CHAPTER- 14- REJECTION

MALIYAH POV

Umuwi kami ni Papa, na parang talunan, ngunit nag papasalamat ako dahil, naging okay si Ate na dalawin ko sila doon sa tuwing wala akong pasok. Nang makauwi na kami ng bahay si Papa deretso lang sa kwarto nila Mama. Si Papa ang tipong bihira mag taas ng boses. He was always calm and diplomatic.

This three consecutive nights that our home was quiet. Para kaming namatay. Nawala nasa pamilya namin yung masaya, nagtatawanan, at nag ba-bonding as family, kahit mahirap ang buhay.

Lumipas ang mga araw na walang pinag bago, si Mama. Mas Lumala pa ata. Tahimik pero madalas naririnig ko ang pag iyak niya sa gabi. Si Papa naman madalas sa labas ng bahay umiinom ng isang bote ng alak, na hindi niya dating ginagawa.

Sa susunod na araw birthday ni Ate Maze, isang buwan nalang finals na namin , at dalawang linggo after namin mag finals graduation na. Konting tiis nalang self maaayos din ang lahat. Wala nang sigawan sa bahay namin pero mas nakakalungkot yun, ang laki ng pader na itinayo ni Mama sa amin. Kahit anong tangka kong lapitan at kausapin siya ito na mismo ang umiiwas sa akin. Humupyak din ang mukha ni Mama, namayat ito. Singkwenta lang si Mama, pero dahil sa napabayaan na niya ang sarili niya parang tumanda ito.

Si Papa na rin nagbibigay nang allowance ko. Si Mama dinadaanan lang kami, walang imik. Hindi na namin kasabay pagkain, pumupunta sa palengke para mag tinda , uuwi sa hapon mag kukulong sa kwarto. Si Papa nasa puno ng mangga, kada hapon, dati kong kami na ang hawak nito, isang kuatro kantos na Gin ngayon.. Pero siya parin ang jolly kong Papa, hindi na siguro mababago yun. Nagbago man ang buhay namin, pero never kong susukuan ang pamilya ko, babalik din kami sa dati. Pangako yan.

Hindi ko na naabutan si Papa, maaga naman yun umaalis papunta sa bukid, ang dalawang ektaryang namana ni Papa sa mga Lolo ang sinasaka ni Papa, na siya naman itinitinda ni Mama sa palengke.

Pumasok na ako sa gate nina Alexander, gaya ng nakagawian, umupo ako sa upuang bakal nila, tumatagos ang sikat ng araw sa pwesto, na ipikit ko ang mga mata ko. This is my favorite spot in this place parang napaka perfect lang kasi, may mga puno, magagandang orchids at iba't ibang halaman. Parang sarap gawin sanctuary.

Naalala ko noong mga bata pa kami palagi kaming napapagalitan ng Mama ni Alex kasi nadadali namin ang mga bagong tanim niyang halaman. Ang tagal narin pala noon. It was like fifteen years ago.

Ano kaya maganda i-regalo sa Ate, hindi ko pa napag isipan, at hihingi nalang ako ng mga suhestiyon ng dalawa mamaya. Nakita kong papalabas si Alexander sa bahay nila, at mukhang masaya ang talandi, ang sarap asarin. May pakembot kembot pa itong nalalaman na akala mo rarampa sa run away ng mga Victoria secret model.

“Hello bakla, ang saya mo ata ngayon anong meron”

Agad nabura ang ngiti niya at pinaningkitan ako ng mata. Natatawa ako sa reaksiyon, yun naman ang pinakaayaw niya, girl; daw siya by heart.

“Maliyah, inumpisahan mo naman ako agang aga, sira na ang araw ko sayo” pag mamaktol nito sa akin na akala mo inagawan pagkain.

“What” painosente kong tanong sa kanya.

“H’wag mo akong ma what–what Maliyah kundi masasabunutan kita bruha ka”

Agad akong dumistansya sa kanya, baka tutuhanin niya ang banta niya minsan may saltik din kasi itong si Alexander minsan eh. Nag mamaktol pa ito

Nauna na akong lumabas at nag lakad na kasunod ko naman siya na bumubulong bulong pa na akala mo bubuyog. Hindi ko na ito pinansin pero bago ako tuluyang tumigil, sa pang aasar ko sa kanya, nilingon ko siya, and I stick my tongue and laugh at him and run as fast as I could.

“Maliyah!”

Buong gigil niya na tawag sa pangalan ko pero diretso lang ako sa pagtakbo hanggang makarating ako sa tapat ni na Terry na hingal na hingal ako. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa mga tuhod ko dahil bigla ako napagod sa pagtakbo. Sa sa ganun akong tayo ako, ng may tumigil sa harapan ko. Nang inangat ko ang mga mata ko sumalubong sa akin ang nakataas na kilay, na babaeng makakapit kay Terrence na parang linta noong nakaraan. Tinaasan niya pa talaga ako ng kilay.

“So pathetic” dinig kong komento niya sa akin.

“So leeches” wala loob kong sagot sa kanya.

“You bitch” akma niya akong sasampalin sana ngunit walang dumapo sa mukha ko.

“Not on my watch bitch”

It was Terry, her face was fuming mad and her eyes were deadly. Hawak hawak nito ang pulsuhan nito at pabalyang binaba iyon. Agad namang nag drama ang linta na ito nang makita si Terrence

“Rence inaway nila akong dalawa, pinagtulungan nila ako”

Pagdadrama ng lintang ito. I saw Terry rolled her eyes. At bumulong pa, ng FAMAS award.

Hinila na kami ni Terry ng hindi nilingon ang kapatid niya. Nang makarating kami sa paradahan ng tricycle, hindi parin naka move on si Terry nag mamaktol parin ito.

“Ang malanding yun sasaktan kapa” gigil na sabi nito sa amin.

“Nainis lang yun dahil sinagot ko siyang linta” sinabayan ko nang tawa, para tumawarin ito, pero mukhang hindi ata umubra.

“Sagutin mo na kasi si Kuya T, Maliyah”

Hirit pa nito na nagpapatawa. Nanlaki ang mga mata ko. Oh boy here we go again. Una hindi naman nanliligaw ang kapatid niya , pangalawa hindi ko ito gusto, at pag tinging kapatid lang din ang turing ko sa kay Terrence. Kinurot ko ang tagiliran pero hindi naman ganun ka sakit pero kung maka react akala mo aping api.

“Maliyah ouch”

Napaka grabe naman ng reaksyon nito sa akin. Akala mo totoon nasaktan talaga. Ginaya ako ang reaksiyon na. “Maliyah ouch”

Umandar na ang tricycle, at buti nalang tumahimik na ito. Nang makarating na kami sa tapat ng eskwelahan namin, agad kaming pinag titinginan ng mga ibang estudyante. Lumingon ako kay Terry, nagtataka ako sa kong anong ganap na naman ngayon. Mukhang headline na naman ako ng wala sa oras.

Nag kibit lang din ito ng balikat, at hinila nila ako Alexander, pag daan namin sa hallway na building nina Jerome, may nakasabog na rose petals, at maraming balloon sa bawat gilid na kulay pink, and my name was written on it. Oh boy pakana na naman ito ng Jerome na yun, alin kaya ang mahirap unawain sa , sinabi ko, na hindi ko siya gusto.

Walang estudyante ang hindi lumingon sa dinaraanan namin, iba may naka taas ng kilay, ang iba, malandi ang sabi, ang iba naman nag sasabi na swerte ako. Nang nasa tapat na kami ng room nina Jerome, naka tayo ito at may hawak na iba't ibang kulay ng tulips na bouquet , the surrounding were full of different shapes of balloon at meron din itong isang tangkay na rosas sa gitna. Hindi biro ang pag aayos nito. At doon ako nang hihinayang.

“Maliyah, this is for you” hindi ko ito tinanggap, hindi ko rin siya ipinahiya at tinayaran.

I look at him na puno ng awa, I couldn’t force myself to like him, nor any other guys. Pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Clint. Pinilig ko ang ulo ko. Kinurot ko ang braso ko para magising sa katotohanan na hindi ito ang time para bumigay sa kagustuhan ng puso ko, na kahit hanggang ngayon hindi ko parin naman mapangalanan.

“Jerome, I am sorry, but I like someone else and it is not you, I think you deserve someone far, or way better than me.”

Nilampasan ko siya at lahat naawa kay Jerome. Kita ko sa kanya ang lungkot at kabiguan. walang, may nag biro, walang may panunukso sa kanya, diretso lang ako sa building namin. Kasunod ko parin sina Terry at Alexander, wala akong narinig na komento galing sa kanila. Hindi ako lumingon, dahil naaawa ako. But what should I do, hindi ko pwedeng pilitin ang puso ko. At ayoko siyang bigyan ng hope, dahil wala naman talaga.

Nang makarating sa room namin nakaawang ang pinto nang kunti, agad kong hinawakan ang door knob at niluwagan ko ang bukas ng pintuan, ngunit nanlaki ang mga mata ko, tumambad sa akin, ang harapan ang heart shapes rose petal on the floor, na meron nakapalibot na scented candle. Sa bintana may kurtina na pinalamutian ng mga balloons at mga bulaklak, at nakasulat doon ang balloon letters, MAYAH PWEDE BA AKONG MANLIGAW?

The person behind this was holding a white roses bouquet smiling from ear to ear. My world stopped, my heart was in war inside of me. Hindi na ako makapag isip ng matino. What happened a while ago with Jerome is already overwhelming but now, it was beyond, no words, my emotions are confused.

Clint's face was the epitome of perfection. How could I say yes, if everything as of the moment was in chaos, my family, studies, upcoming graduation, and board exam. I really wanted to say yes, I really do. I wanted to run towards him, but on the contrary, I didn’t move a bit. My tears fell on my face.

“Mayah”

I heard him calling my name, and walking towards me, but I raised my hand signaling him not to come closer. My heart was delighted because of the attention he’s giving me. But something inside me was holding back, it was my family and my dreams. I really wanted to yes, I really do but I can’t not now.

“Clint–clint, I– I’m sorry” Tumalikod na ako, at tumakbo papalayo. It was painful, gusto ng puso ko gustong gusto ko, pero hindi ko kayang biguin ang pamilya ko. Hayaan kong masaktan ako ngayon, pero hindi ko kayang sirain ang tiwala ng nina Mama at Papa sa akin. I wasn't impulsive girl. Inilatag sa harapan ko ang kaligayahan ng puso ko, pero ang kapalit noon ang kabiguan ng pamilya ko. Any girl would say yes, but I wasn't any girl.

“Mayah”

Clint called me but I never looked back, I saw Jerome looking at me sadly, but he never got any closer. All of the student’s eyes were on me, some had a questioning look, some were wondering, others were raising their eyebrows telling me na nagmamaganda ako.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa oval, tumigil ako, sa puno ng manngga kong saan kami madalas tumambay, naghalo na ang pawis at mga luha ko. Iyak pa rin ako ng iyak, sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Nasasaktan ako dahil kahit may gusto ako kay Clint mas pinili ko ang pamilya ko at mga pangarap ko. Hindi ko kayang saktan at biguin ang mga magulang ko. Sa dami ng pinag daanan ng pamilya namin, hindi ito ang tamang panahon para, unahin ko ang sarili ko. Ayoko kong maging selfish., kahit halos tinarakan ang puso ko.

“Maliyah”

It was Alexander, behind him was Terry. Hindi ko alam na sinundan nila ako. His face was sad. Alam ko nasasaktan ito para sa akin. He hugged me so tight giving me support. Lumapit din si Terry para mag yakap kaming tatlo.

“I wanted to say YES, but I can't Lex, I can't not” napaiyak narin sila sa akin.

“Ang haba naman ng hair mo bruha ka, dalawang machete pa ang gustong sumungkit diyan sa pihikang puso mo, alam kong binuhay ni Sir Clint ang natutulog mong puso Maliyah, pero tama lang ang naging desisyon mo, hindi mo pinairal ang bugso ng damdamin mo, inuuna mo ang pamilya at pangarap mo. Bata ka parin naman Maliyah, marami kapang makilala, unahin mo muna ang makatapos at ang pangarap mo, h’wag mo na biguin ang Mama mo ulit, prove her wrong Maliyah. Abutin mo muna ang mga pangarap mo, kong kayo talaga destiny will find a way. Kong gusto ka talaga ni Prof mag hihintay siya sayo…”