Chapter 9: CHAPTER SEVEN
Penelope's POV
Bigla akong nagising ng may narinig akong tili sa kusina alam kong si Gaia iyon baka nagaasaran na naman sila ni Vlasis. Inayos ko muna ang aking sarili at lumabas.
Nakita ko si Athena na kalalabas lang din ng kanyang kwarto.
"Hey, Athena"
"Hey"
Sabay kaming napatingin ni Athena ng bumukas ang katapat kong pinto. Lumabas roon si Hera na nakabusangot.
"Ang ingay ni Gaia nasira ang maganda kong tulog" nakanguso nitong sabi.
"Tara na baka tapos ng magluto si Gaia" sabay kaming tatlo bumaba at nakita namin ang tatlong lalaki na sina Vlasis, Poseidon at Zeus na nanonood ng Mr. Bean pareho talagang isip bata.
Pumunta na laman kami sa sala at umupo sa carpet
"Si Hades? andoon pa rin ba sa clinic?" panimulang tanong ni Hera bago batukan si Vlasis.
"Piste naman Hera kailangan ba talagang mambatok pag natatanong?!" reklamo ni Vlasis
"Parang napapansin ko na iyang si Hades ah asikasong asikaso kay Selena hmmm" Zeus
"Yeah doon pa nga natutulog noong hindi pa nagigising si Selena" Poseidon
"Oo nga no" Athena
"Psh andito na kaya si Hades, karga pa nga niya si Selena eh at sa kwarto ni Hades dinala niya si Selena" bigla naman kaming napatingin kay Vlasis ng sabihin niya iyon.
Sabay naman naming hinampas si Vlasis. Bakit hindi niya sinabi agad talagang lalaking to oh.
"Tangina naman bakit kayo biglang nang hahampas bwisit" Vlasis
"Ikaw ang bwisit bakit hindi mo sinabi kaagad na andito na pala sila" Hera
"Nagtanong ba kayo?" pilosopong sagot ni Vlasis
Agad naman siyang binatukan ng dalawang lalaki.
"Kahit kailan ka talaga Vlasis" naiiling na sabi ni Zeus.
"Gago jan na nga kayo bubogbugin niyo ata ako eh piste" tumayo naman ito at pumasok sa kusina.
Natahimik naman kami ng umalis si Vlasis.
Dinala ni Hades sa kwarto niya si Selena? Wow! Hindi kase kailanman nagpapasok si Hades sa kwarto niya kahit itong kakambal niyang si Hera hindi pa nakakapasok doon.
Mukhang ang lakas ng tama niya kay Selena ah. Well maganda naman si Selena, inosente at ahm mukha nga lang nakakatakot hehe. Sa wakas mukha ngang malapit ng magka love life si Leader.
"Naiingit tuloy ako kay Selena buti pa sya nakapasok na sa kwarto ni Kuya...." Hera pouted
"... kung puntahan kaya natin sila ano sa tingin nyo?"
"Bakit kaya sa kwarto niya dinala si Selena eh diba tapos na ang pinagawang kwarto ni HM para kay Selena dito?" Athena
"Hmm... well isa lang ibig sabihin niyan... pabitin na sabi ko
"Ano?" sabay nilang sagot.
"Natamaan na ang ating pinakamamahal na leader kay Selena!" malaking ngisi kong sabi.
Totoo naman sinabi ko ah. Hindi kaya gawain yon ni Hades. Hindi naman kasi mahirap magustuhan si Selena kami nga kahit tulog siya ng isang buwan napalapit na kami sa kanya eh si Hades pa kaya na gabi-gabing natutulog sa clinic para lang mabantayan si Selena.
We all know Selena is a special one.... and we will protect her no matter what.
— s4ucevenomous