CHAPTER EIGHT

Selena's POV

Pumasok kami sa isang kwarto sa dorm, dahan-dahan niya akong inilapag sa isang malaking kama.

"Ito na ba ang magiging kwarto ko?" I asked.

"It's mine, and this room will be yours soon" he said.

"Bakit mo ako dito dinala? Diba sabi ni HM may room na ako dito sa dorm house natin?" he just smiled at me and caressed my hair before he leaned his face and kissed my forehead.

"Dahil gusto kitang alagaan kaya dito kita dinala, I told you, I'll take care of you. Now rest milady lalabas muna ako babalikan kita mamaya" huling sabi niya sa akin bago lumabas sa kwarto niya.

I have this feeling na matagal ko na siyang kilala o baka nagfefeeling lang ako. Haist. Napapansin ko unti-unti nakong nagbabago. Unti unti ng lumabas mga emosyon ko dahil siguro andito na ako sa tunay kong mundo.

Habang nag iisip ako ng mga bagay-bagay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Hades POV

Ngayong andito na siya hindi ko na siya pakakawalan pa. Siya ang dahilan kung bakit patago akong pumupunta sa Mortal Realm.

She was just 14 years old when I first saw her. Nasa park siya noon nakaupo sa bench walang emosyon na nakatanaw sa mga batang naglalaro para bang ang lalim ng iniisip niya.

Gusto ko man siyang lapitan noon pero pinigilan ko ang aking sarili dahil akala ko sa panahon

na yon hindi kami pwede, normal lang at siya Azaleusian ako kaya nakontento na ako sa pagsunod at pagtanaw sa kanya sa malayo sa apat na taon.

Sa apat na taon na yon alam ko ang lahat sa kanya kung ano ang trabaho niya kung anong pamilya ang meron siya. Pero kahit alam kong ganoon siya hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko sa kanya.

Iyong mga taong inuutos ng ama niya sa kanya na patayin, hindi niya pinapatay pinapatakas niya at yung pera na binibigay nya sa ama niya, hindi yun galing sa mga taong pinatay niya kundi sa kanya mismo. Mabuti siyang tao. Kahit pinalaki siyang ganoon, hindi niya pa rin magawang pumatay para lang sa pera. Kaya mas lalo ko siyang minahal.

Wala ka mang makikitang emosyon sa kanya, napakabuti naman ng kalooban niya. Selena, she's my everything. I love her. I really do. And I'll make sure magiging masaya siya rito, sa tunay niyang mundo at sa piling ko.

I promise that no matter what happen I'll protect her, 'till my breath away. Specially to my evil father.

— s4ucevenomous