CHAPTER 13-FAMILY MAKING MEMORIES

MALIYAH POV

My Papa was true to his words, as we were approaching the main exit gate, I saw my Papa standing and leaning on the corner side of the post. He was smiling as he focused his eyes on me. This is a genuine smile from my Papa, a smile I missed for the last couple of days.

“Papa!”

I called him and he opened his arms for me and I was running toward his directions. My face was lightened, a warm feeling filled my heart with so much positive outcome later.

“Maliyah”

Kasunod ko na sina, Alexander at Terry, dumako ang mga mata ni Papa sa kanila, at masayang nagsalita.

“Hanggang ngayon kayo pa rin magkakasama, natutuwa ako dahil hindi iba ang turing niyo kay Maliyah”

Sabi ni Papa, it was sounded grateful statement. I know how he did. Mula kindergarten kami, elementary, high school at hanggang mag college ay kami parin mag kakasama, hindi ko alam kong ilang beses na akong nag pasalamat sa Diyos to have a friend like them. They are my priceless blessings.

“Ter, Lex puntahan namin si Ate Maze, mauna na kayong umuwi ha?”

Nasabi ko na rin naman ito sa kanila kanina but still, kaya ako sinundo ni Papa dahil yun talaga ang plano namin.

“Sige Maliyah, Tito Anton mauna na po kami. Ingat po kayo”

Alexander said kindly to my Papa and to me. Lahat kami lumaki talaga na may paggalang sa matatanda at, iba ang ugali ng mga tao sa probinsya. They are more respectful. Inakay na ako ni Papa sa paradahan ng tricycle. I turned around and called out Terry and Alexander.

“Mag-ingat kayong dalawa”

Magkatabi kami ni Papa sa loob ng tricycle, nang tumingin ako sa labas, tanaw ko si Clint sa hindi kalayuan, he was watching me intently. Kapag pauwi na ako, he was just there standing from a far. Ganito ito lagi kapag pauwi ako, he was around watching me in a distance. Agad kong iniwas ang mga mata ko. Pero ang kabog na naman nang puso para itong dinadrum sa sobrang bilis. Napabuntong hininga nalang ako. Which is a wrong move.

“May problema ba Maliyah?” My Papa asked worriedly, umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya.

“Wa–wala po Papa, soya lang po ako” pagbibiro ko sa kanya, para lang maitago ko ang nararamdaman ko.

Kumunot ang noo ni Papa nag tataka siguro sa joke na hindi niya maintindihan. Hindi ko na mapigilan tumawa dahil lukot na ang mukha ni Papa.

“Papa, kalma, sabi ko soya, AYOS lang po ako”

Natawawa kong sagot sa kanya, napailing nalang ito at natawa narin sa walang sense ko na joke na ako lang ang nag pauso.

“Dami mong alam Maliyah”

Nailing pa si Papa sa akin. Sa sobrang nakakatuwa ang hitsura ni Papa kanina muntik na kaming lumpas sa bahay ni Aling Doray.

“Kuya! Kuya para po”

Pasigaw kong sabi sa driver, napakamot na ako ng ulo dahil sa kapilyahan ko. Pagkaba namin nag bayad na si Papa, pumunta ako sa de kawayang gate nina aling Doray

“Aling Doray! Aling Doray!

Medyo malakas ang pag tawag ko, maya maya pa lumabas si Aling Doray pero kasunod nito sa likuran niya si Ate Maze, karga-karga si Tonton. May pag alala sa mga mukha niya agad din naman nawala at pilit na ngumiti sa amin ni Papa.

Binuksan niya nag gate na gawa sa kawayan, pinapasok kami, nakatingin lang ako sa walang emosyong mukha ni ate Maze na naka sunod sa bawat galaw namin ni Papa.

“Aling Doray, si Papa po”

Magalang kong pakilala kay Papa, kay Aling Doray pero ngumiti lang ito sa akin. Pag pasok namin sa bahay, pinaupo kami ni Aling Doray sa sala, dumeretso ito sa kusina. Maya maya bumalik ito na may dalang banana cue at palamig na may gulaman.

Nang mailapag niya ang merienda para sa amin, kinuha niya si Tonton kay Ate Maze, at lumabas ng bahay, masarap ang simoy ng hangin sa labas kasi may mga puno ng rambutan, santol sina Aling Doray.

Tahimik kaming tatlo , walang may nag lakas ng loob na basagin ang katahimikan naming iyon. Pero siguro hindi na nakatiis si Papa. I heard him clear his voice, umangat ako ng tingin pero si Ate Maze nakayuko lang.

“Maze, anak, pagpasensyahan mo na si Papa kung ngayon lang kita napuntahan, hindi ko alam saan ka hahanapin, kong hindi kapa hinanap ng kapatid mo wala akong alam kong saan ka napadpad kayo ng apo ko, humihingi nang sorry si Papa, dahil hindi kita na depensahan sa Mama mo, pero alam kong mahal na mahal ka niya.”

Doon na, humagulgol si Ate, lumapit ako sa kanya at niyakap siya, hindi man niya ako tinulak pero hindi rin niya ako niyakap, sapat na sa akin yun para iparamdam sa kanya na andito lang lagi ako sa tabi niya kahit pag tulukan niya pa ako, babalik at babalik ako para sa kanila ni Tonton. Dahil magkapatid kami. Iisa ang pinanggalingan namin.

Hindi umimik si Ate kahit ako hindi ako makapag salita, gusto ko man pagaanin ang paligid hindi ko magawa, na wala na yung jolly na si Maliyah, na wala na yun Maliyah pala biro at mahilig sa mga banatan na jokes na walang sense, parang one snap everything for who I am was gone. Parang binago ako ng isang pangyayari, simula noong umalis si Ate Maze sa bahay.

Nagsimulang kong kwestiyunin ang sarili ko, ang pagmamahal ni Mama sa akin, sa ate Maze ko.

“Papa, patawarin niyo po ako, kung umalis ako, kami ni Tonton hindi ko na kasi po kaya Papa, okay lang po sana Papa kong pagalitan, sigawan, at ipamukha po ni Mama sa akin ang pagkakamali ko, tanggap ko naman yun Papa. Kasi ako naman po nag kamali, ako po ang may kasalanan pero Pa, hindi ko, kayang panoorin ang trato ni Mama sa anak ko. Alam ko po hindi niya sinasadya ang nangyari pero po kailangan ko rin pong protektahan ang anak ko Pa.”

Nanlaki ang mga ni Papa, napalipat agad ako ng upuan akmang tatayo ito, pero pinigilan ko nalang si Papa, ayaw ko na madala ito sa bugso ng damdamin niya.

“Ano ang ibig mong sabihin Ate, na sinasaktan ni Mama si Tonton?”

Pag lilinaw ko sa kanya, dahil baka namali lang ako ng pagdinig sa mga sinasabi niya. Tumingin ito sa akin, andoon ang inggit at selos, pero agad din itong nawala at hindi sinagot ang tanong ko.

“Mazelen, a–ano ang ibig mong sabihin anak”

Papa’s voice was trembling, his eyes became red, napadako ang mga mata ko sa kamao ni Papa, nakakuom ito na akala mo may, susuntukin dahil naglabasan ang mga ugat niyon. Wala na yung palabirong Papa ko, yung Papa ko na masayahin at walang problema sa buhay kahit sapat lang ang kinikita namin. Pero masaya at kuntento na kami

“Aksidente po yun Pa, natabig ni Mama si Tonton, tumama po ang likod ng ulo ni Tonton sa poste ng kama”

Lumabas agad si Papa at pinuntahan si Aling Doray, na hawak si Tonton nag lalaro ang mga ito .

“Doray, pwede bang patingin ang sugat ng apo ko?”

May diin sa bawat salita ni Papa, lumapit si Aling Doray, at hinawi ang buhok ni Tonton, napatakip ako sa bibig ko dahil kita ko ang bakas ng namuong dugo doon. Parang piniga ang puso ko. Ganun na ba katindi ang galit ni Mama?

Nang makita ni Papa, ang likod ng ulo nit Tonton, nakita ko ang pag agos ng luha niya, habang yakap yakap si Tonton. On that moment, I was thinking that my family is broken. Mama will not change anymore. Hindi dapat dinamay ni Mama si Tonton na walang muwang at napaka inosenteng bata.

“Umuwi na tayo Mazelen, isasama ko kayo pauwi.”

May diin sa mga katagang binitawan ni Papa, pero si Ate umiling iling ito. Alam kong ayaw niyang umuwi dahil gusto niyang protektahan si Tonton kay Mama.

Papa, natatakot ako hindi para sa akin kundi para sa anak ko Pa, para sa apo nyo. Hindi ko mapapatawad si Mama kong mag dilim ulit ang paningin niya sa akin, at madamay si Tonton. Pa, kakayanin ko ang mura, sampal, tadyak, paghampas ng kong ano ano ni Mama kahit saang bahagi ng katawan ko pero huwag lang ang anak ko Pa, H’wag lang si Tonton.”

At that moment, all of us went quiet, we kept our mouths shut, no one dared to talk and break the silence. My heart is pounding erratically, I was in total pain and sad all at once. How could my Mama have a heart to hurt an innocent and sweet boy.

Hindi naging madali sa amin ang lahat, our family now is not the same like what it was before the incident and it is breaking my heart. I felt guilty, wala akong nagawa para ayusin ang pamilya namin , hindi man magkahiwalay ang mga magulang ko pero hindi na buo ang pamilya namin, yun ang pinakamasakit. Hindi na pinilit ni Papa si Ate umuwi sa main.

“Ate pwede ba kitang makausap?” I pleaded to talk to her, tumango siya. Nung kaming dalawa nalang wala naman akong masabi pero nilakasan ko ang loob ko. I felt uneasy the way she looked at me.

“Ate, I am sorry kong may nagawa ma–“ she raised her hand to stop me from talking,

“Hindi ako galit sayo Maliyah, nainggit ako dahil mahal na mahal ka ni Mama, ikaw ang magaling, matalino, mabait, ulirang anak. Eh ako, wala disgrasyadang ina, hindi nakatapos at binigo ko sina Mama at Papa kasalanan ko yun Maliyah at hindi ko yun sinisisi sayo. Nag papasalamat ako sa kabila ng trato ko sayo, hindi mo parin ako iniwan, pinaramdam mo parin sa akin na pamilya tayo, ako ang dapat mag sorry sayo, dahil sayo nasaktan ka dahil sa akin, dahil sa akin nag iba ang trato ni Mama sayo, marami akong atraso sayo Maliyah. Patawarin mo si Ate ha?”

Sa mga oras na ito, nabawasan ang bigat ng dinadala ko. I know things will get better eventually. I love my sister, nagbago man ang lahat sa kanya kapatid ko parin siya, at sisiguraduhin ko na kasama siya sa mga pangarap ko.

“Ate mahal na mahal kita, sana huwag mo akong pag tulukan papalayo sa inyo ni Tonton, pero kahit gawin mo yun hindi parin ako lalayo sa inyo, kahit ilang beses mo akong pagtabuyan Ate, kahit magalit ka pa sa akin.”

Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya. She rub my back and I felt, I was soaking wet because of her tears too. After sometime kumalas siya sa akin, she cupped my face and look at me in the eyes.

“Thank you Maliyah, for defending me, for supporting me at kahit ipon mo binigay mo sa akin. I am grateful to be your sister.”