a teacher, student courting relationship inside the campus. I am protecting my image, and his image as well . I don’t like to be judged by other students that I am using my charm to get the privileged. For the rejection sir, I need to do it, because my family have been through a lot, hindi naman po kaila sa inyo, na maaga pong nabuntis ang kapatid ko kasi dito po siya nag aral, at kaya ko pong isakripisyo ang kaligayahan ko para lang hindi po biguin ang Mama at Papa ko sa pangalawang pagkakataon, masyado na pong masakit ang nangyari sa pamilya namin ng dahil po sa maling desisyon ng Ate ko. Ayoko na po dagdagan pa ang sama ng loob at kabiguan ng mga magulang ko. Lastly sir, I am a candidate for cum laude, ayaw ko pong mabahiran ang reputasyon ko. Malapit na po ang graduation, at yun po ang priority ko, ang paparating ko po na review at board exam, hindi ko po pinag sisihan ang pang tanggi ko sa dalawang mayaman at gwapong lalaki dito sa campus po natin. Pero naninindigan po ako na yun ang nararapat, at tamang gawin sir.”

Gusto kong palakpakan ang sarili ko, dahil nasabi ko ng maliwanag at puno ng kumpiyansa ang dahilan ko sa nangyari noong nakaraang araw. I saw smile on his face, saka palang ako nakahinga ng maluwag. Pumalakpak pa ito na akala mo may award doon sa sinabi ko.

“Hindi ako nag kamali, na bigyan ka ng scholarship Maliyah, ako’y bilib sa iyong talino at prinsipyo.”

He said confidently. Natuwa pa ito na nasaktan ko ang anak niya. Pero hindi naman ako nag sisisi sa desisyon ko kahit gaano pa yun kasakit sa puso ko. Sana lang darating ang araw na magkita pa ulit kami ni Clint.

“Salamat po sir”, madamdaming saad ko sa kanya.

“Ikaw palang ang unang babaeng tumanggi sa anak ko Maliyah, at kahit boto pa ako sayo para sa anak ko, rerespetuhin ko ang desisyon mo. As per Sir Clint, hindi siya professor dito Maliyah, siya ang major shareholder ng school natin. Pero ang mas bilib ako sa ginawa na hindi ka tumingin sa estado ng buhay ng tao, kong sa iba yun they will grab the opportunity for fame, money, connection and power. But what you did, I admire you the most Iha, gusto kitang batiin na may natitira pa palang dalaga na kagaya mo na mas mahalaga ang pamilya, ang pangarap at reputasyon kesa materyal na bagay. At ang gusto lang sabihin sayo, I offer you a position to be part of our school administration in your college department of course after you graduate”

“Sir–sir? Seryoso po?” I was stammering because of unexpected news. It was freaking good news.

“My offer still stand, yun ay kung tatanggapin mo na maging parte ng eskwelahang ito”

“Opo–opo sir, it would be an honor po sir.”

Tuwang tuwa ako at nakipag kamay ako sa kanya. Gusto ko mag tatalon sa tuwa pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nag paalam ako sa kanya at nailing pa ito dahil sa reaksiyon ko.

Paglabas ko ng opisina niya kita kung paparating sina Terry at Alexander, agad kong sineryoso ang mukha ko na tila naiiyak. Agad naman naawa ang dalawa sa akin, gusto kong nang humagalpak ng tawa dahil sa reaksiyon ng dalawa. Akala mo namatayan o pinag sakluban ng langit ang mga mukha. And it was my fault for the excellent drama award.

“Maliyah anong nangyari? Bakit ka pinatawag ni Pres? Nagalit ba sa nangyari noong nakaraan?

Walang preno ang bibig ni Alexander sa pag tatanong, hinila ko sila papuntang oval kong saan madalas kaming tumambay. Pagdating namin doon hinarap ko silang dalawa, at hinawakan ko ang mga kamay nila na nanlalamig na dahil sa kalokohan ko. Lalo na si Alexander. May tikim akong batok dito mamaya.

“Ter, Lex, ah–um ano kasi” binitin ko ang sasabihin ko, I saw worried and nervousness on their eyes.

“Maliyah ano ba, pinapatay mo kami sa suspense, ano ba kasi ang sinabi ng Tatay ni Jerome sayo”. Pasinghal nito sa akin. I can't contain it anymore,

“Mga beshies may trabaho na ako!” nanlaki ang mga mata nilang dalawa.

“Bruha ka talaga Maliyah! Akala ko napagalitan kana kasi para kang pinag sakluban ng langit at lupa paglabas mo sa opisina ni Presidente!”

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko. Gusto na akong lamunin ng buhay dahil sa inaakto niya.

“Besh what do you mean? Hindi ka napagalitan, sigurado ko ba? Prank ba to, baka masakal kita talaga Maliyah”

Gigil na gigil na ang dalawa. I can't contain the happiness inside of me. Then my decision was right. Nasaktan man ako kahit paano meron naman magandang nangyari. Tama ang desisyon kong iyon na unahin ang pamilya at pangarap ko.

“Oo nga, kinausap ako ni Presidente para alukin ng trabaho, akala ko nga pagagalitan ako dahil sa nangyari, pero hindi ganun. He offered me a job after graduation at pwede daw akong mag trabaho dito sa school habang nag rereview.”

Tuwang tuwa ang dalawa para sa akin, akala ko it was the end of me, akala ko dahil sa nangyari tanggalin ako sa scholarship at paalisin ako sa school. Taliwasan iyon sa inaasahan ko. I was beyond grateful. I know that you can’t get what you wish for all at the same time but this is more than enough for now.

Pauwi na kami, the plan was to surprise Ate Maze on her birthday, kakutsaba namin, si Aling Doray na inutusan si Ate Maze sa bayan para mamili. Kasama namin si Terrence kasi siya lang ang may sasakyan na kasya kami. Nang makita ko si Papa, kasama si Merleah, masaya na malungkot. Malungkot kasi hindi kami kumpleto sa araw ng birthday ni Ate. Dapat sana sa bahay namin ipagdiwang ang kaarawan niya at buo kami pero hindi yun nangyari, but still I should be thankful sa suporta ng mga kaibigan ko.

Nasa gilid ang sasakyan ni Terrence, nasa loob ng sasakyan si Merleah at si Tatay, naka sandal sa hood ng sasakyan niya si Terrence. Nang makalapit na kami todo ang ngiti nito sa akin.

“Hello Maliyah” Terrence greeted me with his colgate smile, gwapo naman ito, pero bakit wala man lang akong special na nararamdaman sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, at inalalayan, ng maisara niya yun napalingon ako sa kanang bahagi ng school namin. Agad kumabog ang puso, kitang kita ko ang kakaibang lungkot ni Clint na mababanaag ko sa mukha niya at mga mata niya. Hindi ito pumapalya na tanawin ako pag umuwi na ako. Iniwas ko agad ang tingin ko deretso sa unahan ng sasakyan. Parang piniga ang puso ko. I made a choice, and these are the consequences.