CHAPTER NINE

Athena's POV

Andito kami ngayon sa kusina, tapos na kasing mag luto si Gaia para sa lunch namin. At ito na naman ang dalawa, nagsisimula na naman magbangayan, wala atang araw na hindi nag aaway to haays. Hindi na ako magtataka kung itong dalawa nato ang magkatuluyan.

Mula noong mga bata pa kami ganyan na sila, si Gaia at Poseidon na laging nag aasaran. Si Zeus na tumatayong Kuya sa amin, si Hera na fashionista, ang bampirang si Vlasis na palamura, si Penelope na napaka sweet at tumatayong ate samin, ako na tahimik lang at si Hades na napaka cold at napaka masungit na Leader sa grupo namin, ang Royal Elites. At ngayon mukhang madadagdagan na kami si Selena na may mala diyosang ganda at napaka misteryosa.

"Hoy! Sabi ko sayo hintayin muna natin sila!" Si Gaia sabay pingot sa tenga ni Poseidon

"A-aray! Aray Gaia masakit! t-tama n-na.. ang s-sakit!"

"Ayan napapala mo! Matuto kang maghintay!"

Bigla namang pumagitna si Penelope at inawat ang dalawa. Habang ang tatlo naman na si Hera, Zeus at Vlasis tumatawa lang nakatingin sa dalawa.

"Tama na yan, boys ihanda niyo na lang yung mga baso at pinggan..... " tumingin naman sakin si Pen

".. and Athena, Hera tulungan na natin si Gaia sa pagdala ng mga pagkain sa table baka bumaba na ang dalawa".

Agad naman kaming kumilos at dinala ang mga pagkain sa mesa. Ng ma ready na ang lahat tatayo na sana si Hera upang tawagin sila Hades ng pumasok ito sa kusina na mag isa.

"Oh? Kuya si Selena asan, kakain na ng lunch" Hera.

"Nagpapahinga" maikli nitong sagot.

"Hindi ba siya kakain ng lunch? dre? andami pa namang niluto ni Gaia" Zeus.

"Gago problema ba iyon? Edi hahatiran ko na—" hindi na natuloy ang sinabi ni Vlasis ng biglang nagsalita si Hades.

"Walang sino man ang magdadala sa kanya ng pagkain kundi ako lang. Ako lang" malamig nitong sabi saka tiningnan si Vlasis ng matalim at tsaka kami tiningnan ng seryoso isa-isa.

"Nagkaintindihan ba tayo rito?" malamig pa rin nitong sabi.

"o-oo... n-naman..."

"of course kuya ha-ha.."

"y-yes.."

"s-sure dre..."

Kanya-kanya naming sagot. Jusme bigla akong kinilabutan sa tinig ni Hades. Anak ng! Hindi ko alam na ganito kalala ang tama niya kay Selena. Tama nga si Penelope.

"Vlasis. Nagkaintindihan ba tayo?" jusme ayan mukhang nagseselos kay Vlasis ang demonyo.

"hehe e-ehemm.. chill hehe o-oo n-naman dre gets na g-gets k-ko.. hehe." utal na sagot ni Vlasis.

Nakatingin lang kami kay Hades ng uminom ito ng tubig saka muling tumingin sa amin ng seryoso. Nakakatakot siya.

"Walang sino man ang papasok sa kwarto ko. Walang sino man ang maghahatid ng pagkain kay Selena sa kwarto ko, namin. Ako lang ang pwede. Ako lang. Dahil akin lang si Selena." malamig at mahaba nitong sabi saka ito tumayo at lumabas sa kusina.

Doon nalang kami nakahinga ng maluwag ng umalis ito. Kanina pa pala namin pinipigilan ang paghinga.

God! Napaka possessive niya! Oh my God! hulog na hulog na nga siya kay Selena. Goodluck na lang sa ibang lalaki na makakasalamuha ni Selena pag pumasok na siya. Jusme Hades nakakatakot ka.

— s4ucevenomous