Epilogue
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak.
"Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito.
Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister.
"Oo naman. Ayos na ayos lang ako."
"Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin.
Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae.
"Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister."
"Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother."
"Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Damielle Astin.
"Well, you're right. Pero hindi masamang gumawa din tayo ng baby brother para sa kanya."
Pinaningkitan naman siya si Raya Fae.
"Hindi pa nga ako nakakapanganak, paggawa ng baby na naman ang iniisip mo?"
Muli namang yumakap si Damielle Astin sa kanya.
"Malay mo lang, baka makalusot at mapapayag kita."
"Siraulo!"
Muli na lamang napatitig si Raya Fae sa lapida na nasa kanyang harapan.
"Our little Villacorda." Iyan ang nakaimprentang sa kulay itim na lapida. Bagama't hindi pa nabubuong sanggol noon ang nawala sa kanila ay nagpasya pa rin silang pagawan ito ng maliit na silid. Malapit iyon sa malawak na hardin ng bahay. Sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkawala nito sa sinapupunan ni Raya Fae ay hindi sila nakakalimot na alayan ito ng dasal at ipagtirik ng kandila.
"But if you're feeling sad, tell me. Nandito ako para damayan ka. Hindi ka nag-iisa, Raya. Don't endure the pain alone."
Tila naman hinaplos ang puso ni Raya.
"May konting lungkot kapag naiisip ko siya but believe me, I am already healed. At saka alam kong hindi ako nag-iisa. Thank you for being here beside me."
Muli namang pumulupot ang kamay ni Damielle Astin sa kanyang beywang.
"But you know what, kahit ilang anak ang magkaroon tayo, ayos lang sa'kin." Marahan nitong iniangat ang kanang kamay ni Raya at dinampian iyon ng magaang halik. "Basta ang importante, ikaw ang nanay ng mga anak ko. I love you, Raya."
Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang pagsilay ng ngiti sa tinuran at ginawa ng kanyang mister.
Matapos ang ikalawang kasal nila ng lalaki ay lalong naging masaya ang pagsasama nila. Lalong naging malambing sa kanya si Damielle Astin, hindi lamang sa salita kundi maging sa mga kilos nito.
"Thank you." Maluluha ang mga mata ni Raya Fae na nakatitig sa kanya. Nag-uumapaw ang ligaya sa kanyang puso. Minsan parang hindi na siya makapaniwala na nararanasan niya ang gano'ng uri ng pag-ibig.
Gumuhit naman ang gitla sa noo ng kanyang mister.
"Thank you talaga? Hindi ba pwedeng I love you too?"
Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi.
"Siyempre mahal din kita pero gusto ko lang mag-thank you."
"Para saan?"
"Para sa lahat ng ginawa mo para sa pamilya natin."
Marahang hinaplos ni Damielle Astin ang kanyang pisngi.
"Hindi mo kailangang magpasalamat. In fact, I should be the one saying thank you. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko, Raya. Nagawa kong maiwan ang magulong mundo dahil sa 'yo, dahil sa mga anak natin."
Tila naman lalong hinaplos ang puso ni Raya Fae sa narinig.
Nasa gano'n silang ayos nang marinig nila ang pagtikhim.
Awtomatiko silang napatingin roon. Bumungad sa kanila ang si Thano na may alanganing ngiti.
"Pasensya na sa istorbo, boss," napakamot ito ng kanyang batok bago nagpatuloy, "Nandito na po si Doctora."
Agad namang napunta ang tingin ni Raya Fae sa kanyang asawa.
"Doctora?"
Napangiwi naman si Damielle Astin. Tila ba mayroon itong sikreto na nabuko.
"Naprapraning kasi 'yang si boss ma'am."
Agad na bumaling si Damielle Astin sa kanyang tauhan. Pinanlakihan niya ito ng mata na tila nagsasabing tumigil ngunit hindi naman siya inintindi ni Thano.
"Kabuwanan mo na raw kasi ma'am kaya mas mabuting meron na raw naka-stand by na Doctor dito sa bahay. Naku ma'am, kung pwede nga lang na ilipat na dito 'yong hospital, baka ginawa na ni boss."
"Thano!" Saway naman sa kanya ni Damielle Astin.
"Tinulungan lang kita na masabi na sa kanya, boss. Baka mamaya, mag-LQ na naman kayo tapos magdrama ka na naman diyan."
Nakangiting napailing na lamang si Raya Fae.
"Ang daldal mo talaga, Thano." Inis nitong wika sa kanyang tauhan.
"Sige na, Thano."Sanlala ni Raya Fae. "Pakisabi na lang kay Doc na susunod kami."
"Copy, ma'am!" Sumaludo pa ang tauhan bago ito tuluyang nagmartsa palayo sa kanila.
Nang tuluyang makalayo si Thano ay saka naman hinarap ni Raya Fae ang kanyang mister.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon." Mahinahon niyang wika.
"Sorry, hindi ko lang maiwasan ang hindi mag-alala. Tama si Thano, kung pwede ko lang ilipat 'yong hospital dito, ginawa ko na. Baka kasi," tumigil ito na tila nag-aalangan, gumuhit din ang takot sa mga mata nito, "baka kasi bigla na lang may umatake sa 'tin at gawan kayo ng masama."
Napabungtong-hininga naman si Raya Fae. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit tig-dadalawa ng bodyguard ang mga anak nilang sina Devonne at Damon.
Hinaplos ni Raya Fae ang pisngi ng kanyang mister.
"Hindi mo kailangang mag-alala ng sobra. Tapos na ang gulo. Wala nang magtatangka sa 'tin. Hindi kami mapapahamak. Wala nang mapapahamak sa 'tin."
Totoo naman iyon. Tapos na ang gulo.
Iniwan na ni Damielle Astin ang Mafia. Tuluyan nang nabuwag ang Red Majesty. Gayunpaman ay nanatiling matatag ang kanilang samahan. Ang daan-daang tauhan ni Damielle Astin ay nanatili pa rin niyang tauhan. Hindi na nga lang de kalibreng baril ang hawak ng mga ito kundi ang produkto ng mga Villacorda. Matapos pasukin ni Damielle Astin ang can goods manufacturing ay wala na siyang ibang kinuhang tauhan kundi ang mga miyembro ng Red Majesty. Bukod sa factory worker, ang iba naman ay napunta sa produksyon ng mga isda na siyang prinoproseso nila upang gawing de lata.
Nanatili namang bodyguard si Thano. Kung nasa'n ang pamilya ay naroon siya. Tila ba isa na itong parte ng mga Villacorda na hindi maaaring mawala.
Sa kabilang panig, nanatili pa rin ang Black Cult. Ngunit hindi na bahagi ng Mafia si Rio Costor. Ang iilang bilang ng miyembro ng Black Cult na natira sa labanan ay nanatili sa organisasyon. May bagong pinuno ang humalinlin at muling pinatatag ang samahan ng Black Cult.
Wala nang kaugnayan sa kanila ang bagong pinuno kaya naman hindi na nila itinuturing na banta ang Mafia sa kanilang pamilya.
Nakakalungkot na hindi pa rin tapos ang illegal na gawain ng Black Cult ngunit ganoon naman talaga ang buhay, walang perpekto.
Ngunit para kay Raya Fae, wala na siyang mahihiling pa. Ramdam niya ang kapayapaan at kaligayahan sa piling ng kanyang mister.
"Well, you're right. Hindi na kayo magagalaw pa ni Rio. He already learned his lesson. Tama nga si Thano, nagiging praning lang ako."
Gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ni Raya Fae.
"Hiling ko lang sa kanya, sana maging masaya na rin siya sa buhay. Iyong makahanap siya ng pamilya na kukumpleto sa kanya."
"Tingin ko meron na, siya na daw ang tumatayong tatay sa kanyang pamangkin."
Sa tinurang iyon ni Damielle Astin ay unti-unti namang gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Raya Fae.
"Sayang lang dahil hindi nagawang makaligtas ni Milo. Utang natin ang buhay ng kambal sa kanya."
Hinaplos ni Damielle Astin ang pisngi ng kanyang misis.
Kung tutuusin, kung ginusto lamang ni Damielle Astin ay maaari niyang wakasan ang buhay ni Rio nang gabing iyon. Ngunit hindi, sa halip ay siya pa mismo ang nag-utos na dalhin sa hospital ang magkapatid na Costor. Iyon nga lang at hindi pinalad na makaligtas si Milo.
"Hey, don't be sad. Babawi tayo sa kabutihang nagawa ni Milo sa atin. Makikipag-ayos ako kay Rio. Tutulungan nating maibangon ang legal niyang negosyo. Para sa anak ni Milo."
"Sana nga tuluyan na kayong maging maayos ni Rio. Gusto ko ring mapalapit sa anak ni Milo. Kahit man lang sa simpleng bagay, matulungan natin siya."
Masasayang mga pahina, iyan ang nakikita ni Raya Fae na magiging kahihinatnan ng kanilang buhay.
Tuluyan magiging maayos sina Damielle Astin at Rio. Magiging magkaibigan ang mga Villacorda at Costor. Tuluyang mamayani ang kapayapaan.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
Habang magkahawak sila ng kamay. Wala siyang ibang nakikita kundi ang sinasabi sa mga kwento na happy ever after. Natitiyak niyang sa piling ni Damielle Astin at ang kanilang mga anak, ligaya ang kanyang matatamasa.
---The End---